Kabanata 7 - Traydor

2042 Words
Kabanata 7 - Traydor Kookie Jeon "Let's start." Napaatras ako nang bigla akong tutukan ni Nakago ng espada sa leeg. Napaatras ako at napaupo sa sahig dahil sa bigla. "Sabi ko naman kanina, kailangan mo mag-focus kaya kailangan natin gawin ang bagay na ito. Iwaksi mo muna sa isip mo na kilala mo ako at makipaglaban ka sa 'kin nang seryoso." Pumikit ako saglit at tiyaka dumilat pero wala na siya agad sa harap ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at inalam kung nasaan siya. Tinaas ko ang espada nang maramdaman ang presensiya niya. Nandito na siya sa harapan ko at sangga-sangga ang espada na hawak ko. Muli siyang nawala sa harap kaya bumalik ako sa depensa at pinakiramdaman ulit ang paligid. Mga himig ng ibon, malalakas na hangin at ingay ng rumaragasang tubig na nanggagaling sa ilog. Narinig ko ang ilang hakbang sa tubig kaya tinapat ko ang espada roon pero bigla na naman siyang nawala sa paningin ko. Nagtuloy lang ang ganoong set-up, ako ang naghahanap habang siya naman ang nagtatago at nagpapahanap. Naiirita ako lalo na kapag natatamaan niya ako sa braso, samantalang siya ay hindi ko man lang matamaan kahit daplis lang. Nakipaglaban ako sa espada niya, pero this time ay hindi na siya nawawala, sinasangga na niya lahat at lumalaban na rin siya pabalik kaya naman nalusutan ko siya. Nagawa kong daplisan ang braso niya. Hindi pa roon natatapos dahil nakaganti siya at nasugatan ako sa tagiliran kaya naman napahiga ako. Hapong-hapo akong nahiga sa lupa dahil sa sobrang pagod. Ang lalim ng bawat hininga ko. Ngayon pa lang kami natapos mag-ensayo simula kaninang umaga. Sobrang hapong-hapo ako pero sa tingin ko wala namang nagbago, napagod lang ako at walang nagbago sa katawan ko. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Parang normal lang na ganito ang maramdaman kapag nagwo-work out ka nang ilang oras. Para kasing naglolokohan na lang kami! "What is this? Ano bang ginagawa natin? Nagpapakapagod lang tayo, wala naman akong natututunan!" sigaw ko sa kaniya habang pinipilit na maupo. Prente lang siyang nakaupo sa tabi ng ilog at nagpapahinga na para bang walang nangyari na pag-eensayo. "Hindi lang tayo napagod, Kookie," aniya pero hindi ko siya pinatapos magsalita. "Oo tama ka, kasi ako lang naman ang napagod sa 'ting dalawa. Ayoko na! Ito na ang huli, hindi ko na susubukan ulit na gawin pa ang walang kwentang bagay na 'to!" bulalas ko bago tumayo. Naglakad na ako pabalik sa cabin. Nakasalubong ko pa ang iba habang pabalik ako at mukhang nagkakasiyahan na sila, samantalang ito ako at napu-frustrate. Walang kwenta, nagpakapagod lang ako nang dahil lang sa wala. Pagsangga? Ano naman kung nadepensahan ko ang sarili ko? Wala namang pinagbago, ganito lang din naman ako kahit noon pa lang. Sunod dito, sunod doon. Hanggang ngayon ba naman? Paglapit ko sa harap ng cabin ay hinawi ko agad ang tent na humaharang sa dinaraanan ko pero bigla na lang itong nagliyab at lumipad sa hangin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari, pati sina V na nakatingin na sa 'kin ay nagulat din sa nasaksihan nila. What was that? Bakit nagliyab ang bagay na 'yon? "Kookie, 'yong kamay mo," pabulong na sabi ni Spice kaya naman napatingin ako sa kamay ko na kasalukuyang nagliliyab. Napaupo ako habang nakatingin sa kamay ko at pilit na tinatanggal ang mga apoy na nasa palad ko. Bakit ayaw matanggal? Kahit na ang tagal na ng apoy sa kamay ko, hindi pa rin ako naiinitan o nasasaktan. "You must control it, Kookie. Tulad ng paulit-ulit naming sinasabi sa 'yo, kailangan mo itago ang galit na nararamdaman mo." Biglang sumulpot si Mr. Sato sa tabi nina Spice. Sinubukan ko mag-concentrate pero hindi pa rin nawawala ang apoy sa kamay ko, nagsisimula na rin mabuo ang takot sa dibdib ko. Ano ba ang gagawin ko? "Kookie," tawag sa 'kin ni Spice. Lalo lang lumalakas ang apoy sa kamay ko kasabay ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Basta ang alam ko lang ay inaantok ako, parang gustong pumikit ng mga mata ko. Hanggang sa nakita ko ang unti-unting pagwala ng apoy, kasabay ang pagbagsak ko sa lupa. Pepper Chua Binuhat ni Nakago si Kookie papunta sa cabin nito. Tahimik kaming bumalik sa harap ng bonfire upang mag-usap-usap. Dapat maging celebration ang gabi na ito para sa unang araw ng pag-eensayo namin pero dahil sa nangyari kanina ay hindi na 'yon matutuloy. Kung hindi ko pa napigilan ang apoy sa kamay niya ay baka kung ano na raw ang mangyari sa kaniya. Pareho kaming apoy ang kapangyarihan pero magkaiba ang kulay ng mga ito kaya ibig sabihin, magkaiba pa rin ang enerhiyang binibigay nito sa amin. Sa ngayon, hindi pa kaya ni Kookie hawakan at kontrolin ang kapangyarihan niya dahil masyado itong malakas. Kailangan talaga niya ng matinding pagsasanay sa ganitong larangan. Kaming tatlo naman ay naging ayos lang ang pagsasanay dahil kaya namin ang kapangyarihan namin, hindi ko ba maintindihan diyan kay Kookie kung ano ang bumabagabag sa kaniya at ayaw niyang tanggalin. Iyon pa naman ang unang rule na kailangang sundin. "Bukas na bukas ay sisimulan na ninyo ang paglalakbay." Nanlaki ang mga mata naming tatlo sa sinabi niya. Bukas agad? Pero hindi ba namin kailangan sanayin muna na kontrolin ang mga kahinaan namin? "Sa isang linggo ay dadalhin ko na kayo sa Fahar, kung saan nakadistilo ang Desert Monster. Good luck sa paglalakbay ninyo." Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay may kinuha siyang isang glass na lalagyan. "Ito ang Gem of Hera. Dadalhin ninyo ang bagay na ito dahil makakatulong ito sa paglalakbay niyo pero... tiyakin ninyo na hindi ito mapupunta sa kamay ng hindi karapatdapat dahil kapag nangyari 'yon? Walang makapagsasabi kung ano ang pwedeng kalabasan ng lahat." Nakabalik na kami sa cabin namin pero iyon pa rin ang nasa isip ko. What the hell was that? Fahar? Desert Monster? Mas lalo lang nakadagdag ito sa mga iniisip ko. Ang Gem of Hera ay tinago ulit sa lugar nito para masigurado na magiging ligtas ito. Hindi naman namin alam kung ano ba talaga ang magagawa niyan para sa 'min. "Gusto mo bang sabihin ko lahat ng gusto mong malaman?" tanong ni Taka. Huminga ako nang malalim bago tumingin sa kaniya. "Sabihin mo sa 'kin lahat... please," pagmamakaawa ko. Natatakot kasi talaga ako sa pwedeng mangyari. For pete's sake hindi ito isang laro, nasa tunay na buhay ako at buhay ko mismo ang nakataya rito! Ano ang ine-expect nilang mararamdaman ko? Matutuwa kasi makakakita ako ng mga kakaibang nilalang pero ito naman ang kikitil sa buhay ko? "Fahar, disyerto 'yon kung saan naninirahan ang Desert monster na si Freya. Pinoprotektahan niya ang lugar na 'yon pero may ilan pa ring nakatira at nagtatago sa lugar na 'yon. Kailangan natin silang tulungan, Pepper. Ang mga tao ang totoong may-ari ng lugar na iyon at si Freya ang pinadala ni Sitan upang gambalain ang lugar," sabi niya. Medyo naliwanagan na ako sa sinabi niya. "Wala kang dapat ipag-alala, Pepper," sabi niya. Pero hindi pa rin nawawala ang takot sa dibdib ko. "Paano? Taka, pwede akong mamatay roon. Ano ang gagawin ko? Tulad ng sabi mo, hindi ko pa na-oovercome ang takot at 'yong gumagambala sa loob ko," sambit ko. Naramdaman ko ang init sa sulok ng mata ko. Ngayon lang ako natakot nang ganito sa tanang buhay ko. Pinunasan niya ang luha ko at hinawakan ang baba ko. "Shh. Hindi mo kailangang matakot, kaya nga kami nandito na mga tagapagbantay, hindi ba? Nandito kami para protektahan ka, hindi ka namin pababayaan, hindi kita pababayaan." Pagkasabi niya niyon ay napatingin ako sa kaniya. May kung ano akong nakikita sa mga mata niya, parang nahi-hypnotize ako na hindi ko maintindihan. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Teka! Bakit ganito? Ano ang ginagawa niya? Pumikit pa siya kaya kung ano-ano na ang mga bagay na pumasok sa isip ko. Hahalikan niya ba 'ko? Ano'ng gagawin ko? Hahalikan ko rin ba siya? Sa huli ay nanalo rin ang nasa isip ko, pumikit din ako gaya niya pero napahinto rin naman ako kaya bahagya ko siyang tinulak. Hindi 'to pwede, bakit siya na naman ang naiisip ko? Ano ba 'ng problema ng utak ko? Masyado nang pino-pollute ni Kookie ang isip ko! "I see, gusto mo nga talaga siya." Lumayo naman siya sa 'kin at bumalik sa higaan niya. "Matulog ka na at kalimutan na ang nangyari." Pinatay na rin niya ang ilaw at tiyaka nahiga. Nahiga na rin ako sa kama ko at tiyaka nakipagtitigan sa bubong. Gusto ko na makatulog. KINABUKASAN, MAAGA AKONG nagising pero hindi ko maidilat nang maayos ang mga mata ko dahil masakit. Feeling ko namamaga ito dahil sa puyat kagabi. Lumabas na ako at nakita kong nagkakagulo ang iba at may mga ilang nagbubulungan. Hindi ko na nga rin nakita si Taka kaya baka may ginagawa. Lumapit naman ako sa isa sa mga natataranta at nagbubulungan para itanong kung ano ang nangyayari at nagpa-panic ang lahat. "Nawawala raw kasi ang Gem of Hera pero hindi naman nila matukoy kung sino ang kumuha n'on." Bigla naman akong napatingin sa kinaroroonan ng gem. Wala na nga ito sa lalagyan nito kaya nagsimula akong kabahan at matakot. "Pepper, pinatatawag tayo sa cabin ni Mr. Sato." Sinundan ko naman si Pan na natataranta na rin at kita ko ang pangamba sa mukha niya. Sino naman kaya ang gagawa ng bagay na 'yon? Naglakad na ako at dumeretso sa cabin. Nakita kong nandito sila lahat pero wala ang mga warriors namin. "Buti at kompleto na kayo. Narinig ninyo naman siguro ang nangyari kanina lang, hindi ko rin alam na mawawala ito... dito mismo sa Kampo Bathala." Tama si Mr. Sato. Mga katulad ko ang nandito kaya nakapagtataka at mawawala ito nang ganoon na lang. Hindi kaya isa sa kanila ang may gustong kumuha nito? Pero sino naman? Wala namang kakaiba ang kilos sa 'min e. "Paano nangyari 'yon? Tiyaka sino naman ang gagawa n'on? Alam naman natin kung gaano kahalaga ang bagay na 'yon?" tanong ni Spice. Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi niya, miski naman ako. "Wala pang nakakaalam at once na malaman natin, hindi siya makakawala," sabi ni V. Hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin. Parang masyadong imposible kasi na isa sa 'min ang kukuha. Ano naman ang dahilan nila? Ibibigay ba nila 'yon kay Sitan? Kung oo, malaking panganib 'yon hindi lang dito sa Kampo kun'di pati na rin sa buong universe. "Bumalik na muna kayo sa mga silid ninyo. Sa tingin ko, kami na ang bahala sa kaso na ito dahil alam naming hindi ninyo magagawa ang bagay na 'to," sabi ni Skip. Aangal pa sana kami pero pinigilan na rin kami ni Mr. Sato. Bumalik na kaming lahat sa mga cabin namin dahil 'yon ang utos nila. Sa tingin ba nila mapapalagay rin kami dahil sa binalita nila? Pero gustuhin ko mang tumulong, hindi ko naman magawa. Napatingin ako kay Taka na nakatulala. "Anong iniisip mo, Taka?" tanong ko. Napatingin naman siya sa 'kin na parang nagulat pa. Ano bang nakakagulat sa tanong ko? "Ah, ano... natatakot kasi ako. H-Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari." Tiningnan ko naman siya na parang hindi naniniwala. Ngumiti lang siya sa 'kin bago ulit magsalita. "Huwag mo 'ko masyadong isipin, ganito talaga ako kapag nababahala. Matulog na lang ulit tayo at masyado pang maaga," sabi niya at humiga sa kama niya. Ang weird talaga niya ngayon, alam kong nag-aalala siya dahil sa nawala ang gem dahil ganoon din ako pero may iba talaga. Hindi ko maiwasang mapaisip na lang. May alam kaya siya sa pagkawala ng gem? O baka naman siya ang kumuha? Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko. Paano ko napagbibintangan ang warrior ko? Nandito sila para protektahan kami, hindi para sirain kami, 'di ba? Baka napa-paranoid lang ako dahil sa mga nangyayari. Hindi ko dapat iniisip ang bagay na 'yon kay Taka. Kahit saglit pa lang kami nagkakakilala, alam kong hindi niya magagawa ang bagay na 'yon. Ang kailangan kong gawin ay humanap ng ebidensya para malaman kung sino talaga ang kumuha nito at saan niya ito dinala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD