Sa lahat ng oras na naramdaman kong niloko ako, Nagreklamo ako, Alam mo kung paano ako magreklamo? Para sa lahat ng mga pagkakamali na inulit ko, Kahit na ako ang may kasalanan, isinisi ko pa rin ang lahat sa kalangitan..
Binigay ka ng Diyos upang ipakita sa akin kung ano ang totoo
Na may higit pa sa buhay kesa nararamdaman ko
At lahat ng kahalagahan ay nasa harapan ko lang
Na dapat hindi ko sinasayang ang aking buhay sa walang katuturan
Na dapat ko itong ingatan, pahalagahan at pasalamatan..
Mula sa bawat pag-aalinlangan na mayroon ako, Mga takot at pangamba na aking itinatago
Diko inakalang may dadating na babago saking pagkatao
Na sa wakas pinalaya hindi lang ang aking puso kundi higit ang kaluluwa ko
Na matagal ng panahon nakakulong sa madilim at masalimuot kong mundo..
Sa iyong mga bisig ako ay nakadama ng kapayapaan
Ang iyong pagkalinga ay walang katulad
Nagkaroon ng kulay ang buhay kong mabagal na umuusad
Nagsilbi kang aking gabay sa bawat hakbang ko sa pang araw araw kong buhay
Dahil... Pinagtagpo tayo ng Tadhana, Edna... Maniwala ka sana...
God gave me you..
kasi...
Isang araw biglang nagbago ang ikot ng aking mundo. Ng may isang magandang dilag na nagsasalita sa harapan ko. Kaylamyos ng boses tila magandang musika sa pandinig ko, ito na bang tunay na pag ibig? Nasapol na ba ni kupido ang aking puso?
"Hoy! Mister, anong bibilhin nyo?"
"Ang puso mo? Malaya pa ba?"
"Ano?" Naiinis nyang tanong sakin.
"Este, posporo! isang balot na.. hehe"
Nang una ko syang makita, ako'y agad napahanga, para bang Anghel sa langit, agad agad natulala. Isang mutya sa dambana, parang prinsesa ang ganda, tila ba isang diyosa, halintulad sa diwata...
Nang masilayan kong kanyang mga mata ako'y nahalina, sa kanyang mapupungay mga munting pilikmata, lumalaki, lumiliit sa bawat pagpikit niya, para bang hipnotismo, sa akin ang dala-dala.
Ng tingnan kong kanyang labi, ako'y tila nagising, para bang isang pusikit sa karimlan nanggaling, labing nang-aakit, para bang nagsasabing.. ang makahalik dito'y lahat ng sakit mo'y gagaling.
Sa ilong niyang, hindi naman katangusan, tipikal sa pilipina, tipikal na kagandahan bagay sa kanyang mukha, walang kapintasan. Ikaw ay huwag kukurap, ganda niya'y walang hanggan.
Sa kanyang pagtalikod, napansin ko kanyang buhok, hindi maigsi, may kahabaan yun, at hindi rin naman straight kasi bahagyang kulot iyun. kulay nitong burgundy tinatago kanyang batok, sadyang kaysarap amuyin dahil amoy pulot..
Sa kanyang porma at tindig, tila isang Anghel, Sa kanyang paglalakad tila isang model, lahat mapapalingon, kapag siya'y naka-high heels, para bagang artista, laging naka maxi-feel..
Ang talagang nakakahalina, ay ang kanyang ngiti, tila isang mabilis na palaso, sa puso'y nakakakiliti, ang kanyang mga tawa'y lubhang
nakakabighani, wala kang magagawa, para bang nababatubalani.
Kanya namang ugali, ang pag-usapan natin, mabait na kaibigan, siya'y anak na masunurin, kaysarap na kasama, siya'y maalalahanin. Isang dakilang anak , sa kanyang pamilya at pamangkin. Wala kang masasabi sa kanyang ipinakikita kung sa pagtulong lamang, dika magdadalawang salita pera man yan o payo, tunay ngang siya'y dakila, isang maasahang kaibigan sa oras na ika'y walang wala.
Kanyang trabaho, talagang pinag iigi para sa kanyang pamilya, mayroon pa siyang parttime, singit niyang gawa, dagdag kita rin naman daw, kesa nga naman gumala, mas mabuti pang nasa tindahan, doon may kinikita.
Sa simpleng pangarap, tinutupad niyang pilit, hiling lamang sa Diyos, ito'y wag ipagkait, tinitiis ang lungkot, buhay pagiisa na kay pait, basta't ayos ang pamilya, sari-sarili'y huwag magkasakit. Konting pagod, konting tiis, lagi sa kanyang isip, mahalaga'y sa konting sakripisyo, pera naman ang kapalit, kinabukasan ng pamilya , ngayon kanyang target, di bale ng mahirapan, basta pangarap nila'y sulit.
Anghel sa kalangitan, maitatawag mo sa kanya, sa pag-ibig, sa trabaho maging sa pamilya, tunay na kay sipag kaysarap na kasama, hindi ka niya iiwanan, saan man mapunta.
Dangan nga lamang siya'y Anghel na walang pakpak, sa munting pangarap pinilit na tumaas kanyang lipad, upang sa dako pa roon, ito'y maabot at matupad, tinitiis na pagod at hirap, para sa kaligayahang hangad.
Panu ko natuklasan at nasabing lahat ng yan? Dahil ang lahat ng yan ay aking nalaman, ng mag umpisa akong sya'y lihim na sundan, nagtanong tanong na parang detective..
nag astang tagahanga..
nag feeling kaibigan..
Hanggang makilala ko sya ng personalan. Lahat ng effort ko sulit, dahil ako sa kanya'y napalapit, nakilala ko ng lubusan ang babaeng sa puso ko'y sumungkit..
Ang aking Anghel sa kalangitan...
Ang aking Bahaghari na tangi kong kayamanan...
Ang aking kaForever...
Ang aking kaDestiny...
Ang Binibining Marikit na sa puso ko ay nakaukit!
?MahikaNiAyana