Suplado I couldn't sleep at night thinking about Bram's feature. Habang yakap ang unan, wala sa sarili akong nakatingin sa kawalan at naiimagine itong nakikipaghalikan sa kung sinong babaeng malabo ang mukha sa akin. Ayokong may maimagine na iba lalong lalo na si Farrah. I just want to see him that way... kissing someone. Nawala ako sa sarili kong pag-iisip. Anong oras na ba? Alas dyes na ng gabi pero itong pinag-iisip ko ay hindi ako pinapatulog. Is that how he kiss? O baka naman masyadong shallow ang pinag-iisip ko tungkol sa kanya. Maybe he's aggressive? Maybe he's going to do worst than just a mere kiss. Mariin na akong napapikit at hindi na makapaniwala sa aking pinag-iisip. Dapat pala sa sarili kong kuwarto nalang ako natulog at mukhang nadedemonyo ako sa kuwarto na ito. Buma