Kabanata 17 - Mamiio Island "Maraming salamat! Marami na ang pumupunta ngayon sa lugar na ito dahil sa ginawa ninyo. Kung hindi dahil doon ay baka hanggang sa tumanda kami ng kapatid ko kami na lang ang titira dito," sabi ni Mayu habang malapad na nakangiti. "Walang anuman. Ito naman talaga ang ipinunta namin dito kaya hindi mo na kailangang magpasalamat. Basta simula ngayon ay sundin ninyo na kung ano talagang gusto ninyong gawin. Hindi iyong sinusunod ninyo kung ano ang sabihin ng iba," sabi ni Skip sa kanila. Matapos kasi ang pakikipagharap nila sa Kishin ay marami na ang pumunta rito. Isang linggo na rin kasi silang nananatili upang matiyak na wala na nga talaga ang Kishin. Noong una ay maraming hindi naniwala sa kanila ngunit may ilang sumubok para masigurado. Nang marating ng mg