Episode 1: Brigadier General Allhean Was Saved By Her Husband
Dahil sa sobrang pagod ay mahimbing na nakatulog si Kumander Allhe, at biglang napanaginipan niya ang huling laban nila.
"Gusto mo ba na diretso tayo sa hospital?"
"Sa bahay na lang tayo, Pa."
"Are you okay?"
"Hindi, Pa—"
"Ate! Are you okay?"
"Kumander, huwag kang mag-alala makabawi natin sila na buhay."
"Tama si Switlyne, Kumander."
"Kailangan ninyong magpahinga, dahil anumang oras ay aatake tayo."
"Copy, Kumander!"
"Tayo na!"
"Anak, pupunta muna ako sa kampo dahil marami pa akong a
aasikasuhin doon. Pero magpapadala ako ng doktor dito para tingnan ang sugat mo.
"Ate Allhe, nagtanong si Daddy kung may kailangan ka pang iba."
"Oo, Kailangan ko pala ang buong mapa ng Mindanao."
"Dad, need raw niya ang mapa ng buong Mindanao."
"All right, I'll send it now!"
"Province of Basilan, Municipality of Tito-Tipo," bulong niya.
"Ano itong may underline, Ate Allhe?"
"Posibleng nandito sila."
"Hindi ba sa Jolo, Sulu sila, Kumander?"
"Malabo sila doon dahil wasak na ang malaki nilang kampo. At imposible kung magtatago sila sa maliit na kampo dahil alam nilang delikado ang sitwasyon nila ngayon."
"May punto ka, Ate Allhe"
"Okay lang, malayo sa bituka. Bakit ka pa nagpunta dito? Alam mo naman na bawal kang ma stress."
"Don't worry nag-iingat naman ako, at nag-alala lang talaga ako sa iyo."
"I'm so sorry, Allhe! It's my fault!"
"Huwag mong sisihin ang sarili, Ma. Hindi mo naman ginusto ang mangyari."
"Pero nag-aalala ako sa anak ko at sa Mama mo."
"Lahat naman tayo nag-alala, pero sa ngayon, wala pa tayong magagawa maliban lang sa dasal."
"May lead ka ba kung saan sila dinala, Allhe?"
"Sa Province of Basilan."
"Paano mo yan nalaman?"
"Tiningnan ko ang mitrex ngayon. Mayroon silang malaking kampo doon."
"Sana ma rescue kaagad sila, baka ano pa ang gagawin sa kanila."
"Wala silang gagawin sa mga hostages ngayon, Ma. Dahil may kailangan pa sila sa militar."
"I think wala dito sa Jolo, Sulu ang target!"
"What do you mean?"
"Itong kampo na ito ay pinasabog na namin noong nakaraang taon. Kaya imposibleng babalik sila dito..."
"Yes! Sa tanto ko ay nasa Province of Basilan sila ngayon. At dito sila posibleng nagkukuta sa Municipality of Tito-Tipo."
"General, ano pala ang balita sa helicopter na naghahatid sa kanila?"
"Hindi na importante kung sino ako, Basta makinig ka kung gusto mong makitang buhay ang asawa at son-in-law mo—"
"Subukan mong galawin ang ina at asawa ko! Dahil sisiguraduhin ko rin sa iyo na ulo ng ama at pamilya mo ang dadalhin ko sa harapan mo, Konsehal Bernabe Palomares!"
"Alam ko kung ano ang kailangan ninyo! Saan tayo magkikita? Dadalhin namin ang mga kasamahan ninyo at ang ama mo, basta siguraduhin mo lang na dala ninyo ang lahat ng mga hostages. Alam kong nasa Province of Basilan kayo! Tama ba ako?"
"Baka nakalimutan mo na hawak ko ang mitrex book ninyo. Kaya kahit saang impiyerno kayo mag-tatago ay masusundan ko pa rin kayo!"
"Mabuti at tumupad kayo sa usapan!"
"Nasaan ang mga hostages?"
"Don't worry they are safe! Ibigay mo muna ang aming kailangan!"
"Huwag mo akong gawing bobo na tulad mo! Kaliwaan mo tayo!"
"Wala ka bang tiwala sa akin?!"
"Paano ako magtitiwala sa isang magaling na artista na mo tulad mo? Hindi na natin 'to patagalin pa Annieka, at huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa! Ilabas mo ang mga hostages."
"Ibigay mo muna ang aming kasamahan!"
"Hindi ka talaga nakakaintindi? Bibilang ako ng tatlo at makikita mo ang kaya kong gawin! Isa ... Dalawa ... Tatlo!"
"Allheeeean!"
"Sino ang gusto mong isunod ko?"
"Huwag kang mag-alala nakahanda kami, Senador."
"Ito na sila!"
"Kaliwaan tayo! Bibiglang ako ng tatlo!"
"Maghanda kayo!"
"Attack!"
"Move! Move!"
"Sige! Subukan ninyong gumalaw, pare-pareho kayong sasabog!"
"Animal ka Allhean! Wala kang isang salita!"
"Bakit?! Kami ba ang unang kumasa? Akala mo ba na kasing bobo mo ako? Hindi mo ako mautakan Annie!"
"Protektahan n'yo sila!"
"Tumakas na kayo!"
"But Dad—"
"Run!"
"Don't come!"
"Atrassssss…"
"Kumusta na ang sugat mo?"
"Magaling na, 'yong sugat mo?"
"Magaling na rin."
"Albert III, Switlyne."
"Yes! Kumander?"
"I-secure ninyo sila."
"Okay po, Kumander! Dito tayo, bilis!"
"Thank you!"
"Let's go!"
"Atras—Atras!"
"Ano ang gagawin natin ngayon Commander?"
"Kailangan nating makatakas dito! Kung hindi mauubos tayo! Animal na Allhean, naisahan tayo!"
"Hindi ko akalain na ganyan pala ka mautak ang babaeng iyan!"
"Mas mabuti pa kung sumuko ka nang maayos, kung gusto mo pang mabuhay. Pero kung gusto mong mamatay sige, damputin mo."
"Tama 'yang ginawa mo!"
"Captain, mauna na kayo at hahanapin ko lang si Allhe."
"Sige, pero mag-ingat ka."
"Animal ka, Allhean! Sinira mo ang aming mga plano!"
"Ngayon, nagsisi ka na nakilala mo ako? Malas mo lang dahil magkaiba ang pananaw natin sa buhay!"
"Oo! Sising-sisi ako! I hate you so much!"
"Wala akong pakialam kung hanggang sa kabilang mundo mo pa dalhin ang pagkasuklam mo sa akin! Dahil tanggap ko na isinilang tayong dalawa para maging mortal na magkaaway!"
"Tapusin na natin 'to!"
"Sure! At sisiguraduhin ko sa iyo na isa lang sa atin ang makalabas dito na may ulo!"
"Tama na Annie, dahil kahit anong gawin mo ay hindi ka mananalo sa akin, bibigyan kita nang pangalawang pagkakataon upang magsimula ng panibagong buhay. Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ito."
"Noooooo…"
"Ito ang pinili mo kaya wala na akong magawa!"
"Sinubukan ko siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon na magbago. Pero mas pinili niya na mangyari ito sa kanya."
"It's okay! It's okay! Let's go!"
"Kumander, nandito kami!"
"Mas pinili nang iyong anak ang mamatay para sa iyo, kaysa magbagong buhay. Ngayon, proud ka na sa sarili mo-----Senador Halifah Abdul Aziz!"
"Congratulations! Brigadier General Allhean Samonte!"
"I will kill youuuu…"
"Allheeee…"
"I will kill you…"
"Allheeee…"
"Jacob … Jacob!"
"Jacob…"
"Excuse me! Excuse me!"
"He is still alive!"
"Medics! Medics!"
"It's Okay … He will be fine."
"Let's go."
"Jacob, lumaban ka, hindi pa ako handang mawala ka sa akin. Ang dami ko pang pangarap para sa ating dalawa."
"Ma, gawin n'yo ang lahat para maligtas ang aking asawa."
"Don't worry, gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya."
“I will do my best so that I can help your husband.”
"Thank you!"
"Allhe…"
"Ma!"
"Kumusta si Jacob?"
"Wala pang balita, kasalukuyan pa siyang inoperahan. Umupo muna kayo, Ma."
"Allhe, huwag kang mag-alala, lalaban si Jacob alang-alang sa iyo."
"Salamat, Jase."
"Allhe, uminom ka muna ng tubig."
"Ayaw ko, salamat!"
"Ma, kumusta si Jacob?"
"His life is in danger. I need blood!"
"Halika sa loob."
"Sheann, please gawin mo ang lahat!"
"Yes!"
"Allhe, lalaban si Jacob para sa iyo."
"Hindi nagsalita si Kumander Allhean, pero tumango-tango ito."
"Ate Allhe, be strong. I know na magiging okay rin si Kuya Jacob."
"Successful ang operasyon, ligtas na siya sa panganib at okay na siya ngayon."
"Salamat, Ma!"
"Your husband is safe now."
"Maraming-maraming salamat."
"You're welcome!"
"Ma, umuwi ka muna sa bahay, alam kong pagod ka. Pa, Albert, iuwi n'yo na si Mama."
"Okay ka lang ba dito?"
"Oo, Pa."
"Samahan na kita dito, Kumander."
"Huwag na magpahinga na muna kayo."
"Allhe, magpahinga ka kahit sandali lang at ako muna ang bahala kay Jacob. Alam kong pagod ka rin."
"Okay lang ako, Ma. Magpahinga na lang ako kapag nagising na ang aking asawa."
Nagising si Kumander Allhe dahil sa marahan navpag bukas ng pinto.