3

3005 Words
Leave I've never been insulted in my entire life like that. Iyon ang unang beses na may nagsabi sa akin ng ganoon. Harap-harapan akong ininsulto sa kabila ng kinabibilangan kong angkan. Dismayado akong bumalik sa sasakyan noon at nagsisi kung ba't pa ako bumaba. Pinagalitan pa ako ni Feli buong byahe. Matapobre? I am not like that. Oo I judge him pero hindi ko naman iyon isinaboses ah? Si Feli dapat ang sinasabihan niya ng ganoon dahil kay Feli niya naman narinig. "Nagpalit na naman ba ng babae si Israel at itinapon na si Farrah?" biglaang tanong sa akin ni Feli. Nakatitig lang ako sa bintana at lumulutang ang aking isipan sa nangyari sa aming dalawa ni Bram. Hindi ako makamove-on! He said I'm matapobre! "Huy, Rici!" Inalog ako ng bahagya ni Feli na ikinakurap ko. "Hindi ko alam," agaran kong sagot at humilig na sa aking desk, ang tingin ay nasa labas parin. "Ba't di mo alam eh magkapatid kayo?" Pang-uusisa niya pa. Ininsulto niya ako... Sa harap ko mismo... At sinabi niya pang matapobre ako! I just offered him a ride! 'Di ba dapat ay thankful pa siya dahil nagmamalasakit ako sa katulad niyang hindi afford sumakay? "Rici." Mas inalog na ako ni Feli. "Hindi ako updated sa mga babae ni Kuya, Feli. Maybe meron na naman, and I'm sure maganda na naman iyon at mayaman, sexy, at kaedad niya lang. He doesn't like younger girls..." pinagdiinan ko na talaga ang mga katangiang wala sa kanya. Sumimangot siya kaya itinuon ko ulit ang aking tingin sa labas ng bintana. What should I do now? Should I talk to him? Should I say sorry? "Si Farrah ba at si Bram?" Boses na iyon ni Alma na kakarating lang galing sa labas. Nilingon ko siya. May dala itong pagkain at sa gilid niya naman ay ang nakasimangot na si Rowena. "Pinatulan ni Farrah si Bram?!" tili pa ni Feli at napatayo na sa kanyang silya. "Mali, Feli. Pinatulan ni Bram si Farrah. Alam mo naman ang babaeng iyon..." pagtatama sa kanya ni Rowena. Yeah, who wouldn't know that girl? She's a high class b***h! Hindi na iyon virgin ah?! I'm sure nakailan na iyon kay Kuya! And akala ko ba matalino si Bram? Ba't niya iyon papatulan? That girl is disgusting! Maluwang na 'yon! Nanggigil ako bigla. I really hate Farrah. Umaalingasaw rin kasi sa kanyang kabuuan ang kalandian. "Close na ata ang dalawa. Edi wala na sila ni Israel?" si Alma na ngayon ay nakaupo narin sa kanyang silya. "Hindi naman siya naging girlfriend ni Kuya," pagtatama ko pa. "Bagay lang naman sila," si Feli at nagkasalubong pa ang kilay. Hindi sila bagay ah! Bram is good looking! Ganoon pala kababa ang standard niya sa babae kaya nagagawa niya akong insultuhin. Tagabundok nga siya, hindi marunong pumili! Kaya noong lumabas kami para magtungo sa canteen, iyon na agad ang naririnig kong usap-usapan sa ibang mga estudyante. Na si Bram naman daw ang kalandian ngayon ni Farrah. "Maganda naman si Farrah kaso 'di ba ay hindi na raw iyon virgin?" "Oo nga daw eh... Iyong ex niyang tagabayan ang nakakuha sa kanya."   Pokpok ba siya at papalit palit siya ng lalake? At bakit si Bram? I mean... that guy is poor! Sinikap kong kumalma sa dami ng tumatakbo sa aking isipan. Bumili kami ng pagkain. May iilang estudyante na binabati ako at nginingitian na ikinakangiti ko narin pabalik. Umupo kaming apat sa bakanteng table. Sakto namang may pumasok at hindi nga nagkamali ang kumakalat dahil sa kanyang tabi ay si Farrah na may matamis  na ngisi. I eyed Bram curiously. Seryoso lamang ang kanyang ekspresyon habang pumapasok silang dalawa. "Baka naman ginagawang Sugar Mommy ni Bram si Farrah?" bulong sa akin ni Feli sa aking tabi. Nagkibit ako ng balikat at nag-iwas ng tingin sa kanila. Ano namang pakialam ko diyan sa buhay ni Bram. He insulted me... Dapat nga ay magsorry siya sa akin. May kung anong sinabi si Farrah sa kanya na ikinangiti niya. Napakurap kurap ako nang makita ko ang paglabas ng kanyang dimple. D-Did he just smiled at her? May binulong rin siya kay Farrah na ikinahalakhak nito at marahan pang hinampas ang kanyang braso. Nalaglag ang aking tingin sa pagkain at wala sa sariling sumubo. Kung sila man, labas na ako roon. I am not interested. Hinding hindi ako magiging interesado kay Bram. He insulted me! H'wag mo iyang kalimutan Rici. Kahit sa pag-uwi ay baon baon ko ang balitang napulot. So what Rici? Stop thinking about them. Si Farrah naman ang mabubuntis ng maaga at buhay niya naman ang masisira since walang panggastos si Bram sa mag-ina niya. Anong ipapakain niya? Iyong mga bulaklak na binibenta ng kanyang Mama? Nagbihis ako at nagtungo nalang sa kusina para magbake. Gusto kong kumain ng matamis para maibsan ang nalalasahan kong tabang sa aking bibig. Suot ang pulang apron, iniyapos ko ang aking buhok para hindi iyon maging sagabal sa pagmimix ko. Inihanda ko ang mga ingredients saka ako nagsimulang maghalo ng dry engredients sa isang mixing bowl. Nagbasag ako ng tatlong itlog at inihiwalay ang puti sa dilaw. Sumulpot dito bigla si Daddy kaya nginitian ko agad ito. Lumapit siya sa aking tabi at tiningnan ang laman noong mixing bowl kung nasaan ang dry ingredients. "Ano na namang ibibake ng Prinsesa ko?" "I'm planning to bake a chocolate cake, Daddy." Binalingan niya ako. "Is that for yourself or..." "It's for myself," natatawa kong sagot dahil napupunto ko ang ibig niyang sabihin. Tumango naman siya. "Good... You know you're still young, Rici. H'wag ka munang gumaya kay Israel." Kumuha ako ng panibagong mixing bowl at doon hinalo ang wet ingredients. Humilig naman si Daddy sa gilid ng counter at pinagmamasdan ako. I suddenly remembered the issue. Totoo ba iyon? "Ah... Daddy... I have a question." Palingon lingon ako sa kanya habang nagmimix ako. "What is it?" Humalukipkip na siya roon, ang buong atensyon ay nasa akin na. "Before you married Mom... May nagustuhan ka bang ibang babae? I mean... May mga naging ex ka ba rito?" I asked him nonchalantly habang hinahalo ko na iyong dry at wet through cut and fold. "Marami akong naging ex pero iyong iba ay tagasyudad," sagot niya na ikinabalik ng mga mata ko sa kanya. "Eh dito, Daddy?" My father's brow furrowed. Ang ekspresyon niya ay mabilis na dumilim kaya kinabahan agad ako dahil baka ayaw niya iyong pag-usapan. Pero kung nakaraan na iyon ay hindi na dapat affected. "Meron..." he answered nonchalantly. "Talaga? Who?" Kumuha ako ng baking pan at nilagyan iyon ng oil habang nililingon rin paminsan minsan si Daddy. He just shrugged. "Not important," sambit niya at ngumiti sa akin pero wala nang makitang saya roon. Sa sobrang tabang ay hindi ako nakontento sa tamis na lasa ng aking cake. Kumuha ako ng vanilla syrup at dinagdagan iyon ng kaonti. Inilipat ko rin naman iyong mixture sa baking pan. Daddy opened the oven for me kaya ipinasok ko rin iyon sa loob. Siya rin ang nagset ng oras noon saka ko ipinagpatuloy ang pagtatanong. "Hanggang ngayon dito parin po nakatira?" "I'm not sure. She's not important to me anymore." I stared at my Daddy. Siguro sa kanya nagmana si Kuya kaya ganito rin kasakim sa babae pero curious ako kung sino sa mga babae ang isa sa mga naging ex niya rito. What if it's Bram's mother? May something ba talaga sila noon? Did he hated her? Siya ba ang rason kaya sa bundok nakatira ang mga Quiamco at hindi magawang makapagtirik ng bahay sa bayan? I don't want to push the topic. Baka kasi biglang magalit si Daddy at maoffend ko siya sa mga tanong ko. Seryosong tao si Daddy. Hindi siya iyong palabiro. Naaalala ko pa noong bata ako ay madalas kaming mangabayo at pinapasyal niya ako sa kabuuan ng bukid. Siya rin ang nagturo kay Kuya na mangabayo kaya nawili ito. I know how to ride a horse pero madalang lang rin akong nangangabayo dahil baka mawalan rin ako ng control at mapahamak pa ako. Nadatnan ako ni Kuya sa kusina noong maluto na ang cake at kinukuha ko na palabas sa baking pan. Nakasuot ito ng itim na panloob, denim jacket, faded jeans at timberlands. His typical ootd with his man bun. Lumapit siya sa akin kaya binigyan ko siya ng isang slice. Naamoy ko pa sa kanya ang usok ng sigarilyo. "Hmm..." Ngumisi siya sa akin habang tinitikman iyon. "Masarap?" tanong ko na ikinatango niya. "A 'lil bit." Mabilis ko siyang hinampas na ikinangisi niya ng pilyo. "It tastes good. Pwede narin..." Ngumiti ako at nakontento rin naman. Kung hindi ko lang naalala ang mukha ni Farrah ay hindi mabubura ang ngiti sa aking labi. Sinundan ko ng tingin si Kuya na nasa harap na ng ref at kumukuha na roon ng bottled water. "May bago kang babae, Kuya?" Nilingon niya ako at tinungga ang hawak niyang tubig. Umangat pa ang kanyang kilay habang ang kanyang adams apple ay gumagalaw. "I heard tinigilan mo na raw si Farrah. So... May iba kana?" Hindi ko tinantanan ang kanyang mga mata. "Meron, Senior High parin. What about it?" tanong niya habang ibinabalik sa loob ng ref iyong bottled water. "Wala naman..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Inasikaso ko iyong paglalagay ng chocolate mixture sa kabuuan ng sponge cake. Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko ang pagsandal ni Kuya sa ref habang nakahalukipkip na roon. "Are you jealous? Nawawalan na ako ng oras sa'yo?" "No... I am just curious okay? At bakit naman ako magseselos sa mga kafling mo? I know they're just temporary. Di mo naman ako ipagpapalit sa mga makakati, 'di ba?" Humalakhak si Kuya at mabilis na nagtungo sa akin. Ganoon nalang ang pagtili ko nang pinahiran niya noong chocolate iyong pisngi ko. "Kuya!" Halos itapon ko sa kanya iyong hawak kong spatula. He chuckled evilly. "Selosa!" saka niya isinubo iyong daliri na may chocolate pa. Bumusangot ako at pinunasan ang aking pisngi. Nasa harap na ngayon si Kuya at nakahilig na sa counter habang nakayuko. "You know you're my girl, Riss... Stop getting jealous," mapang-uyam niyang sabi kaya hinubad ko ang aking apron at itinapon sa kanyang mukha. "Shoo, Kuya!" Natatawa kong kinuha ang tray na pinaglagyan ko ng cake at lumipat sa kabilang parte. Tumayo naman ng tuwid si Kuya at ngumisi sa'kin. "I'm loyal to you, you know..." Ibinulsa niya ang kanyang kamay at sumenyas pa na aalis na ito. Nailing nalang ako. Magkokolehiyo na siya pero ganyan parin ang kanyang ugali. I hope he's going to meet someone who can tame his demons... Iyon talaga ang pangarap ko kay Kuya. Siguro naman may nakalaan ring babae na papatinuin siya balang araw. "Hindi naman pala si Bram at si Farrah!" balita bigla sa akin ni Alma ng umagang iyon pagkapasok ko. Basa pa ang aking buhok at sinusuklay ko iyon. Tiningnan ko ang pinto kung saan pumasok si Feli na kararating lang rin saka ko muling binalingan si Alma. "Akala ko ba sila na?" tanong ko. Umiling ito. "Hindi 'no! Nagpapaturo lang daw ng assignment! Eh matalino si Bram..." Duh. Baka palusot lang iyon ni Farrah para makalapit sa kanya dahil tinapon na siya ni Kuya. "Talaga?" Tumango pa si Alma sa akin. "Oo... At aware naman siguro si Bram na wala rin siyang panggastos sa malanding iyon pag naging sila!" Bumungisngis siya sa aking harapan. "Malay mo hindi naman materialistic si Farrah." Baka sapat na sa kanya ang maikama. "Si Bram na naman ba ang topic niyo?" Pang-uusisa narin ni Feli at tumabi sa akin. "Iyon ang naririnig ko sa labas e," si Alma na hiniram ang aking suklay at isinuklay rin iyon sa kanyang buhok. Bibili nalang siguro ako ng bagong suklay mamaya... Nag-ikot ng mga mata si Feli. "Mas hot pa naman si Israel kaysa kay Bram." I disagree. Nakay Kuya lang talaga ang boto niya kasi she likes him. Papabayaan ko nalang siya sa pag-iilusyon niyang magkakagusto rin si Kuya sa kanya. Siya naman ang masasaktan, hindi ako. "Baka mabait lang rin talaga si Bram at tinutulungan si Farrah," sabi ko pa. "Mabait? Nababaitan ka sa tagabundok na 'yon, Rici?!" Umangat agad ang kanyang boses sa naging pahayag ko. "Yeah... I think he's nice..." Tumawa si Alma at nailing. "Ganoon ka naman talaga, Rici. Tingin mo lahat ng tao ay mababait." Correction. Tingin ko sa lahat ng tao ay may tinatagong kabaitan. Hindi naman mababait lahat pero alam kong may ganoong side lahat ng mga tao. Dumating rin si Rowena at iyon nga ang naging laman ng kanilang topic. Doon lamang sila nahinto noong dumating na ang aming guro at nagsimula nang magdiscuss. "Miss Buenaventura..." tawag sa akin ni Ma'am Robledo sa kalagitnaan ng klase. Tumayo ako at nagtungo sa kanya. "Po?" "Pwede bang pasuyo? Iwan mo nalang ang kinokopya mo at pwede mo nalang iyang ihabol mamaya." "Sige po... Ano po 'yon?" May ibinigay siya sa aking folder. Tiningnan ko pa iyon saka ulit ito tiningnan. "Pumunta ka sa SSG room at pakibigay iyan sa President. Sabihin mo ireview niya at ilagay diyan iyong mga estudyanteng kasali sa ibang clubs." SSG Room? President? Hindi ba si Bram iyon? "Ah sige po..." "Salamat, Rici." Ngumiti sa akin ang guro kaya ngumiti ako pabalik at nagsimula nang maglakad palabas. Namataan ko pa ang paglingon ng tatlo sa akin at mukhang curious sa iniuutos sa akin. Bago dumeritso doon ay nagtungo muna ako sa CR. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Dinukot ko pa ang lipgloss sa aking bulsa. Hindi naman ako masyadong mahilig sa make-up pero may mga ganito ako palagi sa aking bulsa para may magamit ako pag emergency. And I think this is an emergency... Makakaharap ko ang lalakeng nang-insulto sa akin. Dapat ay presentable ako! Naglagay ako noon saka ko ulit iyon ibinalik sa aking bulsa. Iyong uniporme ko naman ang aking inayos at ngumiti sa salamin. You're ready, Rici! Malalaki ang aking hakbang makarating lang agad ako sa SSG Room. Noong natanaw ko na ang pinto ay unti-unti rin namang bumagal ang aking paglalakad. Nagsimulang bumilis ang kalabog ng aking dibdib at kinakabahan ako sa madadatnan ko roon. Noong huminto ako sa tapat ng asul na pinto ay kinatok ko agad iyon ng pangatlong beses. Walang sumagot kaya pinihit ko ang doorknob na bukas naman. Sumilip ako sa loob na ikinalaglag ng iilang hibla ng aking buhok. Sa isang mesa, nakita ko ang lalakeng seryosong nakaupo roon at may sinusulat sa isang folder. Tumikhim ako na ikinaangat ng kanyang tingin sa akin. Ang seryoso niyang ekspresyon kanina ay may mas ikakaseryoso pa pala. "May iniutos sa akin si Ma'am Robledo..." Pumasok ako nang tuluyan dala dala ang folder. Awtomatiko namang sumara ang pinto nang bitiwan ko iyon at naglakad na patungo sa kanyang mesa. "Ipasa ko raw ito sa'yo at ilagay mo raw iyong mga students na kasali sa Clubs." Inilapag ko sa kanyang harapan iyong folder na ikinalaglag saglit ng kanyang tingin doon pero umangat rin naman pabalik sa akin. "Sige. Pwede kanang umalis," malamig niyang tugon at kinuha iyong folder. "Uh... Sabi ni Ma'am Robledo hintayin ko raw..." Awtomatikong umangat ang kanyang kilay sa akin. Lumunok pa ako at napisil ang aking mga daliri. Ang suplado naman ng tagabundok na ito... Natuon ang buo niyang atensyon sa folder kaya gumala ang aking mga mata sa loob. Nilapitan ko iyong bulletin board kung saan may mga nakapin na papel at mukhang ginawa pa ng mga estudyante. May mga poems doon at iyong iba naman ay mga pictures na ng mga guro. Madalas ba siyang nandito? O tuwing ganitong oras lang pag may inaasikaso siya? Ganito ba kabusy ang mga scholar? Kailangang active ka sa mga Clubs at dapat kasali ka sa mga Officers? Noong mapagod ako kakatingin sa Bulletin Board ay bumalik rin naman ako sa kanyang mesa. Sinilip ko iyong folder at mukhang hindi pa iyon tapos. "Palagi kang mag-isa rito?" biglaan kong tanong dahil sa katahimikan. "Hindi," wala sa sarili niyang sagot at hindi ako pinagtutuunan ng buong pansin. Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking likod at sinilip lalo ang kanyang sinusulat. "Kasama mo iyong mga SSG Officer?" tanong ko pa na ikinatango niya. "Pati si Farrah?" singit ko na ikinaangat ng kanyang tingin sa akin. "Hindi siya isang SSG Officer," aniya sa matigas na boses. "Ah... Bale... Nagpapatutor lang siya sa'yo?" Ang bobong iyon... Nagkasalubong ang kanyang kilay sa akin at iritadong ibinalik ang tingin sa kanyang ginagawa. "Nagpapabayad ka ba pag may nagpapaturo sa'yo?" pangungulit ko nang hindi niya sinagot ang nauna kong tanong. Tumigil siya sa pagsusulat at naging iba na naman ang timpla ng mukha. I'm ready for his insults. Kaya ko rin naman siyang insultuhin sa utak ko. Binasa niya ang pang-ibaba niyang labi at sumandal na sa kanyang upuan, ang singkit na mga mata ay tumalim na sa akin. Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay habang ang kanyang kilay ay hindi parin bumabalik sa normal. He leered at me intently like I said something stupid, something offensive. "Mukha ba akong pera?" "I mean... I am just curious... Since kapos kayo sa buhay baka..." Hindi ko agad nadugtungan ang aking sasabihin dahil mas grumabe lamang ang kanyang ekspresyon. "Wala namang masama roon, 'di ba? At marangal iyon. I didn't say you're using them... Parang bayad lang naman iyon sa serbisyo mo..." paliwanag ko. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at ibinalik ang mga mata sa kanyang ginagawa. Gumala naman ang aking tingin, hindi alam kung saan iyon pananatilihin. Just say sorry, Rici... Kahit hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko? Siya nga dapat ang magsorry sakin... "Lumabas kana," sabi niya sa malamig na boses. "Pero sabi ni Ma'am Robledo*" "Ako na ang maghahatid," putol niya sa akin. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Now I'm getting curious if he really hates me alot... "Pero..." Nag-angat siya ng tingin sa akin na ikinatutop ng aking bibig. "Leave. Di kita kailangan dito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD