Ika pitong kabanata

1736 Words
Paraparaan si Moises, kelangan makaisip sya ng mas epektibong diskarte para makalapit ulit kay Edna. Dina kasi sya masaya sa pagsulyap sulyap lang dito mula sa poste ng meralco na pinagkukublihan nya araw araw. Kahit na ipagtabuyan man sya ngayon ni Edna, ipipilit nyang sarili para mapalapit ulit dito. Kaya heto sya ngayon sa tindahan. Bibili ng tabla na dos por dos at ang gusto nyang mag asikaso sa kanya.. Syempre walang iba kundi si Edna. "Cel, nasa hardware ba si Edna?" Kandahabang leeg ni Moises kakasilip sa loob ng tindahan. "Bakit? Anu namang kalokohan yang naisipan mong gawin ha?" "Kalokohan agad? May bibilhin akong gamit sa hardware nyu!" Iniwas nyang tingin para di makita ni Cecile ang excitement sa kanyang mukha. "Ganun! Eh, bakit hinahanap mo si Didi? Marami namang tindira dun ah! Bakit ang Amiga ko pang hinahanap mo?" Nagdududang pinakatitigan ni Cecile si Moises na panay ang himas sa buhok nitong basa pa.. 'Bah! Bagong ligo ah! at bagong ahit pa! Lakas tama talaga nito kay Didi, sure na sure na'ko dun.' "Anuna, Cel! Tutulungan mo ba'ko o hindi?" "Tutulungan saan naman? Sa bibilhin mo?" Napahagikgik ang dalaga ng makita ang pagsimangot ni Moises. "Lam mo na yun eh! Mang aasar kapa! Dali na kasi, san na ba si Edna?" Biglang kinabahan at nanlaki ang mga mata ni Moises ng makita't maunawaan ang nanunuksong pagngiti ni Cecile, Na lagpasan ang tingin sa kanyang likuran. "Bakit mo'ko hinahanap? Anong kelangan mo sakin?" Mataray na tanong ni Edna sa tila nanigas ng binata sa kanyang harapan. Napangiti pa sya sa bahagyang paghimas nito sa medyo basa pang buhok bago dahan dahang humarap sa kanya. "Ahm.. Bibili kasi ako ng tabla yung dos por dos ba.." Kamot sa batok saka himas sa basang buhok, nate tense na naman sya kapag ganitong ilang hibla lang ang pagitan nila ni Edna. "Dapat dun kana sa kabilang tindahan dumeretso, sa hardware dina dito." Natameme bigla si Moises, napaisip sya kung anong dapat nyang isagot sa nakataas kilay ng si Edna, buti na lang to the rescue itong si Cecile sa kanya. "Bumili pa kasi sya ng sigarilyo dito Amiga. Papunta na nga yan sa kabila eh!" Lihim nyang kinindatan si Cecile ng sumulyap ito sa kanya, sa ganung paraan lang nya mapapasalamatan ang syota ng kumpare nyang si Nelson. "Ganun?" Nagdududang palipat lipat ang tingin ni Edna sa dalawang nagkatinginan na tila ba nagkaka intindihan na sa ganung paraan. "Eh! Bakit narinig kong binanggit nyang pangalan ko? Anu naman yun?" "Ah.. yun ba?. Kasi, di ako pedeng mag assist sa kanya ngayon, kaya sabi ko ikaw na lang hanapin nya dun sa hardware at nandun kana.." Ramdam ni Edna na may nililihim sa kanya ang kanyang kaibigan at itong si Moises.. At involve sya dun.. 'Pwes! Kung nagse secret ng hitad na ito sakin, pasasaan ba't malalaman ko rin ang agenda ng dalawang ito.' Pairap pa syang tumalikod at naglakad ng pabalik sa kabilang tindahan. "Hoy! Moises, sundan mo na yun oh! Bilisan mo na't baka samain kapa sa kanya kapag puro ka tunganga dyan!" Napalingon tuloy si Edna ng marinig ang sinabi ni Cecile kay Moises. Nandun pa rin ito sa kinatatayuan, nakapamulsa sa kupasin nitong pantalon habang nakatingin sa kanya. Napailing iling na lang sya ng makitang bahagyang pagtulak ni Cecile sa binatang parang nagulat pa sa ginawa ng kanyang kaibigan. "Anupang tinutunganga mo dyan? Time is gold! Kaya galaw galaw kana dyan Mr. Torpe!" Matapos nyang sabihin yun, mabilis na syang naglakad pa hardware.. Samantalang nagkatinginan na naman yung dalawang naiwan. "Grabe talaga yang Amiga mo Cel, Brutal! Di marunong pumreno o kahit bumusina man lang.. Palagi na lang akong sinasagasaan." Humugot ng isang stick na hope at sinindihan, bago sunod sunod ang paghitit sabay buga ng usok pataas. "Bakit, durog na durog kana ba Onyok?. Abay! Kung lasog lasog na yang puso mo at gutay gutay na yang ego mo! Stop kana, at baka sa mental na yang bagsak mo!" Pinitik nyang upos ng sigarilyo, saka seryosong humarap kay Cecile.. Nabasa nyang pag aalala at awa sa mukha nito na lalong nagpadagdag sa sakit ng damdaming iniinda. "Torpe man ako, pero hinding hindi ko susukuan si Edna! Titiisin kong pangit nyang pag uugali. Pasasaan ba't lalambot din yang batong puso nya sakin!" "Yan! Ganyan dapat!" Ngiting ngiti si Cecile sa nakikitang determinasyon ng binata para sa kanyang kaibigan. "Wag na wag mong susukuan ang Amiga ko ha, Onyok! Para sumaya't magkakulay naman ang kanyang malungkot at mahirap na buhay." "Syempre naman! Ako paba? Eh, hindi lang ako matiisin at maunawain.. mapag mahal din ako! Kahit na ganito lang ako!" "Naks! Kaya sa'yo ako eh! Kahit hindi masyadong gwapo.. Kahit na di masyadong matalino... May malaki namang puso, kaya sigurado akong magkakatuluyan kayo!" Napapalatak na lang si Moises sa mga naririnig. Iba din tong si Cecile eh! Ilalaglag ka muna sa una, pero hihilahin ka rin pataas.. marunong bumawi sa huli eh! "Dahil sa sinabi mong magkakatuluyan kami ni Edna.. Patatawarin kita dun sa mga sinabi mong hindi ako gwapo at hindi ako matalino." Malapad na napangiti na may kasama pang pa thumbs up thumbs up si Cecile kay Moises. Napasarap ng usapan nung dalawa, na tila nakalimutan ng mga ito si Edna na kanina pa masama ang tingin sa kanila. Nadagdagan pang inis nito ng makitang pag apiran nung dalawang walang kamalay malay na pinauulanan na nya ng nagbabagang tingin yung dalawa. Kaya ng biglang mapasulyap si Cecile sa kanya, nakita nyang pagkagulat sa mukha nito. Mabilis nitong itinulak si Moises patungo sa kanya. Nakasimangot syang tumalikod saka walang lingon lingong malalaki ang bawat hakbang papuntang hardware. Ramdam nyang nakasunod ng binata sa kanya, kaya mas binilisan nya pang paglakad. Dun na lang nya hihintayin sa nakahilerang mga tabla ang sinasabi nyang torpeng binata. "Hayan, kumuha't hugutin mo na lang dyan ang tablang bibilhin mo!" Kaagad nyang itinuro kay Moises ang nakasalansan na mga tabla bandang itaas nila ng dumating na ito sa hardware, ilang minuto din nyang hinintay ito. "Ba't ako? Diba dapat ikaw ang kumuha kasi ikaw ang tindera at customer nyu ako?" "Ikaw na ngang kumuha para makapili ka ng tablang kailangan mo!" Naiinis na naman sya sa binata. Lalo pa't hindi nya maaabot ang mga tabla kung hindi sya gagamit ng hagdan. "May kasabihan nga tayo na... Customer is always right! Kaya ikaw na!" Gusto ng matawa ni Moises ng pandilatan sya ng mga mata ni Edna. Alam nyang naiinis na naman ito sa kanya. 'Eh, bakit ba? Mas lalo syang gumaganda kapag ganyang nagsusuplada na sya sakin.. Hehe.' Bad trip na si Edna sa binata, ngani ngani na nyang sipain ito sa inis, pero tama naman ito sa kasabihang binanggit. Walang imik na kinuha na lang nyang adjustable ladder saka dahan dahang umakyat at inabot ang unang tablang nahawakan ng kanyang kamay. "Ilan bang bibilhin mo?" Walang sagot ang tinatanong nyang binata, kaya inulit nyang pagtatanong dito. Habang hinihila na nyang isang tabla. "Ilan bang bibilhin mo? Isa lang ba?" Ng hindi pa rin sumasagot ang ikangay customer nila.. Binitawan nya munang tabla, saka yumuko para tingnan si Moises kung bakit di sya sinasagot nito. 'Aba'y! Hinayupak naman pala ang lalaking ito eh! Kaya pala ako ang pinaakyat sa hagdanang ito. Teka nga!' Inipit nyang suot na pencil cut skirt sa pagitan ng kanyang mga hita ng mahuling nakatingin si Moises sa kanyang binti. "Hoy! Torpedo! Dito ang tingin sa taas, hindi sa binti ko!" Sinipa sipa nyang paa para kunin ang pansin ng natutulalang binata. Nakita pa nyang sunod sunod na paglunok nito at ang pagkurap kurap ng mga mata bago sya tiningala. "Uy! indi ah! Diko naman tinitingnan ang binti mo eh!" Iniwas ni Moises ang tingin ng maramdamang pag iinit ng kanyang mukha. "Sus! Sige, palusot pa more... buking na nga, tinatanggi pa! Hmp!" Dahan dahan syang bumaba ng hagdan. "Sige, ikaw ng kumuha ng tabla! Masyado ka namang sinuswerte dyan, patayo tayo ka lang, dika talaga gentleman!" "May rason ako kung bakit ikaw ang pinaakyat ko sa hagdan na yan." Napataas ang kilay ni Edna sa narinig na sagot ni Moises sa kanya. "Ganun! At anu naman ang reason mo ha?" "Reason ko? Simple lang naman... na kapag sakaling nahulog ka sa hagdanang yan..." Inginuso pa nyang hagdan na nakapagitan sa kanilang dalawa. "... masasalo kaagad kita at dika masaktan." 'Abah! Galing ng rason nya ah! Alam na alam talaga ng mokong na'to kung panu ako pakiligin ah!' Namewang sya't seryosong hinarap ang binata. "Akyatin mo na, ikaw ng kumuha ng kelangan mong tabla! Bilisan mo na't marami pa akong tatapusing trabaho." Pasupladang sabi nya kay Moises na napabuntong hininga na lang at iiling iling na inakyat ang hagdan saka kumuha ng dalawang tabla. "Lam mo ikaw.. kung di lang kita mahal, di uubra sakin yang katarayan mo!" Mahinang boses na sabi ni Moises pagkababa ng hagdan at nilampasan na lang basta si Edna na napasunod ng tingin sa kanya. 'Tama ba yung narinig ko? Mahal ako ng torpeng yun?' Tumibok t***k ang kanyang puso. 'Lensyak! Wag kang lumambot puso! Dika pa pedeng kumiringking at may obligasyon ka pang tutuparin sa pamilya mo!' "Magandang Dilag! Magbabayad na ako!" "Ha?" Disoriented na biglang sagot nya sa binata. "Uyyy... Nangangarap sya ng gising.. San kana ba nakarating? Ako ba yung bidang lalake dyan sa pangarap mo?" Ang tulala nyang mukha unti unting sumimangot ng makitang malapad na pagkakangiti ni Moises. Lalo ng panunukso nitong nakakapikon ang dating sa kanya. "Tse! Assuming ka! Lika na nga magbayad ka na't lumayas dito!" 'Grabe talagang pagka suplada ng babaetang ito, sarap pigain.. Tsk!' Bitbit ang dalawang tabla, napahilamos na lang ng kanyang mukha si Moises.. Hindi nya maintindihan minsan ang pag uugali nitong si Edna.. Kasi may pagkakataon na mabait ito sa kanya, pero yun nga lang mas lamang pa rin ang kamalditahan nitong pinapalasap sa kanya. 'Kuuu.. mahirap talagang maging alipin, ng isang Dyosang kamandag ay nanunuot sa puso kong mahirap supilin, anupa kayang maaari kong gawin, para sya'y tuluyang mapasa akin?' Nakasunod ang tingin nya sa bawat galaw ng katawan ni Edna. Ang pagdaramdam nyang naramdaman sa pagsupalpal nito sa kanya kanina ay napalitan ng ngiti.. Ganun naman sya eh! Basta't makita nya lang ang dalaga, gumagaan ng pakiramdam nya. Sa katunayan nga, abot hanggang langit ang sayang kanyang nadarama. 'Dagdagan pang effort Moises... Pasasaan ba't mahuhulog din sa mga kamay mo ang magandang dilag na sinasamba mo!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD