Ikalawang Kabanata

2055 Words
Naniniwala ako na kapag tinamaan ka talaga ng pag-ibig, lahat ng standards mo mawawala. As in mahal mo lang siya dahil mahal mo siya. Yun na yon. ♪ ♩ ♪Minamasdan kita Nang hindi mo alam Pinapangarap kong ikaw ay akin Mapupulang labi At matinkad mong ngiti Umaabot hanggang sa langit♪ ♩ ..♪ ♩ Huwag ka lang titingin sa akin At baka matunaw ang puso kong sabik..♪ ♩ ♪ "Puta! Sentunado Pre, ayusin mo!" "Sabi ko naman kasi sa'yong wala akong talent sa pagkanta, pilit ka pa rin ng pilit! Magtiis kang makinig!" Singhal ko kay Nelson na patuloy ang pagkaskas sa imaginary guitar nito. "Basta! Tuloy mo lang yan.. Pasasaan ba't tatamaan mo rin ang tono ng kantang Ngiti! Hahaha.." "Eh, kung ikaw kayang tamaan sakin? Gagong 'to, pinaglololoko lang yata ako nito eh!." Hitit sabay buga sa paubos ko ng yosing hawak na sabi ko sa kanya. "Panu tayo makaka skor sa magagandang dilag na yun, kung sa umpisa pa lang sumusuko kana?" Napaismid sya sa sinabi ng buang nyang kumpare. "Bakit pa kasi tayo maghaharana, eh dina uso yun sa panahon ngayon?" "Anuka! Dimu ba alam na.. sa usaping harana eh! lumalambot ang puso ng mga dalagang pakipot ha?" "Weh! Di nga? Parang di naman tatablan ang mga kursunada nating Chicks sa pahara harana style nating 'to Pre eh?" Napapakamot na lang ako sa pisngi kong tinutubuan na naman ng balbas.. 'Hay! Kaybilis namang tumubo nito.. tsk!' "Basta! Tuloy lang tayo! Sige na, kumanta kana ulit, sumasakit ng mga daliri ko kakakaskas sa gitara kong ito! Hoooh! Makadelihensya lang ako, papalitan ko na itong imaginary guitar ko ng electric guitar para astiiigg!! Oh.. haa... Ayos bang pangarap ko Pre?" Taas babang kilay na tanong ni Nelson sakin na ikinatawa ko na lang. "Ayos na ayos Pre!" Nag thumbs up pako sa kanya. Lumapad ang ngisi ng lokoloko.. " Libre lang naman mangarap, kaya itodo mo na! Hahaha." "Ulol! Pagka tumama ako sa lotto, di kita babalatuhan, kala mo ha!" "Lotto? Lotto ba kamu Pre? Sus, dika naman tumataya eh! Panu ka mananalo?" Dagdag pang aasar ko. "Siraulo! Tumataya kaya ako! Sya, Tama na ngang pagtatalo! Kanta na lang tayo." Hingang malalim saka tinapik ang kanyang dibdib bago malakas na kumanta si Nelson. ♪ ♩ ♪Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling At sa tuwing ikaw ay gagalaw Ang mundo ko'y tumitigil Para lang sayo Ang awit ng aking puso Sana'y mapansin mo rin Ang lihim kong pagtingin . ♪ ♩ 'Bumwelo pa, feel na feel talagang pagkanta. .♪ ♩ ♪Minamahal kita ng di mo alam Huwag ka sanang magagalit Tinamaan yata talaga ang aking puso Na dati akala ko'y manhid..♪ ♩ ♪ "Ganda ng boses ah! May laban sa singing contest." Pigil ang tawa ko ng makita kong paghimas ni Nelson sa makapal nitong kilay. "Talaga ba Pre? May laban bang boses ko?" "Abay oo Pre, malaki ang laban mo..." Malakas nakong napatawa ng iniliyad pa ng lokoloko ang dibdib nito na tila nagyayabang.. "Sa Cr singing contest nga lang... Hahaha..." "... Tangna! Kala ko pa naman may talent nga ako sa pagkanta, bwesit! Andun na eh! Umasa nako eh! Tapos bigla na lang bumagsak ang self confidence ko, sa huling sinabi mo, Pre." "Wag kang mag alala Pre, nandito lang ako, karamay mo.. Kasi parehas lang naman tayong sintunado hahaha." Akbay sabay tapik tapik sa balikat ng kumpare kong ilusyunado. "Hahaha kaya nga tayo mag kumpare, kasi fit na fit tayong dalawa!" Napa ayos ng tayo si Nelson ng may masulyapan sa kabilang kalsada. "Uy! Jackpot tayo ngayon Pre, hehe." "Ha! Bakit? May bago kabang naisip bukod pa sa harana?" "Yun oh!" Sinundan ko ng tingin ang itinuturo ng daliri ni Nelson. Napakunotnuo ako ng makita kong isang dalaginding na batang babae sa kabilang kalsada mula sa tinatambayan naming tindahan ngayon. "Anong konek ng dalaginding na yan sa usapan natin?" "Malaki ang konek nya sa future love story natin." "Ha! Paano? At sino ba yan?" Napapalatak si Nelson na tumayo at namulsa sa suot nitong itim na maong pants. "Nakababatang kapatid yan ni Didi, anubayan Pre, kahit kapatid ng crush mo dimu kilala? Dapat nga yun ang una mong inaalam, malay mo matutulungan kapa ng mga yan para mapalapit ka sa pinapangarap mong dalag, este dilag.. Nubayan, natupi na naman tong dila ko, haha." "Kapatid? Hmm.." Inobserbahan kong dalaginding na ngayon ay patawid na ng kalsada, may bitbit itong timba na katamtaman lang ang laki. Maputi, chinita ang mata.. 'Tingin ko maldita ang dalagitang 'to!' Bahagya akong natawa ng mabangga ito ng binatilyong dumaan sa likuran nito. Nanlilisik ang mga singkit na mata nitong sininghalan ang binatilyong napapakamot na lang ng kanyang ulo. 'Grabe! Suplada! mataas pang nakatulis na labi kesa sa ilong eh!' "Yan ang diskarte! Pre, nakita mo bang ginawa nung binatilyo mapansin lang ng dalagitang yan? Dinaig pa tayo eh! Hahaha." Napapalatak pang sabi ni Nelson. "Para yun lang, humanga kana kaagad dun Pre? Sus! kaya din nating gumawa ng sarili nating diskarte mapansin lang nila tayo." "Talaga lang Pre ha! Eh, may naisip kana ba?" "Wala pa!" Napapakamot na lang ako saking baba.. 'Lentek bakit ba kapag naiistress ako kumakati ka? Malayo naman ang utak sa baba, eh bakit parang konektado yatang mga ito? WooH... Kabanas!' "Hoy Nelson!" Nanlalaki ang mga matang napasenyas si Nelson sakin. Sabay pa kaming napabaling ng tingin gawing kanan kung saan nanggaling ang boses ng isang babaeng tumawag sa pangalan ni Nelson. "Uy! Cel, san punta nyo?" "Pa perya kami..." Nakangiting sagot nito. "Talaga! Pede ba kaming sumama sa inyo?" Nakabuntot na sa dalawang dalaga na siniko pa sya ni Nelson, nakatitig lang kasi sya kay Edna na nakasimangot na naman. "Pwede naman.. may mga paa naman kay.. Aray!" Nakita nyang pagtitigan ng mga ito. Bahagya pa nyang narinig ang bulungan nung dalawang dalaga. "Wag mo ng yayain ang mga 'yan!" "Bakit hindi? Ayaw mo ba nun?, may manlilibre satin.. dina tayo gagastos may bodyguard pa tayo." "Sale ba yung kalandian?" Bahagya syang natawa ng maulinigan ang sinabi ni Edna. "Bakit?" "Parang andami mong binili eh!" "Ay! Wow! Grabe ka naman sakin Amiga,.. Nakakahurt ka ng feelings.. lam mo ba yun?" "Aham!.. Helow!, andito pa kami, baka gusto nyung isali naman kaming dalawa sa usapan nyu? Hehe." Awat nya sa dalawang dalaga na nagbubulungan pa eh, naririnig naman nila ni Nelson ang bangayan ng mga ito. "Wag kang epal!" Bwelta ni Edna kay Moises na biglang natahimik. "Echose me!" Mabilis itong naglakad palayo na halos kaladkarin na si Cecile na panay naman ang senyas sa kanilang dalawa. "Grabe sya! itupi ko kaya sa sampu ang babaeng yun! Napaka suplada eh!" "Hahaha.. Kaya mong gawin sa kanya yun Pre?" "Syempre hindi! Sabi ko lang yun, saka diko magagawang saktan.. Mahal ko eh! kahit na lasang ampalaya pa sya." "Natikman mo?" Nakangising sabi ni Nelson na ang tingin ay nakasunod sa dalawang dalaga na medyo malayo ng agwat sa kanilang dalawa. "Hindi pa! Pero tingin ko medyo malapit na.." "Ganun? Sige, tara na! Galawang the flash na tayo, para matikman mo ng ampalaya mo! Hahaha." "Woohahaha!.. Come on over, come on over baby.." "Ohhlalaa.. Yeahh.." Huling huli pa ni Edna ang pag apiran nung dalawang lalaking naglalakad pasunod sa kanila ni Cecile. 'Hmm.. Feeling ko talaga may binabalak 'tong dalawang loko loko na'to saming magkaibigan.' Siniko nitong kaibigan na talak ng talak pa rin sa kanya. "Shh.. Wag kang lumingon." Bulong nya sa natitigilang si Cecile. " Maging alerto ka sa dalawang yan!." "Ha! Bakit naman?" Nagtatakang tanong nito sa kanya. "Basta! Wala ng maraming tanong tanong, sumunod kana lang kasi sakin." "Umandar na naman yang pagkadudera mo nuh?" Kinurot pa sya nito sa braso. "Mas maigi ng lagi tayong handa, kesa maisahan tayo ng dalawang yan!" Pairap nyang sagot dito. "Hahaha... Grabe ka Amiga, napaka advance mo talaga mag isip, kaya bilib na bilib ako sayo eh!" "Ikaw lang kasi dyan ang masyadong mabilis magtiwala!" "Ako? Ako talaga Amiga?" Paturo turo pa ito sa sarili. "Bakit, may iba paba? Echoserang 'to, sabunutan kita dyan eh!" Mabilis nitong hinila ang kaibigan ng matanawang isang dipa na lang ang layo nung dalawang asungot sa kanila. "Cel!" Tawag nung Nelson sa kaibigan ni Edna na mabilis namang lumingon. "Oh?" "Hintayin nyu naman kami! Bilis nyung maglakad eh!" Patakbo na itong sumabay sa paglalakad nung dalawa. Nakiramdam na lang si Edna ng tumabi sa kanya si Moises. Habang si Nelson naman tumabi kay Cecile. "Para paraan si Fafang..." Bulong ni Cecile sa kanya. Na sinagot naman nya ng.. "Feel na feel mo naman ha!" "Hoy! Hindi! grabe naman" napangiti na lang si Edna ng mahimigan nya pang kilig sa boses ng katabi. "Ahem!" Papansin ulit ni Moises sa katabing dene deadma lang sya mula pa kanina. Eh, ni sulyapan nga sya kahit saglit, di man lang nito magawa. Napakamot na lang ito ng kanyang batok sa nadamang pagka dismaya. "Cel, sakay tayo ng ferris wheel, libre kita!" "Sa carousel na lang.. Takot ako sa heights eh!" "Nubayan! La namang ka thrill thrill yang rides na gusto mo! Napaka dry.. walang excitement!" "Sus! Gusto mo lang maka chansing sakin eh! Lam ko na yang mga diskarte mo uy! Wag ako, Nelson! Dalang dala nako sa mga katulad mong lokoloko!" Di napigilang matawa ni Edna sa narinig.. Nagkandasamid samid pa nga ito na maagap namang dinaluhan ni Cecile, tinapik tapik nitong likod nya. 'Bakit ganun? Kahit ganyang namumula ka na't lumuluha sa kakatawa.. ang ganda ganda mo pa rin sa paningin ko? Kahit na suminga kapa saking harapan di nagbabago ang pagtingin ko sayo?' "Hoy! Pre, kumurap ka naman dyan! Baka mahipan ka ng masamang hangin, bumulagta kana lang bigla na dilat na dilat ang mga mata.. Hahaha" Napaiwas ng tingin si Moises ng sabay na bumaling ng tingin sa kanya ang dalawang dalaga nilang kasabay sa mabagal na paglalakad. Lalo pa syang na tense ng marinig ang boses ni Cecile. "Haha.. Torpe yatang kumpare mo Nelson eh! Nagkasya na lang sa ligaw tingin.." "Uy! Hindi ah! Di naman ako Torpe." Depensa nya sa sinabi ni Cecile pero ang tingin nya ay na kay Edna na pangiti ngiti lang sa usapan nila. "Sige nga, kung dika torpe, ligawan mo si Didi." "Hoooyy... Ba't nasali naman ako sa usapan nyo?" Namumulang pisngi na kinurot ni Edna ang kinikilig na kaibigan. "Alangan namang ako ang ligawan nya.. Eh, dito pa nga lang kay Nelson umay na umay na'ko, dadagdag paba sya? Baka mabangenge na'ko sa mga hugot at kakornihan ng dalawang yan!" "Cecile, my labs naman... Walang ganyanan! Pinaghirapan ko pa naman yung mga banats ko sayo.." Tampo tampuhang sabi ni Nelson, na biglang nagulat ng tampalin ni Cecile ang noo nito. "Umm! Tado! Wag mag inarte ng ganyan! Di bagay sayo!" "Aray! s*****a ka talaga! Pasalamat ka, mahal kita! Dahil kapag nagkataon na crush lang kita.. matitikman mong dark side ni Nelson aka Spiderman!" "Spiderman ka dyan! Baka spider lang, kasi supot ka! Este sapot ka lang!" "Ah ganun! Supot pala ha! Baka pag nakita mong jun - " "Heh! Magtigil ka! Baka sipain ko pa yang pinagmamalaki mong junior!" Umangat biglang binti ni Cecile, kaagad namang dumestansya si Nelson dito. "Anuba! hindi ba kayo titigil sa bangayan nyung dalawa?" Saway ni Edna, na pigil ang pagtawa. "Kasi kulet nito eh!" Sabay hampas sa braso ni Nelson. "Anong ako? Ikaw nga dyan ang kanina pa dakdak ng dakdak eh, nakakarindi na yang bunganga mo!" "Ah.. Ganun! Gusto mo talagang masaktan ha! Teka nga saglit makahanap ng pamalo." 'Nakakatuwa namang pagmasdan ang dalawang ito!' Napatingin sya sa kumpare nyang masayang masaya ang bukas ng mukha, habang panay ang ilag sa pamalong hawak ni Cecile na nadampot sa gilid ng kalsada. Ngayon alam na nya kung bakit nito nagustuhan ang masungit na dalaga.. Simple lang naman.. Kasi, dahil napapasaya nito ang kanyang kaibigan. 'Ako kaya, kaylan naman kaya ako sasaya?' Nalipat ang tingin nya kay Edna na tawa lang ng tawa habang sinusundan ng tingin ang dalawang parang aso't pusang naghahabulan sa gilid ng kalsada. 'Haay...' Ng biglang mapabaling din ng tingin sa kanya si Edna. Nakangiti ito na tila ba nababasa nya sa mga ngiting iyon ang sagot sa katanungan nya.. '.Malapit na... Malapit ka ng sumaya..' Napangiti na sya ng tuluyan... Bahagya nyang tinampal ang dibdib kung saan mabilis na tumitibok ang pasaway nyang puso. 'Haayy.. Inlove ako ng sobra sa kanya.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD