Naranasan mo ba ito? Na sa sobrang pag-iisa mo sa buhay ay naramdaman mong parang walang nagmamahal sayo? Siguro sa kadahilanang napapalibutan ka ng taong nagmamahalan at hindi mo maiwasang itanong sa sarili mo kung ano ba talaga ang mali sa’yo at bakit hindi mo maramdaman na may nagmamahal sa’yo.
Minsan tinatanong kong sarili ko, 'Picky ba'ko masyado?'
"Ano yun 'Te?" Tanong ni Nene na napabalik pagkarinig sa boses ni Edna na nakatingala sa puno ng aratilis.
"Huh!" Nagtatakang napabaling ng tingin si Edna sa nakababatang kapatid na papasok ng school nito.
"Narinig kong may sinabi ka, pero diko na gets kaya tinatanong kita.. Anuba yung sinabi mo kanina?"
Nakakaunawang umiling iling na lang sya.. Ang alam nya kasi, sa isip lang nya sinabi yun, di nya akalain na naibulalas pala nya't narinig pa ng nakababatang kapatid.
"Wala yun! Sige, pumasok kana, baka ma late kapa maabsent kana naman ng teacher nyu."
Sa halip na umalis, umupo sa kanyang tabi ang kapatid, saka tinapik tapik ang kanyang kamay.
"Ate, kung may problema ka, pede mong ishare sakin... Hindi man kita matutulungan kung anuman yang suliranin mo, pero sure ako na gagaan ang pakiramdam mo kapag inilabas mo yang saloobin mo!"
Tipid syang napangiti. Buti pa itong kapatid nya, kahit na palaging napapalo ng kanilang Itay dahil sa mga ginagawa nitong kalokohan, alive na alive pa rin.. Parang kay gaan lang ng buhay na tinatahak nito, di kagaya nya na masalimuot ang tinatahak na daan.
"Lam mo.. parang nawawalan na'ko ng pag asang makapag aral ng college.."
"Bakit naman nasabi mo yan 'Te? Diba nga ang Ate Candy ng mag papaaral sayo ng Teacher?"
Lalo syang nalungkot.. "Dina yun mangyayari, kasi hirap din sya sa Maynila.. Kaya dina ako aasa pa! Siguro tama na yung high school graduate lang ako.. Hanggang dito na lang ang pangarap ko."
"Sus, si Ate, ang drama! Hintay hintay kana lang muna kasi, pasasaan ba't uusad din yang pangarap mo."
"Hay.. Ilang taon na akong umaasa.. yoko na.. nakakapagod na." Malalalim ang pagbuntong hininga nya.. 'Lentek di naman ako hikain, pero bakit ba nahihirapan akong huminga?'
"Oh! Pamunas mo!"
Ilang kapirasong tissue paper ang bumulaga sa kanyang harapan na ipinagtaka nya kung san nakuha ng kapatid. 'Nagti tissue na ba ito ngayon? Aba'y nagiging maarte na yata ito kagaya ng mga kabarkada nito ah!'
"San galing 'to?" Bigla nyang naitanong.
"Basta! Punasan mo na lang yang luha mo at baka makita pa ni Inay mag alala pa yun sa'yo!"
"Salamat!" Mabilis nyang pinunasan ang luhang tumulo na pala sa kanyang pisngi ng hindi nya namamalayan. Napatingin sya sa kapatid ng tumayo na ito saka inayos ang nagusot na uniform.
"Alis na'ko 'Te, mukhang okay kana naman eh!"
Tumango lang sya dito, tuloy ang pagpunas nya ng tissue sa kanyang mukha.
"Syanga pala 'Te!"
"Anu yun?" Tanong sabay singa nya sa medyo basa ng tissue na hawak.
"Dito nanggaling yang tissue na pinangpupunas mo sayo'ng mukha oh!" Tinuro ng pilyang kapatid ang dibdib. "Kita mo dina pantay ang boobs ko? Kasi, nabawasan ng tissue na pinapantapal ko dito! Hahaha.."
Kumaripas na ito ng takbo ng makitang reaksyon ng kanyang mukha na gulat na gulat.
'Anuraw? Galing sa...' Napatayo syang bigla ng malinaw nyang nakuha ang ibig sabihin ng kanyang kapatid. "Hooyy.. Bumalik ka ditooo...!!" Balak pa sana nyang habulin ito, kaso nakalabas na ng gate ang nakababatang kapatid. Napakamot na lang sya ng ilong 'Lokang yun! Naisahan na naman ako..'
Buti pa yung kapatid nya malayang nagagawa ang mga gusto, pero sya bakit limitado lahat lahat sa kanya. Siguro dahil matured lang ang pag iisip nya, di gaya ng kapatid nya na happy go lucky.. Kahit palagi itong nasasaktan ng kanilang Ama, na tinatawag itong adik adik, na kesyo baka isang araw umuwi na lang daw itong buntis, kasi nga, karamihan sa mga katropa nito ay lalake, pero wala pa rin itong pakialam, kahit na nga marami na itong natatamong sakit ng katawan kapag natyempuhan ng kanilang Itay at ang kuya nilang Adik. Tuloy lang ang pagbabarkada nito, na di hadlang ang madalas na pag iyak ng kanilang Ina kapag napapatawag ito sa skwelahan dahil nasangkot na naman sa g**o ang nakababatang kapatid nya. Hindi man lang ito nagbago kahit na konti.. Tigasin at matapang ang kapatid nyang yun na kung minsan gusto nya na ring gayahin ang katapangan nito para sumaya naman ang kanyang buhay kahit na papanu.
'Hay! Makapasok na nga lang sa tindahan, kesa pa emote emote lang ako dito, wala na ngang magbabago wala pang kita!'
Patawid pa lang si Edna ng kalsada nakita na kaagad nya si Moises na nakatambay sa pinapasukan nyang tindahan. As usual humihithit na naman ito ng sigarilyo. Pinagmasdan nya itong mabuti.. Nakasuot ito ng kupasing pantalon, asul na uniform ng porter sa airport at puting t-shirt na panloob saka rubber shoes. Sa totoo lang, bilib na bilib sya sa ugali nitong matyaga at pasensyoso, panu ba naman kung anu ano ng paraan ang kanyang ginawa para tigilan na sya nito, pero kita mo naman.. hanggang ngayon nandyan pa rin ang binata, matyagang sinusuyo pa rin sya kahit na anupang pagtataboy nya dito.
'Anu kayang nakita nito sakin at hanggang ngayon anino ko pa rin? Hmm.. sabagay dina masama, bukod sa kakornehan at hugotero nito, pasok na pasok naman ang pag uugali nito sakin.. Ang masama lang may bisyo eh! Tomotoma saka nagyoyosi.. Maaalis pa kaya yang mga bisyo nya? Magbabago pa kaya sya?'
(Puso) Panu mo malalaman kung dimo bibigyan ng chance?
(Isip) Sus! Sayang lang ang oras at panahon na igugugol mo sa kanya. Mas mabuti pang hangga't maaga pa ay putulin mo ng pag iilusyon nya na maging kayo, di sya ang priority mo, remember?
At nagtalo na naman ang kanyang isip at puso... Palagi na lang ganito.. Lalo lang tuloy syang nalilito.. Kasi nga wala syang mahanap na sagot sa kanyang isip at puso.
"Oh! Ayan na palang hinihintay mo Moises, maswerte ka kasi pumasok yang babaetang yan, kahit na day off nya ngayon."
"Oo nga Cel, kapag sinuswerte ka nga naman anuh! Sunod sunod ang blessing.. Thank you kay Lord!"
Derederetso lang syang pumasok sa tindahan na di man lang sinulyapan ang dalawang nagchichismisan. Sanay na syang makita ang kanyang kaibigan na nakikipag usap kay Moises, boyfriend na kasi nito si Nelson kaya ayun close na yung dalawa.
"Hi Di! Para sa'yo! Sana magustuhan mo."
Napatingin sya sa isang tangkay ng Gumamela na iniabot ni Moises sa kanya. 'Gumamela talaga? Nung nakaraan.. Santan, tapos Rose, sunod orchids, at kahapon Yellow bell,.. Lumelevel up na sana eh.. Tapos ngayon ang ending Gumamela! Hahaha.. Nakakaloka talaga ang lalakeng ito Oo'
Bahagya syang tumagilid na kunwari may inayos sa estante ng mga sigarilyo, pero ang totoo nun ikinubli nya lang ang kanyang pag ngiti para di makita ng binata.
"Patay! Laglag ang Gumamela mo Onyok, di nakapasa sa Amiga ko! Okay na sana yung Yellow bell eh! Bakit bumagsak sa Gumamela ha?"
Napakamot ng ulo si Moises, buti pa itong si Cecile, Onyok ng tawag sa kanya.. Pakiramdam nya tuloy close na silang dalawa, na may taga advice kung anupang diskarte ang magagawa nya para mapalapit kay Edna.
"Kasi, wala ng Rose si Manang Tarsing eh! Napitas ko ng lahat.. Saka dina ko makalapit sa bakuran nun, may aso ng nagbabantay sa tarangkahan."
"Ayun! Kaya pala Gumamela na lang itong dala mo, kaninong bakuran mo naman ito dinikwat ha?" Dina napigilan ni Edna na sumabat sa usapan nung dalawa.
"Grabe ka naman sakin, Didi! Ang harsh mo! Dinikwat talaga? Nagpaalam naman ako sa may ari bago ko pinitas yan!"
"Wow! Didi? Dipa tayo close! kaya Edna pa rin ang itawag mo sakin." Pinandilatan pa nya ng kanyang mga mata si Moises.
"Ops! Sorry po! Kala ko kasi close na tayo eh! Dipa rin pala!" Supalpal na naman ang diskarte nya. Kala pa naman ni Moises naka 50℅ na sya sa dalaga, dipa rin pala.
"So...wala bang meaning itong Gumamela mong dala? Alang hugot line na kasama?" Patay malisyang tanong ni Edna sa natitigilang binata. Tila ba ito nasurpresa sa tanong nya.
"Uyy! Nagugustuhan na nyang pahugot hugot line ko.. Hehe" kaylapad ng pagkakangiti nito, kala mo naman nanalo sa lotto kung maka react.
"Eh kung palayasin kaya kita dito ha! Gusto mo?"
'Nangkupo! Ayan na naman sya! Kabilis ma imbyerna!' Hinimas pa ni Moises ang buhok nitong naka gel.. Paminsan minsan kelangan ding papogi ang dating diba! Para naman bumagay sya sa magandang Dilag na kanyang napupusuan.
"Gumamela! Ito na nga oh! High blood kana kaagad dyan! Kalma lang.. nababawasan ang yung kagandahan pag ganyan ka eh!"
Seryoso itong tumingin kay Edna, saka walang kurapang sinabi ang... "Kaya ko namang magmahal ng iba kung di lang sana kita nakilala. pero ikaw ang gusto ko, isisigaw ko sa mundo, mahal kita! Simula pa nung una kitang makita."
"Oha! Ayan na! Bumabanat na! Ano namang ma say ng aking Amiga, diyan ha?" Kinikilig na pumapalakpak pa si Cecile, halataing botong boto ito kay Moises para sa kaibigan.
"Asan ang Gumamela dun?" Taas kilay nitong sinulyapan ang binatang nakangiti pa sa kanya.
"Ay oo nga naman Onyok, diko narinig ang Gumamela.." Segunda naman ni Cecile.
Naburang pagkakangiti ni Moises ng makitang nakapamewang na si Edna habang nakataas pa rin ang kilay nito sa kanya. Natatakot na sya kapag ganitong nagiging Amazona na ang pormahan ng dalaga.
"Dapat mas maganda pa yan sa Yellow bell - pepper na banat mo kahapon ha!"
"Naks naman.. Nagustuhan mo yung banat kong... 'Para kang 'Yellow bell - pepper' na nagpapasarap sa kalderetang paborito ko?"
Nagniningning ang mga mata nito sa saya ng makitang bahagyang pagtango ni Edna sa kanya. "Oh May Gumamela.. Labis labis mo akong pinasaya!"
Napangiti sya sa Gumamelang banat nito sa kanya.. Nakakatuwa lang, kasi nakakagawa talaga ito ng paraan para maisingit lang ang bawat bulaklak na binibigay nito sa kanya.
"Lume level up ng panunuyo mo.. Tinatablan ng Amiga ko! Congratulations.. Onyok! Pa ice cream ka naman dyan.." Inilahad ni Cecile ang nakabukang palad sa binata.
Humugot ng pera sa bulsa ng pantalon nya si Moises. Dyahe kasi sengkwenta pesos na lang ang pera nya. Mamya pa kasing duty nya sa airport, kaya walang delehensya ngayon.
"Saka ng ice cream, mag ice candy kana lang muna!" Pagkalapag ng pera sa palad ni Cecile, tumalikod na sya't naglakad paalis ng tindahan.
"Hoy! Onyok! May utang kang pa ice cream samin ni Didi, ha! Ililista ko!" Pahabol na sigaw ni Cecile sa kanya ng tuluyang makalayo na sya sa mga ito.
Nakangiting huminto muna sya sa paglalakad saka humarap sya't sumaludo sa mga ito. "Sige lang! Ilista mo lang lahat ng atraso ko!.. Akong bahala sa inyo...! Thank you!.."
Kumaway muna sya bago tumalikod, namulsa sa suot na pantalon saka mabagal na naglakad ulit.
'Kanina nung kausap ko sya, naisip ko na...
hindi naman pala talaga ako takot sa kanya.
Kasi, ang totoo.. takot akong mawala sya.'
?MahikaNiAyana