Kabanata 21 - Facing the pirates Tatara Kasalukuyan kaming nakatayo habang nakatulalang nakatingin sa babaeng naguguluhan din sa mga nangyayari. Si V na ngayon ay nakahiga na sa sahig at walang malay, at kami namang nakatingin lang sa kaniya na parang naguguluhan. Sa tingin ko, ako lang ang nakakaintindi. "Tara na, ako na ang bahala kay Spice. Wala na tayong oras na dapat sayangin, hindi magtatagal ay magliliwanag na kaya magiging mas mahirap kung hindi natin bibilisan," sabi ko. Ginamit ko ang mga sanga ng puno upang iturok iyon kay Spice... dahilan upang mawalan siya ng malay panandalian. Wala kaming panahon para magkuwentuhan sa kung ano ang nangyayari at kung ano ang mayroon kay Spice. Sa ngayon, kailangan namin makaalis sa isla na ito. Hindi maganda kung mananatili kami rito.