Ika Walong Kabanata

1493 Words
Hindi inaasahan ni Edna ang presensya ni Moises sa bahay ng Amiga nyang si Cecile, birthday kasi nito at ang sabi pa sa kanya, sila sila lang daw na magkakaibigan ang bisita nito, kaya gorabells agad sya ng walang tanong tanong pa. "Amiga! Lika dito sa terrace, ang saya saya sa labas oh!" Natapon pang juice na hawak nya ng kaladkarin syang palabas ng sala ni Cecile. "Anubang tinira mo't napaka ligalig mo naman yata ngayon?" Umupo sya sa silyang nakaharap sa mga kalalakihang nag iinuman at masayang nag kakantahan. "Wala! Basta! Masaya lang ako ngayong birthday ko! salamat Amiga ha, na appreciate ko talagang pagpunta mo dito. True friend talaga kita! Hmm.." Yumakap pa ito sa kanya na ikinatawa na lang nya.. "Sus! Drama! Umayos ka nga, para kang temang!" Tinampal nyang likod nito.. Napabitaw tuloy ito sa pagkakayakap sa kanya. "Aray! Lam mo ikaw, napaka dry mo!" Napaayos tuloy ng upo sa tabi nya si Cecile. "Ano namang dry yun?" Takang tanong nya sa katabi. "Dry! Para kang buhok ko, dry na nga may split ends pa! Hahaha..." "Sira! Hahahha... Gusto mo isapa, para ma satisfied ka?" "Anu'ko bali? Abuso kana Amiga hah!" "Ako pang abuso? Ikaw kaya yun di ako!" Natigil ang harutan nilang dalawa ng biglang lumakas ang kantahan ng mga kalalakihang nag iinuman di kalayuan sa kinauupuan nila. ♪ ♪Tama na 'yan inuman na Hoy pare koy tumagay ka Nananabik na lalamunan Naghihintay nag-aabang♪ ♪ Napatutok ang kanyang tingin kay Moises na nagkataong tumutungga sa bote ng hawak nitong beer. 'Di lang nagsisigarilyo, umiinom pa pala ang lalakeng ito!' ♪ ♪Magbukas ka pa ng tuna At kukulangin ang isa Maglabas ka pa ng baso At tatagayan ko kayo♪ ♪ "Lenchak! Lashing na naman ang Pangga ko Amiga, feeling vocalist na naman oh tingnan mo?" Napalintak pa si Cecile ng tumayo si Nelson at pumalahaw ng kanta. "Sintunado, Amiga! Sakit sa tenga.. Hahah." Kunwaring tinakpan pa nyang tenga.. Tawang tawa talaga sya lalo na kay Moises na todo ang suporta sa kumpare nitong di lang namumula sa kalasingan kundi parang duling na ring tingin nya dito. "Anupa! Parang baka lang na umaatungal hahaha... Maryosep! kahiya naman ang Pangga ko..." ♪ ♪Pahingi naman ng yosi At pa-abot ng pansindi Maghanap ka na ng pwesto Akong bahala sa inyo♪ ♪ .. Patulang pagkanta ni Moises.. Sabay akbay kay Nelson na mas lalong ginanahan sa pagkanta. ♪ ♪Tama na 'yan inuman na Hoy pare koy tumagay ka Nananabik na lalamunan Naghihintay nag-aabang♪ ♪ "Abah! At nagsabay pang kumanta yung dalawa, Amiga. Tingnan mo, feel na feel ang pag atungal ng baka't kalabaw! Hahaha." Dina sya nakasagot pa kay Cecile, Natutuwa syang pagmasdan ang magkaibigan na tila nagco concert, lalo pa't pinapalakpakan ang mga ito ng mga kainuman nila. ♪ ♪May mag jo-joke sabay kampay Biglang inom sabay dighay Kwentuhan na walang saysay Tawanan na walang humpay♪ ♪ ♪ ♪Pang drinking marathon ang laban Tuloy-tuloy lang ang inuman Medyo may amats na ako O.K lang 'yan pareho tayo♪ ♪ Mas lalong umingay ng sumabay pa sa pagkanta nung dalawa ang lima pang mga kasamahan nilang nag iinuman. "Wooohh!! ♪ ♪Tama na 'yan inuman na Hoy pare koy tumagay ka Nananabik na lalamunan Naghihintay nag-aabang♪ ♪ lalalala... Lalalasing....♪ ♪ " "Grabeh! Amiga, buhay na buhay ang birthday party mo, ang saya saya!" Masayang tinampal pa ni Edna ang braso ni Cecile. "Huh!" Napahinto sa pagkanta si Moises ng maulinigan ang boses ni Edna. Naghanap sa paligid ang namumungay nyang mga mata, lango man sya sa alak basta't pagdating sa babaeng itinatangi nya , nabubuhay ng kanyang sistema. "Amiga, dito ka lang muna ha! Kukumustahin ko lang yung ibang bisita ko! Sandaling sandali lang ako, Promise!" Paalam ni Cecile kay Edna. "Sus! Kahit tagalan mo pa, okay lang sakin." Bahagyang tinulak tulak pa nito palayo ang kaibigang natatawa na lang sa sagot nya. "Sira! Ipagtabuyan ba'ko! tama ba naman yun? Kalorke ka Amiga! Diyan kana nga, di kita bati! Hahaha.." "Hahaha... Para bang matitiis mo'ko, eh ako lang naman ang nag iisang Amiga mo!" Pahabol pang sabi ni Edna kay Cecile na may pairap irap pang nalalaman sa kanya. Yun ang pagkakataong hinihintay ni Moises, ang matyempuhan nyang nag iisa lang si Edna. Kaya ng makita nyang umalis si Cecile.. Dali dali nya itong nilapitan kahit naliliyo't hilong talilong na sya sa dami ng tagay na tinoma nya. Nakiramdam muna sya ng tuluyang makalapit sa dalagang pailing iling habang kumakain ng macaroni salad. Di naman nagtagal ang pagtayo nya sa tabi nito kasi napansin naman sya kaagad ni Edna. "May kelangan ka?" Ngumunguyang tanong nito sa kanya. "P- pwede ka bang makausap kahit sandali lang?" Nauutal nyang tanong sa dalagang titig na titig sa kanya. Na tila pinag aaralan nitong bawat kilos at galaw nya. "Anuba yun?" Tuloy lang sa pagkain si Edna. Dina sya nag effort pang aluking umupo sa katapat nyang silya si Moises. 'Hmp! Kusang uupo din yan kapag nangawit sa kakatayo.' Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. Alam ni Edna na lasing ng katabi, pero bilib sya sa matatas nitong pagsasalita, eh ni hindi nga ito nabubulol, yun nga lang namumula ng mukha nito, kahit ang mga mata nitong namumungay mapula na rin. "Ganun na ba ko kapangit para di mo ko magustuhan?" Nasamid pa si Edna sa kanyang mga narinig. Mabilis na napa angat ang kanyang tingin sa binatang tuloy lang ang pagsasalita. "Mataas naman ako tumalon ah. Magaling rumomansa, magaling sa kama, pati na din sa mesa o kahit sa may bermuda o kahit sa puno pa yan ng papaya. Kayang kaya na nga kitang itakas dyan sa bahay niyo basta wala lang aso. Iphone5 ba gusto mo? Handa kong ipagbili ang kidney ko para lang sa kaligayahan mo. Lahat ng kita ko sa'yong sa'yo na. Pangkabuhayan showcase lang ba? Fifill up-an ko lahat ng coupon sa supermarket maipanalo ko lang yung pinamili mo. Yung paborito kong parte ng fried chicken, oo, sa'yo na din." 'Abay hanep naman pala ito kapag nalasing, nawalang pagka torpedo. Parang makata lang kung bumanat ah!' Palibhasa mataas ng amatz nitong si Moises kaya kung anu anunang nasasabi nito sa kanya. Sasagot na sana sya ng bumanat na naman ito sa pasasalita. "Ano pa bang kulang? Ano pa bang gusto mo, magpaka Coco Martyr ako? Gumawa ng malaking ‘I love u’ signboard sa tindahan na pinapasukan mo at lumuhod sa harap mo? O mag Gangnam Style sa Simbahan para marinig lang yung panalangin ko? Lahat kaya koooo… Kahit wag mo nang tingnan ang lahat ng yun, kahit yung kapirasong laman na lang na meron sa kanang dibdib ko, makikita mo dun kung gaano ako kaseryoso. Tangna naman kase, bakit di mo ko magawang mahalin?! O sige na, kahit ako na din yung maghugas ng pinggan mo." Nabigla pa si Edna ng basta na lang bumulagta si Moises sa lupa matapos nitong magkumpisal sa kanya. 'Haha.. Oh loko! Yan napapala ng mga taong lasenggo! Masaklap ang premyo at sigurado ako na sa oras bumalik yang katinuan mo, isusumpa mong nilaklak na red horse dahil ipinahamak ka nito.. Hahaha.. Hay kaloka ka, sobra!' "Amiga! Maryosep! Nung nangyari dyan?" Tarantang nilapitan ni Cecile ang nakatihayang lasing na nakahiga sa semento. "Nelson, dali! Iuwi mo na'tong Kumpare mo oh!" Humahangos namang lumapit si Nelson sa kasintahan at tumulong.. "Tsk! Napasobra yatang nainom nito. Pre, tara ng umuwi sa inyo! Hoy! Gising!" Tinampal tampal pa nitong pisngi ng lasing. "Amiga, tumulong ka naman samin! Ang bigat kaya nitong admirer mo.. Huhhh... Grabe! Bigaattt... Hahh..." Hinihingal na tawag ni Cecile kay Edna na natatawa na lang sa nakikitang pagkaaligaga ng kaibigan. "Yoko nga! Mamya nyan masukahan pa'ko ng lasing na yan, malagot pa'ko kay Tatay pag uwi ko!" "Laka talagang awa, lika na kasi dito.. Nakakaawa na'to oh!" "Kaya nyu na yan..." Tumayo sya't lumapit kay Cecile, bahagyang tinapik nyang balikat nito. "Pasaan ka, Amiga?" Nagtatakang tanong ni Cecile ng bumaling ang tingin sa kanya. "Uwi na'ko! happy birthday ulit, Amiga, salamat sa pag imbita.. Babush!" Nangingiting naglakad na si Edna palabas ng bakuran. "Aba"t.. Hoy! Amiga, maaga pa! Mamya kana umuwi..." Patuloy lang syang naglakad matapos kumaway at nag flying kiss sa kaibigan. Masaya sya.. masayang masaya at hindi lang yun, magaan ang pakiramdam nya na tila ba kaylambot ng inaapakan nyang semento. Lutang sa kaligayahang nararamdaman, isang paglingon pa ang kanyang ginawa, deretso ang kanyang tingin sa lasing na nakanganga pa't mahinang sinasambit ang kanyang pangalan.. Panu nya nalaman yun? Napangiti sya na nauwi sa tawa ng malinaw nyang naalala ang lahat ng sinabi ni Moises sa kanya kanina. 'Magtatapat ka lang, dinaan mo pa sa alak, ayan tuloy kung anu anu pang nasabi mo.. Wala ka ng sekreto na itatago sakin ngayon, Mr. Moises.. aka Onyok torpedo! Lagot ka sakin mula ngayon! Wahahah..' Ramdam nyang.. dito na magsisimula ang panibagong yugto ng mga buhay nila, mas lalo pa tuloy syang nasiyahan at nanabik sa mga mangyayari.. na ika nga'y surpresa ng tadhana sa kanilang dalawa. 💃MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD