Kabanata 12 - Paghaharap
Pepper Chua
Madilim ang paligid... ang tanging nakikita ko lang ay ang sarili ko. Nakalutang ako at... at walang saplot!
Gusto kong takpan ang katawan ko pero hindi ako makagalaw. Ano ba ang nangyayari sa 'kin?
Ang tanging naaalala ko lang ay nakikipaghabulan kami sa halimaw, tapos bigla na lang niya akong sinuntok! Wala namang masakit sa katawan ko ah? Hindi kaya... patay na ako? Pero hindi... may isa pa akong naaalala... si Taka!
"Pepper..." Isang mahinhin at malambing na tono ng boses ang narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses 'yon ni Taka!
"Taka?" tawag ko sa kaniya. Nilibot ko ang paningin ko at nakita siyang nakatayo sa malayo pero nakatalikod sa 'kin. "G-galit ka pa rin ba sa 'kin?" tanong ko.
Hindi ko man sigurado kung nagalit nga ba siya sa 'kin. Eh kasi naman! Ano ba ang pumasok sa utak ko at naisip kong siya ang kumuha ng gem?
Kumusta na rin kaya sila? Sana hindi maiwala ni Skip ang hiyas...
"Ito na ang itinakdang oras para sa 'yo, Pepper."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Ano ba ang ibig niyang sabihin? Ito na ang oras para sa 'kin? Ibig ba niyang sabihin ay ito na ang katapusan ko? Pero wala pa akong nagagawa!
"Kailangan na nating mapag-isa." And after saying that, humarap siya sa 'kin.
Nakatatakot ang itsura niya! Nanlilisik ang mga mata at matatalim ang mga ngipin. P-Parang hindi siya ang Taka na nakilala ko.
"A-Anong nangyari sa 'yo, Taka? H-Hindi! Hindi ikaw si Taka! Nasaan na siya!" Pagkasigaw ko niyon ay nakita kong lumungkot ang mukha niya.
Hindi ka dapat magtiwala sa isang 'yan, Pepper! Hindi pa natin sigurado kung sino siya. Tulad ng sabi ni Dwarfino, mag-ingat kami dahil hindi namin alam kung sino ang kakampi at kalaban... pero paano ako magtitiwala sa mga kasama ko kung wala sila rito?
"Sabi ko na nga ba... hindi mo ako matatanggap. Sana, hindi na lang ako nagpakita sa anyo kong ganito. Ako 'to Pepper, si Taka." Unti-unting nagbago ang itsura niya.
Nawala ang pagkakalisik ng mga mata at nawala ang matutulis na pangil niya. Siya nga si Taka!
Once again, hindi na naman ako nagtiwala sa kaniya...
"Patawad, Taka! Lagi na lang akong nagdadalawang-isip pagdating sa 'yo. Noong una, pinagkamalan kitang magnanakaw at ngayon... hindi ako naniwala sa 'yo," sabi ko, napayuko na lang at hindi makatingin sa mga mata niya.
Naramdaman ko ang pares ng kamay na pumulupot sa katawan ko. Mahigpit niya akong niyakap. Hinagod niya ang buhok ko at saka sinabihang ayos lang.
"Paanong magiging okay? Alam kong kahit hindi mo sabihin ay nasaktan ka! Alam kong may pakiramdam ka rin gaya namin kaya hindi ako naniniwalang okay lang!"
"Oo nasaktan nga ako pero ayos na sa 'kin ang lahat. Naisip kong... gagawin ko ang lahat para magtiwala ka sa 'kin simula ngayon, hindi ko sisirain ang tiwala mo," sabi niya.
Ang tagal naming magkayakap nang may mapagtanto na naman ako. Wala nga pala akong saplot!
Naitulak ko siya nang wala sa oras at tinakpan ang katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang tatakpan ko. Ang itaas ba o ang ibaba?
Narinig kong napatawa siya sa inakto ko. Nakakahiya!
"Huwag ka mahiya dahil kanina ko pa 'yan nakita at walang malisya sa aming mga tagapagtanggol ang mga ganiyang bagay," sabi niya habang nakangiti pero bigla rin itong nawala. "Kailangan natin magmadali, kailangan na mapag-isa ng ating mga kaluluwa."
Tumango naman ako dahil sa sinabi niya. Pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin naintindihan ang ibig sabihin ng mapag-isa. Ano ba 'ng dapat gawin?
In just a blinked of an eye ay nakita ko na rin siyang walang saplot.
What the!
Muli siyang lumapit sa 'kin at niyakap na naman ako, hindi tulad kanina ay hindi ako nag-freak out. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon! Parang may enerhiya na pumapasok sa katawan ko, parang kuryente!
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya at mas lalo kong naramdaman ang enerhiya. 'Yon na lang ang naalala ko hanggang sa mawalan ulit ako ng malay.
ISANG MALAKAS NA ilaw ang nakasilaw sa kanilang mga mata. Tila kombinasyon ito ng kulay pula at kulay asul.
Dinala na nila V at Skip ang mga dalaga sa mas ligtas na lugar dahil hindi sila nagtagumpay sa paghahanap kina Kookie at Pepper.
Nakatingin lang sila sa ilaw nang unti-unti itong nawala. Nakatulala lang ang halimaw at hindi na ito gumagalaw pero mukhang buhay pa ito.
Pagkatapos mawala ng ilaw ay lumapit agad sila. Malaki pa rin ang usok at ang tagal nitong mawala. Baka sina Kookie at Pepper na ito!
Bigla namang gumalaw ulit ang halimaw at lalong nagwala. Sunod-sunod na pagsuntok na naman ang ginawa nito sa buhanginan ngunit nagawa pa rin nila itong iwasan.
Sisirain na dapat nang tuluyan ng halimaw ang baryo ngunit sa isang iglap lang ay napatigil ito at nagpagewang-gewang na tila nahihilo.
Si Pepper! Iba na ang kasuotan niya at para itong may suot na armor. May hawak siyang mahabang samurai na pinanghiwa nito sa likod ng halimaw.
Nakanganga silang nanonood sa sunod na gagawin nila. Hindi pa nakatatayo nang ayos ang halimaw ay nahati na ito sa dalawa.
Si Kookie! Nag-iba na rin ang kasuotan niya at balot na balot na siya.
May hawak siyang Kusarigama. Ito ay karit sa isang kadena na may mabigat na iron weight sa dulo. Ito ang ginamit niya upang mahiwa ang halimaw.
Unti-unti naman naghingalo si Freya ngunit mukhang tutumba ito sa baryo ng Fahar.
"Leave it to me!" sigaw ni Chanel.
Hindi na siya napigilan ni Skip dahil nakatakbo na ito patungo sa halimaw. Hinipan niya ang likuran ng halimaw dahilan upang bumagsak ito sa kabilang banda imbis na sa baryo.
Nagsigawan ang lahat ng tao at akmang lalapitan ang halimaw ngunit pinigilan sila ni Skip. Siya na muna ang lumapit dito at sinigurado na hindi na ito makagagalaw pa.
Nagulat siya nang gumalaw ang ulo nito. Akala niya ay buhay pa ito ngunit unti-unti na itong natunaw at humalo sa buhangin ng disyerto.
Muling nagsigawan ang mga tao sa paligid nila.
"Patay na ang halimaw! Magiging payapa na ang pagtira natin dito!" sigaw ni Mang Jose.
Nagtatalon na rin ang iba dahil sa tuwa at dahil sa pagkamatay ng halimaw. Magiging payapa na ang paninirahan nila rito sa baryo.
Napatingin silang lahat sa kulay asul at pulang ilaw sa hindi kalayuan. Nang unti-unti itong nawala ay nakita nilang nakatayo sina Kookie at Pepper katabi sina Nakago at Taka.
"Woah! Astig! Ano ang nangyari?" tanong ni Mike sa kanila.
Namangha rin ang lahat sa nasaksihan nila. Nginitian lang sila ng apat at sina Nakago na ang nagpaliwanag ng nangyari.
"Ito talaga ang gamit naming mga pamilyar. Hindi kami ang lalaban kung hindi kami ang magiging instrumento ninyo!" sabi ni Taka sabay kindat sa kanila.
Tumango lang si Nakago sa sinabi niya at siya na ang nagpatuloy. "Ako ay isang Kusarigama, ibig sabihin hindi lang iyon lumabas nang basta-basta dahil gusto niya. Isa rin kaming Weapon!" mahinahong sambit nito.
"Ako naman ay isang armor na kayang maging iba't ibang kasuotan. Depende ito kung nasaan ang lugar na kinaroroonan natin. Kanina ay ang Desert suit ang armor na ginamit ni Pepper," sabi ni Taka.
"Pero bakit ang mga pamilyar lang nina Kookie at Pepper ang lumabas? Hindi ba may pamilyar din naman kami?" tanong ni Spice, tinutukoy ang sarili at si V na nasa tabi niya.
"Dahil hindi pa ito ang oras. Ang bawat pamilyar ay may itinakdang oras upang maging ganap na weapon. Once na maging ganap na kaming mga weapon ay maaari na kaming makipag-isa sa mga kinatawan. Dadaan kayo sa proseso na dinaanan nina Kookie ilang minuto lang ang nakalilipas," sabi naman ni Tatara.
"Pero mayroon din kaming limitasyon. Tulad ng mga tao ay may limitasyon din kami at napapagod kaya kapag nawalan na kami ng sapat na enerhiya ay babalik kami sa kasalukuyang anyo namin," sabi naman ni Tomite na kanina pa nakikinig sa kanila.
"Wow! Ngayon na-gets ko na. Hindi sila ang magtatanggol sa 'tin kapag nasa kapahamakan tayo kung hindi tayo lang din ang magliligtas sa mga sarili natin. Sila ang ating mga weapons!" sabi ni Kookie.
Tinapik lang ni Nakago ang balikat nito upang sabihin na tama siya.
Napaisip din ang iba sa natuklasan nila ngayon. Ibig sabihin ay marami pa silang kailangan matuklasan sa kanilang paglalakbay dahil hindi pa nila alam ang tunay na kakayahan nila.
Alam nila sa loob nilang hindi magtatagal ay malalaman din nila ang kanilang kakayahan... na tiyak na magpapabagsak kay Sitan.