Kabanata 13 - Cocoro Mountain "Kailangan ninyo na ba talagang umalis? Hindi pa ba pwedeng manatili muna kayo kahit isang araw na lang?" pagpupumilit ni Mike sa kanila. Ito na ang araw upang lakbayin ang susunod nilang destinasyon, ang Cocoro Mountain. Tapos na rin nilang tulungan ang lahat sa pag-aayos ng nasirang baryo ng Fahar kaya makakahinga na sila nang maluwag. "Gusto pa sana naming manatili at makipagsaya sa inyo pero marami pa kaming kailangan lakbayin," sabi ni Skip sa kanila. Napapakamot na lang siya ng batok dahil nahihiya rin siya sa mga tao rito ngunit wala siyang magagawa dahil sa misyon nila. "Titiyakin naming babalik kami kapag napagtagumpayan namin ang misyon na ito!" masiglang sabi ni Chanel sa kanila. Tinap na lang ni Skip ang ulo nito dahil ang lakas nga naman ka