Episode 6: BG. Samonte and Col. Samonte Arrived

1432 Words
DUMATING sila sa Ninoy International Airport at ang mga magulang ni Kumander Allhe ang sumundo sa kanila. Dahil araw naman ng Sunday ay sumama si Albert III at si Switlyne. Halos mag-isang buwan silang nasa bakasyon kaya na-miss ni Alsi ang ate niya at ganoon rin si Switlyne. Excited ang mga ito habang naghihintay sila sa waiting area. Ang pamilya naman ni Jacob ay kasalukuyan silang nasa residente ng mga Sirocco, at ganoon rin ang mga pardus force. "Ate Allhe..." sigaw ni Albert III nang mapansin niya ang paglabas ng kapatid at bayaw niya. "Where?" tanong ni CGPA. Sirocco, dahil hindi niya nakita ang panganay na anak. "Over there!" Sabay turo nito. Nakita naman ito ng ama dahil kumakaway si Kumander Allhean. Masaya naman si Dra. Sheann nang makita niya ang anak at ganoon rin si CGPA. Sirocco. "Allhe…" masayang sambit ng mommy niya, at sinalubong ito nang yakap. "I miss you, Ma!" mahigpit na yakap ang tugon ni Kumander Allhe sa ina. "I miss you too, Allhe!" "Kumusta ang bakasyon?" tanong ni CGPA. Sirocco sa dalawang bagong dating. "Mabuti naman, Dad," tugon nito sa biyenan niyang lalaki. "Ate Allhe, na-miss kita!" wika ng bunso niyang kapatid. "Na-miss rin kita." "Ate Allhe, may good news ako sa 'yo!" aniya. "Talaga?" "Yeah!" "Swit, kumusta ka naman?" "Okay lang ako, kumander," nakangiti nitong tugon at banaag sa mukha niya na masaya ito. "Let's go! Dahil marami pa ang naghihintay sa bahay," anang padre de pamilya. Sumakay sila sa limousine na sasakyan. Ito ang bagong sasakyan na binili ni CGPA. Sirocco, para sa pamilya niya. Bawat tao sa airport ay hindi maiiwasan na mapatingin sa kanilang mamahaling sasakyan. Lalo na't maraming militar na naka-escort sa kanila. Hanggang sa nakarating na sila sa bahay. Excited naman ang pardus force na makita ang kanilang pinuno, nang makita nila na huminto na ang mahabang sasakyan sa harapan ng bahay ay kanya-kanyang labas na sila at hawak ang banner. Na ang nakasulat ay 'WELCOME HOME, COLONEL JACOB SAMONTE & BRIGADIER GENERAL ALLHEAN SAMONTE'. Sobrang saya ang nararamdaman ni Kumander Allhe nang makita niya ang hawak nilang banner. Hindi niya maiwasan ang mapaluha sapagkat masaya siyang nakita ang grupo na kompleto, at ganoon rin ang pamilya ni Jacob. "Salamat sa inyong lahat!" nakangiting sabi ni Kumander Allhe. Thank you, guys!" pahayag naman ni Jacob. Biniso-biso nila ang lahat bago sila pumasok sa loob ng bahay. Lahat sila ay masaya dahil buo na ulit ang pardus force. Hanggang sa nagtungo na ang lahat sa hapag-kainan. At habang kumakain sila ay nagsalita si CGPA. Sirocco. "Guys, may good news ako," panimula nito. "Ano iyan, kumpadre?" tanong ni MG. Samonte. Excited naman ang lahat na marinig ang good news kaya seryoso silang naghihintay na magsalita na si General. "Noong meeting namin ni president at bise-presidente ay pinag-uusapan namin na paigtingin ang pardus force. Nag-suggest ang Pangulo ng Pilipinas na mag-recruit ng junior pardus force." "Ummm… gandang ideya!" Agad nagustuhan ni MG. Samonte ang sinabi ng kumpadre niya. "Ang sabi ni president ay siya ang mag-sponsor. Ano sa tingin ninyo?" dagdag pa ni CGPA. Sirocco. "Maganda ang naisip ni president, Dad. Agree ako," tugon ni Kumander Allhe. "Ang sabi pa nga niya ay mas mabuti kung kayo ang magturo sa mga bagong junior pardus force." Lahat naman ay natuwa at excited sa mga bagong kasapi ng pardus force. Habang kumakain sila ay patuloy rin ang kwentuhan nila, at nang matapos ang hapunan ay nagpalabas agad si CGPA. Sirocco ng beer, para sa konting salo-salo. Masaya ang lahat habang nasa garden sila at doon rin inabot ni Kumander Allhe ang mga pasalubong nila para sa sa lahat. Bawat isa ay masaya sa simpleng pasalubong pero mamahalin na perfume. Pero sa pamilya niya at kay Switlyne ay iba, at hindi pa niya ito ibinigay. Hanggang sa lumalalim na ang gabi at nagpaalam na ang pamilya Samonte, ganoon din ang pardus force. Nang sila na lang ang naiwan, ay saka pa lang niya binigay ang para sa pamilya niya. "Dad, para sa 'yo." At inabot niya ang mamahaling jacket. "Salamat nito, Jacob, anak," masayang sabi ng padre de pamilya, at agad binuksan ang paper bag. "Ma, ito naman sa iyo." Sabay abot nito sa isang kahon. Mamahaling gold watch na branded ang ibinigay niya sa ina. Thank you so much for this, Jacob, Allhe." At niyakap ng mahigpit ni Dra. Sheann ang panganay niyang anak. "Sa akin, Ate Allhe, wala?" seryoso nitong tanong. "Puwede ba iyong wala?" si Jacob ang sumagot at itinaas ang katamtaman ng laki ng cartoon. "Wow! Ano ito, Kuya Jacob?" Halos mamimilog ang mga mata nito dahil sa sobrang tuwa. "Open it!" utos ng brother-in-law niya. Walang ideya si Albert III., kung ano ang laman nito. Ngunit dahil sa sobrang saya nito ay dali-dali niyang binuksan. "Swit, ito naman ang para sa iyo." Sabay bigay niya sa maliit na box. "Salamat, Kumander." At masayang tinanggap niya ang box. Sport watch ang binigay nila kay Switlyne at meron itong recorder, sinadya ito ni Kumander Allhe, para magamit sa misyon nila. "Wow! Ang ganda nito, kumander!" Sobrang saya ni Swit, nang makita niya ang mamahaling relo." "Basahin mo na lang ang nasa guide, may recorder 'yan," tugon niya rito. "Opo, kumander. Maraming salamat nito. Kuya Jacob, salamat," nakangiti niyang sabi. "OMG! I love it!" biglang bulalas ni Albert III., nang makita niya ang laman ng kahon. "You like it?" tanong ni Jacob. "Yes, hundred percent! Thank you so much, Kuya Jacob, Ate Allhe." Sabay lapit niya sa kapatid at humalik. "You're welcome! Ano pala iyong sinabi mo sa akin na may good news ka?" tanong niya sa kapatid. "Sumama pala ako sa misyon—" "Bakit ka naman sumama na wala ako? Lalo na sa ganyang klaseng giyera!" Seryoso ang mukha ni Kumander Allhe, na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kapatid. Hindi nagsalita ang ama at ina, hinayaan nila na masermonan ito ng kapatid. Seryoso ang mga magulang na umupo sa sopa at tiningnan ang panganay nilang anak. "Kumander Allhe, kaya ko na po ang lumaban. Isa pa hindi naman ako delikado dahil kasama ko si Swit, at sniper ang posisyon ko." "Ilan ba ang natamaan mo?" si Jacob ang nagtanong. "More than ten," aniya. "Not bad." At tinapik-tapik nito ang balikat ng brother-in-law niya. Dahil malalim na ang gabi, niyaya na sila ng ama na matulog na. Pero bago tuluyang pumasok sa kuwarto ang padre de pamilya ay tinanong muna niya ang panganay na anak kung mag-duty ba sila bukas. "Oo, Dad," tugon nito. "All right. Sasabay ba kayo sa akin?" "Yes, Dad!" tugon ni Alsi. "Oo, Dad," turan naman ni Kumander Allhe. "Okay, guys!" anang ama nila. "Good night, Dad. Good night, Mom!" pahayag ng dalawang anak at humalik sila sa mga magulang nila. KINABUKASAN ay maagang nagising si Allhe, dala na rin sa excited, sapagkat na-miss na niya ang kampo at ang muling magsuot ng uniporme. Babangon na sana siya, ngunit nagising si Jacob. "Good morning…" bati niya at nakapikit pa ang mga mata nito. At sabay yakap niya sa asawa. "Good morning!" sabay halik niya sa labi ng asawa. "Bakit ang aga mong nagising?" paanas na tanong nito. "Excited lang akong makabalik sa serbisyo." Hindi na pinigilan ni Jacob ang asawa, bagkus bumangon na rin ito upang ihanda ang kanilang uniporme. "Sige na, mauna ka na sa banyo," aniya sa asawa. "Okay." Alas-sais y medya ay nakababa na silang dalawa, naroon na rin ang mga magulang nila at si Switlyne. Tulad nila ay nakabihis na rin ang mga ito. "Magandang umaga, kumander, Kuya Jacob!" bati ni Swit. "Magandang umaga! Si Albert?" tanong niya rito. "Hindi pa bumaba, kumander." "Paki-puntahan mo, Swit, katukin mo ang—" "Good morning!" biglang sigaw ni Albert III., kaya hindi natuloy ang sasabihin ni Kumander Allhe. "Good morning guys!" bati ng ina nila, at bitbit niya ang kanilang breakfast. Nakasunod naman nito ang ama nila. Nagsimula silang kumain at masaya si Doktora Sheann, dahil kompleto ang pamilya niya. Magkatabi si Alsi at Switlyne at nasa harapan naman nila si Jacob at Allhe. Habang ang mga magulang nila ay magkaharap sa magkabilang dulo. "Dad, kailan pala ang recruitment?" tanong ni Kumander Allhe. "Puwede na next-month. At mamaya ay aasikasuhin ko ang pagpapadala natin ng mga scholarship form sa iba't ibang school sa buong bansa!" tugon ng ama niya. "Excited na ako na makaharap ang mga bagong estudyante at gusto ko na ako mismo ang pagsubaybay sa kanila. Habang ang miyembro ng pardus force ang mag-coach sa kanila." "Good ideas, Allhe." "Pero kailangan natin ang mag-doble, dahil ito ang hinihintay na pagkakataon ng mga komunistang rebelde."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD