Episode 7: The Junior Pardus Force Is Coming

1027 Words
MAGKASUNOD na huminto ang sasakyan ni CGPA. Sirocco at kay Jacob sa loob ng kampo at halos magkasabay lang ang pagbaba ng buong pamilya. Malayo pa lang sila ay tanaw na agad sila ng mga pardus force na kasalukuyang nasa oval. Kumakaway ang mga ito kaya agad silang napansin. Tumugon rin ang mga ito sa pagkaway. Nagtungo doon si Alsi at Switlyne, habang si Col. Samonte at si BG. Samonte ay nag-report muna sa opisina dahil may importante pa silang meeting para sa pagbubukas ng bagong batch. Na-approve ang scholarship para sa Forth Batch, at agad nilang pinadala ang mga form sa iba't ibang paaralan sa buong Pilipinas. MINDANAO NEW CORELLA, DAVAO DEL NORTE SAMANTALANG nakarating sa pagong founder ng komunista ang tungkol sa pag-recruit ng 'Manila Sirocco Military Academy (MSMA)'. Agad nitong tinawag ang kanang-kamay niya na lalaki. "Bakit pinuno?" tanong nito. "Ipaalam mo sa buong miyembro dito sa Mindanao na lahat ng mga anak nila na papasok sa kolehiyo ay ipapa-take ng scholarship sa (MSMA). Pagkakataon na natin na mapasok ang kampo ng militar at masagip ang mga bilanggo nating kasamahan. Lalo na si Senador Palomares Sr., dahil malaki ang pakinabang niya sa grupo. "Masusunod, Pinuno!" "Kailangan ko sila asap!" seryoso nitong sabi. "Yes, pinuno." "Maiba pala ako. Ano ang balita sa pinapagawa kong mga bomba?" "Medyo marami na ang nagawa nila, pinuno." "Mabuti kung ganoon, sapagkat kailangan natin ang mga iyon sa susunod na mga buwan dahil nalalapit na ang 'International Sport'." Ani niya sa kanang-kamay. At lumabas na ito. Hanggang sa mag-isa na lang siya sa kaniyang malawak na opisina. Sa loob nito ay naroon ang mukha ng isang lalaki at isang babae na kaedad lang niya. "Huwag kayong mag-alala, ipaghiganti ko ang nangyari sa inyo at pangakong hindi ko kayo bibiguin at ibabangon ko ang samahan," kausap niya ang malaking larawan. Kinabukasan ay dumating ang mga miyembro nito na kasama ang mga anak nila na magkolehiyo. Umupo ang mga ito sa malawak na bulwagan. Habang hinihintay ang paglabas ng founder nila, maya-maya pa ay lumabas na ito at ang lahat ay dali-daling tumayo at nagbigay ka lang ka kaniya. "Maupo kayong lahat," simpleng sabi niya sa lahat at sumunod naman ang mga ito. Ito lang ba ang papasok ng kolehiyo?" tanong ni Founder Annefa. At binilang niya ang mga ito at nasa fifteen lang ito. "Pinuno, ito lang ang sa ating nasasakupan na lugar, pero iyong iba ay wala pa silang reply sa mga tawag ko," paliwanag ng kanang-kamay niya. "Hindi bali baka busy pa sila." Agad nagsalita ang pinuno at pinaliwanag niya kung bakit pinatawag niya ang mga ito. Sinabi niya na papasok ang mga anak nila para maging ispya. Wala namang magawa ang mga magulang ng mga kabataan dahil nagmula ang utos sa kataas-taasan nila. "Mustafa, ibigay mo ang mga scholarship form sa kanila." "Okay, pinuno." At isa-isa niya itong ibinigay sa lahat ng mga estudyante. "Huwag kayong mag-alala magbibigay ako sa inyo ng pera na nagkakahalaga ng 'dalawang daang libong piso'," pahayag ng founder nila. Kahit papaano ay natutuwa ang mga magulang dahil malaking tulong na ito sa kanila. Pero alam nilang pareho na ang pagbibigay ng pera sa kanila ay kabayaran sa kanila, kung sakaling masawi ang mga anak nila. Natapos ang ang kanilang pagpupulong at ipinaliwanag ng founder na mag-take sila ng examination para sa scholarship. Ngunit sinabihan rin sila na huwag mag-alala dahil sila na ang bahala sa mga resulta. Mula sa 'NEW CORELLA, DAVAO DEL NORTE' ay mayroong fifteen students ang nakuha ni Founder Anniefa. At alam niyang madagdagan pa ito. Kailangan niya ng maraming spy upang hindi sila mahirapan na itakas ang mga bilanggo nilang mga kasamahan. MANOLO NATIONAL HIGH SCHOOL "Guys, tingnan niyo itong nakapaskil sa bulletin board!" sabi ni Jhauztine sa mga kaibigan niya. "Hala! I like that!" masayang tugon ni Gene Lyn. "O—M—G! Ito 'yong sikat na academy sa Maynila!" sabat naman ni Jahaizah, at nagningning ang mga mata niya sa tuwa. "Interesting!" turan ni Jhie. Dahil ito na ang hinihintay niyang pagkakataon, sapagkat pangarap niyang maging sundalo. "Ano pa ang hinihintay natin? Gora na tayo!" pahayag ni Cel. Ang pang-lima sa magkaibigan. Sabay na tumakbo ang mga ito upang mgpunta sa faculty room, kung saan naroon ang kanilang principal. SAMANTALA, nalaman naman ni Franky na magsisimula na ang recruitment ng MSMA, at sinabi agad niya sa ina na gusto niyang pumasok. "Pero, Franky… maganda na ang kurso mo at isang taon na lang maging engineer ka na. At pang-ilan mo na itong paglipat sa kurso?" "Pang-apat," simpleng tugon niya. "See? Twenty-five ka na sa kolehiyo!" "Mom… kung hindi ninyo ako papayagan hihinto ako sa aking pag-aaral!" Sa tuwing gusto ni Franky ang magpalit ng kurso ay iyon ang palaging pankot niya sa ina. Ang rason kung bakit siya gustong makapasok sa academy ay dahil kay Kumander Allhean. Dahil unang kita pa lang niya dito ay agad tumibok ang puso niya. "Me too!" sabat naman ni Feunnah, dahil narinig pala nito ang pag-uusap nila." "Ano bang nangyari sa inyong dalawa?!" bulyaw nito sa dalawang anak. "Mom! You know naman na pangarap ko talaga na maging sundalo," paliwanag niya sa ina. "Ewan ko sa inyong dalawa!" Sabay talikod ni Tessie, at pumanhik ito sa itaas. Napangiti naman ang magkapatid dahil alam nilang walang mgagawa ang ina nila. Excited ang mga ito na magsimula na ang pasukan sa academy. Umalis ang dalawa para kumuha ng scholarship form at hindi ito nagpaalam sa kanilang ina. ISANG BUWAN ang nakalipas ay nagkaroon ng meeting ang mga opisyales kasama ang mga pardus force. Napagkasunduan sa meeting nila na si Alsi at Switlyne ay maging look-out sa mga bagong estudyante. Kung baka maging ispya sila, excited naman si Switlyne dahil papasok siya sa first-year college. Kahit ang mga miyembro ng pardus force ay excited sa kanilang bagong misyon. KALALABAS lang nila mula sa opisina ni CGPA. Sirocco nang tumunog ang emergency alarm. Mabilis silang tumakbo sa kanilang baracks upang kunin ang kanilang mga kagamitan para sa giyera. At wala pang limang minuto ay nasa field na sila. At habang hinihintay nila si BG. Allhean Samonte ay dumating rin ang mga sasakyang pang digma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD