Kabanata 3 - Nakaraan
Spice Trinidad
Ilang minutong nawala sina Pepper at Kookie. Tumayo naman si Pan sa pagkakaupo at tiyaka umalis. Kanina pa kasi siya tinatawag ni Mr. Sato at may sasabihin daw sa kaniya. Naiwan tuloy kaming dalawa ng lalaking ‘to rito.
Akmang tatayo ako para umalis nang magsalita siya.
"Spice..."
Naiinis na naman ako, hindi ko alam kung bakit pero asar na asar ako hanggang ngayon sa kaniya.
"What?!" tanong ko. Hindi na ako nag-abala pang tingnan siya dahil sayang lang sa effort.
"Galit ka na naman ba? Hindi ko na nga pinapansin at binu-bully si Kookie," sabi niya.
Napahinga na lang ako nang malalim. "E'di mabuti. Alam mo kung ano 'ng sunod mong gagawin?" Tumingin ako sa kaniya. "Get lost! Huwag mo na akong guluhin," sabi ko.
Tumayo na ako at umalis sa harap niya. The more na nasa malapit siya, lalo kong naaalala ang nakaraan naming dalawa. Kung paano siya nagtaksil. Tapos malalaman kong dahil sa pagiging anak ng diyos kaya niya 'yon nagawa. The nerve of this guy!
"SORRY, SPICE. Hindi na maganda kung ipagpapatuloy pa natin itong relasyon nating dalawa."
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Parang ewan lang, kanina okay pa naman kami. Sa katunayan, napaka-sweet pa niya kanina. Napaka-out of the blue!
"Ano ba 'ng pinagsasasabi mo riyan, V? Para kang ewan! Itigil mo nga muna 'yang kalokohan mo kahit ngayon lang."
Sanay na rin naman ako na lagi niyang panti-trip kaya pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Ito kasi ang anniversary naming dalawa kaya magkasama kami ngayon.
"Hindi naman ako nagbibiro, Spice. Itigil na natin 'to."
Napahinto ako saglit at tiningnan siya nang may kunot sa noo.
"Mauna na 'ko. Goodbye!"
Nabitiwan ko na lang ang kutsara ko sa sobrang gulat pero hindi ko alam kung ano na ang nangyayari ngayon.
Did he just leave? Nang hindi man lang nagpapaliwanag kung sakali mang totoo ang sinabi niya? Did I miss something? Ano ba kasi talaga ang nangyayari sa kaniya?
At kung biro lang ang bagay na 'to, ngayon pa lang ay hindi na ako natutuwa.
Pabalang na tumayo ako sa upuan at umuwi. Galit ako sa kaniya dahil iniwan na lang niya ako basta. Kailangan ko makausap ang lokong 'yon bukas!
KINABUKASAN AY hinanap ko agad si V sa buong campus. Saan naman kayang lupalop nagpunta ang kumag na 'yon? Nagsisimula na akong kabahan. Baka kaya totoo ang sinabi niya na itigil na namin ang relasyon namin?
Ano ba naman 'tong naiisip ko! Bakit naman siya makikipaghiwalay, 'di ba? Mahal ko siya at ramdam ko na mahal niya rin ako.
Napahinto ako sa isang lugar, sa isang lugar na sana hindi ko na lang pinuntahan.
What the hell is happening?
Dali-dali ko naman silang nilapitan at hinatak ang babae nang marahas. For crying out loud, it's V and my bestfriend!
"What the hell is wrong with you? You!” Dinuro-duro ko siya. “Tinuring kitang para ko ng kapatid tapos... tapos gagawin mo sa 'kin 'to?!" sigaw ko at the top of my lungs. This is just so absurd!
"Wait, Spice! Bitiwan mo si Gem, wala siyang kasalanan dito. Let me explain first!"
Binitiwan ko agad si Gem at hinarap ang walanghiya kong ex.
Tinaas ko ang kamay ko at pina-landing sa mukha niya. Hindi ko maisip na magagawa nila sa 'kin 'to. Ngayon ko na lang ulit siya nasampal at ngayon ko lang nasaktan ang bestfriend ko!
"Now, explain! Paano mo mapapaliwanag ang bagay na 'to? Ha?!" sigaw ko sa kaniya. May ilan na rin ang napapatingin sa gawi namin pero wala akong pakialam sa kanila. Kailangan ko malaman ang dahilan ng loko kong ex.
"Ang tanging sasabihin ko lang ay tapos na tayo. Kaya bakit mo sinasaktan ang girlfriend ko?" tanong niya.
Naninibago ako sa tono ng pananalita niya. Wala na iyong malambing na V, ang V na lagi akong inaalala at minamahal, ang taong laging nandiyan sa tabi ko kapag malungkot ako at napapahamak.
"S-Sorry, Spice..." rinig kong bulong ni Gem sa tabi ko kaya siya naman ang tiningnan ko. Gaya ng ginawa ko kay V ay sinampal ko rin siya.
"Spice!" sigaw ni V sa 'kin sabay hawak sa kamay ko.
Ganito niya ba kamahal ang babaeng 'to? Ganoon na lang ba kabilis niya akong ipinagpalit sa iba at ang mas masaklap ay sa kaibigan ko pa?
Tiningnan ko siya sa mga mata. "Please, iintindihin ko kung mag-sorry ka tapos bawiin mo ang mga sinabi mo. P-pero please! Huwag namang ganito."
Ang tagal naming natahimik na tatlo pero wala ni isa sa amin ang nagsalita.
Mapakla akong natawa. "Naiintindihan ko. So ganoon na lang 'yon? Kapag sinabi mong wala na tayo, wala na? Hindi mo na pala kailangan ng opinyon ko," sabi ko.
Hindi ko na rin napansin na umiiyak na pala ako sa harap nila. Kilala ko na sila at sa tingin ko naman ay hindi nila ako huhusgahan kung umiyak ako ngayon. O kilala ko ba talaga sila?
Nagsimula na akong maglakad palayo habang nag-uunahan ang mga luha ko sa pagpatak. Hindi ko na rin pinansin ang mga taong nadadaanan ko at tinitingnan ako nang nanghuhusga.
Ano ba ang hindi ko nalalaman? Ano ba ang problema namin at nakipaghiwalay siya sa 'kin? Nagsasawa na ba siya? Naaartehan pa rin ba siya sa ‘kin? Hindi na ako tulad nang dati dahil sa kaniya pero bakit ganito?
Hanggang sa makarating ako sa bahay namin ay nakatulala lang ako. Nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto. Wala naman ang mama ko at nasa business trip. Ang papa ko naman at iniwan na kami dahil kailangan.
Bata pa lang ako ay alam ko na ang bagay na 'yon dahil walang nilihim sa 'kin si mama. Ordinaryong tao lang naman ako at tinalikuran ko ang pagiging anak ng diyos dahil gusto kong makasama si V. Pero sa tingin ko, magbabago na ang ihip ng hangin.
Makalipas ang ilang araw, kinukulit ako ni V. Mas lalo lang uminit ang ulo ko sa inaakto niya dahil napaka-isip bata niya. Akala niya laro-laro lang ang lahat sa 'kin pero hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. Matapos niya makipaghiwalay ay nakukuha pa niyang makipagbalikan at magpaliwanag.
Ang nakakainis ay ang dahilan niya.
"Please, Spice, maniwala ka naman sa sinasabi ko!" sigaw ni V sa harap ng bahay namin.
Hindi ko na nakayanan at lumabas na ako ng bahay.
"Ano ba, V! Ano na namang eskandalo ang ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Makinig ka muna sa 'kin, Spice. Magpapaliwanag ako," pagmamakaawa niya.
Sa tingin ko kailangan ko na siyang pakinggan dahil ilang linggo ko na siyang iniiwasan.
"Spill it!" bulalas ko.
"Iyong nakita mo, totoo 'yon. Pero nagawa ko lang 'yon dahil... dahil... kailangan." Biglang humina ang boses niya.
"Ano? Sa tingin mo ba paniniwalaan ko 'yang kasinungalingan mo?!" sigaw ko. Nakakairita na siya! Dapat nga talaga at hindi ko na siya sinagot. Tama si mama na hindi siya deserving para sa 'kin.
"Please, Spice. I have a mission. Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako pero sasabihin ko pa rin. Spice, I'm a demigod."
Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. I know, isa rin akong demigod pero hindi ko malaman kung bakit kailangan niyang itago sa 'kin 'yon.
Simula ngayon, hindi na ako maniniwala sa kaniya. He and my friend betrayed me nang dahil lang sa bagay na 'yon. Tinalikuran ko na siya simula noong niloko niya ako sa pamamagitan ng pagiging ganap na demigod. Isa pa, sino ba ang unang nakipaghiwalay? Hindi ba siya naman?
And one more thing, ginamit niya ang bestfriend ko sa kalokohan niya at nasaktan ko pa tuloy ito. Hindi ko alam kung gusto niya rin ang boyfriend ko pero kahit ganoon alam kong wala siyang kasalanan. Kung hindi naman dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon ay hindi kami magkakasira.
I think I already had enough. Binigyan ko siya ng pagkakataon na magpaliwanag noon, na bawiin niya ang mga masasakit na salita na binitiwan niya pero hindi naman niya ginawa. Tapos nagmamakaawa na lang siya basta? Kaya sa tingin ko mahirap na paniwalaan ang mga sasabihin niya sa 'kin.
Matigas na ang ulo ko dahil ganito ako pero mas matigas na ang puso ko sa kaniya. Si Kookie lang naman kasi ang nakasama ko noon nang malungkot ako. Kaya lang hindi niya alam kung ano ang mayroon sa 'min ni V.
Hindi na rin ako mag-aaksaya ng panahon para lang patawarin siya. Well, kaya ko naman pero hindi ko matitiyak na magiging gaya kami nang dati. Sa tingin ko ay kaibigan na lang ang maiaalok ko sa kaniya.