Kabanata 6 - Warriors

2003 Words
Kabanata 6 - Warriors Kookie Jeon Limang minuto lang ang naging pahinga namin kanina bago bumalik sa pakikipagbakbakan. Si Kyle, nakuha ko na ang kahinaan niya kaya natalo ko siya kanina pero ang nakakainis ay noong si Skip na ang nakalaban ko. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya at simula pa lang ay trip na niya akong asarin. Nandito na kami nina Spice, Pepper at V sa cabin ni Mr. Sato. "Buti naman at nakapunta kayo. Gusto ko lang ibigay sa inyo kung ano ang nararapat na sa inyo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "V, ikaw ang kinatawan ni Karen at ito ang iyong warrior," sabi niya sabay abot ng isang kulay berdeng bato. "Warrior? Hindi ba..." Hindi na niya natapos ang pagsasalita dahil bigla na lang itong umilaw. Kulay berde rin ang kulay nito. Bigla namang may mga nilalang na lumabas sa bato kaya automatikong nanlaki ang mga mata namin. "Silang pito ang tagapagbantay ng Karen, ito na ang pagkakataon mo upang pumili sa kanilang pito," sabi ni Mr. Sato. Seryoso lang ang mga mukha ng mga tagapagbantay at mayroon silang kakaibang mga kasuotan. Para iyong telang pinagtagpi-tagpi para matakpan ang kanilang mga katawan. Ang mga kulay ng mga mata nila ay kakaiba rin. Parang ang gandang titigan dahil kumikinang iyon kahit madilim. "Nakapagdesisyon na ako." Napatingin naman kami kay V dahil sa sinabi niya. "Ikaw!" sabi niya sabay turo sa lalaking may mahaba at kulay itim na buhok. May mga halaman siyang nilabas sa kamay niya. "Siya si Tatara at halaman ang kapangyarihan niya. May kakayahan itong gumamot ng kahit anong sugat at halaman din ang sandata niya. Siya ang iyong tagapagbantay." May kinuha ulit si Mr. Sato na bato at binigay kay Spice. "Ikaw Spice, ang kinatawan ng Max." Muling umilaw ang bato na ngayon ay kulay dilaw. Tulad kanina ay may pitong mga tagapagbantay ang lumabas. Mga seryoso rin ang mga mukha nila na nakatingin kay Spice. Tahimik lang kaming apat sa tabi at hinihintay ang pagkakataon namin. Bumalik na ang mga tagapagbantay ng Karen at si Tatara na lang ang natira. "Siya ang napili ko." May halong pagkamangha sa tono ng boses ni Spice. Nakasando lamang ito kaya naman sa tingin ko ay ito ang unang nakabighani kay Spice. Kulay abo naman ang maikli niyang buhok. "Siya si Tomite, ang tagapagbantay ng Max. Bow at Arrow ang kaniyang ginagamit sa pakikipaglaban." Muli namang bumalik ang iba sa bato, pagkatapos ay lumapit si Tomite kay Spice. Kinuha ulit nito ang kulay pulang bato at binigay kay Pepper. "Ikaw naman Pepper, ang kinatawan ng Fou Lafine. Sila ang pito mong tagapagbantay," sabi ni Mr. Sato. Lumabas ulit ang pitong tagapagbantay. "Ikaw." Sabay turo sa matipunong lalaki. Matangkad itong lalaki at may buntot na mahabang buhok sa likod ng ulo. May bangs ito hindi gaya n'ong iba. "Siya si Taka." So, Taka pala ang pangalan niya. "Siya ang iyong tagapagbantay. Martial arts ang paraan niya ng pakikipaglaban." Lumapit na ito kay Pepper pero inunahan ko siya at tinaasan ng kilay. Sinigurado kong hindi iyon makikita ni Pepper. Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ni Pepper at hinalikan ito. Nakita kong ngumisi siya at tiningnan si Pepper na ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa nangyari. "It's so nice to meet you, Pepper. Ang kinatawan ng Fou Lafine," sabi nito. Ngumiti naman si Pepper sa kaniya at medyo nag-blush. Napasinghal na lang ako at iniwas ang tingin. Saktong napadaan ito kay Mr. Sato na nakatingin sa 'kin nang seryoso. Kinuha na niya ang kulay bughaw na bato at ibinigay sa 'kin. "Ikaw, Kookie, ang kinatawan ng Raidou." Umilaw ang bato at lumabas ang mga tagapagbantay. "Siya." Sabay turo sa lalaking may kulay dilaw na buhok. Mahaba din iyon gaya ni Tatara na pamilyar ni V. May piercing siya sa pareho niyang tainga na kulay asul. "Siya si Nakago, fire balls and blasts ang kapangyarihan niya. He can create strong energy kahit kailan niya gustuhin. He is one of Raidou's warriors," sabi ni Mr. Sato. Lumapit sa 'kin si Nakago at walang imik na tumabi. Tahimik lang yata talaga siya kaya masasanay rin ako. Hindi rin naman ako palakuwentong tao, tanging si Spice lang ang nakaka-kuwentuhan ko nang matino. "Ngayong kompleto na ang inyong mga tagapagbantay ay hinahayaan ko kayong gawin ang lahat ng gusto ninyo bukas. Ngunit, huwag iwawaksi sa inyong isip na kailangan ninyong magsanay. Nagsisimula na siyang kumilos, hindi natin alam kung sino, ano at ilan ang makakalaban natin kaya kailangan ninyong maging handa." Pagkatapos ng pagpili ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming cabins. Makakasama ko na itong si Nakago pero napapaisip pa rin ako. Ano na kaya ang ginagawa nina Pepper at ng hambog na lalaking 'yon? Isipin ko pa lang na magkasama sila ay umiinit na ang dugo ko. "Wala silang gagawin. Ang mga kinatawan ay kailangang maging malinis hanggang sa matapos ang misyon na ito." Napanganga naman ako sa sinabi niya at napabuntong-hininga. "Madali kong nababasa ang isip mo. Kailangan mo 'yang matutunang maitago bago malaman ng lahat, isa iyan sa ipinagbabawal. Ang mahalin ang isa sa mga kinatawan." Napayuko ako sa sinabi niya. "Ibig mo bang sabihin, kailangan ko siyang kalimutan?" tanong ko sa kaniya. Gusto ko malinawan sa mga bagay na gaya nito. "Hindi iyon ang nais kong ipahiwatig. Kailangan mo itago ang nararamdaman mo dahil maaari itong gamitin laban sa 'yo." Tinanggal niya ang isang pares ng hikaw niya at iniabot sa 'kin. "Tanggapin mo ito. Makakatulong ito para hindi madaling mabasa ang isip at puso mo." Tinanggap ko naman iyon at tiningnan. Kulay dilaw ang ilaw nito. Hindi ganoon kaliwanag pero sapat lang para bahagya akong masilaw. "Talaga bang makakatulong ito?" tanong ko. Tango lang ang natanggap ko mula sa kaniya. Binalik ko ang atensyon sa hikaw. Sana nga makatulong ito hindi lang sa pagtago kung hindi sa pagpigil ng nararamdaman ko. "Kailangan mo nang magpahinga dahil maaga tayong maglalakbay bukas. Kailangan nating mag-ensayo," sabi nito. Nahiga na siya pero hindi namin pinatay ang lampara na nagsisilbing ilaw sa cabin namin. Tinitingnan ko lang ang hikaw na binigay sa 'kin ni Nakago. Ayokong itago ang nararamdaman ko dahil ayokong kimkimin 'to. Mas mahirap kasi 'yon. Pumikit na ako ulit at hinayaan na ito. May iba pang mas mahalagang bagay akong gagawin, gusto kong malaman ang lahat. Kailangan kong tanggapin kung ano ang nakatadhana sa 'kin. KINABUKASAN AY MAAGA kaming gumising. Hindi ko na nakita 'yong iba dahil kanina pa raw sila nakaalis at nagpunta na sa kani-kanilang mga lugar kung saan sila mag-eensayo. Napagdesisyonan naming sa ilog malapit sa kweba na lang. Kung sa malapit na bundok kasi kami ay tiyak na guguho ang mga ito dahil na rin sa kapangyarihang mayroon siya. Minsan talaga nakakatakot sila lalo na kapag nagalit. Pero ayon naman sa kanila, hindi sila madaling magalit dahil nature na nila 'yon, ang pagiging kalmado sa lahat ng oras. "Magsisimula muna tayo sa basic, kailangan muna natin pakalmahin ang sarili mo. Alam kong maraming bumabagabag sa 'yo kaya naman kailangan mo muna ialis ang nasa isip mo, pero mas ayos kung kaya mo itong kontrolin," sabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. "Kailangan mong malaman kung kailan mo dapat ilabas 'yang nararamdaman mo, mapagalit man 'yan o pagmamahal. Kailangan malaman mo kung kailan mo lang dapat pairalin ang bagay na 'yan," aniya. Napatango ako sa sinabi niya. Nakuha ko na ang gusto niyang sabihin. Pinaupo niya ako sa isang bato sa ilog. Ang sarap ng hangin dito. Nakaka-relax! "Ano ang gagawin ko rito?" tanong ko. Nakaupo kasi siya sa harap ko at may ginagawang parang ritwal. May nakikita rin akong kakaibang kulay sa paligid ng katawan niya. Kulay asul ito na parang pinalilibutan ang kabuoan niya. "Ipikit mo lang ang mga mata mo. Gagamitin ko ang kapangyarihan ko para magising ang sarili mong kapangyarihan. Alam kong hindi magiging madali ang bagay na 'to pero nais kong simulan na para magamit natin kung kailangan." Sinunod ko na lang ang gusto niyang gawin. Susundin ko na lang siya para hindi na rin ako mahirapan. Kailangan ko talaga ng tulong niya para sa bagay na 'to. Gusto ko rin kasing malaman. Pepper Chua "Ano ang gagawin natin dito?" tanong ko kay Taka. "Dito sa gubat ko napiling mag-ensayo. Gusto kong matutunan mo rin kung paano iligtas ang sarili mo kahit na nandito naman ako lagi sa tabi mo." Muntik na akong mapairap nang kindatan niya ako. Napaka-chick boy naman ng isang ito, buti pa si Koo -- don't say bad words! "So, ano naman ituturo mo sa 'kin?" tanong ko sa kaniya. Hinawakan niya ang baba niya at umaktong nag-iisip. "Gusto kitang tanungin kung gusto mo bang matuto ng martial arts o may iba ka pang gustong malaman?" tanong niya. Nag-isip naman ako agad kung ano ang gusto kong gawin. Nang mga nakaraan ay mas natutok ako sa bow and arrow, bakit hindi ko subukan ang martial arts? "Well, martial arts. Gusto ko matuto pero kaya mo bang gawin ang iba pang bagay?" tanong ko. "Oo naman, martial arts lang ang specialty ko pero hindi ko pa rin nakakalimutan i-ensayo ang iba pang uri ng pakikipaglaban," sabi niya. Tumango ako sa kaniya at nagsimula na. Pinakita niya sa 'kin ang basic niya na pagsipa na humati sa isa sa mga puno rito. Sinubukan ko ang ginawa niya pero ako lang ang nasaktan. "Ganito ang gawin natin, umpisahan natin sa basic para sa 'yo. Kailangan matutunan mo kung paano ilabas ang enerhiya sa katawan mo," sabi niya. Pinaupo niya ako sa ilalim ng isang puno dahil kailangan ko raw mag-relax. Nakapikit din siya at nakaupo sa harap ko, may kulay pulang bumabalot sa katawan niya. Pumikit na lang ulit ako at pinakinggan ang mga huni ng ibon. Nakaka-relax nga ang ganito, para akong nasa spa ngayon. Inilalagay ko ang enerhiya ko sa aking kamay, pagkatapos kong gawin iyon ay sinubukan ko rin itong tipunin sa aking paa. Mas maganda raw itong paraan upang magawa ko ang tulad ng ginawa niya na paghati sa mga puno. Kailangan ko lang tanggalin ang mga bagay sa isip ko ngayon na sa tingin ko ay hindi makatutulong. KASALUKUYANG NAG-EENSAYO ang apat na mga kinatawan para sa mga pagsubok na haharapin nila. Sa kabila naman niyon ay mga kaluluwang nagmamakaawa. Nagmamakaawa na bumalik sa kani-kanilang mga katawan. Mga inosenteng taong kinokontrol ng isang walang pusong nilalang. Sa lugar kung saan mahirap matagpuan ay mga katawang iniwan ng kanilang mga kaluluwa, ang gumagala at naghahanap ng mabibiktima. Para silang mga patay ngunit gumagalaw. Tila may sariling mga utak ang katawan. Ang Kiseor, o ang lugar kung saan napupunta ang mga naliligaw na kaluluwa ay nagwawala ang mga ito sa kulungan dahil sakit ang nararanasan nila habang malayo sila sa pisikal na katawan. Ang tanging makapagpapabalik lang sa kanila ay ang pagbubukas ng cage kung saan nananatili ang mga kaluluwa. Mahirap mabuksan ang lugar na ito. Dagdag pa ang maraming pagsubok na kailangang daanan tulad na lang ng River of fire, kung saan marami na ang mga kaluluwang namatay at hindi na makababalik pa sa mga katawan nila. Habang ang katawan naman na nasa loob ng cage ay kontrolado ni Sitan. Kung simpleng tao ka ay madali niyang makukuha ang gusto niya at madali ka na lang niyang makokontrol. Samantala, mapipigilan naman ang pagkontrol sa iyo kung malakas ang pakiramdam mo o kung may enerhiyang bumabalot sa katawan mo upang panatilihin ang iyong katinuan. Sa kaso ng mga tao ay wala silang sapat na kakayahan kaya madali silang nakokontrol. Ano kaya ang mga pagsubok ang naghihintay sa kanila? Mapagtatagumpayan kaya nila ang paglabas ng tunay nilang kakayahan at kapangyarihan sa maikling panahon lamang? Mananatili ba silang matatag hanggang sa huli? At ano kaya ang sikretong malalaman nila tungkol sa pagkatao ni Sitan na matagal nang hindi nagpapakita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD