2

3251 Words
Katulad Mong Matapobre Isinantabi ko ang alalahanin ko sa mga nagdaang araw. Nagpatuloy ang aking routine at namamataan ko siya minsan pero nag-iiwas nalang ako ng tingin lalo na’t mababasa mo sa kanyang mga mata ang iritasyon sa tuwing nagtatama ang aming tingin. I should not think about it... Pero sa tuwing naiisip ko siya ay hindi mawala wala iyong konsensyang nararamdaman ko. What if he’s grudging over me? What if lumalaki na pala lalo ang galit niya sa akin? Hindi ko rin naman kasalanan kung ganoon ang estado niya. Kung naglalakad lang siya at sa may parteng bundok nakatira. It wasn’t my fault if I’m living a luxurious life... “Kuya?” out of nowhere kong tawag sa kanya habang papunta na kami sa school at nasa bintana lang ang aking tingin. “Oh?” sagot niya sa aking tabi. “What if a girl mocked you? Anong gagawin mo? Maooffend ka ba?” “No one’s going to mock me, Riss. Wala rin namang maipipintas sa akin,” he said cockily. Sumimangot ako at nilingon itong busy sa kanyang cellphone. “Maraming maipipintas sa’yo Kuya. You’re arrogant, jerk, and an asshole,” sabi ko na ikinaangat agad ng kanyang tingin. Pagdating sa aking kapatid ay nasasabi ko talaga ang aking gusto dahil alam ko namang hindi ito maooffend. “Ginagago mo sila,” dagdag ko pa. Natigil siya sa pagcecellphone at naninimbang na ang madilim at misteryosong mga mata. “Gago talaga ako, Riss... Sila ang gustong magago dahil lumalapit lapit sila sa katulad kong gago,” sabi niya pa. Tss. Hindi talaga matino si Kuya. He’s the worst asshole but he’s the best Kuya. “Stick to my own question Kuya. Alam ko naman na gago ka. No need to remind me.” Ngumiwi siya sa akin at pinaglalaruan na ang kanyang cellphone sa kanyang kamay. Inihilig niya ang isa niyang siko sa may bintana at hinarap ako ng buo. “Ano nga ulit ‘yon?” “What is your reaction if a girl mocked you...” I said trailing. Pinisil niya ang pang-ibabang labi at dumako pa ang tingin sa kawalan, tila nag-iisip ng matino. “Hmm... baka may gusto lang sa’kin kaya ganoon magsalita. Nagpapapansin,” he concluded that made my jaw dropped. Di ako nagpapapansin ah! I don’t even know that guy! At isa pa... suplado iyon! Tagabundok! Guwapo lang talaga. “Why are you so assuming?” Naningkit ang aking mga mata. “Ganoon ang mga  babae eh. Idinadaan sa panlalait ang pagpapapansin,” sigurado niya pang sabi at tumatango tango na. That’s his own perception. Ganoon ang takbo ng kanyang utak kaya kahit magtanong ako sa kanya ay hindi ko parin malalaman ang tunay na nararamdaman ni Bram dahil magkaiba ang posisyon nila ni Kuya. Hindi ko siya maiintindihan. Lumabas rin naman kaming dalawa ni Kuya sa sasakyan. Inakbayan niya agad ako habang naglalakad kaming dalawa kaya mabilis na nag-iiwas ng tingin ang mga lalake sa akin dahil sa kanyang presensya. “Masyado mo akong binabakuran...” sabi ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa. Nakaugalian niya nang ihatid ako sa aking classroom bago siya dumeritso sa Senior High Building.   “You’re going to miss this kung nagcollege na ako. Di na kita maihahatid sa loob, hanggang gate nalang.” “Oh... I like that!” Pabiro akong tumawa kaya kinurot niya agad ang aking pisngi at ngumisi pa. “You think you can get away just because I’m going to be busy? Lagot parin sa’kin ang mga lalakeng poporma sa’yo rito dahil lang nakagraduate na ako.” Isiniksik niya ako sa kanyang dibdib kaya mabilis ko siyang itinulak. Ang manly niyang amoy ay lilipat na ata sa akin kaya mas natatawa ko siyang  itinulak lalo hanggang may mahapit ang aking mga mata. Kakarating lang rin nito base narin sa basa at buhaghag niyang maitim na buhok pero bumabagay naman sa kanya ang ayos noon. Iyon nga lang, nagiging suplado talaga ito dahil sa singkit na mga mata. I never seen him smile at me. Iginiya na ako paliko ni Kuya paakyat sa aking classroom. Nilingon ko si Bram at tanging likod nalang nito ang aking nasilip habang nakapamulsang naglalakad patungong Senior High Building. Why does it bothers me? Sa tuwing nasisilip ko ang iritasyon sa kanyang mukha, pakiramdam ko ay nagtatanim siya ng galit sa akin... that he hates me for mocking him... Total malapit narin namang matapos ang taon bilang pagiging third year ko. Ibig sabihin ay gagraduate narin ito at magiging kolehiyo narin. Hindi ko na makikita iyang pagsusuplado  niya. “Si Bram daw ang magcocompete sa kabilang school?” narinig ko ang grupo ng mga estudyante noong napadaan ako sa kanilang gawi patungong canteen para bumili ng makakain. “Oo ata eh…” “Huh? Kaya niya pa ba iyon? Eh diba siya rin ang President sa SSG Officer?” Sandali ko silang binalingan. Nang mapansin iyon ng mga babae ay nahihiya silang ngumiti sa akin kaya ngumiti narin ako pabalik. Binalingan ko si Feli sa aking tabi na kanina pa inaayos iyong gold bracelet niya at ikinakabit iyon sa kanyang pulso. “Gaano ba katalino iyong Bram?” Is he what... a nerd? And I heard his friends last time... siya ang source of answers nila tuwing exams. “Di ko alam. Pero ‘di ba siya rin iyong Rank 1 overall noong 4th year?” sagot niya habang nasa pulso ang mga mata. Oh... So sobrang talino niya pala. “Bakit, Rici? Don’t tell me nagkakacrush kana sa tagabundok na ‘yon?” Nanliit agad ang kanyang mga mata sa akin. Pinasadahan ko ng haplos ang mahaba kong buhok at umiling, natatawa. “I’m just curious... madalas kong naririnig ang pangalan niya sa school,” sa mga babae. Iginulong niya agad ang kanyang mga mata. “Syempre, guwapo iyon kaya pinag-uusapan rin. Kaso cold at suplado eh.” HUH? I don’t understand it. My brother is the worst. He’s not just cold, he’s a complete gago. Pero ba’t parang may bias sila? Just because my Kuya came from a rich family kaya okay lang kahit ganoon basta may ikakabuga sa lipunan. Okay lang ang ganoong ugali basta may pera at may ipagmamayabang na karangyaan. I suddenly realize life is really unfair. “Ganoon ba talaga sila kapoor? Like rats?” tanong kong muli habang pumapasok kami sa canteen. “Sobra pa ‘no. Iyong Mama nila ay nagtitinda lang ng bulaklak sa gilid ng kalsada ng palengke. Ang alam ko, kabit daw ang Mama nila... at hindi mo ba alam iyong issue na kumalat noon? Na inakit raw ng Mama nila Bram si Don Facundo noon?” That shocked me. What? Umiling ako, nagulat na. “Si Mama lang rin ang nagsabi sa’kin. Tanungin mo kaya ang Daddy mo.” Wala akong ediya sa past relationship ng aking mga magulang. Mom is very busy lalo na’t siya ang nagmamanage sa negosyo naming sa syudad with my sister Adiane. Si Daddy naman ang naiwan dito para sa aming lupain. Ang alam ko ay fix marriage lang si Mommy at Daddy pero they worked out naman kaya naging okay rin ang pagsasama. Pero iyong mga past relationship ni Daddy ay wala na akong alam. Basta ang sigurado ako ay mayayaman ang both side ni Mommy at ni Daddy. Ayoko rin namang tanungin si Kuya about this baka sabihin pa noon na nagkakainteres ako kay Bram eh hindi rin naman. Kaya habang bumibili kami ng pagkain at naisipang doon narin umupo ay doon na tumakbo ang aming topic. “Balak atang perahan ng ina ni Bram si Don Facundo kaya nilalandi niya noon dahil alam niyang daig niya pa ang nanalo sa lotto pag isang Buenaventura ang napakasalan,” dagdag niya pa habang lumalapit sa akin at sinasabi ang mga iyon. Is that the reason why Bram hates me? I mean base on his stares... “Kaya nga doon iyan sa bundok tumira dahil sa galit ni Don Facundo sa kanya. Hindi siya hinayaang magtayo ng lupa sa bayan dahil isa iyon sa nasasakupang lupain ng mga Buenaventura.” Umawang ang aking bibig sa gulat. Is that true?! “Kaya siguro nagtatanim rin ng galit iyang si Bram sa’yo. Pinag-iinitan ka dahil sa ginawa ng ama mo sa mama niya,” sabi niya pa. This is insane! Ba’t niya naman ako isasali? “Pero hindi ko naman ata kasalanan kung sa bundok siya nakatira ‘di ba?" Naisaboses ko na ang nasa aking utak. May sasabihin pa sana si Feli nang may umagaw ng kanyang tingin sa aking likuran. Wala sa sarili narin akong napalingon at sumulpot na nga ang lalakeng pinag-uusapan naming dalawa. Umawang ang aking bibig sa gulat. His cold stare were freezing me to death. Umigting ang kanyang panga at nilagpasan ako. Naamoy ko pa ang matapang niyang amoy pero mas nangingibabaw na naman ang matinding galit. D-Did he heard me? Tumawang muli si Feli. Umabante pa siya sa akin para lang bumulong. “Baka iyang dala dala niyang sandwich ay agahan niya pa,” nilingon niya ito saglit saka siya muling tumawa noong ibinalik na sa akin ang kanyang tingin. Sumandal si Bram sa kanyang upuan at nakikita ko ang side-profile niya habang kumakain. He got this strong jaw and cold expression. Noong lumingon siya ay mabilis akong nag-iwas ng tingin, nakakaramdam ng kaba. “Let’s just stop talking about him,” sabi ko saka ko kinagatan ang aking sandwich. Umismid si Feli at nilingon muli si Bram. Sa kanyang ginagawa ay mahahalata talaga kami na siya ang topic namin. “Mag-ingat ka sa kanya, Rici... baka mana iyan sa ina niya at akitin ka rin dahil lang mayaman kayo at kapos sila.” I saw how Bram shifted from his seat harshly. Lumikha iyon ng ingay na kahit ang iilang estudyanteng kumakain ay napalingon narin sa kanya. Sinenyasan ko na si Feli na tumahimik na kaya natatawa siyang kumagat sa kanyang pagkain. Nagsimula na naman akong maramdam ng guilt. May nagawa na naman ba akong mali? Did I offend him again? Gusto kong iwasan ang malamig na mga mata ni Bram, gusto kong pumikit sa tuwing nasisilip ko ang iritasyon sa kanyang mukha sa tuwing nagkakasalubong ang aming tingin. Pero kahit anong iwas, sa dinami-raming estudyante sa Senior High, siya ang palagi kong nakakasalubong. A glimpse of him gives me chills. Sa umagang iyon, ang malaking tarpaulin ni Bram sa labas ng gate ang sumalubong agad sa akin pagkababa ko ng kotse. He was leering intently while his hands are on his pocket with a cold expression on his eyes. Napatingala ako, titig na titig sa kanyang kabuuan suot ang malinis na uniporme at ang suplado niyang mukha. Ilang sigundo kong tiningnan ang singkit niyang mga mata na kung hindi lang ako inakbayan ni Kuya para igiya papasok ay hindi ako matatauhan. “Kaklase mo iyang nanalo sa isang Quiz Bee Kuya?” tanong ko sa kanya at tiningala ng huling beses ang tarpaulin. Mababasa mo roon ang isang nakabold na CONGRATULATIONS at sa ibaba naman ay ang kanyang pangalan na Abraham Quiamco. Ibig sabihin ay palayaw niya iyong Bram... iyong madalas na itawag sa kanya ng lahat dito. “Who? That nerd?” Tiningala niya rin iyon saka niya ako muling pinaabante papasok sa main gate. “He’s not a nerd...” depensa ko. “Kulang nalang diyan magsuot ng makapal na glasses magiging nerd na ‘yan. Nasobrahan sa talino,” sabi niya pa. "At ikaw naman ang kinulang.” Pilya akong ngumisi na agaran niyang ikinabusangot. “He must be thankful. Kung nagseseryoso ako ngayon baka wala siya ngayon sa kanyang posisyon. I’m smart, you know... I just don’t use it.” Tumawa ako. “Liar. You can’t use it since you don’t have one, Kuya.” Naliko na naman ang aking simpleng tanong sa kanyang mga kalokohan. Konti nalang at mapapariwara na talaga itong buhay ni Kuya. Siguro kung hindi niya lang dala dala ang apelyido namin ay may paglalagyan talaga siya sa kanyang pagbubulakbol sa kanyang klase. Siya iyong tipo ng estudyante na kung bored ay mas gugustuhin nalang magcut para manigarilyo sa labas. Everyone’s congratulating Bram. Naririnig ko ang iilang estudyanteng babae na bumabati sa kanya sa tuwing napapadaan ito sa corridor. Lumabas ulit kami noong lunch time na para pumunta sa bundok na madalas kong pinupuntahan. Nagpasundo ulit ako kay Mang Ignacio para lang ihatid kami roon. Feli was complaining again. Ayaw niya talaga sa magubat na parte noong bundok na inaakyat namin. “Baka kasi may ahas dito, Rici!” maarte niyang iginala ang tingin habang umaakyat na kami dala ang aming mga lunchbox at si Rowena naman ang may hawak noong banig. “Kaysa naman sa school lang tayo? Boring doon tuwing lunch break, Feli,” sabi ko at pinulot iyong sangang nadaanan. “Sa mansyon niyo,” pamimilit niya pa habang maingat na naglalakad at binabalot ng pandidiri ang mukha dahil sa paligid. Hindi ko na siya sinagot at nakipagtawanan nalang ako kina Alma noong kamuntik pang matisod si Rowena. Sa aming likuran naman ay ang pag-iinarte ni Feli na nilalapitan pa ng bubuyog kaya tumitili na ito at nagtatago sa aking gilid. Gamit ang sangang napulot ay ibinugaw ko iyon sa bubuyog na umalis rin naman agad. Pagdating sa itaas ay inilapag agad ni Rowena iyong banig kaya isa isa kaming humilata roon. Pinaglaruan agad ng hangin ang mahaba at tuwid kong buhok na sumasabog na sa ere. “Ang ganda siguro kung may tree house rito!” si Alma naman na binubuksan narin ang kanyang lunchbox. Tumango ako at isinabit ang iilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tenga. “Tapos may boyfriend ka!” si Rowena na iyon at bumungisngis naman agad. “Iyong mayaman dapat! Iyong mala Israel!” Nakisali narin si Feli kaya mas umingay silang tatlo habang tumatawa naman ako. “’Hwag na iyong mala Kuya... iyong mala Adonis nalang!” suhestyon ko. “O sige, iyong boyfriend na malaadonis tapos dito kayo kumakain!” si Rowena. Akala ko 'dito kayo magkakainan'. Mali ata ang pandinig ko. “Bakit mala tree house pa eh pwede namang mala mansyon dahil mayaman iyong lalake! Tapos magkakaroon kayo ng maraming utusan at malawak na lupain!” Inilarawan pa iyon ni Feli sa pamamagitan ng kanyang dalawang kamay. “Eh ikaw, Rici... sa ating apat ikaw ang may pinakamaraming manliligaw. At alam naman natin na lahat ng estudyante sa eskwelahan ay may gusto sa’yo...” Ngumisi na ng makahulugan si Alma sa akin, ang dalawa ay nasa akin narin ang mga mata. “Maliban kay Bram,” dagdag ni Feli. Sa pangalang nabanggit, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang standard  niya sa isang babae. Kung bakit halos lahat ng lalake roon ay gusto ako pero maliban sa kanya na palaging nagsusuplado. Is that because of our family background? Because of his Mom’s issue? O may iba pa siyang dahilan? Itinuon ko ang aking mga mata sa malayo. “Wala pa akong nagugustuhan eh... And I’m still young... Baka after nalang siguro ng pagkokolehiyo ko.” Tumawa ako sa aking sagot. At wala pa sa utak ko ang mga ganoong bagay. Maybe my young heart is not yet ready to get broken while falling. Iyon ang sabi sa akin ni Mommy. We don’t really talk pero sa tuwing nagkakausap kami ay napag-uusapan rin namin ang mga importanteng bagay lalo na’t nakuwento niya rin sa akin noong nakaraang summer na inlove daw si Ate. She’s guiding her well... Bumaba rin naman kami roon pagkatapos naming kumain at nagpasya ring bumalik na sa classroom. Nanatili lang si Mang Ignacio sa pinag-iwanan naming kaya siya parin ang naghatid sa amin pabalik. Sa gitna ng byahe, may namataan kaming pamilyar na likod ng estudyanteng lalake na nakapamulsang naglalakad sa kahabaan ng maalikabok na kalsada. Ang malapad nitong balikat, ayos ng buhok, tindig... alam ko na agad kung sino iyon. “Si Bram?” si Rowena iyon at naroon narin ang kanyang mga mata. “Nasa unahan lang ang bahay nila, ‘di ba? Iyong maliit na bahay na nalagpasan natin sa isang malawak na bakuran?” si Alma naman. Hindi ako sumagot at nanatili ang tingin sa lalakeng huminto para makailag sa alikabok na aangat pag dumaan kami sa kanyang gilid. Tuluyan nga namin itong nalagpasan. Ang aming mga mata ay napako sa kanyang kinatatayuan na kahit ako ay hindi maiwasang panatilihin ang tingin sa kanyang seryosong mukha. Mabilis kong nilingon si Mang Ignacio. “Pakihinto po!” sigaw ko na mabilis niya namang ikinabreak. Sa gulat ng tatlo ay napaabante pa sila at kamuntik nang mabuwal sa kanilang mga upuan. “Huh? Bakit Rici?” gulat at nagtatakang tanong ni Alma. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nanlalaki ang mga mata ni Feli nang sinundan niya ako ng tingin. “H’wag mong sabihing pasasakayin mo rito ang tagabundok na iyon, Riss?!” “Felicita,” saway ng kanyang ama. Isinara ko na ang pinto at hindi sila pinakinggan. Nilakad ko ang natitirang espasyo sa aming pagitan. Pero noong makita ko siyang nakatayo sa di kalayuan kung saan siya huminto, nang makita ko ang malamig niyang tingin, suplado niyang ekspresyon, bumagal ang aking paglalakad. Bigla akong natauhan. Ni hindi ko alam kung ba’t ako bumaba at gusto siyang puntahan. I know we're not in good terms. Ni hindi kami close. And I don't know him well... Just tell him if he wants a ride, Rici... Iyon ang tunay mong pakay. Right. Kaya nagpatuloy ulit ako sa paglalakad patungo sa kanya. I saw how he stared at me curiously. The kind or leer that made my stomach churned. Tuluyan akong huminto sa kanyang tapat at tiningala ang kanyang katangkaran. Hanggang balikat lang ako ni Bram. “Uh... Gusto mong sumakay?” I smiled at him nervously. Hindi agad siya sumagot. He stared at me with annoyance. Hindi ako kumurap sa pakikipagtitigan sa kanya. I never realized his very good looking... lalo na kung sa malapitan. Binasa niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin, hindi humuhupa ang iritasyon sa kanyang mukha. Hinanap ko agad ang kanyang mga mata pero ipinagkakait niya na iyon sa akin. “Are you mad?” I asked out of nowhere, tilting my head just to have a clearer view on his expression. “Rici! Tara na!” tawag sa akin ni Feli na ngayon ay nakadungaw na sa bintana at matalim ang tingin kay Bram. Ibinalik ko naman agad ang aking mga mata sa kanya. “Uh... Gusto mong sumakay?” alok kong muli. “Ano ‘yan... pakitang tao?” matabang niyang sabi sa akin na ikinagulat ko. “Bumalik kana doon. Maglalakad lang ako,” sabi niya saka ako sinenyasan na umalis na sa kanyang harapan. “Bakit ayaw mo?” pangungulit ko sa kabila ng lumalaking iritasyon sa kanyang mukha. “Mas gusto ko pang maglakad kaysa makasama ang katulad mong matapobre sa iisang lugar,” sobrang lamig niyang tugon na ikinaatras ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD