"But hiding away my true self is fading! Even knowing the truth won't unravel."
Kabanata 9 - Unravel
Sinukbit ni Pepper ang bag na kailangan niyang dalhin sa paglalakbay. Handa na at naghihintay na rin ang iba pa sa labas.
Tila takot at kaba ang nararamdaman ng lahat ngunit nangingibabaw pa rin ang lungkot lalo na para kay Alexis.
Kanina lang kasi ibinaon ang abo ng kaniyang kakambal. Ang dami na niyang naiyak kanina kaya siguro tumigil na rin siya. Tanging hikbi na lamang ang kumakawala sa bibig niya.
"Magsihanda na kayo!" anunsyo ni Mr. Sato. "Parating na ang mga Direhorses upang ihatid kayo sa kinaroroonan ng mga Viperwolf! Kailangang makarating kayo sa Fahar bago lumubog ang araw. Pagsapit ng alas dose ng madaling araw... walang makakaalam kung ano ang pwedeng mangyari habang kayo'y naglalakbay."
Ang Direhorses ay tawag sa mga kabayong may mahahabang leeg pero maliliit lamang ang ulo. Mas mabilis sila kaysa karaniwang kabayo kaya makatutulong ito upang mabilis silang makapunta sa kinaroroonan ng mga Viperwolf.
Ito naman ay isang mabangis na hayop ngunit hindi siya nananakit ng tao. Malakas ang pakiramdam nila at mas mabilis kumpara sa mga Direhorse. Matutulis ang mga pangil at kuko. Mga hayop sila na tanging sa disyerto lamang nabubuhay.
Sumakay naman na sila sa kani-kanila mga Direhorses. Dalawang tao sa isang direhorse dahil kasya naman sila. Mas maliit ang Viperwolf kaya kakailanganin nilang sumakay tig-isa-isa.
Tahimik na sumakay si Taka sa Direhorse nila. Akala ni Pepper ay hahayaan na lang siya nito pero nagkamali siya! Inabot nito ang kaniyang kamay upang alalayan sa pag-akyat. May kataasan din ito para sa height ni Pepper.
Nakangiti niya itong tinanggap at sumakay. Nasa harap siya ni Taka kaya para na ring nakayakap sa kaniya ang binata.
Naramdaman ni Pepper ang pag-init ng pisngi niya dahilan para mapayuko ito.
Mahigpit na nahawakan naman ni Kookie ang taling nagkokonekta sa Direhorse at sa warrior niya.
"May problema ba, Kookie? Sa tingin ko ay kailangan mo na isuot ito." Inabot naman ni Nakago ang hikaw na naiwan ni Kookie kanina dahil sa pagmamadali.
Napayuko na lamang siya at hinayaan ito.
Ikinabit na ng mga warriors ang tali sa likod ng buhok at ang tali sa Direhorse upang makontrol niya ang paggalaw nito.
Hindi gaya ng sa kabayo na kailangan mo lang hilahin ang tali, ang Warrior at Direhorse ay kailangang maging isa. Ang buhok ng mga warriors ay kailangan nakakonekta sa buhok ng mga Direhorses.
Sumakay na rin silang lahat, limang direhorse para sa sampung maglalakbay.
"Mag-iingat kayong lahat..." Ngumiti nang bahagya si Alexis.
Kahit papaano ay nais niyang ipakita sa lahat na magiging ayos rin siya kahit na wala sila sa tabi nito upang damayan. Si Pepper, may kapatid siya kaya alam niya ang pakiramdam kung gaano kasakit ang nangyari sa kaniya.
"Leader! Mag-iingat ka at saka 'wag ka mag-alala dahil ako ang bahala sa grupo hangga't naglalakbay kayo, " nakangiting sabi ni Kyle.
Tinapik lang ni Steve si Skip sa balikat.
"Goobye sa inyong lahat! Nae-excite na ako sa puwedeng mangyari. Ano kaya ang mga makikita natin habang naglalakbay? Pwede tayo makakita ng aswang o kaya naman ng zombie! Yikes!" bulalas ni Chanel.
Napailing na lang sila sa kadaldalan nito at sumakay na rin.
Napapangiti na lang si Skip habang pinagmamasdan siya, na-mimiss niya ang ganito. Malapit sa kaniya ang taong mahal niya, nahahawakan at nakakausap. Ilang taon na rin siyang nangulila rito at sobra siyang nasabik nang makita ito.
Ngunit tulad ng inaasahan ay nawalan ito ng ala-ala nang dahil sa nakaraan. Paano nga ba niya makakalimutan ang masaklap na pangyayaring iyon na halos buong pamilya niya ang namatay?
Dahil sa kagagawan ni Sitan! Ang masamang nilalang na 'yon, walang sinasanto kung pumatay. Basta bumabalakid sa kaniyang plano, walang pagdadalawang-isip na pinapatay lalo na ang mga walang kalaban-laban!
Mahigpit na nahawakan ni Skip ang taling kumukonekta sa Direhorse at kay Chanel. Siya ang kokontrol ngunit si Chanel ang makikipag-isa.
Naramdaman ni Chanel ang higpit ng hawak ni Skip sa tali kaya naman hinawakan niya ito. Automatikong kumalma ang sistema ng binata dahil sa ginawa niya. Nginitian niya ito at sinabihang ayos lamang siya.
Hindi maintindihan ng dalaga ang nangyayari sa kaniya! Ngayon ay parang tambourine na pinapalo ang kaniyang dibdib dahil sa... kaba? Siguro. Kinakabahan siya sa nalalapit na pakikipagharap sa halimaw sa disyerto ng Fahar.
Matagal na itong nanggugulo sa bayan ng Fahar at tiyak silang kagagawan ito ni Sitan. Natatakot na ang ilang taong nakatira dito ngunit wala silang magawa kun'di ang magtago.
Natatakot sila sa halimaw. Ngunit wala silang magagawa kun'di ang tiisin ito. Wala silang ibang matutuluyan kung aalis sila sa baryo nila. Ang tangi na lang nilang hinihintay ay isang milagro.
Pagkarating nina Skip sa halos isang oras na paglalakbay ay natanaw na nila ang tirahan ng mga Viperwolf.
Nilapitan ni Skip ang namamahala at nag-aalaga sa mga Viperwolf upang makipagkilala.
Isang matandang may mahabang balbas at may bigote ang lumabas sa isang maliit na bahay na nakasimangot at mukhang masungit. Tulad ng bahay ay maliit lamang din ang matanda. May hawak itong tukod na parang anumang oras ay mababali dahil sa nipis, dagdag pa ang bigat ng matanda.
"Magandang hapon po sa inyo, Dwarfino. Ako po si Skip, ang pinuno ng Army. Kami po ang ipinadala ni Mr. Sato rito at sila ang mga kasama kong sina Kookie, Pepper, Spice, V at Chanel," pagpapakilala nito habang tinuturo sila isa-isa. "Sa tingin ko po ay alam ninyo na kung bakit kami nandito."
Tumango ang matanda bago siya magsalita. "Magandang hapon at nagagalak akong makilala kayo sa wakas," sabi nito.
Mukha namang mabait ang matanda ngunit hindi lang marunong ngumiti sa ibang tao kaya nagmumukhang masungit.
Inilagay niya ang daliri sa bibig at pumito, isang malakas na tunog ang nilikha niyon. Para bang mga kabayong naghahabulan at nasa karera ang paglapit ng mga Viperwolves. Ang lalakas ng kalampag ng mga paa nila!
Sa isang iglap lang ay nasa harap na nila ang anim na Viperwolf. Umuungol ang mga ito na para bang kahit anong oras ay lalapain na sila.
Napahawak na lang si Spice sa katabi na si V kaya hinawakan niya ito. Hindi na pinansin ni Spice iyon dahil sa nararamdamang takot sa mga oras na iyon.
"Sila ang magiging transportasyon ninyo papunta sa baryo ng Fahar... once na yakapin ninyo ang isa sa kanila ay magiging pag-aari ninyo na ito," sabi ni Dwarfino.
Hinawakan niya isa-isa ang mga ito at may umilaw na bagay sa kamay niya. Kulay berde iyon at parang mahika ang ginagawa niya.
Alam ni Chanel kung paano gawin ang mahika na ito kaya alam niya kung ano ang ginagawa ng matanda. Pinapasahan ito ng enerhiya ni Dwarfino upang mapaamo ito.
Once na yakapin sila ay depende pa rin kung magugustuhan ba sila nito. Magwawala ito kapag ayaw nila sa yumakap sa kanila at magiging maamo naman kung nagustuhan.
Naunang lumapit si Kookie sa isang Viperwolf. Pagkalapit niya ay niyakap niya ito agad. Nagulat naman ang lahat sa inakto ng Viperwolf. Nagwala ito at inakmaan ang binata kaya naman napaatras na lang siya.
Patuloy pa rin sa pagwawala ang Viperwolf. Nilapitan ito ni Pepper at niyakap, muling nagulat ang lahat sa nangyari. Napangiti na lang si Skip dahil sa nakita.
"Nagustuhan siya ng Viperwolf. Sa tingin ko ay ayaw sa 'yo nito, Kookie. 'Wag ka mag-alala, marami pa naman ang nakareserba para sa 'yo," sabi ni Skip sabay tapik sa balikat ng lalaki.
Huminga siya nang malalim upang matanggal ang kaba niya dahil sa inakto ng niyakap. Feeling niya ay kakagatin siya nito nang magwala kanina!
Lumapit na rin ang iba sa kani-kanilang mga Viperwolf.
Kusang lumapit ang isa sa mga ito kay Kookie at dinilaan ang paa ng binata.
Napangiti siya dahil sa wakas ay may nagkagusto sa kaniyang lumapit.
"Mukhang nagustuhan ka nito! Swerte mo, ikaw pa ang nilapitan," sabi ni Spice sabay tawa rito. Nakasakay na rin siya sa napili niyang Viperwolf.
"Akala ko ay maiiwan pa ako sa paglalakbay!" Bumuntong-hininga pa si Kookie. "Hi there, Viper, let's go!" masayang sabi niya sabay sakay sa Viperwolf niya.
"Hindi naman daw kasi kagusto-gusto ang itsura mo kaya inatake ka nitong isa! Tanging ikaw lang ang inayawan ng isa rito," pang-aasar ni Pepper sa kaniya.
Tinawanan siya ng iba pero nagulat siya nang magsalita pabalik si Kookie.
"Hindi kagusto-gusto? Kaya pala pati ikaw ay nahulog sa karisma ko, tama ba?" Tinaasan pa niya ng kilay ang babae.
Namula siya dahil sa sinabi nito. Iniwas na lamang niya ang tingin at hindi pinansin ang tinuran ng binata. Bigla siyang nahiya dahil nagsalita pa siya.
"Mag-iingat kayong lahat! Hindi basta-basta ang mga makikilala at makikita ninyo sa inyong paglalakbay. Kailangang magtiwala kayo sa isa't isa!" paalala ni Dwarfino bago sila nagpaalam.
Malapit na rin mag-alas dose kaya kailangan nila magmadali. Maraming mga nilalang na maaaring makalapit sa kanila at pigilan sila sa pagpunta ng Fahar.
Halos isang oras din ang nilakbay nila hanggang sa matanaw nila ang isang baryo. Pagod na pagod silang bumaba ng Viperwolves kasabay ng pagtahol ng mga ito.
Dinilaan ulit sila ng mga ito at sabay-sabay na tumakbo papaalis.
Muli silang tumingin sa baryo na tinatayuan nila. Parang walang mga nakatira dito dahil na rin sa tahimik ang buong paligid. Puro tela ang nakatakip sa bintana ng mga bahay at ang mga pintong konti na lang ay tutumba na. Umihip nga lang sana ang malakas na hangin ay tatangayin iyong lahat.
Wala naman silang ideya kung sino ang makatutulong sa kanila pero alam nilang lahat ng nakatira dito ay mababait.
"Ang tahimik naman dito. Wala yatang taong nakatira," mahinang sabi ni V. Tinitingnan niya ang paligid at nagbabaka-sakaling may makikita siyang tao.
"Sa mga ganitong oras ay natutulog na sila dahil ito ang mga oras na gising ang halimaw. Tuwing umaga lamang sila nagpapakasaya at gumagala kaya tiyak na wala nang gising ngayon," komento ni Skip.
Nanatili siyang naglalakad sa likuran ni Chanel at ng iba pa para mapanatili niyang ligtas ang lahat. He's the leader, after all.
Medyo lubak ang dinaraanan nila kaya naman hindi mapigilan ang matapilok. Medyo impit na napatili si Spice, dahilan upang marinig nila ang mabangis na boses ng halimaw.
Tumigil ang lahat sa paggalaw at pinakinggan ang pinanggalingan ng tunog. Nasa malapit lang ang halimaw. Kailangan nilang mag-ingat.
"Magtago na muna tayo sandali. Kailangan natin mag-ingat dahil hindi natin alam kung nasaan ang halimaw," bulong ni Kookie sa kanilang lahat.
Naghanap sila ng mapagtataguan hanggang sa matanaw nila ang isang maliit na bahay. Wala itong pinto kaya naman tiyak na walang nakatira dito. Doon na sila sumilong at nagpahinga. Doon na rin sila natulog upang paggising bukas ay matiyak pa nilang buhay sila.
Bumalik na ang mga Celestial Warriors nila sa kaniya-kaniya nilang bato upang makapagpahinga. Pinili kasi nila ang bracelet upang masiguradong ligtas sila sa tuwing matutulog din ang mga kinatawan. Lalabas lamang sila ulit bukas ng umaga kapag gising na sila.