Unang Kabanata

1237 Words
Heto na naman ako ngayon, mula sa malayong distansya sa kinaroroonan ng magandang dilag na aking hinahangaan ng sobra sobra. Dinadaga na naman ang dibdib ko, mabilis ang pagtibok ng aking puso habang nakatingin sa kanyang mga ngiti.. Abala na naman sya sa mga mamimili ng di kalakihang tindahan ng Intsik na kanyang pinapasukang trabaho. Hingang malalim sabay tapik sa dibdib, napabuga ng hangin saka humakbang ako patawid sa kabilang kalsada. Ang aking destinasyon ay ang tindahan kung saan abala pa rin ang magandang dalaga sa mga mamimiling nakapila. 'Bahala ng masungitan ni magandang dilag, basta gusto ko syang makita ng malapitan, mamasdan ang maamo nyang mukha, masamyo ang humahalimuyak nyang bango, mahawakan ang malambot nyang kamay.. Huuu.. excited nako!' Matyagang tumayo ako sa pinakagilid ng tindahan, hindi ako sumiksik sa pila, matyaga akong naghintay, hanggang sa lumuwag at tatlo na lang ang nakapilang mamimili. Isa.. Dalawa... Tatlo... 'Hohoho! Sa wakas naubos rin ang mga asungot na nakapagitan samin ng mahal ko.. Huhmm..' Ilang hakbang ko lang at kaface to face ko ng magandang dilag na nakangiti pa sakin. 'Heaven! Nasa heaven naba ako? Ke gandang Anghel naman talaga nitong kaharap ko.. haayy..' "Excuse me! Bibili kaba o tutunganga kana lang dyan?" Narinig kong naiinis na boses nito, pero hindi ako makapagsalita, ewan ko ba kung anong klaseng mahika ang taglay nitong kaharap ko at tila na frozen ng buong katawan ko. 'Putragis! Anuba self? Focus! Baka ma high blood na naman si magandang dilag, ma ban tayo dito huhu.. Yokong danasin ang kalungkutan kapag diko sya nasilayan ng malapitaann.. Kaya utang na loob self.. umayos kana plis!' "Hoy! Mister! Time is gold, kaya wag mong sayangin ang pagkakataon mo?" Napakurap kurap at napa lunok ng laway saka pa lang ako nakapag salita. "A- Ahm.. Hi, Ganda, pabili nga ng yosi isang kaha na, saka samahan mo na rin ng lighter.." "Anong brand ng sigarilyo mo?" Tanong nito habang inaabot ang stock ng mga sigarilyo. "Hope, kasi hopeng akong mapansin moko" pahapyaw kong banat. Kunot noong napabaling sya ng tingin sakin. "Ha! Anu yung sinabi mo?" "Sabi ko, maganda ka sana, kaso may pagkabingi ka rin pala.. Hehe.. " Sumimangot ang dalaga sakin, kaya biglang napabwelta ako ng.. "Joke!" Napangisi sabay kamot ng tengang pahabol ko pa. "Pa joke joke kapa dyan, feeling close lang ganun? Oh ayan 98 pesos lahat." Nakasimangot nyang nilapag sa harapan kong lahat ng binili ko, sayang diko man lang nahawakan ang kanyang kamay. Inabot kong 100 pesos sa kanya, mabilis nyang hinila yun saking kamay. "Salamat, keep the change na lang yan ganda, at sana ako rin, ikeep mo na.." Hirit pahaging ko ulit sa kanya.. Malay natin baka sakaling mabigyan nya rin ako ng pansin, kahit na pahaging haging lang ang diskarte ko sa kanya. "Tindahan ito hindi club! kaya wag mokong bigyan ng tip.. Umalis kana nga sinisira mong araw ko eh." 'Suplada talaga! Kuu.. Pasalamat ka, mahal kita!' Nakangiti kong inabot ang aking sukli. Mabilisan ang aking pagkilos para mahawakan kong kanyang kamay. At ng magdikit ang aming mga palad, kakaibang saya na naman ang aking naramdaman. 'Hayy... nasa heaven na naman ako.' Kunway nasasaktang dumepensa ako sa kanyang sinabi sakin. "Ay grabe sya! Keep the change ang sinabi ko hindi yun tip." "Ah.. Sumasagot kapa talaga ha!" "Nangangatwiran lang naman.. Pero, sige, sorry na ganda. Bati na tayo plis!" "Heh! Alis!" 'Patay na, mas lalo pa yatang nagalit sakin.. Kasalanan ito ng baliw kong puso, di kasi nakikinig sa utak ko eh, ayan tuloy bad trip na sya sakin.' Nanlulumong naglakad ako palayo sa lugar na yun. Magpapalipas na naman ako ng ilang araw bago magpakita ulit sa supladang dilag na yun. 'Humanda ka saking pagbabalik magandang dilag, dahil level 2 ng diskarte na gagamitin ko sayo..' Kung lumingon lang sana si Moises sa tindahan, eh di sana nakita nyang pagngiti ng magandang dilag na pinapangarap nya.. Na walang iba kundi si Edna Arches. "Pre!" Nilulukob ng malabis na kalungkutan ang aking puso na hindi ko man lang napansin si Nelson na nakasandal sa isang poste ng kuryente habang humihithit ng sigarilyo. "Hoy! Parekoy!" Habol na sigaw pa ni Nelson ng lumampas nako sa kanyang kinatatayuan. Ng hindi ko man lang sya tinapunan ng tingin, hinabol nya ako saka inakbayan. "Hoy! Onyok, ayos ka lang ba, Parekoy?" Tila naman nagising ang aking diwa sa pagtapik at pag akbay sakin ni Nelson. Napakurap kurap pang aking mga mata bago bumaling saking kaibigang nakakunot ang nuong nakatingin sakin. "Ikaw pala Pre, ba't ka nandito?" "May binili lang ako dyan sa tindahan, eh ikaw anong binili mo dun, ha?" Sumulyap muna ako sa tindahan kung saan nakikita kong may kakwentuhang tindera rin dun si Edna. Masaya ang mga ito, nagtatawanan at paminsan minsan naghahampasan pa ng mga braso. 'Ang ganda mo lalo kapag ganyang nakangiti ka't tumatawa.. Hay.. sana balang araw ang mga tawa at ngiting yan, ang magiging dahilan... ay ako na.' Napabuntong hininga na lang ako at ibinaling ang tingin kay Nelson, na nakatutok din ang pansin sa may tindahan. Tinampal kong tiyan nito saka iwinaksi ang brasong nakaakbay saking balikat. Dahilan para agad itong mapabaling ng tingin sakin. "Huh! Ano yung sabi mo Pre?" Himas ang tiyan na tanong ni Nelson sakin. "Tsk! Wala pa nga akong sinasabi eh! Lutang kana naman.. tumira ka ano?" "Di ah! Ke aga pa, para sa ganung bagay." May panunuring tinitigan kong aking kaibigan. Kilala ko na ito at kabisadong kabisado kapag nagsisinungaling o may inililihim ito sakin. "Uy! teka teka! May babaeng nagugustuhan ka ano? Sinong sinisilayan mo sa tindahang yun?" Inginuso kong tindahan di kalayuan sa kinatatayuan naming dalawa. "Si Cecil.." Bahagyang namumula pang pisngi ni Nelson na kaagad nag iwas ng tingin sakin. "Potek! Hahaaha.. Parekoy, nagba blush ka?" Napahampas pa'ko sa kanyang balikat habang malakas na tumatawa. "Tsss.. Yaan mo na, Eh ikaw? Sinong kursunada mo sa tindahang yun at araw araw mong sinasadya ha?" Napatigil ako sa pagtawa ng marinig ang tanong ng aking kaibigan. Sumulyap muna ako sa tindahan bago humarap kay Nelson at kakamot kamot sa batok sabay sabi ng pangalan ni magandang dilag na aking itinatangi. "Huh! Si Didi ang gusto mo sa kanilang lima?" "Didi? Sino yun?" "Si Edna! sanggang dikit ni Cecil my labs ko." Nakangisi ang mukhang tinuro pa ni Nelson si Edna na abala na naman sa tindahan. "Palayaw nya palang Didi, Hmm.. bagay sa kanya." "Kung sya ngang itinatangi mo Parekoy, Aba'y dapat sanggang dikit din tayong didiskarte. Ano, ayos lang ba sayo yun?" Malapad ang pagkakangiting humarap ako kay Nelson saka itinaas ang aking kamao, para sa fist bump naming dalawa. At ng magbanggaan ang aming mga kamao, sabay pa kaming nagkatawanan. "O' tara na work work na tayo, para makaipon ng pang date sating sinisinta." "Date kaagad? Diba dapat pa impress muna tayo sa kanila para mahulog ang loob nila satin?" Napapailing na umakbay ang braso ni Nelson saking balikat. "Parekoy, bulok ng diskarteng yun, millennial ng panahon ngayon, kaya dapat... sumabay.. sumunod tayo sa indak ng panahon.. .♪♪" Pakanta ng huling sinabi ni Nelson na naintindihan ko naman kaagad ang nais nitong iparating. Sumabay na rin ako sa pagkanta nito habang mabagal na humahakbang. "Kasabay ng mga bagong tugtugin ngayon..♪♪" "Mismo! Kaya, tara na..." Magkaakbay na naglalakad kaming dalawa habang masayang nagkakantahan. Parehong umaasa na mapaibig ang aming sinisinta. Ahh.. Bukas panibagong araw na naman... Bagong pag asa para sa minimithing kaligayahan naming dalawa.. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD