God Gave Me You
Si Moises ay isang masayahing tao
Mapagbigay pero maloko
Sa mga kaibigan tapat sya at totoo
Pagdating sa kalokohan numero uno ito..
Sa edad nyang bente banat na banat na sya sa trabaho
Palabarkada man sya at basagulero
May dignidad naman at may prinsipyo
Maraming kababaehan ang nahuhumaling dito
Pero ni isa sa mga ito, ay wala man lang nakapasok sa pihikan nitong puso.
Hanggang sa nakilala nya si Edna
Isang dalagang suplada na isnabera pa
Lahat ng diskarte kanyang ginawa mapansin lang sya
Pero tila isa lang syang langaw na palaging tinataboy ng dalaga..
Sa ugaling pinapakita sa kanya ni Edna
Kahit minsan di sumuko si Moises kahit nahihirapan na sya
Ang kanyang minimithi sa buhay ay ang makapiling ang masungit na dalaga
Kaya gagawin nyang lahat ng kanyang makakaya
Dahil naniniwala syang si Edna ang ibinigay ng Panginoon para sa kanya
Na silang dalawa ang nakatadhana sa isa't isa.
Magtagumpay kaya si Moises sa larangan ng pag ibig?
Si Edna na ba ang bigay ng Diyos para sa kanya?
Anong kalalabasan ng kanilang storya?
Happy ending kaya o kabiguan ang makakamit ni Moises sa magandang dilag na pinapangarap nyang makasama, magmula pa ng panain ni kupido ang puso nya.
♥🖤
"Hindi ako ang buwan na iiwan ka pagdating ng araw..
Hindi din ako ang araw na iiwan ka pagsapit ng dilim..
Hindi din naman ang mga tala na lilinlang sa iyong paningin..
Ako ang magiging lahat ng ulap na yayakap sa mundo mo, maliwanag man o madilim."
- MOISES -
♥🖤
True to life Love Story of
🖤Moises & Edna ♥
Keep track of the love they fought for, just to be with each other ...
°
°
°
For Eternity & Beyond...
💃MahikaNiAyana