Kabanata 14 - Shinigami "Anong ginagawa niyo rito?!" Isang malakas na boses ang bumungad sa kanila kasabay ang paglabas ng isang anino. Lumagpas ang ulo nito sa dulo ng pinto kaya hanggang leeg lang ang kita nila. Anino lang ang natatanaw nila dahil ang araw ay nasa likod nito. "S-Sino --" Hindi na natapos ni Kookie ang dapat na itatanong niya nang bigla na lang itong sumigaw ulit sa kanilang harapan. "Umalis na kayo rito! Hindi kayo nararapat sa lugar na ito," sigaw nito bago hinagis ang pinto. Halos mapatalon naman sila dahil sa lakas ng pagkakabagsak nito. Napapakamot na lang sila ng batok at nagkakatinginan dahil hindi nila alam ang gagawin. Hindi na rin maitago ang takot sa mga mukha nila dahil sa nasaksihan. "N-Nakakatakot! K-Kailangan pa ba natin talagang tapusin 'to? Ba