4

3076 Words
Galit Sa tuwing may inuutos si Ma'am Robledo sa akin at kailangan kong pumunta ay nakakaramdam agad ako ng excitement. Hindi ko alam kung anong meron kay Bram kahit na sinusungitan niya lang naman ako at tinataboy ay gustong gusto ko paring nasisilip ang kanyang ekspresyon. Dala ang isang folder ay nagtungo ulit ako sa SSG Room. Nararamdaman ko ang lipgloss na nilagay ko sa aking labi at panay ang pagsuklay ko sa aking buhok gamit ang aking mga daliri. Hindi niya naman siguro iisipin na nagpapaganda ako para sa kanya? At hindi rin naman iyon ang ginagawa ko. I just want to look good... Baka kasi mang-iinsulto na naman. Kumatok akong muli ng tatlong beses at pinihit ang doorknob. Pagbukas ko noon at pagsilip ko sa loob, ang mga mata agad ng isang babae ang aking nakasalubong. She was blocking Bram's view infront of her. Nakahilig siya roon sa mesa habang nakatuwad. Ang brownish na buhok ay may pagka wavy at humuhulma ang payat na pangangatawan dahil sa fit niyang uniporme. Ang liit ng kanyang beywang at makinis rin, matangkad. "Oh... It's Rici Buenaventura..." Ngumiti siya sa akin ng pilya, ang mapulang labi dahil sa lipstick ay kumukurba na. Her face has too much make-up! May eyeliner pa and blush-on. Siguro kung nabasa iyan ay para siyang isang sirena sa dagat na biglang naging shokoy dahil sa pagkabura ng nagpapaganda sa kanyang mukha. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tuluyang naglakad patungo sa table ni Bram. Nakita ko rin naman ito, nakaupo roon at may inaasikaso. "Uh... Pinapabigay ulit ni Ma'am Robledo," sabi ko sa kanya na ikinalingon niya sa folder at kinuha iyon. Tiningnan niya ako saglit. Napadpad naman ang aking mga mata sa maalon at magulo niyang buhok. His usual disheveled hair makes him look like a hot model with a cold expression on his face. "Hihintayin ko," sagot ko sa naninimbang niyang tingin na ikinaiwas niya rin. Farrah keeps smiling at me. Napadpad pa ang aking mga mata sa kanyang dibdib at hindi ko maiwasang punahin ang nakabukas na isang botones doon. Binabalandra niya ba ang kanyang cleavage? At bakit kailangan niyang humilig? Ba't di niya nalang hubarin ang blusa niya kung ang pakay niya naman ay ipakita talaga iyon kay Bram? "How's your brother?" tanong niya sa akin. "Okay lang naman siya..." sagot ko ng marahan at ibinalik ang mga mata sa ginagawa ni Bram. Napansin ko pa ang maugat niyang braso. Sa kakatrabaho ba iyan o... "Oh... May bago na ulit?" Mapakla siyang tumawa, dinidisturbo ang aking pinag-iisip. "I don't know..." Nahawakan ko ang dulo ng aking buhok at inikot ikot iyon sa aking daliri. I smiled at her flatly. Ngumiti rin naman siya pabalik pero pilya iyon. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang tunay niyang pakay kay Bram. Kinakati ata ito at hindi sanay na walang lalake kaya si Bram naman ang target niya. Maybe. "Pwede kanang umalis," sabi ni Bram sa baritonong boses na kumuha ng aking atensyon. Sumimangot agad ako. Ang ngiti naman ni Farrah ay nanunuya na. "Pero sabi ni Ma'am Robledo*" Nag-angat ng tingin si Bram at may inilahad na notebook kay Farrah. "Tapos na 'yan. Pwede kanang umalis," sabi niya rito na ikinatutop agad ng aking bibig. Farrah's face turn into a white paper.   "But Bram... You still have to teach me how to solve it..." Akma niyang hahaplusin ang panga nito nang mag-iwas agad ito. Bumitin sa ere ang kanyang kamay hanggang binawi niya ito. Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. "Marami pa akong gagawin Farrah. Maybe tomorrow," suhestyon niya na ikinaliwanag naman ng mukha nito. "Tomorrow... Aasahan ko 'yan ha..." Kinuha niya rin ang kanyang notebook at nakita ko pa kung paano niya hinaplos ang kamay noon. Tumango si Bram at ngumiti sa kanya na ikinalabas na naman noong dimple niya. I always wonder why he can smile like that to her? Sa akin kaya? Tumayo rin naman ng tuwid si Farrah at hinawi ang buhok saka ako binalingan. She smiled at me annoyingly. "Bye, Rici..." Iwinagayway niya ang kanyang kamay na ikinangiti ko lang ng tipid saka rin nag-iwas ng tingin. Ibinalik ni Bram ang kanyang atensyon sa mesa at iyong folder na ni Ma'am Robledo ang kanyang tinitingnan ngayon. Isang katahimikan na naman ang namuo. Tumatambak na naman sa aking utak ang mga topic na gusto kong ibato pero nagdadalawang-isip ako dahil baka susungitan niya lang ako at palalabasin na naman. Nagtungo ako sa kanyang harapan kung saan pumwesto si Farrah kanina na ikinasunod ng kanyang mga mata sa akin saglit. Bumaba rin naman ito sa kanyang ginagawa at magkasalubong na naman ang kilay. "Close kayo ni Farrah?" pagbabasag ko ng katahimikan. I shouldn't be asking this. Malay ko ba diyan kay Bram kung may pagka makati rin pala na lalake... Na marami rin palang babae pero sinisekreto lang at nasa labas ng school ginagawa ang katarantaduhan dahil may iniingatan siyang pangalan. He's a role model... At ang alam ko, baka raw siya ang maging Valedictiorian this school year. "A bit," tangi niyang sagot sa akin. "Friendly ka sa mga babae?" Humilig narin ako roon sa table at ginaya ang posisyon ni Farrah kanina. Nag-angat ng tingin sa akin si Bram. Ngayon ay magkalebel nalang ang aming mga mukha at hindi naman gaanong malapit sa isa't isa. This is enough for a clearer view. "Hindi masyado," sagot niya sa kilay niyang magkakasalubong at may ikinakairita na naman ang mukha. Napapansin ko, sa tuwing ako ang kausap niya ay naroon talaga iyong inis at iritasyon. Bakit sa ibang babae wala? "Marami rin bang nagpapatulong sa'yo sa mga assignments nila?" He nodded and licked his lowerlip. Tumango tango narin ako at tiningnan ang folder ni Ma'am Robledo saka ko rin naman iyon ibinalik sa seryoso niyang mukha. The mole below his left eye looks attractive. Mistiso si Bram. Iyon ang mga napansin ko araw araw at namumula ito tuwing naiinitan. He's very manly kaya siguro maraming nagpapatulong sa kanya sa mga assignments nila para lang matitigan siya ng ganito kalapit. Hindi ko na namalayang matagal na pala ang paninitig ko. Kung hindi lang siya nag-angat ng tingin at nakita ko ang iritasyon doon ay hindi ako matatauhan. "Uh... Pwede rin akong magpatulong ng subject ko?" wala sa sarili ko nang sabi sa kanya. "Mayaman kayo. Pwede kang maghire ng tutor mo kung nahihirapan ka sa ibang subject mo," matabang niyang sabi sa akin. Psh. Bakit ba pagdating sa akin ang sungit sungit? Dahil lang mayaman kami at iyong mga tinutulungan niya ay hindi kaya may excemption sila? "So... Can I hire you nalang?" I suggested. Bram's cold stare were deep and unbearable now. I smiled cutely at him just to calm myself pero niyakap na ng lamig ang kabuuan niyang mukha. "Tingin mo ba nabibili lahat ng pera?" he asked me on a deep voice. "Sinasuggest ko lang sa'yo baka interedado ka... I am not saying I will buy you or what..." Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Ibinalik niya ang atensyon sa kanyang ginagawa. Sumikip ang aking dibdib at naguguilty na naman dahil pakiramdam ko ay may mali na naman akong nasabi. "Mapili ka pala... Mala Farrah ba ang taste mo?" Iyong mga maluluwang. Mga nangongolekta ng lalake. Makati. Ganoon ang taste ng isang Bram na nakatira sa parteng bundok. I've seen how he stop from writing just to glance at me with annoyance. It was very intimidating but I stay still. Di niya ako masisindak. "Do you like her?" I asked again. Binitiwan ni Bram ang ballpen at humilig narin sa mesa. Nahulog saglit ang aking mga mata sa kanyang braso na namamahinga na sa mesa saka ko muling iniakyat sa kanya. He leaned closer. Napalunok ako at gustong umatras pero may parte sa akin ang namamangha sa kanyang mukha. "Ba't ka interesado?" tanong niya sa malalim na boses at naamoy ko pa ang mint sa kanyang bibig. "Because you're not treating us fair... May bias ka ata eh." His thick brows furrowed as he stared curiously at me. Isinabit ko ang ilang hibla sa gilid ng aking tenga at ibinalik rin naman ang aking braso sa pagkakahilig sa mesa, katulad ng kanyang posisyon. "Nagpapatulong ako... But you rejected me... Ako lang ata ang nireject mo." Tumawa ako ng mapakla. Binasa niya ang pang-ibaba niyang labi at kumalma ang ekspresyon kahit na makikita mo parin sa kanyang mga mata ang iritasyon. Nalaglag ulit ang kanyang tingin sa folder na ikinadismaya ko ng husto. Isinara niya iyon saka niya inilahad sa akin. Tumayo ako ng tuwid at kinuha iyon. I smiled weakly. May favoritism ang tagabundok na ito. Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin at tumalikod na. Alam ko namang gusto niya na akong paalisin. And what's the point of staying? He wants me out. May galit nga ata iyang inaalagaan para sa akin. "Come back tomorrow," aniya sa baritonong boses na ikinatigil ko at mabilis siyang nilingon. May ginagawa na ulit ito at wala na sa akin ang tingin. "Di naman ako sure kung may iuutos ulit si Ma'am Robledo," sabi ko. "Bring your book. Tuturuan kita sa subject mo," sagot niya na ikinaliwanag agad ng aking mukha. Is he serious?! Tumango na ako at malaki na ang ngiti. Kaya noong lumabas ako ay baon baon ko ang sayang iyon. I don't know what's happening. Para na akong lumulutang sa ere dahil sa gaan ng aking pakiramdam. Pagbalik ko, nasa akin agad ang tingin ng tatlo. Nakasimangot na si Feli at mukhang naiinis. "Ba't ikaw ang paboritong utusan ng mga teacher? Di ba nila alam na Buenaventura ka? Sa dami dami ng mukhang utusan sa mga kaklase natin ikaw pa ang napipili," iritadong sabi ni Feli. "It's fine." I smiled at her. "Pag nalaman iyan ni Don Facundo... Magagalit iyon! Di ka nga inuutusan sa bahay niyo." Umirap siya ng husto. "Estudyante parin naman ako rito, Feli. At mabuti na 'yung fair ang trato ng teachers sa mga students." Tumango si Rowena sa akin. Si Alma naman ay palingon lingon lang dahil may pinagkakaabalahan sa kanyang notebook. "Tara... Magrecess na tayo. Idadaan ko pa 'to kay Ma'am Robledo," sabi ko at kinuha ang pitaka sa aking bag. Tumayo naman agad si Feli. Si Alma ay isinara ang kanyang notebook at kalebel ko na si Rowena. "Di ako nakapag-agahan kanina, Riss... Hindi masarap ang ulam sa bahay. Nakakaumay na iyong hotdog," reklamo niya at inilingkis na ang kanyang kamay sa aking braso. "Ililibre kita," sabi ko na ikinangiti niya naman. "Pasalamat ka talaga Feli at mabait si Rici kung hindi ay malilipasan ka talaga ng gutom," kantyaw ni Rowena na humagalpak na. "Syempre... Para narin kaming magkapatid ni Rici 'no!" Isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Ngumiti lang ako. Tuwing pumupunta rin naman ako sa bahay nila ay inaasikaso ako ng maayos ng kanyang mga magulang lalo na si Nanay Coring. Mabait rin ang pakikitungo sa akin ng kanyang mga kapatid kahit na may pagka mahiyain si Teresa sa akin. Sa tuwing may mabait sa akin, gusto ko agad suklian ang kabaitan nila. Gusto kong ibalik iyon sa paraang kaya ko. Hindi rin naman abuso itong ginagawa ni Feli sa akin dahil kaya ko namang magbigay at may ikakagastos naman ako. Kung wala akong pera, edi wala akong maipanglilibre. Pero meron naman kaya nanglilibre rin ako. "Hi Ate Rici!" Bati sa akin ng mga Grade 8 na ikinangiti ko pabalik. "Hi!" Kinawayan ko sila na ikinakaway rin nila at tuwang tuwa na. Mabait ang mga estudyante sa akin dito dahil pinapakitunguhan ko rin naman ng maayos. Pero hindi ko alam kung iyon rin ba ang kanilang rason kaya sila mabait o sadyang mabait lang talaga dahil may ikakabuga kami sa buhay. Dahil malaki ang naiaambag na pera ni Daddy sa eskwelahang ito at siya rin ang nagpatayo ng library dito. Last year ay nagdonate rin siya ng mga bagong libro kaya nagiging libre na iyon sa mga estudyante. They say we're cruel. Our family is very cruel. Hindi ko alam kung ba't nasasabi nila iyon sa aming pamilya dahil hindi ko naman alam ang background ng mga angkan ko. Ang unang issue palang na nalaman ko ay iyong tungkol sa Mama ni Bram. Kung si Daddy nga ang may kasalanan... siguro naman ay may matindi siyang rason kaya niya iyon nagawa. Pagdating namin sa canteen, may mesa agad na kumuha ng aking atensyon. May apat na Grade 8 students doon kasama ang lalakeng nakausap ko kanina sa SSG Room, si Bram. Pumili kami ng pagkain. Pagkatapos kong bayaran lahat ay nagtungo rin naman kami sa bakanteng mesa kung saan rin kami madalas umupo. Palagi iyong reserve para sa akin. Nakikita ko sa aking kinauupuan ang pagngisi ni Bram sa kanyang katabing babae. Hindi katulad noong ngiti na nakita ko sa tuwing kausap niya si Farrah, ngayon ay kumikislap pa ang kanyang mga mata sa babaeng nasa kanyang tabi at nakanguso. Natuon ang aking tingin sa babaeng panay ilag sa pangungurot ni Bram sa kanyang pisngi. Ang maliit at maamong mukha nito ang kumuha ng aking atensyon lalo na ang maalon niyang buhok na natural na brownish. Maputi ito at may pagka singkit rin ang mga mata. Siguro ay mas matanda ako sa kanya ng isa o dalawang taon. Hinuli niya ang kamay ni Bram na humalakhak agad at hinawakan ang pulso nito para igiya sa kanyang bibig ang hawak na sandwich noong babae. I didn't know he has a playful side... I didn't know he can laugh like that. I mean alam ko namang may mga araw na ngumingiti at tumatawa siya pero hindi ako makapaniwalang dahil iyon sa isang batang babae. Is he a pedo? "Sino yan?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong iyon sa katabi kong si Feli na nawiwili sa pagkain. Sinundan niya ang aking tingin na kahit sina Alma at Rowena ay napatingin narin sa mesa nila Bram. "Iyan 'yung Grade 8 na kapatid na babae ni Bram. Si Tracey," sagot ni Feli sa akin. "Iyong magandang bata raw sa Grade 8?" si Rowena naman. Oh... Kaya pala may pagka singkit rin. Iyon nga lang ay mas soft ang kanyang features kumpara sa kanyang kapatid. I never heard about Bram's sister. Wala talaga akong alam sa magkapatid na iyan dahil noong nakaraang mga linggo lang rin naman nagkrus ang landas namin ni Bram. Mga estudyante rin sila rito pero sila iyong klase ng mga estudyanteng hindi ko napapansin. Siguro kung hindi ko aksidenteng nabangga si Bram at hindi ko nasilip ang kanyang ekspresyon ay hindi ko siya mamumukhaan sa eskwelahang ito kahit na nasa paligid lang naman siya. Hindi rin naman kasi ako updated sa mga magaganda kuno rito. Ang alam ko lang kasi ay ako lang... Wala na akong pakialam doon sa iba pero meron parin pala talaga. "Ang sweet nilang magkapatid," komento ni Rowena nang makita ang mga mata ni Bram na hindi na inaalis sa kanyang kapatid. Close pala silang dalawa? Clingy pala si Bram sa kapatid niya? Clingy rin naman si Kuya but Bram clinging to her is a bit annoying. Isinantabi ko ang iniisip ko at nagconcentrate sa pagkain. Nakisali nalang ako sa topic nila Alma at nakikitawa sa kanila. Minsan ay nahuhuli ko ang mga mata noong kapatid ni Bram na nakatingin sa akin at mabilis rin namang mag-iiwas ng tingin saka niya ibabalik sa kanyang kapatid. "Riss..." Sabay kaming napalingong apat sa kakapasok lang sa canteen na si Kuya. Ang denim jacket ay nakasabit sa isang balikat ganoon rin ang isang braso ng kanyang bag. Umupo ng tuwid si Feli at isinabit ang iilang hibla ng buhok sa gilid ng kanyang tenga. "Kuya," tawag ko sa kanya na ngayon ay naglalakad na patungo sa akin. Naging tahimik ang canteen, lahat ng mga mata ay nasa kanya na. Tuluyan itong huminto sa aking gilid at yumuko, ang isang kamay ay nakatukod na sa mesa habang  ang isang kamay naman ay nasa likod ng aking upuan. Yumuko siya at may kung anong binulong sa akin. "Tell Dad I'm going somewhere... Di ako makakauwi ngayong gabi," sabi niya na ikinakurap ko. Sino na naman bang gagapangin ng makating ito? "Why?" Bumulong siyang muli at ramdam ko ang kanyang ngisi. "Overnight." So... Wala akong kasamang uuwi mamaya? Pwede akong gumala mamaya! Tumayo na ito ng tuwid habang nakapamulsa. "Okay. Enjoy." I smiled at him prettily. Tumango siya at hinawakan pa ang aking baba, ginalaw galaw iyon kaya para na akong umiiling. "Umuwi ka agad. Pag nalaman kong wala ka sa mansyon..." "Paano mo malalalaman eh wala ka rin sa mansyon?" Tumawa ako sa kanyang sinabi na ikinadilim agad ng kanyang ekspresyon. "Sasamahan ko naman si Rici, Israel... H'wag kang mag-alala," singit ni Feli at nginitian ng matamis si Kuya. Nilingon siya saglit ni Kuya pero ibinalik rin naman agad sa akin. "Just sleep in my room," aniya at binitiwan rin naman ang aking baba. Tumango ako. Ginulo niya pa ang aking buhok saka rin tumalikod paalis. Overnight.... Sino na naman kaya ang babaeng nagpapauto sa kanya? Ilang sigundong katahimikan ang namuo. Napapansin ko rin ang mga leeg ng iilang estudyanteng sinisilip ang paglabas ni Kuya. "May girlfriend ang Kuya mo, Riss?" tanong ni Rowena sa akin. "Fling niya lang 'yan 'no. Di kaya nagseseryoso si Israel. Pagsasawaan niya lang ang babae niya ngayon at iiwan rin agad," si Feli na agad ang sumagot. Nasira ang ekspresyon ni Alma. "Balak atang isa-isahin ng Kuya mo lahat ng mga Senior..." Nagkibit nalang ako sa kanilang pinagsasabi at sumubo. Kahit pangaralan mo si Kuya ay hindi parin iyon makikinig dahil singtigas rin ng bato ang kanyang ulo. Hindi iyon magpapapigil sa mga gagawin niya kaya siguro hinahayaan nalang nila Mommy at Daddy at hintayin nalang daw na kusa itong tumino. Ewan ko nga kailan titino sa pagiging makati si Kuya. Sa gilid ng aking mga mata, napansin ko ang pagseryoso ni Bram at ang namumulang pisngi ng kanyang kapatid na tahimik nang kumakain. Iyong tatlo namang Grade 8 na kaibigan niya ata ay naghahalakhakan na at may mga topic ata. Naalala ko bigla iyong sinabi niya sa akin na tuturuan niya ako sa isa kong subject. Bakit ko nga ba ginagawa ang bagay na ito? Bakit gusto kong mapalapit sa kanya? Ang tanging rason na nangingibabaw sa akin ay gusto ko pa siyang makilala lalo, gusto kong malaman ang kinakagalit niya sa akin, kung dahil ba iyon sa issue ng aming mga magulang o may iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD