Ika Siyam na Kabanata

2614 Words
"Hay naku! Nanlalagas pilikmata ko sa kakuletan mo!" Hinila nyang hibla ng buhok ni Cecile dahil sa inis nya dito. Ke aga aga Moises na agad ang pambungad ng bunganga nito. "Aray! Inaanu ba kita? Parang nagtatanong lang naman ako ah! Bakit kaba aburido dyan?" Nakairap na bahagyang dumistansya pa sa kanya ang kaibigan. "Anubang iniinom mo Amiga,, juice o anesthesia? Paulit ulit kana eh!" Pinagpagan nyang mga nakahilirang garapon kahit wala namang alikabok, araw araw naman kasi silang naglilinis at nag aayos ng mga paninda nila. "Nakiki chika lang naman ako ah! Masama ba?" "Hindi naman, kaso, ang topic eh, si Moises na naman.. Wala na bang iba, Amiga?" Napasimangot si Cecile. "Eh! Sa gusto kong pag chikahan natin si Moises eh! Kaya, sige na Amiga, mag chika ka naman sakin!" Napabuntong hininga na lang sya't nangalumbaba.. "Lam mo Amiga, pasado naman sa taste ko yang si Moises eh! Kaso, panu naman ang Tatay ko? Lam mo naman yun.. baka ikadena ako kapag nasagap ng radar nun si Moises." "Ilang taon kana ba?" Seryosong tanong ni Cecile sa kanya. "Anong konek ng edad ko sa usapan natin?" "Basta! Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko! Dali na..." Kinalabit pa sya nito sa tagiliran. "Desi nwebe!" Taas ang isang kilay nyang sagot. "Kita mo na! Dika na menor de edad, Amiga! Dika na inosente! Kung gusto mong tumingkad at humalimuyak ang yung bulaklak.. Aba'y galaw galaw ka na! Sige ka! Ikaw rin.. baka sa kakapabebe mo dun sa tao.. eh, madiskubre mo na lang lanta na pala si Flower." *Anong flower naman yun?" Naguguluhang tanong nya kay Cecile na nagpipigil matawa sa nakikitang reaction ng kanyang mukha. "Basta! Malalaman mo rin yun... Pagdating ng tamang panahon! Hahaha." "Ikaw talaga! Dami mong alam.." Naiiling nyang iniwan si Cecile. Mas mabuti pang mag ayos na lang sya ng iba pa nilang paninda kesa makipag chikahan sa maloka nyang kaibigan. "Amiga, huling hirit ko na lang 'to sa'yo.." Napalingon naman sya kaagad ng marinig ang seryosong boses ng kaibigan. Naglakad palapit sa kanya si Cecile, at ng magkapantay na sila nito, tinapik tapik nitong pisngi nya, na tila ba ginigising sya mula sa mahimbing na pagkakatulog. "Amiga,.. Madaling sugatan ang pusong walang alam, Madaling paglaruan ang taong nagmamahal ng lubusan. Pero, mahirap ibalik ang pagmamahal ng isang taong nasaktan.. Pakatandaan mo sana yan!" Napakurap kurap ang kanyang mga mata ng lubos nyang maunawaan ang nais ipabatid ni Cecile sa kanya. Saglit pang nagtama ang kanilang mga tingin, tumango ito sa kanya at ngumiti, saka ito naglakad palabas ng tindahan. Napaisip tuloy sya ng malalim, at naalala ang pag uusap nila ng nakababatang kapatid. 'Kung sa'n ka masaya.. susuportahan kita' Natatawang sinulyapan nyang bakod ng bahay nila. "Buti pang isang yun! Matapang.. tila walang kinatatakutan, lahat ng gusto ginagawa, maging ito man ay mali o tama. Basta't masaya lang ito, dina iniisip ang galit ni Tatay sa kanya." Napapangiting umupo sya't nangalumbaba paharap sa kalsada kung saan natatanaw nyang bahagya ang bahay nila. Tamang tama naman na may tatlong binatilyo syang nakita na naglalakad at tumigil sa tapat ng bakod nila. 'Abah! Ano na naman kayang kelangan ng mga yun kay Nene?' Nag abang lang sya sa mga magaganap. Buti na lang wala pang bumibili sa tindahan. Di nagtagal lumabas ng gate ang nakababatang kapatid nyang babae. Kitang kita nya ang pagsimangot ng mukha nito ng makita ang tatlong binatilyo. Hindi man nya marinig ang usapan ng mga ito, nakikita naman nya sa mga kilos ng mga ito na mukhang nagtatalo. Maya maya, kakamot kamot ng ulo yung isang binatilyo, hinila pa nitong dalawang kasama paalis. 'Sira na naman ang araw ni kapatid, hahah.. napaka taray eh!'  Aliw na aliw syang nagmamasid sa mga ito, na di man lang nya napansin si Moises na kanina pang pinagmamasdan ang bawat pagkibot ng kanyang labi. "Magandang Dilag, pabili nga ng yosi!" Tinuktok ni Moises ng hawak nitong barya ang screen ng tindahan. Nakita pa nitong nagtatakang tingin ni Edna sa kanya. Napangiwi ito ng ang pagkakangiti ng dalaga kanina ay nauwi sa pag simangot. "Ahm.. Pabili ng tatlong Marlboro." "Marlboro!. diba Hope ang sigarilyo mo?" Kunot noong tanong ni Edna. 'Uyy.. Natatandaan nyang sigarilyo ko! Ibig sabihin ba nito eh, may pag asa ako sa magandang Dilag na ito? Nakaka excite naman...' Isang pitik sa ilong ang nagpagising sa naglalakbay na kaisipan ni Moises. "Aray!" "Ano! Malayo na bang narating mo ha? Paulit ulit na'kong nagtatanong sa'yo ah!" Halatang pagkainis sa boses nito. "Ha? Ahh.. sorry! 'nu nga ulit yun?" Nahihiyang tanong ni Moises sa nakasimangot na dalaga. "Singkwenta!" Nilapag ni Edna ang sigarilyong Hope sa harap ng binatang takang taka. Dumukot ng pera si Moises sa bulsa ng suot na pantalon. Inabot nya ito kay Edna. "Ahm.. Pwedeng magtanong?" "Ano! May bibilhin kapa ba?" Inabot nyang isangdaan saka mabilis na sinuklian ito. Napahimas ng buhok, saka napabuga ng hangin si Moises dahil sa nerbyos. "Dimu pa kasi sinasagot ang tanong ko sayo nung nakaraang araw eh!" "Anong tanong naman yun? Wala akong maalalang may sinabi ka sakin." Maang maangang sagot ni Edna, pigil ang kanyang pagngiti sa nakikitang panlulumo ng binata. "Anuba yung sinabi mo sakin? Pakiulit nga't baka sakaling may maalala nga ako tungkol dun!" "Dyahe naman kapag inulit ko pa yun! Hays!" Iiling iling na tumalikod si Moises. Akmang aalis na ito sa tindahan ng marinig nitong boses ni Edna. "Ang pagmamahal kusang ibinibigay, hindi yun ipinipilit.. Katulad ng pagtitiwala, unti unting nakukuha kapag tapat at tunay ang yung pinapadama at pinapakita." Napaharap bigla si Moises sa Dalaga, malaman ang sinasabi nito, at nasapul sya sa mabibigat at makabuluhan nitong tinuran sa kanya. Sa lagay ba eh, magpapatalo na lang sya dito? 'Aba'y hindi!' "Ang pusong nagmamahal, marunong maghintay.. Nakakaunawa, nagtitiwala at naniniwala sa kakayahan at katatagan ng puso nito..." Di nakaligtas sa matalas na mga mata ni Moises ang pamumula ng pisngi ni Edna, kahit ang pagsilay ng ngiti nito na biglang naglaho ay namasdan din nya. "Ganda ng banat ah! Nangangagat... Kumakapit, parang suman lang na malagkit, masarap! na kapag natikman mo na.. ayaw mo ng tigilan hangga't meron pa!" Di nagpapatalong sagot ni Edna. Lalong lumakas ang loob ni Moises, Natatanaw na nyang may mararating ang kanyang pagtyatyaga kay Edna. Eh, ito na nga oh, nakikipag usap na sa kanya ang Dalaga. At take note! Face to Face pa ha! Lumelevel up ng status nila. "Alam mo Edna, naniniwala akong.. Ang hindi natatawid ng isip, natatawid ng damdamin.. Kaya hangga't may bukangliwayway, may araw na sumisilay.. lumubog man ang araw sa dapit hapon.. may buwan na tatanglaw sa gabi at higit sa lahat may mga tala na tutupad saking mga hiling... Hindi mawawala sa'yo ang aking pagtingin, dahil ikaw lang ang laman ng aking puso't damdamin! " Nagniningning ang mga mata ni Moises habang sinasabi ito kay Edna na tuluyan ng napangiti sa kanya. "Talaga? Di'ko akalain na ganyan ka pala kung magpahalaga sa'yong itinatangi.." Humahangang sambit nya sa binatang biglang sumeryoso ang bukas ng mukha. "Simple lang ako kung magmahal Edna, hindi ako nangangako ng kahit na ano, kasi ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko mapasaya lang ang babaeng minamahal ko. Hindi ako mayaman para magregalo ng mamahaling gamit, mamahaling bulaklak, mamahaling chocolate.. Ang makakaya ko lang ibigay ay ang katapatan ko at wagas na pagmamahal ko sa'yo!" 'Abah.. Palalim ng palalim ang banat nito sakin ah' Napaisip tuloy sya ng maisasagot sa binata. Pero imbis na sagot, isang tanong ang lumabas sa bibig nya.  "Anuba ito Moises, seryosong usapan ba ito o isang biro biruan lang?" Napahilamos ng kanyang mukha si Moises. 'Nak ng ipis! Sa lagay ba eh! Sa hinaba haba ng mga sinabi ko sa kanya, dipa rin ba nya na gets ang nais kong ipabatid? Anuba sya manhid o sadyang di nya lang gusto ang mga katulad kong Simpleng Tao?' "Hoy! Moises!" Kinalabit nyang braso ng binatang tila kay lalim ng iniisip. Ng bumaling ito ng tingin sa kanya, nginitian nya ito at pinitik pitik ang daliri sa harap ng mukha nito. Lalong lumapad ang pagkakangiti nya ng makitang pagkurap kurap ng mga mata nito, tapos ang paghaplos sa basa pa nitong buhok bago nagsalita. "Edna, kelan ang day off mo dito?" 'Abah! Yayayain yata ako nitong mag date ah!' Tumikhim muna sya bago sumagot dito. "Bakit mo naman naitanong yan?" "Papayag kaba kapag niyaya kitang mamasyal?" Kabadong tanong ni Moises. "Mamasyal? Magde date tayo?" Lihim na natatawa sya sa nakikitang pagkatarantang sumagot ni Moises. "Eh! Parang ganun na nga, Ahm.. ano papayag ka bang makikipag date sakin?" Pinahid ni Moises ang pumapatak na pawis sa kanyang leeg. 'Whooh! Sana pumayag sya! Please naman Edna, sige na mag OO ka naman pakiusap!' Piping hiling nito. "Sige, sa makalawa, kita na lang tayo sa plaza." Biglang napasuntok sa hangin si Moises.. "Yess! Sa wakas maide date ko na rin ang magandang Dilag na pina pangarap ko! Woohh.." Di inaasahan ni Edna na sa ganun lang masayang masaya na si Moises. Eh, panu pa kaya kapag sinagot na nyang torpedong binata na ito.. "Amiga, nung nangyari dyan?" Tanong ni Cecile na kapapasok lang ng tindahan, tumabi ito sa kanya at nakinuod din kay Moises. "Nabuang na.. Hahaha.." Napapailing na sagot nya sa kaibigan. "Hay.. Napakadali palang pasayahin ng lalakeng yan Amiga, ganyan din ba si Nelson mo?" "Oo, ganyang ganyan din, nung sinagot ko. Teka lang..." Nanlalaki ang mga mata nitong napabaling sa kanya. "Hala!.. sinagot mo na ba si Onyok?" "Sira!" Tinampal nyang braso nito. "Date lang ang sinabi nya, hindi sya nagtapat sakin. Masyado kang advance mag isip, Amiga." "Aysus! Eh, kasi naman, tingnan mo sya oh! Parang nanalo ng first price sa lotto." Napapalatak pa si Cecile habang sinusundan ng tingin ang binatang tila nakalimot bigla sa kapaligiran nito. "Nakakahanga sya ano, Amiga? Napakababaw lang ng kanyang kaligayahan. Madaling pasayahin, mabilis patawanin.. Buti pa sya, parang walang pinoproblema, samantalang ako, di nauubusan ng suliranin sa buhay." Nalungkot na naman sya ng maisip ang sitwasyon nila sa buhay. "Kala mo lang yun! Dimu lang kasi alam ang buhay pamilya nila." Biglang napatakip ng bibig si Cecile ng napalingon sya dito. "Ha! Bakit mo naman nasabi yan? Kilalang kilala mo naba sya." Naku curious nyang tanong sa kaibigang natitigilan. "Diba magde date naman kayo? Mas magandang ikaw na mismo ang magtanong sa kanya. Masyadong personal na kasi yun, saka mapagkamalan pa'kong chismosa." "Bakit hindi ba? araw araw ka ngang may dalang chismis sakin eh!" Aniya. Naputol ang usapan nung dalawa ng marinig ang boses ni Moises. Sabay pa silang napabaling ng tingin sa binatang ngiting ngiti sa kanila. 'Ngee! Dito pa rin sya? Naman! Kala ko umalis na'to kanina pa!' Kinalabit nya si Cecile. Nakakaunawa namang ito na ang unang nagsalita sa kanilang dalawa. "Hala! nandyan kapa pala? Kala namin umalis kana?" "Kanina pa sana ako aalis, ilang beses na nga akong nagpapaalam sa inyo, kaso di ako makasingit sa usapan nyong dalawa eh!" Kakamot kamot ng kanyang ulo, saka namulsa sa suot na pantalong sagot ni Moises kay Cecile, pero ang kanyang tingin ay na kay Edna. "Ganun ba! Sige, Moises, kita na lang tayo sa plaza sa makalawa." Kumaway pa si Edna dito. "Onyok na lang ang itawag mo sa'kin.. At pwede bang Didi na rin ang itawag ko sa'yo? Kung okay lang naman ... pero kung hindi, ayos lang din naman sa'kin kung ayaw mo." Nahihiyang napaiwas ng tingin si Moises kay Edna na nakatitig sa kanya. "Kasi, mas mahalaga yung ganitong nakikipag usap kana sa'kin. Kaya maraming salamat sa'yo, magandang Dilag." "No worries, Onyok. Mula ngayon magkaibigan na tayo!" Nakangiting sabi nya sa binatang biglang napabaling ng tingin sa kanya. "Talaga ba? Sinabi mo yan ha! Magka ibigan na tayo!" Masayang sabi ni Moises, bakas sa mukha nito ang kaligayahang nararamdaman, na kahit ang mga mata nito ay nakangiti habang nakatingin kay Edna na natatawa na lang sa reaksyon nya. "Sira! Anung magka-ibigan? Magkaibigan lang!" Naburang pagkakangiti ni Moises sa narinig mula sa dalagang itinatangi. "Tsk! Sayang! Kala ko pa naman... Haayy.." "Hahaha.. Kala mo ha! Nakalusot kana? Ibahin mo ang aking Amiga, dadaan ka muna sa butas ng karayom, bago mo mapalambot ang bakal nitong puso,, Uyy!" Nangangambang napatingin si Moises kay Cecile. "Parang sinabi mo na ring.. Apoy, ang lalakaran ko, Hangin, ang sasabayan ko, Tubig, ang lalakbayin ko at Lupa, ang gagapangin ko, para makamit lang ang mithiin nitong puso ko, Ganun ba yun Cecile?" "Tumpak! Kaya kung ako sayo, ngayon pa lang pag isipan mo ng maige kung anong diskarte ang ipapamalas mo, para mapa lambot mong puso nitong Amiga ko!" Papitik pitik pa sa hangin ang daliri ni Cecile habang sa mga mata nito ay mababanaag ang ikinukubling kapilyahang naiisip, tanging sya lang ang numero unong tagasubaybay sa nabubuong rocky road love story nitong Amiga nya't kumpare naman ng Pangga nyang si Nelson. "Oh! anuna Onyok! Handa kana bang makipag sapalaran sa'kin?" Pakikisakay naman ni Edna sa usapan ng dalawa. "Syempre naman! Basta't ikaw ang reward na makukuha ko, kakayanin kong lahat mapasakin lang ang pag ibig mo." Kasabay ng paghagod sa buhok nito ang pagkindat ni Moises kay Edna na napapailing na lang sa kanya. "Sige, alis na'ko magandang Dilag, work work muna para may pang date tayo hehe.." Napasunod ang tingin ng magkaibigan sa papalayong Binata. At ng makatawid na ito sa kabilang kalsada, nanunuksong kinalabit ni Cecile ang katabi. "Ay Woww! Bonggacious! Magkaka jowa kana rin tulad ko, Amiga. Sure ako na may forever kayo nitong si Onyok, determinadong aurahan eh! Ano mase say mo sa admirer mo ha?" "Sa palagay mo ba Amiga, may mararating kapag nagkatuluyan kaming dalawa?" Aniya. "Abay syempre naman! Hawak mong kaligayahan nyong dalawa, ikaw ang magde decide kung nais mong lumigaya sa buhay.. Kasi, nasa mga kamay mo ang katuparan ng ikagaganda ng kapalaran nyong dalawa.. In short .. Naniniwala akong kayong dalawa ang nakatadhana sa isa't isa." Kinikilig pang sabi ni Cecile sa kanya. "Talaga ba, Amiga?" Nag aalinlangan nyang tanong sa naka ngiting kaibigan na inabot naman nitong mga kamay nya at pinisil pisil. "Amiga, di naman ibig sabihin na kapag nag love life kana eh.. Kakalimutan mo ng mga tungkulin o obligasyon mo sayong pamilya, gawin mong inspirasyon sa buhay mo si Onyok, sigurado ako gagaan ang pang araw araw na buhay mo. Hindi ganyang parang pasan mo palagi ang mundo." Nayakap nyang kaibigan sa sobrang saya na kanyang nararamdaman ng mga oras na yun.. Sobrang naantig ang kanyang damdamin sa mga payo nito, na kahit ang mga luha na sinisikap nyang ikubli dito, ay kusang pumatak sa kanyang mga mata. "Lam mo Amiga, Diko akalain na magaling ka rin palang magpayo, tagos hanggang buto ang mga binitawan mong salita eh! Na touch ako ng sobra! Salamat ha!" Mabilis nyang pinahid ang basang pisngi, bumitaw sya sa pagkakayap dito at bahagyang dumistansya para magkaharap silang dalawa. "Gusto ko lang naman na makita kang masaya, kaya Amiga.. palayain mo ng sarili mo, mamuhay kang masaya at maligaya. Wag kang matakot o mangamba sumubok na tahakin ang ibang daan, dahil malay mo sa dulo pala ng daan na nilalakbay mo, dun naghihintay ang kaligayahang pinaka mimithi mo sa buhay!" Nakangiting pinisil ni Cecile ang kanyang pisngi. Ngayon nya lang napagtanto ang lahat, tama naman ito. kasi, hindi naman masamang subukan nyang mga payo nito sa kanya. Nais nya rin namang sumaya, ang lumigaya, kagaya ng mga kapatid nyang nagkanya kanya na sa buhay. Priority pa rin naman nyang Pamilya, pero ngayon babalansehin na nyang pareho, ibig sabihin.. Ang Pamilya nya at ang kanyang sarili. "Amiga, Salamat!" Tanging nasabi nya sa kaibigang nakaka unawa sa kanya. 'Self... Malaya kana! Palalayain na kita, para ikaw naman ang sumaya't maging maligaya!' 💃MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD