Kabanata 15 - Kishin Soul Reaper "Tama kayo... kasama kami sa mga inatake ng mga witches. Kumakain din kami ng mga kaluluwa pero dahil wala na ang mga tao rito ay wala na kaming magawa. Kaya namin kayo tinaboy noong una dahil ayaw namin na mapahamak kayo pero nagpumilit pa rin kayo. Sinubukan ninyo pang harapin ang reaper sa bundok," sabi nito sa kanila. Kahit nalaman na nila na mga Shinigami sila ay hindi sila ulit nakaramdam ng takot bagkus ay naawa pa sila sa mga ito. Ibig sabihin ay matagal na silang naninirahan dito nang wala man lang nakakain. "Bakit naman kami aalis dito?" sabi na lang ni V na nakatayo lang sa isang gilid at pinakikinggan ang usapan nila. Ngayon lang siya nagkaroon ng gana upang makipag-usap. "Ano naman ang ibig mong sabihin?" tanong naman ni Kookie sa hindi ka