5

2982 Words
Slight "Wala si Kuya, ano... sa batis tayo?!" Anyaya ko na sa tatlo pagkatapos ng klase. "Nababaliw kana, Rici! Marumi doon!" Nanlalaki na ang mga mata sa akin ni Feli. Tumawa ako at tiningnan sina Alma at Rowena na tumatango na. "Malamig ang  tubig doon ngayon!" si Rowena. Nagsimula kaming maglakad palabas. "H'wag kanang KJ, Feli!" Hinigit pa ni Alma ang siko ni Feli para lang makahabol ito sa aming paglalakad. "Ayoko roon! Madumi roon, Rici! Baka magkarashes pa tayo!" Tumawa ako at hinawi ang buhok. Anong pinagsasabi niyang rashes? Uso ba iyan sa mga mahihirap? She's exaggerating things again! Mas binilisan namin ni Rowena ang paglalakad. Nagtatawanan pa kaming dalawa lalo na't nahuhuli si Feli at nakabusangot na naman, si Alma ang panay hila sa kanya dahil sa pagiging mabagal nito. "Come on, Feli! Wala si Kuya ngayon! I'm free!" sigaw ko at sinenyasan pa itong mas bilisan pa. Mas mahigpit pa kasing gwardya si Kuya pagdating sa akin. Madali ko lang namang natatakasan ang mga tauhan sa bahay pero pagdating kay Kuya ay kabisado niya ata ang takbo ng utak ko. Kaya ngayon na busy rin siya sa pambababae ay dapat magpakabusy rin ako! Halos tumakbo kami makarating lang agad sa gate. Hindi pa matigil tigil ang aming tawanan ni Alma dahil sa pagmamadali. May iilang estudyanteng sumusunod ang mga mata sa akin. Para na naman silang nahihipnotismong tingnan ako. Nakita ko ang nakapark na SUV at hinihintay na kami. Nauna akong pumasok, sumunod naman si Alma, nakahabol rin si Rowena at panghuli ay ang nakabusangot na si Feli. "Mang Ignacio, sa labas lang po kami ng bayan. Doon sa may parteng bundok tapos ay iwan niyo nalang po kami roon," sabi ko. "Ma'am, di po ba kayo mapapagalitan ng ama niyo?" "Mapapagalitan pero uuwi rin naman ako mamaya... Kaya ko namang magtricycle," paliwanag ko. "Susunduin ko nalang po kayo, Ma'am. Hihintayin ko kayo." Umiling agad ako. Si Feli naman ay halatang tutol sa aking plano. "Riss... Mas magandang sunduin parin tayo mamaya. Ayokong magtricycle," reklamo niya. "I can go home alone, later. Kaya ko naman. I'll be fine," sabi ko saka ko binalingan ang kanyang ama na mukhang wala naring magagawa sa aking desisyon. "Sabihin niyo nalang po kay Daddy na gumala muna ako. Uuwi rin po ako agad." Tumango tango ito at sinimulan nang paandarin ang sasakyan. Bumungisngis pa si Alma sa aking tabi. "Pag wala talaga ang Kuya mo, para kang nagiging tigre!" Tumawa ako. "Ang boring rin naman kasi sa mansyon. Wala si Kuya roon..." Sumimangot si Feli sa kanyang narinig. Alam kong nanghihinayang iyan dahil wala siyang rason para pumunta roon mamaya. Hindi ko rin naman masisisi kung hindi nagugustuhan ni Kuya si Feli. Kung ako rin ay lalake, maiinis rin ako sa kanyang ugali. Dapat ay nilulugar niya ang pagiging maarte niya lalo na't wala naman siyang ikakabuga pagdating sa estado. Minsan talaga hindi ko maiwasang maisip na naiignorante na ito.   "Feli, umuwi ka rin ng maaga... Baka mag-alala ang Mama mo," habilin ni Mang Ignacio sa anak noong huminto na ang sasakyan. Tumango si Feli at naunang lumabas. Sumunod naman si Rowena, ako at panghuli si Alma. Hindi ko sinabi kay Mang Ignacio na sa batis ang punta namin dahil baka iyon rin ang banggitin niya kay Daddy pag nagtanong ito. "Dapat nagpahatid nalang tayo sa may dulo, Rici..." reklamo na naman ni Feli habang naglalakad na kami sa kalsada at wala na sa bayan. "Malapit nalang naman," si Rowena ang sumagot at itinuro ang medyo magubat na parte. Kailangan mo pang pumasok diyan para makarating sa bukana ng batis. Ang alam ko, ang daanan ito ay ang daanan papunta sa bahay nila Bram. Madadaanan mo rin dito iyong lupain nila Rudy at sa dulo naman ay ang lupain ng aking Lolo na ipinamana niya kay Kuya. Ang lupain namang mamanahin ko ay ang tinitikiran ng mansyon namin, ang malawak na lupain sa bayan. Hindi ko naman iyon kayang patakbuhin at pinag-iisipan ko narin na ibigay nalang iyon si Kuya para siya narin ang mamahala noon sa hinaharap. Wala pa naman akong naiisip na propesyon at nasa gitna pa ako ng pagtuklas kung ano talaga ang gusto ko. Total Grade 9 palang naman ako. "Doon tayo sa dulo!" Anyaya ko sa tatlo dahil naroon ang magandang bagsakan ng tubig. May parang jacuzzi roon sa gitna ng kagubatan at ang tangi mong maririnig ay ang pagaspas ng tubig at ang huni ng mga ibon. "Pag nalaman ng Kuya mo na pumunta ka rito, magagalit iyon!" panenermon na naman ni Feli sa akin habang naglalakad kami. Nakapaa nalang ako bitbit ang aking sapatos ganoon rin sila Alma at Rowena maliban kay Rici na hindi iyon hinuhubad. "Hindi niya malalaman kung hindi ka magsusumbong, Feli," sabi ko sa kanya at tumawa. "Pero Riss... Paano kung may biglang lumitaw na ahas?" Nanliit ang kanyang mga mata. "May iba rin namang naliligo rito, Feli. Dinadayo ito!" si Rowena naman. "'Tsaka minsan lang naman," si Alma. Itinuon ko ang tingin sa mga batong naapakan ko. Sobrang linaw ng tubig at may mga maliliit na isda pa akong nakikitang lumalangoy doon. Isinawsaw ko ang aking paa sa medyo malalim na parte at marahas iyong inangat saka ko itinama sa kinaroroonan ni Feli na napatili agad. Natatawa akong tumakbo para hindi ako nito magantihan lalo na't iyon narin ang ginagawa ni Alma at Rowena sa aking likod. Nagbabasaan narin sila gamit ang kanilang mga paa. "Nabasa na tuloy ako, Riss!" Nayayamot na sigaw ni Feli sa akin. "Maliligo rin naman tayo!" Tumatawa kong sabi. Nakarating rin naman kami sa mismong dulo noong batis. Ang malalaking bato roon ang nagsilbing harang at pwede mo ring upuan na nakapalibot sa munting jacuzzi. Mabilis kong inilagay sa tabi ang hawak kong bag at sinimulang kalasin ang botones ng aking blusa. Ginaya rin naman ako ni Rowena at Alma maliban kay Feli na ngumingiwi habang tinitingnan ang jacuzzi. Ayaw niya ba sa nature? "Di ka maliligo?" tanong ko sa kanya. "Baka mangati ako, Rici... Di ko naman alam kung saan nagmula ang tubig na 'yan." Tumingala pa ito at sinundan ang tingin ng rumaragasang tubig sa ibabaw. May mga rock formation iyon at tumatagas ang mga tubig, nagsisilbing fountain. "Ikaw bahala." Ngumisi ako sa kanya at sunod na inalis ang lock ng aking palda. "Bantayan mo nalang ang mga gamit namin," sabi ko sa kanya. Humalukipkip siya at gumala pa ang tingin sa kabuuan. Nang tuluyan kong mahubad ang aking uniporme at tanging panloob nalang ang natira ay nagsimula agad akong bumaba sa malalaking bato para mapunta na sa jacuzzi. Nagtatawanan pa si Alma at Rowena habang nagtutulakan ang dalawa. Maingat akong humawak sa mga bato hanggang sa umupo ako at inihulog ang aking mga paang naramdaman agad ang malamig na tubig ng jacuzzi. Tumalsik ang tubig na ikinabasa ko dahil sa pagkahulog roon ni Alma at pumaibabaw pa ang kanyang tili. Nagtawanan kami ni Rowena dahil sa pagtulak niya rito. "Gaga ka talaga!" sigaw niya nang makaahon at hinilamos agad ang mukha. Nagsisilbing harang ng init ang mga malalaking puno pero may iilang liwanag namang nakakatakas sa lilim ng mga dahon at tumatagos rito. Alas kuwatro na kaya mas naging akma lang ang klima sa lamig na gawa ng tubig. Nilingon ko sa aking likod si Feli. Sinenyasan ko pa siyang sumali pero umiling agad ito. "Hayaan mo na nga lang, Rici... Baka may rashes talaga." Natatawang sabi ni Rowena habang bumababa narin sa batuhan. Inilipat ko ang tingin kay Alma na lumalangoy na sa medyo malalim na parte patungo roon sa liblib. Tuluyan kong ibinagsak ang aking katawan sa tubig at umahon agad saka ko hinilamos ang aking mukha. Lumangoy ako patungo sa kanyang kinaroroonan at narinig narin ang pagbagsak ni Rowena sa tubig. Humabol rin naman ito sa akin hanggang sa kaming tatlo na ang nasa bukana noong liblib. "Feeling ko tuloy marami nang nangyayari sa batis na 'to... Alam niyo na... Para kasing ginawa ang kweba na iyan para sa magkasintahan," sabi ni Alma habang sinisilip ang loob noon kahit na hindi mo naman makikita ang loob hanggang hindi ka lumalangoy papasok. "Kung nagkaboyfriend ako, dito ko unang dadalhin sa batis..." Bumungisngis pa si Rowena sa aking tabi. "Kung magkakaboyfriend din ako, sabay kaming papasok sa loob ng kweba," si Alma naman. Kung mag kakaboyfriend din ako, papapasukin ko siya sa sarili kong kweba. Hindi ko dinugtungan ang kanilang pinagsasabi. I am busy with my own dirty thoughts! "Eh ikaw Rici?" tanong ni Rowena sa akin at kapwa na hindi kumukurap sa magiging sagot ko. "Anong gagawin mo pag nagkaboyfriend ka?" si Alma. "Eh ang opposite niyo pa naman ng Kuya mo. Ang inosente mo," hagikhik ni Rowena na ikinangiti ko rin. "Wala pa sa utak ko ang ganyan 'no," tanging sagot ko at tumawa. Gumala naman agad ang aking utak dahil sa aming topic. Pwede rin naman dito total may liblib naman at walang gaanong tao. Walang disturbo kung naghalikan kami o higit pa roon. Namula ang aking pisngi sa aking pinag-iisip. Bumungisngis pa ang dalawa dahil sa kanilang pinag-uusapan. Lumangoy rin naman kami pabalik doon sa batuhan. Naroon parin si Feli sa aming pinag-iwanan at nanonood lang sa amin. Umahon ako at humawak doon sa malaking bato saka ko inangat ang aking sarili. "Ang ganda talaga ng hubog ng katawan mo, Rici," sabi ni Rowena sa aking likod na naroon parin. Umupo ako sa batuhan at hinayaang sumayad ang aking paa sa may tubig. Hinawi ko ang iilang buhok na dumikit na sa aking pisngi at tiningnan ang aking sarili. "Ang liit ng beywang mo, payat, makinis, maputi, malaki ang dibdib tapos matangkad ka pa. Sigurado ako pagtungtong natin ng Grade 10 ay mas lalo ka pang gaganda!" si Alma naman na titig na titig narin sa akin. Binasa ko ang pang-ibaba kong labi at ngumiti sa kanila. Iyon rin naman ang iniisip ko sa aking sarili kaya hindi ako masyadong nafaflatter dahil alam ko namang may mas ikakaganda pa ako. "Maganda rin naman kayo ah?" "Pero di kasing ganda mo!" Tumatawang si Rowena. Marahas kong inangat ang aking paa at tinalsikan sila ng tubig. Nakipagtawanan ako sa tatlo hanggang sa tinatalsikan narin nila ako. Ang medyo humuhupang liwanag sa paligid ang nagsilbing hudyat na malapit nang kainin ng gabi ang kabuuan. Tuluyan rin naman kaming umahon at nagbihis na. Nabasa narin ang aking uniporme dahil narin wala akong dalang tuwalya para tuyuin ang aking katawan. "Alas sais na..." sabi ni Rowena habang kinakabit niyang muli ang relo na kinalas niya kanina. "Di kayo mapapagalitan?" tanong ko sa dalawa at binalingan si Feli na tahimik lamang. "Hindi. Mamayang 9 pa ang uwi ni Mama galing sa bigasan kaya di niya iyon malalaman," si Alma. "Di rin naman magagalit ang akin," si Rowena. Binalingan ko si Feli. "Ikaw? Sasama ka pa sa akin sa mansyon?" tanong ko sa kanya. "Pwede ka namang matulog doon..." Umiling ito, matabang ang timpla ng mukha. "Uuwi rin ako. Hinihintay ako ni Mama," paliwanag niya na ikinatango ko naman. Bigla akong naguilty sa pagiging tahimik niya. Kahit di ko naman kasalanan na hindi siya game sa plano naming tatlo, hindi ko parin maiwasang mag-alala. Bakit ba pinapairal niya ang pag-iinarte niya eh nagkakatuwaan nga kami... Sana nakikisali nalang siya eh palagi ko naman sana siyang pinagbibigyan. Naglakad kami pabalik ng bayan at doon nalang maghihintay ng tricycle. "Mauna na ako ha. Malapit naman ang amin eh," si Rowena. "Sabay narin ako. Malapit nalang rin ang amin." Humabol pa si Alma sa kanya kaya tumango ako at kinawayan ang dalawa. May huminto rin namang tricycle sa aming tapat pero isa nalang ang kasya roon. Nasa dulo pa ang nakaparadang tricycle kaya kailangan mo lang maghintay dito. "Uh... Mauna ka nalang Feli. Baka mapagalitan kana ng Mama mo pag natagalan ko pa." Marahan kong itinulak ang kanyang likod. Nilingon niya ako. "Sigurado ka? Eh ikaw?" "Maghihintay nalang ako." Nilingon niya saglit ang tricycle saka ibinalik ang tingin sa akin. Tumango siya at wala nang sinabi saka siya sumakay doon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag at sinundan ng tingin ang umaalis na tricycle. Ngumiti ako roon hanggang sa tuluyan na iyong lumalayo. Tiningnan ko ang dulo ng paradahan ng tricycle. Medyo masakit narin ang aking paa kakayapak kanina at kakatapak sa mga bato. Siguro ay maghihintay nalang ako rito. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Medyo natutuyo na iyon dahil narin sa lamig ng hangin. Basa rin ang aking uniporme kaya nararamdaman ko ang ginaw. May pamilyar na imahe ng lalake ang aking nakita. Nakashort ito, itim na tshirt at boardwalk. Inaayos nito ang natural na magulo niyang buhok habang ang isang kamay ay nasa bulsa. Kumurap ako at hindi na maalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa nagkasalubong na ang aming mga mata. Namukhaan niya agad ako base narin sa pagkakasalubong ng kanyang kilay. I smiled at him prettily at iwinagayway pa ang aking kamay para batiin ito. Nanatiling suplado ang kanyang mukha hanggang sa tuluyan siyang makarating sa aking harapan. Nalaglag agad ang kanyang tingin sa aking dibdib na ikinaahon ng iritasyon sa kanyang mukha. "Why are you here?" tanong niya. "Uh... Naligo kami sa batis at... pauwi na ako," sabi ko saka ako ngumiting muli. Nalaglag ulit ang kanyang tingin sa aking dibdib kaya napatingin narin ako roon. Doon ko lang napagtanto na bumakat na pa ang kulay cream kong bra sa aking blusa lalo na't nipis lang naman ang tela noon na kahit ang aking beywang ay humubog lalo. Tumawa ako at nag-angat ulit ng tingin sa kanya. "I'm wet... I'm sorry." Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at pigilan ang pagngisi. I saw how Bram's jaw clench tightly. Nag-iwas siya ng tingin at tiningnan ang paligid. Sa kanyang tindig ay natatakpan niya na ang aking kabuuan. He towered my small frame like he's a tree compared to a flower like me. "Diba at sinusundo ka?" he asked me, half irritated. "Yep. Pero sabi ko kasi magta-tricycle lang ako... Eh ikaw? Saan ka pupunta?" My eyes twinkled while looking at him. Ang ilaw na gawa ng mga streetlights ay tumatama sa kanya, mas pinapalinaw ang kanyang hitsura sa akin. "Palengke," tanging sagot niya at hindi parin humuhupa ang kilay niyang magkakasalubong. "Ah... Akala ko may gagapangin ka rin," pagbibiro ko at tumawa na. "Tss... H'wag mo akong itulad sa Kuya mong uhaw sa babae." Tumawa ako sa kanyang sinabi imbes na mainsulto. Totoo rin naman kasi na uhaw sa laman si Kuya. Para iyong isang bampira na kailangan makasipsip ng dugo para lang humupa ang kanyang pananabik. "Umuwi kana," sabi niya sa medyo matigas na boses. "Naghihintay ako ng tricycle." May grupo ng mga lalake ang nagtatawanan habang naglalakad. Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang aking sinabi at nagawa pang umabante sa akin hanggang sa tuluyan niya na akong tinatakpan. Napakurap ako at naamoy ito. Hindi niya suot ngayon iyong matapang na amoy na nakasanayan kong pabango niya kundi ang kanyang natural na amoy. His manly scent with a mixture of sweat and mint flavor. Ngumuso ako at tiningala ito. Nahulog ang kanyang tingin sa akin at mukhang iritado na naman. "Mayaman kayo kaya ba't nagtatrycicle ka? Dapat ay nagpapasundo ka hindi itong napapadpad ka sa gilid ng kalsada ng bayan," galit niyang sabi sa akin. Imbes mainis sa kanyang pagsusuplado ay napangiti ako ng matamis. Para akong nalulusaw sa isang bagay. "So you care about me?" Humagikhik na ako. Dumilim lang ang kanyang ekspresyon sa akin, ang ekspresyon ay galit na ngayon. "Uy... May pakialam ka pala sa'kin!" Tinusok ko pa ang kanyang dibdib na hindi man lang natinag. Tumawa ako. Mas gusto itong asarin. "President parin ako ng SSG Officer at bilang isang estudyante, tungkulin kita. Kung may nangyaring masama sa'yo habang kasama ako ay hindi iyon kaya ng konsensya ko," giit niya at tila tinutuldukan ang aking tinutukoy. Sumimangot ako. Ang seryoso naman nito... I am just joking! "Ang seryoso mo naman. I am just joking, you know..." Hinawi ko ang aking buhok. May namuong matahimikan. Nakapameywang na ito sa aking harapan habang gumagala ang tingin at nag-aabang rin ng tricycle. I can't help but marvel on the structure of his face. Oo tagabundok ito at kapos sa buhay, but how can he look so good na akala mo ay nabibilang ito sa isang marangyang pamilya. Hindi mo masasabi sa kanyang tindig ang kanilang estado pero kung ibabase mo iyon sa kanyang kasuotan na mukhang inukay lang sa palengke ay doon mo lang matutukoy na mahirap lamang ito. But still, his handsome face screams wealth! Pera lang talaga ang kulang sa lalakeng ito... Napansin niya ang paninitig ko sa kanya kaya nalaglag ng tuluyan ang kanyang mga mata sa akin. "Anong taste mo sa babae?" bigla kong tanong. Hindi agad siya sumagot, naninimbang ang tingin sa akin. "Iyong katulad ni Farrah? The game one?" Tumawa ako ng pabiro na ikinaahon ulit ng iritasyon sa kanyang mukha. May dumaang tricycle kaya pinara niya iyon. "Sumakay kana at umuwi na. Hindi maganda sa babae ang ginagabi sa daan," aniya at ibinulsa ang mga kamay. Tiningnan ko ang paghinto ng tricycle at ibinalik agad kay Bram na lumayo na sa akin. Tuluyan ako nitong tinalikuran, ni hindi man lang nagpaalam o hintayin akong makasakay! Ngumuso ako at sumakay narin ng tuluyan sa tricycle. Hindi niya sinagot ang aking tanong! Siguro tama ako. He likes her... Ganoon rin naman kasi talaga ang mga lalake. Maganda, payat at malaki lang ang dibdib noong babae ay gusto na agad nila. Iyan iyong mga babae na kahit hindi mag-effort sa pagpapapansin sa kanila ay mapapansin agad dahil sa pisikal na hitsura. And maybe Bram is like that too. I'm going to ask him tomorrow. I just want to know his standards... Nacucurious lang naman ako sa kanyang katauhan dahil napakamisteryoso niya ring tao. Well I kinda like him... Slight lang naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD