CHAPTER 2
NAGPASYANG MAGPAALAM si Kirsten sa kaniyang mga kasama nang matapos ang event na iyon. Nakapagpaalam na rin siya kay Mr. Ralph Sy na sobrang nagpapasalamat sa kaniya. Ayon dito, siya raw ang Ace ng Philippines Heart Models kung saan siya nagtatrabaho. Hindi naman siya makaangal sa sinasabi nitong iyon dahil nauunahan siya ng hiya.
“Hindi k aba sasama sa amin?” tanong ni Bill sa kaniya. “May after-party tayo. Treat ni Mr. Sy sa atin dhail successful ang event.
Umiling siya habang nakangiti rito. “Hindi na. Alam kong pagod na ang ninang ko at gusto na noon magpahinga,” aniya saka kumaway pa sa kaibigan kasama ang iba pa nilang kasamahang modelo.
Nakabihis na siya. Croptop blouse, high waist pants na pinatungan niya ng coat. Ang buhok niya at ang make-up ay nasa ganoong ayos pa rin. Naisip niya na mamaya na lang niya iyon aalisin pagkauwi nila ng bahay. Humugot siya nang malalim na hininga nang maramdaman ang pagod.
Sa paglabas niya ng dressing room ay ganoon na lang ang gulat niya nang maabutan doon ang kaniyang nobyo na si Anthony. Naka-business suits ito na kulay puti habang nakatiklop hanggang sika. Ngumiti ito sa kaniya saka winagayway ang dala nitong bouquet of roses.
Napangiti siya saka kaagad na lumapit sa nobyo. “Hi!” bati niya rito.
“Congratulations. You deserve this,” ani Anthony saka inabot ang bulaklak na dala.
Natatawa naman niya iyong tinanggap saka inamoy. “Ang bango naman,” aniya saka lumapit sa nobyo. “Thank you.”
Kaagada na yumapos ang isang braso nito sa kaniyang baywang. “You’re welcome. I’m so proud of you,” bulong nito sa kaniyang kanang tainga dahilan upang makiliti siya.
Natawa siya sabay ilag dito. “Anthony naman…” Tumingin siya sa paligid. Baka kasi may makakita sa kanila. “Nasaan nga pala sila Ninang?”
“Nasa labas. Let’s go?” anito saka ito namismo ang nagpulupot ng isang braso sniya sa braso nito.
Naglakad sila palabas habang siya ay paminsan-minsang tinitingnan ang magagandang bulaklak at inaamoy iyon. Nang makabalas ng building ay naabutan nilang dalawa ang kaniyang Ninang at kasama nito ang kaibigan na si Britney. Kumaway pa ang huli sa kaniya.
Lumapit naman silang dalawa rito. Sinalubong siya ng yakap ng kaniyang Tita ninang na siyang kasama niya sa bahay at tumayong guardian niya mula nang mag-migrate ang mga magulang niya kasama ang mga kapatid niya sa Japan.
“Congratulations, my pumpkin,” ani ninang niya. Damang-dama niya ang higpit sa yakap nito sa kaniya. “Ang ganda-ganda mo roon sa stage. Grabe! Ibang-iba ang ganda mo sa lahat. Umaangat talaga!” Buong pagmamalaki nitong sabi nang bitiwan siya.
“Tama ka po diyan, tita. Sobrang ganda nitong kaibigan ko! Nakaka-proud!” ani Britney na tinapik pa ang kaniyang braso.
“Salamat sa inyo,” aniya. Sa totoo lang, damang-dama niya talaga ang suporta at pagiging proud ng mga ito. Kaya naman ngayon, sobrang saya niya. Hindi na siya makapaghintay na makauwi upang sabihin sa mga magulang niyang nasa Japan ang nangyari ngayong gabi.
“Nagpa-reserve ako sa isang restaurant para mag-dinner,” ani Anthony.
“Wow!” aniya. “Seryoso ba?” tanong niya kahit alam niyang hindi naman iyon imposible sa kaniyang nobyo.
“Oo naman! Kailangan natin i-celebrate ang bagong achievement mo na ito.” Ngumiti ito sa kaniya.
“Naks naman!” ani Britney saka ngumisi. “Saan mo ba kami dadalhin, ha?” tanong nito saka tumaas pa ang kilay.
“Hindi ka kasama,” ani Anthony. “Kami lang.”
Nanlaki ang mga mata ni Britney saka nagbunganga na. Hindi na lang niya iyon pinansin. Ganoon kasi talaga magbangayan ang dalawang iyon. Palibhasa ay parehas na Gemini. Magkaugali kaya naman hindi nagkaksundo sa mga bagay-bagay. Kahit na anong gawin niya sa mga ito para magkasundo, palagi siyang bigo.
Napailing na lang si Kirsten. Kumapit siya sa braso ng kaniyang ninang na nakangiti habang tinitingnan ang dalawa. “Ninang, halik na. Iwanan na lang natin ang dalawang iyan. Ang iingay!” aniya saka naunang sumakay sa kotse ni Anthony.
Nang makita sila ni Britney ay nagbelat pa sa nobyo niya bago sumakay sa loob katabi ng ninang niya. Si Kirsten naman ay sa shotgun nakaupo. Sumakay na rin si Anthony. Tahimik na ang dalawa nang makasakay silang lahat sa kotse.
Ganoon lang naman ang dalawa. Parang aso’t pusa. Hinahanayaan na lang niya dahil ayaw niyang ma-stress dahil lang sa mga ito. Ilang sandali pa ay nasa byahe na sila papunta sa restaurant kung saan sila kakain ng dinner. Sa ilang taon nilang magkasintahan ni Anthony ay hindi ito kailanman nabigo sa pag-surprise sa kaniya. Maliit o malaking bagay, lagi itong may pakulo.
Sobrang swerte nga raw niya rito dahil mabait at may respeto sa kaniya si Anthony. Alam niya ito at ramdam na ramdam din niyang mahal na mahal siya nito. Ngunit hindi niya maiaalis sa isip na tila may mayroon pang kulang. May hinahanapa siya sa hindi alam ni Kirsten kung ano.
Hindi rin niya matukoy kung sa mismong relasyon ba nila o ano. Imposibleng kay Anthony dahi ito ang prince charming ng buhay niya. Maraming naiinggit sa kaniya dahil ito ang nobyo niya. Marami din ang humahanga dahil bagay silang dalawa. Ngunit may bagay na hindi siya mapagtanto kung ano. Nais niya iyong alamin ngunit paano?
Nang gabi ngang iyon ay kumain sila sa isang fancy restaurant at sagot iyon ni Anthony. Iyon lang ay sapat na ngunit ang nobyo niya, may niregalo pa sa kaniyang relo. Bagay na alam niyang sobrang mamahalin. Ayaw nga niya sanang tanggapin iyon ngunit mapilit ito. Nang matapos ang hapunan ay hinatid sila nito. Sa kanila magpapalipas ng gabi si Britney dahil gusto nitong mag-bonding silang dalawa.
Super close dinkasi sila ni Britney ngunit hindi niya ito ma-consider as her bestfriend. Ayaw niya ng ganoong commitment sa kaibigan. Basta kaibigan niya ito, tapos ang usapan. Hindi naman kailangan ng label para masabing importante ang isang tao sa kaniya. Ito naman ang nakakaalam ng lahat ng hinaing niya sa mundo, ito rin ang hingian niya ng payo sa oras na kailangan niya. Ito ang takbuhan niya sa tuwing kailangan niya ng kaibigan.