Ika Sampu na Kabanata

1798 Words
"Magbihis ka!" "Nakabihis nako oh!" Mula sa paghahalungkat ng kanyang bag, umangat ang kanyang mga mata kay Cecile. "Mag lipstick ka!" "Kulang paba 'tong lipstick ko?" Natawa si Edna ng masuring maigi ang mukha ng kaibigan. "Ang kapal ng make up, Ano to foundation day?" "Basta! Bago kasing mga pampaganda ko, buti nakaabot ang Avon products na inorder ko." Nag spray pa ng pabango si Cecile "Wala na'kong masabi dyan sa mga hilig mo, Halika na! Baka naiinip ng dalawa dun." Hinila na nyang kaibigan palabas ng pinapasukan nilang tindahan, maaga silang nagsara kaya pasyal pasyal muna bago umuwi ng bahay. "Sandali! magre retouch pa'ko." Akmang babalik pa sana sa salamin si Cecile ng pigilan nya ulit ito. "Tama na yan! Wala ka ng igaganda pa!" "Grabe ka naman sakin Amiga, nakakalusaw ng confidence yang mga tira mo sakin ha!" Lungkot lungkutang huminto sa paghakbang si Cecile. Natatawa namang hinila ulit ito ni Edna palabas ng tindahan. "Wag ng mag drama, nabuburang kolorete mo sa mukha oh! Maganda kana kaya dina kelangang mag retouch kapa!" "Ayos nako dun sa sinabi mong maganda, kaya pinapatawad na kita, kahit na dika pa nahingi ng sorry sakin. Mag Amiga na ulit tayo, hihihi." Niyakap pa sya nito. "Sus! Alam ko namang dimu ko kayang tiisin eh! Dimu kayang mawala ako sa buhay mo, kasi, ako lang naman ang tanging taga suporta sa mga ka kekayan mo!" "Ganun?" Taas kilay na napabitaw sa pagkakayakap sa kanya si Cecile. "Bakit? Nagdududa kaba sa Amiga treatment natin ha?" "Hindi! Amiga for life tayong dalawa eh! Ene echos lang naman kita! Masyado ka kasing aligaga sa lakad natin, eh pang ilang double date na ba natin 'to? Hmm.." "Tatlo na! kaya halika na't kelangan makauwi ako samin bago magdilim, para di ma badshot ang Tatay ko sakin." Halos kaladkarin na nyang kaibigan makarating lang sila sa sakayan ng jeep. Sa city pa kasi sila magkikita kitang apat, buti kung di sila matraffic mabilis silang makarating sa tagpuan nila dun. "Amiga, kumusta naman kayo ni Onyok?" Tanong ni Cecile pagkasakay nila ng jeep. "Okay naman, mabait naman pala sya, kala ko maloko hindi naman pala." "Kita mo na! Masyado mo kasi syang dyena judge eh! Sabi ko naman kasi sayo na mabait yung tao, ayaw mo namang maniwala sakin." "Oo na! Ayan na nga oh! Kami na diba! tama ng kuda mo dyan, mag happy happy na lang tayo!" "Syanga! Yan naman ang nais ko, hindi lang para sakin, kundi para talaga sayo. Ng magkabuhay at magkakulay naman yang love life mo!" Nakurot nyang pisngi ni Cecile sa tuwa nya dito. Kahit na napaka daldal at napaka kulet nito, mas nakakalamang parin ang kabaitan at kakengkayan nito, na mas lalong nagustuhan nya dito. "Tama ng kuda mo dyan! Malapit na tayong bumaba!" "Happy lang ako Amiga. kasi, pareho na tayong kumukuti kutitap ang mga mata hahaha." "Ikaw talaga!." Pagkababa nilang jeep, kaagad nilang nakita sila Nelson at Moises na nakatayo sa labas ng Roberto's. Masarap ang tindang siopao dito, kaya kapag naligaw sila sa city, dito kaagad ang deretso nila para kumain bago mamasyal. "Hay.. sa wakas! dumating din kayong dalawa, kala namin iinjanin nyu kami eh!" Si Nelson na kaagad umakbay kay Cecile na ngiting ngiti. "Panu! Yang syota mo kasi, tagal magpintura ng mukha, pabalik balik sa salamin!" Sagot nya kay Nelson. "Kain na lang tayo, para makapa masyal at kapag may oras pa makanuod na rin ng sine." Ani Moises na inalalayan sya sa pag upo sa silya pagkapasok nila sa Roberto's. "Syanga naman! Tama na yang reklamo nyung dalawa. Gutom na'ko!" Kinalabit ni Cecile ang katabing nobyo. "Hoy! Nelson, bumili na kayo ni Onyok ng siopao at pancit bihon, naglalaway na'ko dito." "Basta sa pagkain, napaka apurada mo talaga! Tsk.." "Nagrereklamo ka?" "Hindi ah!" Sabay tayo ni Nelson, saka tapik kay Moises na nangingiti na lang sa kanila. "Tara Pre, order na tayo at nagugutom ng bruha!" "Anong sabi mo?" Singhal ni Cecile sa kasintahang napakamot ng kanyang ulo. "La.. Sabi ko kay Onyok, oorder na kami at gutom na kayong magaganda!" "Parang di naman yun ang sinabi mo! Pasalamat ka, diko masyadong narinig, kung hindi lagot ka sakin!" Natatawang nauna ng naglakad si Moises sa counter para umorder ng makakain nila. Kung parang aso't pusa ang samahan nila Nelson at Cecile, iba naman sila ni Edna. Kasi, bigay todo sya sa dalaga. Kung anuman ang nais, gusto at sabihin nito, sinasang ayunan, binibigay at sinusunod nya ng walang rekamo, pag aalinlangan at pagtatalo. Masyado nya itong mahal na kahit minsan ay ayaw nyang magalit, magtampo o magdamdam man ito sa kanya. Naghirap sya para mapaibig lang ito sa kanya, kaya hinding hindi nya hahayaang masira ang pagsasama nila, dahil lang sa hindi pagkakaunawaan. Gusto nyang magtagal sila, yung pagsasama na panghabang buhay na sana, kung papalarin sya na mapanatili lang si Edna sa piling nya. Nilingon nya ang dalagang nakatanaw sa malawak na karagatan, kung saan abot tanaw nila ang Guimaras island. Matapos kasi nilang kumain sa Robertos, dina sila nakapanood ng sine kaya dito sila napadpad sa Fort San Pedro Iloilo. "Sabihin mo sa’king masaya ka. Masaya sa piling ko. Masaya na kahit madalas tayong nagkakatampuhan, andito pa rin ang ako at ikaw. Masaya kasi, napapangiti kita sa mga corny kong jokes. Masaya sa bawat higpit ng yakap at haplos ng mga kamay. Masaya dahil may mga araw na magkasama tayo. Masaya sa paraan kung paano kita minamahal. "Ha?" Napabaling ang nakakunot nuong si Edna sa kanya. Halatang di nito naintindihan ang nais nyang ipabatid dito. "Wala! Sabi ko mahal kita!" Kinabig nyang dalaga palapit sa kanya, saka masuyong hinalikan sa noo. "Mahal na mahal kita!" "Anong meron at napaka drama mo yata ngayon?" Tinampal nitong braso nya bago dumistansya at sinuri ng tingin ang kanyang mukha. "May problema ba?" "Wala naman! Masaya lang ako kapag kasama kita. Hanggang ngayon, dipa rin kasi ako makapaniwala na tayo ng dalawa." "Gusto mo bawiin kong pagsagot ko sayo?" "Aba'y wag! Okay na tayo eh! Lumelevel up na ngang relasyon natin, tapos gusto mong back to zero na naman ako? Maawa ka naman sakin!" "Ikaw eh! Drama mo!" Napairap pa sa hangin si Edna. Ng makitang pagkataranta at takot sa mukha ng binata. "Nag aalala lang naman ako sa sitwasyon natin, lalo na kapag nalaman ng Tatay mo ang tungkol sa'tin." "Bakit dimu ba ako ipaglalaban kung sakaling malaman ng Tatay ko ang tungkol sa'tin?" "Syempre naman! Ipaglalaban kita hanggang kamatayan! Ganyan kita kamahal!" Itinaas pa ni Moises ang kanang kamay na tila nanunumpa sa natatawang dalaga. "Tama na nga yang katamisan mo, tara uwi na tayo." "Maaga pa ah! Wala pa ngang alas singko." "Babyahe pa tayo pauwi, kaya halika na!" Hinila na ni Edna sa braso si Moises na napakamot na lang ng kanyang ulo. Kahit na gustuhin pa kasi nitong magtagal pa sila dun, dina maaari. Kasi, kapag sinabi ni kumander, yun ang masusunod, kaya wala na syang masasabi pa. "Sino yung naghatid sa'yo?" Napahinto sa pagsasara ng gate si Edna ng marinig ang boses ng kanyang Ama. Nasapo nyang dibdib ng biglang sumalakay ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Grabe ang kabang kanyang nararamdaman, lalo na't pahakbang palapit sa kinaroroonan nya ang kanyang Tatay. "Wala ho yun, nakasalubong ko lang dyan sa labas Tay!" "Nakasalubong mo lang? Ako ba'y pinaglololoko mo ha? Hinalikan ka sa pisngi nung lalakeng yun, tapos sasabihin mong nakasalubong mo lang?" Lalo syang kinabahan sa tono ng galit na boses ng kanyang Ama. Alam nyang kung sasagutin pa nya ito mas lalo pa itong magagalit sa kanya. Kaya mas pinili na lang nyang manahimik at wag ng sumagot pa. "Layuan mong lalakeng yun! Ayoko ng makitang may naghahatid sa'yo dito na kung sino! Naiintindihan mo ba ako?" "O- Opo! Tay!" Pigil ang pagbuntong hiningang sagot nya dito. "Hala! Pumasok kana sa loob, ke babaeng tao inaabot ng gabi sa labas!" Dinig pa nyang kalampag ng bakal na gate kahit nasa pintuan na sya ng bahay nila. Ito na yatang araw na kinatatakutan nya, ang malaman ng kanyang Ama ang ugnayan nila ni Moises. 'Kailangang makausap at masabihan ko kaagad si Onyok, para makapag ingat sya kapag aksidenteng nagkita sila ni Tatay.' Habang nag aayos ng kanyang higaan, di mapakali si Edna. Hanggang sa makahiga na sya balisa pa rin at di makatulog, bumangon sya't sumillip sa labas, sa kinahihigaan ng kanyang mga magulang. 'Hay salamat! Tulog na si Tatay.' Dali dali nyang inayos ang kanyang mga unan, pinwesto nya ito ng pahaba, na parang sya pa rin ang nakahiga, saka tinakpan ng kumot, para di mahalata ng kanyang Ama kung sakaling sumilip ito sa higaan nya. Ugali na kasi ng kanilang Itay na silipin silang magkakapatid gabi gabi bago ito matulog at kapag nagigising ito para mag banyo. 'Ayan! Pwede na, dina halata.' Akma na syang lalabas ng silid ng marinig ang boses ng nakababatang kapatid. "Ate Didi, san ka pupunta?" "Shh... wag kang maingay Ne, baka magising si Tatay." Iinot inot na bumangon sa kanyang higaan ang kapatid at sumilip saglit sa labas bago bumaling sa kanya at nagtanong ulit. "Aalis ka, 'Te? San ka pupunta?" "May kakausapin lang ako saglit sa labas, dito ka lang, matulog kana ulit." Nagtatakang napasunod ng tingin si Nene sa nagmamadaling kapatid. "May bukas pa naman, bakit kung kelan gabing gabi na saka pa sila magkikita? Hay.. kapag nalaman 'to ni Tatay, mapapalo na naman sya ng sinturon." Sinundan nya pa ang kapatid, pero hindi para pigilan, kundi para isara ang pintuan. 'Kung san ka masaya! Susuportahan kita! Kaya go Ate Didi.. abot kamay mo ng kaligayahan na nararapat sa'yo, ipaglaban mo ang happiness ng buhay mo.' Pabagsak na humilata si Nene sa kanyang higaan.. Natutuwa sya't sa wakas, nagkalakas loob na rin ang kanyang Ate Didi, para gawin ang makapagpasaya dito. Tama lang naman yung.. Sarili naman nito ang pagtuunan ng pansin, hindi yung puro trabaho't bahay na lang ang routine ng buhay nito. Di gaya nya na may extra challenge ang every day life.. Maging mapa.. Bahay, skwela, barkada, lakwatsa at higit sa lahat ang kanyang mga fafa na nakapila... Oh diba! Hindi lang masaya at makulay ang kaganapan sa pang araw araw nyang buhay... Kahit na madalas man syang mapalo ng sinturon, ayos lang yun sa kanya.. Kasi, nauutakan naman nyang Tatay nila, dahil naglalagay sya ng makapal na karton sa p***t, para pananggalang sa bakal na sinturon ng kanilang Ama. Iniisip na lang nya na ganun talaga siguro mag disiplina ang isang Pulis sa mga sutil at suwail na kagaya nya. Pero kere lang naman nya lahat, at ngayong luma love life na rin ang kanyang ulirang Ate, di pwedeng di sya mag ala Fairy Godsister nito, para sumaya't lumigaya rin ito kagaya nya. Para, pareho silang dalawa na.. Happy happy lang... 💃MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD