Hindi ako boy next door. Kapag nakita mo ako sa tabi ng pinto, siguradong deadma mo lang ako sabay bagsak ng pinto. Pinadlock mo pa, tapon pa susi sa yero, palagi pang naiipit ang kamay ko.
Hindi din ako head turner, naka sampung lingon ka na sa pwesto ko, saka mo pa lang makikitang nageexist ako.
Hindi din pang campus crush ang itsura ko, parang nacandy crush kasi ang mukha ko. Mas mauuna mo pang mapansin yung mga katabi ko bago ako.
Hindi din ako saksakan ng gwapo, puro lang talaga saksak ang inaabot ko. Palagi kasi akong napagkakamalang holdaper ng mga tambay sa kanto. Bihira ko lang maramdaman ang maging center of attention. Kung hindi pa ako magpapapansin, wala talagang papansin sakin.
Andami kong insecurities sa sarili ko, sa picture lang ako medyo gwapo. Kelangan ko pa ng filter sa i********: para masabi mong ang kinis kinis ko, kelangan ko pang umanggulo. Kapag hinalikan mo ako, tataas ang cholesterol mo. Parang nag iice skating lang ang labi mo. Oily kasi ang mukha ko.
Wala din akong abs, wala akong pandesal sa tiyan, sayang lang ang dala mong palaman. Kapag niyakap mo ako palaging may namamagitan. Sorry daw, kasi sabi ng beer belly ko.. kapag umiyak ka sa balikat ko, babagsak ang ulo mo.
Sorry na ha! pagkatapos kasi ng leeg ko, braso na.
Pero kapag kasama kita, tanggal lahat ng insecurities ko. Hindi ko maramdaman na ang pangit ko. Cute na cute ka pa din sakin kahit labas na yung buhok sa ilong ko. Mas gusto mo itsura ko kapag g**o ang buhok ko. Kahit may panis na laway sa bibig ko, kahit puro muta ang mata ko pagkakagising ko, tintiitigan mo pa din ako.
Tanggap mo ko kahit yung mga pangit na nakikita ng ibang tao.
Mahal mo ako kung ano ako.
At ako yung pinakagwapong tao sa paningin mo.
Salamat dahil sayo natutong magpahalaga at umibig itong manhid kong puso.
Kasi.... Lam mo ba?
Noong uhugin pa ako, "Love is Blind" ang kauna unahang quote na nalaman ko tungkol sa pag-ibig. Salamat dun sa sticker na nakadikit sa stationary set ng kaibigan ko. Pero medyo naguluhan ako dun, kaya tinanong ko ang lnay tungkol dun.
Sabi ko, "Inayyy, kapansanan ba kapag nagmahal ka?"
Hindi niya ako sinagot dahil biglang nasunog yung sinaing namin.
Siguro kaya sinasabi nila na bulag ang pag-ibig ay dahil akala nila nabubulag tayo sa kasiyahang kayang ibigay ng pagmamahal.
Lahat ng hindi pantay, nagiging pantay.
Lahat ng magkaiba, nagiging pareho.
Lahat ng hindi dapat, nagiging dapat.
Lahat ng mali, nagiging tama.
At kahit yung imposibleng maging tama, pinipilit maging tama. No big deal kumbaga.
Pero ang totoo, hindi naman talaga bulag ang pag-ibig. Dahil kahit kelan hindi naging kapansanan ang magmahal. Hindi yan pwedeng tawaging isang kakulangan dahil dyan tayo mismo nakukumpleto. Dahil kung talagang bulag ang pagmamahal, hindi mo makikita ang kagandahang kayang ibigay nito. Kahit kelan hindi yan naging madilim. Automatic lang siguro tayong napapapikit, para hindi natin makita ang pagkakaiba ng bawat isa. Kusa tayong pumipikit para i-set sa disable mode ang ating mga mata. Dahil kapag nagmamahal ka, yung tumitibok na laman sa kaliwang dibdib ang ginagamit mo at hindi ang kahit anong external organs ng katawan mo.
- MOISES -
Si Moises ay isang masayahing tao
Mapagbigay pero maloko
Sa mga kaibigan tapat sya at totoo
Pagdating sa kalokohan numero uno ito..
Sa edad nyang bente banat na banat na sya sa trabaho
Palabarkada man sya at basagulero
May dignidad naman at may prinsipyo
Maraming kababaehan ang nahuhumaling dito
Pero ni isa sa mga ito, ay wala man lang nakapasok sa pihikan nitong puso.
Hanggang sa nakilala nya si Edna
Isang dalagang suplada na isnabera pa
Lahat ng diskarte kanyang ginawa mapansin lang sya
Pero tila isa lang syang langaw na palaging tinataboy ng dalaga..
Sa ugaling pinapakita sa kanya ni Edna
Kahit minsan di sumuko si Moises kahit nahihirapan na sya
Ang kanyang minimithi sa buhay ay ang makapiling ang masungit na dalaga
Kaya gagawin nyang lahat ng kanyang makakaya
Dahil naniniwala syang si Edna ang ibinigay ng Panginoon para sa kanya
Na silang dalawa ang nakatadhana sa isa't isa.
Magtagumpay kaya si Moises sa larangan ng pag ibig?
Si Edna na ba ang bigay ng Diyos para sa kanya?
Anong kalalabasan ng kanilang storya?
Happy ending kaya o kabiguan ang makakamit ni Moises sa magandang dilag na pinapangarap nyang makasama, magmula pa ng panain ni kupido ang puso nya.
?MahikaNiAyana