"Paano ko malalaman kung mahal niya talaga ako?" Nagpapahid ng cream sa mukhang tanong ni Cecile kay Edna.
"Madali lang kapag may naramdaman kang spark sa puso mo."
"Spark? Paki detalye nga para ma gets ko, Amiga!"
Uminom muna sya ng coke saka sumubo ng chips bago sinagot ang kaibigan na ngayon ay ang leeg naman ang pinapahiran ng cream. Napapailing na lang sya sa mga ginagawa nito. Masyado kasi itong beauty conscious kaya lahat ng alam nitong paraan na pampaganda ay ina apply sa sarili na kung minsan ay nai irritate na ngang balat nito sa iba't ibang produkto ng cosmetics na ginagamit nito.
"Yung kakaibang kilig na masasabi mong “Siya na”. Actually wala naman makakapag sabi niyan eh, kung di ang sarili mo lang at yung puso mong tumitibok. Pero Bigyan kita ng manga bagay na pwede mong pagbasihan."
"Ay! Gusto ko yan Amiga! Sige.. sige ipush mo yan! Iladlad mo na dalii!.." Mabilis nitong inimis ang mga beauty products, inilagay sa pouch nito saka humarap sa kanya na ngiting ngiti.
"Hahaha.. Tange! Ilahad hindi iladlad!" Natatawang tinampal nyang pisngi ni Cecile na kumikintab sa inilagay nitong cream.
"Nuba! Wag yung face ko bruhilda! Kainis ka!" Tabig nito sa kanyang kamay palayo dito.
"Yucky yang face mo, Amiga ha! Anlagkit yayss!" Pinahid pa nya sa damit ni Cecile ang kamay nya na lalong ikinais ng kaibigan.
"Tse! Tiis gandang tawag dito Amiga! Support kana lang kasi, wag ka ng anu dyan! Tuloy mo na lang yung sinasabi mong spark spark na yan, para magka lablyf naman ako! Dali na kasii..!"
Hinila hila pa ni Cecile ang kanyang kamay.. Ganitong style nito kapag naglalambing na sa kanya.
"If He is sincere - Syempre unang una bilang babae kailangan mo munang manigurado kung ang lalake na ba yan ay sinsero sa mga bagay na ginagawa niya at lalong lalo na sa mga salitang binibitiwan niya sayo. Kung totoo ba at walang halong laro lang. Kasi syempre mahirap na umoo sa isang lalakeng wala namang hangad sa buhay kung di ang makipagrelasyon lang sa babaeng maganda at pagkatapos umoo eh parang picture frame lang ang relasyon. Unang una dapat mapatunayan mo sa sarili mo bilang babae na ang lalakeng ito kaya ka nyang mahalin at alagaan katulad ng pagmamahal at pagaalaga mo sa sarili mo."
"Hmm.. Medyo ganun lang si Nelson, pero dipa rin ako sure sa kanya eh!" Papisil pisil sa mga daliri nya na sabi pa ni Cecile.
'Huli kang babaeta ka! Hahaha' bigla nyang tinusok ang tagiliran ng kaibigan na napapiksi sa pagkagulat sa kanyang ginawa. "Aha! Yung Nelson na yun lang pala ang dahilan kaya ka nagkakaganyang hitad ka ha!"
"Shh.. Wag kang maingay, Amiga! baka may makarinig sayo!"
Palinga linga pa ang nag aalalang si Cecile, mahirap na at baka tuksuhin sya ng mga kasamahan nilang tindira, eh mga chismosa pa naman ang apat pa nilang kasamahan sa tindahang yun.
"Wag kang mag alala, lumabas silang apat, tayong dalawa lang nandito nuh! Kaya chilax ka lang Amiga."
"Totoo? Di mo'ko jino joke lang?" Nagdududang tanong ni Cecile kay Edna. Maloka kasi sya kaya paminsan minsan pa rin syang pinagdududahan ng kanyang kaibigan.
"Oo nga! Kulet kana naman eh, diko na nga lang iseshare sayo ang mga nalalaman ko."
"Ay! wag naman ganun Amiga! Bad yung nagdadamot ka sakin, dapat shene share ang kaalaman mo sa mga inosenteng kagaya ko!"
"Inosente! ikaw? Saang parte ba dyan?" Nakataas kilay nyang pinasadahan ng tingin ang buong katawan ni Cecile. Lihim syang natawa ng makitang pagkailang ng kaibigan.
"Bad Amiga, mapanghusga sa kanyang kaibigan"
"Mapanghusga kaagad? Diba pedeng nagtatanong lang? Kaloka ka! Hahaha." Dina nya napigilan ang matawa ng makitang hitsura ng kaibigan.
"Pinagti tripan mo na naman ako eh!" Umirap saka napabuntong hininga. "Tuloy mo na lang kasi yung topic natin kanina.. para masagot ng mga tanong na gumugulo sa isipan ko!" Pagpapaawa pa ng kaibigan sa kanya.
" Okay! Request mo eh! Kaya Go na tayo sa 2nd phrase ng topic natin..."
"Yeeyy! Gusto ko yan!" Matapos magpa beauty, umayos ng upo paharap kay Edna si Cecile at nangalumbaba.
"If He do efforts - with “s” syempre kasi hindi pupwedeng isang effort lang ay tama na para maparamdam ng isang lalake na mahal ka niya. Hindi naman sa nagjujudge pero ang babae should be hard to get, I mean malalaman mo din kasi ang pagmamahal ng isang lalake kung kaya niyang mag effort, mag isip ng mga paraaan para sa mga bagay na maari mong maintindihan malaman at maramdaman yung kung ano man ang gusto niyang malaman at maramdaman mo. Simple efforts is an another way to show how He loves you."
"Uhumm.. Anupa!" Patapik tapik pang daliri ni Cecile sa pisngi nito, halatang pagka interesado nito sa usapan nila ngayon.
"If His effort is consistent - Malalaman mo na mahal ka ng isang lalake, o mahal ka talaga ng isang lalake kung gumagawa siya ng effort. Yung effort na masasabi mong hindi lang kung kelan na magkaaway kayo or magkatampuhan o may mga bagay na di pagkakaunawaan. Kung di yung effort na kahit walang okasyon o walang mahalagang araw. Kung baga, simpleng araw lang eh nag gagawa or gumagawa siya ng mga paraan para masabi niya o maparamdaman niyang mahal ka niya. Example, from the day he started to say I love you through long messages, it’s either text or chat. He still doing it hanggang ngayon, kasi nga mahal ka niya and he wanted to feel you and show to you na panahon man ang lumipas mahal ka pa rin niya sa bawat araw na nagdaan. Kung kaya ka niyang hintayin at intindihin. He can wait sa fact na hihintayin niya ang matamis mong oo or, kaya ka nyang intindihin at hintayin sa mga bagay na para bang hindi pa tamang panahon. O minsan kasi nasa komplikado pa tayong sitwasyon. Kaya nga masasabi mong mahal ka ng isang lalake kung kaya ka nyang hintayin at intindihin sa mga bagay na inaasahan mo. If He loves you no matter what."
"Ganun ba yun?"
" Oo, ganun nga yun.. Mahal ka ng isang lalake o mahal ka talaga ng isang lalake kapag kaya ka nyang mahalin kahit anong mangyari. Oo may mga bagay na dadaan kayo sa pagsubok o kung ano pa mang mga kaparaanan para madissapoint ka or mag disagree or mapanghinaan ng loob para magpatuloy. Yung mafefeel mo na handa pa rin siya mahal ka pa rin niya at go na go pa rin siya sa kung anong nararamdaman niya para sayo. "
Napapailing na lang sya ng maisipang ang galing galing nyang magpayo, pero hindi naman nya magawa sa kanyang sarili. Siguro, ganun talaga.. mas madaling magsabi sa iba kesa paniwalain ang sarili mo sa mga bagay bagay na alam mong malabong mangyari sayo.. Dahil nga sa ang pamilya ang first priority mo at hindi ang love life na pinapangarap mo.
"Malalaman mo naman ang lahat ng ito base sa kung anong pinapakita niya at sa kung anong nagiging reaksyon ng puso mo at syempre ng isip mo. Ikaw at ikaw lang din naman makakapagsabi ng kung gaano ka niya kamahal. Pero ito lang advice ko, salain mo lahat bago ka magdecide kasi baka isang araw magsisisi ka kasi hindi mo siya binigyan ng chance to show how much He loves you."
"Amiga, may tanong ako sayo, pero wag mo akong sabunutan ha!"
Nagdududang sinulyapan nya muna ng tingin ang kaibigan, 'Parang alam ko ng itatanong nito sakin..' Seryoso syang tumango dito.
"Kung sakaling manligaw sa'yo si Moises, may pag asa ba sya?" Kaagad itong nag peace sign ng makitang pag simangot nya.
"Bakit mo naitanong? Ikaw bang tulay nya?"
"Uy hindi ah! Ni hindi ko pa nga nakakausap kahit minsan ang lalakeng yun eh!" Umirap pa ito sa kanya.
"Talaga lang ha! Eh, sinong nagpapatanong nyan sayo, si Nelson ba?"
Sa narinig, nakita nyang pagkabalisa ni Cecile. Madali lang talagang mahuli kung ito ba'y nagdadahilan lang o nagsasabi ng totoo.
"Lalo namang hindi nuh! Nahalata ko lang kasi na interesado sya sayo."
"Interesado? Panu?"
"Duh! Obvious naman sa mga kilos nya, lalong lalo na sa mga malalagkit nyang titig sayo.. Masyado ka lang kasing manhid kaya dimu napapansin yun."
Actually, alam na alam nya na yun.. Eh sa mga banat at pahaging ni Moises sa kanya tuwing nagagawi ito sa tindahan memorize na nga nyang mga galawan nito eh! Patay malisya na lang sya sa binata, kasi ayaw nyang masira ang konsentrasyon nya sa kanyang pamilya. Ayaw nyang sirain ang mga pangako nilang magkakapatid sa isa't isa para guminhawa ang buhay ng pamilya nila. Saka gusto nya pang mag aral ng college, pangarap kasi nyang maging isang teacher, at dahil nga sa nangako sa kanya ang panganay nilang kapatid na babae na ito ang magpapaaral sa kanya kapag na regular na ito sa Rohm Electronics Company na pinagtatrabahuhan nito, yun ang inaasahan nya para matupad ang kanyang pangarap na makapag aral bilang isang guro.
"Amiga, may pag asa ba sya sayo o wala?" Pangungulit pa ni Cecile sa kanya. "Mag boyfie kana kasi, para everybody happy!"
"Dipa nga pwede! Gusto ko pang mag aral.. saka kita mo namang may tatlo pakong kapatid na papag aralin diba?"
"Bakit? Pede namang pagsabayin yun ah! Mas maige nga yung may syota ka pandagdag inspirasyon mo sa pang araw araw mong buhay."
Sabagay pwede rin naman talaga nyang gawin yun, kaso baka magkanda letche letche pang buhay nya kapag nalaman ng kanyang Itay ang tungkol sa bagay na yun, kaya mas mabuti pa sigurong wag na lang muna.. Saka na lang kapag maayos ng buhay ng pamilya nila.. Yung may sarili na silang bahay at lupa, para dina sila palipat lipat ng tirahan, kasi nakakapagod at nakakasawa na ring maghakot ng mga gamit.. Eh yung Tatay pa naman nya ultimo mga paso na gawa sa goma eh hinahakot pa sa tuwing lumilipat sila ng bahay, naaawa sya sa dalawang maliliit pa nyang kapatid, kasi kahit wala pang kamuwang muwang ang mga ito sa kahirapan ng buhay nila, alam at ramdam nyang nahihirapan na rin ang mga ito.
"Basta! Saka ng love life love life na yan! Pamilya muna bago sarili, Period!" Seryosong sabi nya kay Cecile na napapailing na lang sa kanyang sagot dito.
'Kaligayahan at kaginhawahan muna ng aking Pamilya, bago ang kailgayahan ko! Yun ang dapat at tamang gawin sa ngayon.. Kaya Edna, mag focus ka lang sayong goal sa buhay.. okay... Fighting!'
?MahikaNiAyana