Ikaapat na kabanata

1632 Words
Hi Bayaw!" Pa cool na bati nya sa dalagitang dumaan sa kanyang harapan. As usual, nakatambay na naman sya sa tindahan kung saan abala ang dalagang tindira na kursunada nya. "Hello!" Kaway sabay kamot sa kanyang batok na bati nya ulit sa dalagitang nakakunot nuong napabaling ng tingin sa kanya. Ngumiti pa sya para friendly naman ang first impression nito sa kanya. Kaso, di umubra ang pagpapapansin nya ng makitang mula sa pagkunot nuo ng kaharap, napalitan ito ng pagtaas ng kilay at pagsimangot nito. 'Tsk! Maldita talaga...' iiling iling na naglakad na lang sya palayo ng tindahan. Tumawid ng kalsada saka pumwesto sa isang poste ng meralco, sumandal humugot ng isang stick ng sigarilyo. Habang nakatutok pa rin ang tingin sa tindahan, nakita nyang nag uusap ng magkapatid, naaaliw syang tingnan yung dalawa. Lalo na si Edna.. Gumagaan ang pakiramdam nya kapag nakikita nyang mga ngiti nito. 'Inlove ako ng sobra sa kanya. Hay.. ewan ko ba sa puso kong ito, kung bakit sa dinami dami ng babae sa mundong ito, bakit sa isang ubod ng suplada pa pinana ni kupido itong puso ko?' Pinitik nyang upos ng sigarilyong hawak, humugot ulit sya sa bulsa ng isa pang stick saka sinindihan at sunod sunod na humithit sabay buga ng usok pataas. Habang patuloy na pinagmamasdan ang babaeng kanyang itinatangi maraming pumapasok sa kanyang isipan. 'Ang pagmamahal ko sa kanya ay parang paninigarilyo ko, kahit masama na at gusto ko ng tigilan hindi ko magawa. Alam ko namang ang paninigarilyo ay sobrang sama sa katawan but people who do smoke don’t think about it. We smokers, gusto yung parang at peace na nakukuha namin habang naninigarilyo o sa iba minsan dahil sa trip o udyok ng tropa kahit ayaw mo at napipilitan ka lang. Parang pag - ibig lang yan. Minsan ang sobrang pagmamahal hindi na maganda sa sistema, minsan sa sobrang pagmamahal mo dun na sa taong yun umiikot ang mundo mo, ibibigay mo ang lahat at hindi mo na maiisipang magtira para sa sarili mo. Pero minsan kasi kapag nagmamahal ka parang ang saya mabuhay, parang you feel na nasa cloud 9 ka, everything is magical. Kaso yung iba nagmamahal dahil lang sa convinient sila, dahil sa udyok at sa tukso ng ibang tao, na hindi nila namamalayan na nakaka panakit na sila dahil they give false hope dun sa mga taong napili nila. Minsan din ang pag - ibig ay parang pag lay low mo sa paninigarilyo. Para matanggal ang bisyo mo unti unti mong babawasan ang sticks of cigarette per day. Hanggang sa huli para makasanayan mo na at hindi na hanapin pa. Parang pag mo-move on lang yan, unti unti mong aalisin sa sistema mo ang lahat ng nakasanayan mong gawin ng kasama siya, lahat ng pinagdaanan at dinanas niyo habang magkasama pa kayo, lahat ng bad at happy memories at huli unti unti mo ng tatanggalin ang pagmamahal mo sa kanya, mahirap tulad ng pagtanggal ng bisyo. It will take months or years but definitely someday it will be worth it. Sa huli may mga taong sa una lang magaling, yung nabawasan na ang paninigarilyo pero bumabalik pa din sa dati. Halimbawa, ang paninigarilyo ko, I stopped before, kasi nahirapan ako huminga, pero ng maging okay na'ko after a month and because I was stressed balik bisyo ako. Parang pagmamahal ko sa kanya, na kahit masaktan ako sa mga sinasabi at ginagawa nya sakin, okay lang.. tinatanggap ko lang.. sabi ko pa nga sa sarili ko.. I don’t want her pero kapag naaalala ko sya, naisip ko, hindi ko pala talaga kayang mapalayo sa kanya, gusto ko ulit siya maka usap at makita. Para siyang sigarilyo sa buhay ko, kahit gaano ko gusto tigilan dahil alam kong masama sa katawan hindi ko magawa dahil sa isip ko tama ang ginagawa ko.' Napatuwid sya ng tayo ng makitang paalis na ng tindahan ang dalagitang kapatid ni Edna. Nakasunod ang tingin nya dito habang gumagana naman ang kanyang isip kung anubang diskarte ang gagawin nya para makuha nyang loob nito.. Kasi, ikanga ni Nelson kapag naging kaclose na nyang kapatid ni Edna malaking maitutulong nito sa kanya para maging sila ng dalaga.. In short malaki ang chance para masungkit nyang matamis na OO ng dalagang kanyang itinatangi mula pa nung masilayan nya ito sa tindahang yun. 'Hmm... Isip isip Moises.. Galaw galaw ka rin para lumevel up naman ang love life mo!' Sa lalim ng kanyang pag iisip di man lang nya napansin ang alaskador nyang kumpare na ngayon ay ngising demonyo ng nakatingin sa kanya. "Pre!" Tawag nito kay Moises na tila parang wala man lang naririnig. "Kengina! Nasa outer space na naman yatang loko lokong 'to ah!" Tinapik nyang balikat nito. "Hoy! Pre! Anuna? Saang planeta ng narating mo ha?" "Ikaw talaga! Para kang kabute, bigla bigla na lang sumusulpot." Tinapon nya na ng tuluyan ang hawak na sigarilyo. " Oh! Pre, anong diskarte bang gagawin natin ngayon?" "Anupaba? Eh di susugod na tayo uramismo dun!" Dina sya nakaimik ng inakbayan sya't pakaladkad na hinila ni Nelson patawid ng kalsada patungo sa tindahan na pinagtatrabahuhan ng mga babaeng dalawang linggo na nilang dinidiskartihan. "Pre, dyahe naman kung aabalahin natin sila, marami pa namang namimili oh!" Nag aalangang sabi nya ng makitang abalang abala si Edna sa mga mamimiling nagsisiksikan sa tindahan. "Sus! Ang sabihin mo, dinadaga na naman yang dibdib mo! Aba! Panu tayo makakausad nito kung ganyang urong sulong ang diskarte mo Pre? Labo mo rin minsan eh!" "Di naman sa ganun Pre, lam mo naman na kapag naaabala yang si Edna, umiinit kaagad ang ulo nyan, lalo na kapag nakikitang pagmumukha ko." "Feeling ko Pre, kursunada ka rin nyan, dinadaan lang sa pagsusungit.." Bigla naman syang nabuhayan pagkarinig sa sinabi ni Nelson sa kanya. "Talaga Pre? Sure ka ba dyan sa sinabi mo ha?" "Oo naman! Abay, ganyan din kasi si Cecile ng una kong diniskartehan, palagi akong sinisinghalan, madalas nga akong masupalpal nyan eh! Pero, ika nga ng iba! Kapag mahal mo, ipaglaban mo! Wag na wag mong susukuan, dahil mas masarap kapag nakamit mong tagumpay, walang pagsidlan ang madarama mong kaligayahan.. Maniwala ka sakin Pre, may patutunguhan din itong pagtyatyaga mo at pagsasakripisyo mo kay Edna." "Talaga! Sigurado yan Pre, ha?" "Oo nga sabi eh! Wala ka bang bilib sa sarili mo, Pre?" Napabuntong hininga na lang sya't nagkamot ng ulo.. Eh kahit anupa ngang banat at pahaging ang ginagawa nya mapansin lang sya ni Edna, wa epek pa rin sa dalaga.. Di nya alam kung manhid ba ito o magaling lang magtago ng emosyon, ang mas malala pa.. baka wala talaga itong gusto sa kanya, na hindi ang tipo nyang lalaki ang magugustuhan nito. Lalong nanigas sa kinatatayuan nya si Moises ng marinig ang boses ni Edna. "Bibili kaba o tutunganga kana lang dyan?" Nakasimangot na tanong ni Edna kay Moises na tulala na namang nakatingin sa kanya. Hindi nya maintindihan kung bakit palagi na lang itong nakatulala kapag kaharap na sya. Eh dati dati naman napakahangin nito, panay pa nga ang hugot line nito kapag bumibili sa tindahan eh! Pero nitong mga huling araw, napansin nyang matamlay ito.. Dina nya naririnig ang mga hugot line nito, kasi palagi na lang itong tulala kapag kaharap sya nito. Sa totoo lang nakakamiss din ang kakulitan nito, kahit korne at nakakaumay ng mga banats nito sa kanya.. napapangiti at napapagaan naman nito ang kanyang pang araw araw na buhay. Pero syempre! sya lang nakakaalam nun.. Mamatey na sya kapag inamin nya pang tunay na feelings nya sa binata. 'Anu kayang nangyari sa lalakeng ito? Bakit tila bigla na lang itong nagbago ng pakikitungo sakin?' Nalipat ang tingin nya kay Nelson ng bahagya nitong tapikin ang tulalang kaibigan. "Pre, kumurap ka naman.. baka mahipan ng masamang hangin yang mga mata mo! Sige, ka! Habangbuhay ka ng dilat nyan!" Pang aasar ni Nelson kay Moises na di man lang nagbagong hitsura nito. "Nelson, ayos lang ba yang kaibigan mo? Bakit ganyan yan?" Nakangiwing tanong ni Cecile sa manliligaw. "Pagpasensyahan nyu na si Onyok, lam nyu kasi, nababatobalani yan kapag ganyang kaharap na nyang Dyosa mong kaibigan, Cecile my labs.. Hehe" "Ganun! Parang temang! Alisin mo na nga yan sa harapan ko Nelson! Naha high blood na naman ako! ke aga aga nandito na naman kayo! Hmp.." Tulak ng bibig kabig ng dibdib nyang sabi, saka tinalikuran ang dalawang binata. "Pagpasensyahan nyo na si Didi ha! Ganyan talaga yan, natural nyang ugali yan kapag may dalaw." "Naririnig kita bruha! Gusto mong sabunutan kita!" Galit galitan nyang sigaw sa kaibigang panay ang senyas sa dalawang lalake na kakamot kamot ng ulong umalis. Nakita pa nyang pagsulyap ni Moises sa kanya, ang unti unting pag aliwalas ng mukha nito at ang pagsilay ng ngiti sa labi nito ng magtama ang mga tingin nilang dalawa. Dahan dahang umangat ang kanyang kamay at napasapo sa kanyang dibdib, kung saan mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. 'Anuba itong nararamdaman ko?' Tinapik tapik nyang dibdib. Pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. 'Hindi pa napapanahon para tumibok ka puso, kaya pakiusap.. kumalma kana.. O mas mabuting tumigil kana!..' Mabilis syang tumalikod ayaw nyang makita o mabasa ni Moises kung anuman ang tunay nyang nararamdaman para dito. Ayaw nyang masira ang kanyang disposisyon sa buhay.. Distraction lang sa mga pangarap nya ang pagdating ni Moises sa kanyang buhay.. Kaya habang maaga pa.. Hanggat kaya pa nyang rendahan ang kanyang sarili gagawin nyang lahat.. Ikakadena nyang puso para hindi ito tuluyang mabaliw.. Dahil tiyak nyang kapag nangyari yun, lahat ng mga pangarap nya para sa kanyang pamilya ay guguho, kapag nangibabaw ang kanyang puso sa kanyang isip. Iba kasi sya kung magmahal.. Hahamakin nyang lahat masunod nya lamang ang utos ng kanyang puso. At yun ang ikinatatakot nya.. 'Pamilya muna! Bago Sarili!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD