Kabanata 5 - Army

1371 Words
Kabanata 5 - Army Pepper Chua "Ano'ng nangyari roon?" tanong ko. Bigla-bigla na lang kasing nagkakaganoon ang weird na Ilong na 'yon. Siguro kasi hindi niya nagawa 'yong pinapagawa kaya naiinggit siya. Natawa na lang ako dahil sa naisip ko. Napaka-isip-bata! Narinig ko rin naman ang mahinang pagtawa ni Carl. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "Pag-ibig nga naman," sabi niya sabay lakad palayo. Naiwan naman akong nakakunot ang noi dahil sa sinabi niya. May pinagdadaanan pa yata ang isang iyon. Napapailing na lang akong binaba ang arrow at bow sa lamesa at tiyaka bumalik sa cabin namin. Papahiga na sana ako sa kama ko nang marinig ko na naman na pinatatawag kami ni Mr. Sato. Tumayo na ako at lumabas ng cabin. Nakita ko naman sina Kookie, Spice, V at Pan na nandoon na kaya sa kanila ako tumabi. Hindi ko naman kakilala ang iba. Marami pa akong nakikitang kakaibang nilalang pero mukha naman silang mababait. "So, nandito kayong lahat dahil gusto kong masaksihan ninyo ang pagbabalik nila." Ang iba ay napakunot ang noo dahil sa sinabi niya, kasama na ako roon. Ang iba naman ay halos magtatalon sa tuwa gaya ni Spice. Si V naman ay nanlaki ang mga mata pero kalauna'y nakita ko rin ang pagngiti niya. "Nandito na sila galing sa mundo ng mga tao at napagpasyahan nilang bumalik sa Kampo Bathala. Pumasok na kayo!" utos niya sa mga lalaki. Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran namin. Nahati kami sa gitna nang dumaan sila. Pinagmasdan ko silang lahat at napansing may isang babae pala sa kanila pero boy-cut ang hairstyle kaya mapagkakamalan mo talagang lalaki rin. Matapos ko silang titigan ay tiyaka ko lang napansin at nalaman kung sino sila. "Army..." Nagkatinginan pa kami ni Kookie at sabay na binanggit 'yan. Nandito sila, ibig sabihin ay mga anak din sila ng diyos gaya namin. "Matagal na simula noong umalis sila rito sa Kampo Bathala para gawin ang misyon nila. And obviously, sila ang hinihintay ng mga nilalang na nandito!" bulalas ni Pan. "Sila ang nag-eensayo sa amin noon pero dahil sa misyon na pinagawa sa kanila ay kinailangan nilang umalis. Bata pa lang magkakasama na ang limang 'yan," sabi naman ni Spice. Napatango na lang kami. "Magandang araw sa inyong lahat, nagagalak akong makita kayong muli. Kumusta naman ang mga kaibigan ko?" tanong ni Skip, ang leader nilang lima. Napaawang ang bibig ko nang mapangiti siya. Parang may kamukha siya pero hindi ko naman matukoy kung sino. Ngayon ko lang kasi siya natitigan. Hindi ko naman pinapansin ang grupo nila noong nasa school kami. Naputol ang pagtitig ko kay Skip nang may kamay na humilamos ng mukha ko. "Mukhang tutulo na kasi 'yang laway mo. Pasalamat ka pa pinigilan ko." Tiningnan ko nang masama si Kookie dahil sa ginawa niya. Namumuro na ang isang ito sa 'kin ah! Kailan pa siya natutong gawin sa 'kin 'yon? Hindi ko na lang pinansin at pinakinggan na lang sila. "Dahil nandito na kami ay babalik na ulit ang mag-eensayo sa inyo." Marami naman ang sumigaw dahil sa sinabi niya na iyon. "Pero, hindi tulad noon ay magiging mahigpit na kami sa inyo." Bigla namang bumigat at sumeryoso ang paligid. Pinabalik kami sa kaniya-kaniya naming cabin pero pinigilan kami ni Mr. Sato. Lima kami ngayong nakaharap sa kaniya kasama ang Army. Ako, si Kookie, Spice, V at Pan. "Gusto kong makilala ninyo ang isa't isa," panimula ni Mr. Sato. "This is Army. Alex, Skip, Kyle, Steve at ang nag-iisang babaeng si Alexis." Ngayon ko lang sila nakita sa malapitan kaya nakita ko kung gaano kaganda si Alexis. Magkahawig sila ni Alex. "These are Kookie and Pepper. I bet kilala ninyo na sina Spice at V. Army, they are the chosen ones." Nakita kong napangiti silang lima pero medyo may hindi ako naintindihan tungkol doon sa 'The chosen ones'. Ano pa ba ang hindi ko nalalaman? "It's nice to meet you. I'm Skip and I'm the leader." Nginitian naman niya ako at hinalikan ang likod ng palad ko. Sa tingin ko ay namula ako dahil sa ginawa niya pero may humawi lang nito. "It's also nice to meet you, bro!" Napabuntong-hininga na lang ako para maiwasan ang pagka-init ng ulo ko sa Ilong na 'to. Kahit kailan panira, gumaganti na ba siya sa 'kin? Nagtitigan silang dalawa at para bang may kuryenteng dumadaloy sa mga mata nila. Ngumiti naman si Skip sa kaniya pero si Kookie ay seryoso pa rin. "Sila ang magtuturo sa inyong apat sa mga susunod na araw. Tulad ng sabi nila kanina, hindi na gaya noon ang pag-eensayo pero bibigyan namin kayo ng panahon para makapagpahinga," sabi ni Mr. Sato bago umalis. "So, guys, can we start our training now?" tanong ni Skip habang nakatingin... sa 'kin? Well, baka guni-guni ko lang naman 'yon. Skip Stilt I'm currently looking at her. Kamukha niya talaga, hindi ako pwedeng magkamali. Puwedeng siya nga si Chanel, pero ang nakapagtataka lang ay ang laki ng pinagbago niya. Hindi tulad dati na ang jolly niya. Ang mas nakakatuwa ay ang pagiging clingy niya at mataray kapag may lalapit na iba sa 'kin lalo na kapag babae. Hindi na kasi iyon ang nakikita ko sa kaniya. Ang seryoso na niya at mukhang hindi na niya ako kilala. Ano kaya ang pwedeng nangyari noon? Kung hindi man siya ang Chanel na hinahanap ko, sana ayos lang ang lagay niya. Pinagpatuloy lang namin ang pag-eensayo namin sa kanila. Sa tingin ko, alam naman nila kung bakit kailangang ganito ang pag-eensayo sa kanila. Nagsisimula nang kumilos si Sitan at may isang syudad na siyang nasakop. Tanging silang apat lang ang makatutulong sa mga taong iyon. Ang lason na pinapainom ni Sitan sa mga tao ay hindi karaniwan. Nawawala sa katinuan ang mga katawan nila dahil kinokolekta niya ang mga kaluluwa at inilalagay sa isang tagong lugar. Hindi ko pa alam kung ano ang itsura ng lugar na iyon pero nakatitiyak akong malalagay sa panganib ang sinumang magtatangkang pumunta roon. Si Kookie, una ko pa lang siyang makita ay ramdam ko na ang kapangyarihang nananalaytay sa kaniya. Ang kapangyarihan niyang nakatago pa rin sa Seal. Ang Seal ay isang kulay asul na apoy sa loob ng katawan ng mga tulad namin. Kulay asul ito kapag hindi ka pa aware sa kung sino ka pero nagiging kulay dilaw o orange kapag naliwanagan ka na. Hindi madaling palitan ang kulay nito dahil parang tao lang ang Seal, nararamdaman niya kung para ba talaga sa taong iyon ang ibibigay nitong enerhiya. Ibig sabihin, ang bawat Seal ay naglalaman ng enerhiya na may iba't ibang kakayahan. Nailabas ko na rin ang kapangyarihan ko pero hindi gaya nila ay mahina lamang ito. Alam kong darating ang panahon at maliliwanagan din sila at magiging mas malakas. Kaya nga sila ang pinili ng mga diyos, dahil na rin sa may tiwala sila sa kanila. Kung ikukumpara kami sa kanila ay wala pa sa kalahati ng kapangyarihan namin ang kayang ilabas ng Seal nila. Lalo na si Kookie. Kailangan niya matutong kontrolin ang emosyon niya dahil iyon ang magpapahamak sa kaniya. Lalo na ngayon at komplikado pa rin ang lahat. "Kookie, ayos ka lang ba?" tanong ni Spice kay Kookie habang nakahiga ito sa lupa. Kalaban niya si Kyle na ngayon ay palapit na sa kaniya. Kahit kailan walang-awa ang isang ito sa pakikipaglaban. "Okay ka lang ba, Kookie? Pasensiya na, hindi ko kasi talaga mapigilan ang sarili ko kapag hawak ko ang bagay na ito," ani Kyle. Inalok nito ang kaniyang kamay na tinanggap naman ni Kookie. "Ayos lang ako. Ang galing mo! Gusto ko pa matuto mula sa 'yo," sabi nito. Nagsimula naman ang iba pa sa pag-eensayo. Si Alexis ang nakatoka kina Pepper at Spice na gumamit ng bow at arrow. Hindi ko na naman maiwasan ang mapatingin sa kaniya. Nakikita ko talaga si Chanel sa kaniya, na-mimiss ko na siya. Gusto ko na ulit siya makita, mahawakan at mayakap. Kung paano tumayo at hawakan ni Pepper ang bow at arrow, ganoon na ganoon din si Chanel. Hindi kaya tama ang hinala ko na siya si Chanel? Ang nag-iisang babaeng minahal ko sa tanang buhay ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD