Episode 5: Kumander Allhe And Col. Jacob is in Trouble

1013 Words
KINABUKASAN ay nakatanggap ng tawag si Kumander Allhean mula sa kaniyang ama, kaya dali-dali niya itong sinagot. "Good morning, Dad!" bati agad niya sa ama. "Good morning too! Allhe, tumawag lang ako para ipaalam sa iyo na tagumpay ang misyon nila at nakabalik na sila dito sa Manila." "But sad to say na may mga nasawi sa hanay ng mga militar at may mga sugatan rin sa pardus force pero hindi naman sila malubha," anang ama niya. "Salamat sa Diyos, kung ganoon." "Kaya huwag na kayong masyadong mag-alala dito at i-enjoy muna ninyo ang bakasyon," pahayag ng ama nito. "Sige, Dad, salamat. Siya nga pala, kumusta si Albert III at si Mommy?" "Si Mommy mo nasa ay nasa duty. Tawagan mo na lang siya mamaya kung may time ka." "Okay, Dad." "Ang kapatid mo naman ay tulog pa, mukhang hindi pa naka-recover sa giyera kahapon." "Kumusta naman siya at si Switlyne?" "Wala kang dapat ipag-alala sa kapatid mo at sa nobya niya dahil mabuti naman sila." Dahil sa tugon ng ama niya ay nakahiga siya nang maluwag. Hanggang sa natapos ang pag-uusap nila. At masigla siyang ibinalita kay Jacob ang tungkol sa sinabi ng ama nila. "Mabuti naman kung ganoon, para kahit paano ay makahinga na rin tayo sa kakaisip sa kanila." Bahagyang nakangiti si Jacob, na banaag sa mukha nito na masaya siya dahil sa naririnig niya. Bitbit ni Jacob ang isang trey na may laman ng kanilang coffee with cream, na siya mismo ang gumawa para sa kanila. Umupo sila sa beranda ng eight floor ng hotel at doon sila nag-usap-usap tungkol sa kanilang future. Matapos silang kumain ay bumaba ang dalawa upang maglakad-lakad sa dalampasigan at maligo na rin. Ang tatlong linggo nilang bakasyon ay sapat na para kay Kumander Allhe at gusto na niyang makabalik sa Pinas dahil nais na niyang makabalik sa kanyang misyon. "Allhe, gusto mo ba ng buko?" tanong ni Jacob, dahil nakita niya na merong nagtitinda sa gilid. "Sige, kasi medyo nauhaw ako," tugon niya. "Okay, umupo ka muna." Umupo si Kumander Allhe sa bakanteng lamesa na meron lang dalawang upuan. At tinatanaw niya si Jacob na kasalukuyang naglalakad patungo sa nagtitinda ng buko. Saktong nasa tapat na si Jacob sa cart ng buko nang biglang lumapit ang apat na lalaki at iniikutan siya ng mga ito. "Hey! Give me your wallet!" paanas nitong utos. "No! This is my wallet not yours," pabulong naman na tugon ni Jacob. Nang mapansin ito ni Kumander Allhe ay dali-dali naman siyang tumayo at pormal na nagtungo sa asawa niya. Hindi pa siya nakalapit ay napansin na niya ang dalawang lalaki na paglabas ng patalim. Bigla siyang napatakbo dahil nag-alala siya na baka mabinat ang sugat ng asawa niya. Saktong nakalapit siya sa kinaroroonan ni Jacob nang inundayan siya ng saksak, subalit nahawakan ni Kumander Allhe ang kamay ng isang lalaki at sabay sipa naman niya sa isa pang lalaki na may hawak rin ng patalim. Nagulat ang lalaking nahawakan niya sa kamay, agad umikot si Kumander Allhe at binali niya ang kamay ng lalaki. "Ouch!" napasigaw ang lalaki at nabitiwan ang patalim na hawak nito. Sinipa rin niya ang paa nito at napaluhod ito. Bumangon ang isang lalaki na una niyang sinipa at pinulot ang patalim na natapon ngunit walang takot na sinalubong ito ni Kumander Allhe, at hindi pa nga ito nakalapit sa kaniya ay muli na naman itong natapon at bumagsak matapos niya itong sipain. Napapalunok ang dalawa pang lalaki, habang si Jacob ay kalmado lang na hinihintay ang order niyang buko. Sabay na umatake ang dalawang lalaki kay Jacob, ngunit simpleng ilag lang ang ginagawa nito. Agad namang nakalapit si Kumander Allhe at siya na naman ang humarap sa dalawa. Palipat-lipat ang ginawa niyang suntok at sipa sa dalawang lalaki at ni isa ay walang nakalapit sa kaniya. Parehong nakatulog ang dalawang lalaki na nabanatan niya sa pagsuntok at sipa. Habang ang isang lalaki ay mabilis na tumakbo papalayo, ngunit nasalubong naman nito ang mga awtoridad kaya nahuli ito. Babangon pa sana ang isa para tumakas rin ngunit inapakan ito ni Kumander Allhe sa likod upang mapigilan hanggang sa makalapit sa kanila ang mga awtoridad. "Are you okay, ma'am, sir?" tanong ng isang pulis. "Yes. We are okay," tugon ni Jacob. Dali-dali namang lumapit ang manager at kasama ang iilan sa mga securities. Agad nagtanong ang mga pulis kung ano ang nangyari. Bago sumagot si Jacob ay ipinakilala muna niya ang kanilang mga sarili. Sinabi niya na mag-asawa sila at ipinakita niya ang kanilang mga ID. Ikinuwento ni Jacob ang nangyari at sinuportahan ito ng tindero ng buko sinabi rin nito na totoo ang sinabi ni Jacob. Tinanong sila ng pulis kung magsasampa ba sila ng kaso laban sa apat. Ngunit sinabi ni Jacob na hindi na at ipaubaya niya sa hotel managent ang pagsampa ng kaso laban sa apat upang mapigilan ang pag-atake nila sa iba pang mga guest sa kanilang hotel. Nangako naman ang manager na siguraduhin nila na hindi makalaya ang apat at sasampahan nila ito ng kaso. Hanggang sa umalis na ang mga pulis at dala nila ang apat na nanggugulo. "Okay ka lang?" tabong ni Kumander Allhe sa asawa niya. "Oo. Ikaw?" At tiningnan nito ang katawan ng asawa niya. "Okay lang ako, ikaw ang inaalala ko." "Huwag mo akong alalahanin," tugon nito, at hinalikan ang ulo niya. Hanggang sa umupo ang dalawa sa table at tumambay muna sila habang kinakain ang buko nila. Nang tunaas na si haring araw ay nagpasya na sila na bumalik sa kuwarto nila. "May gusto ka pa bang pasyalan?" tanong ni Jacob sa kaniya. "Wala na. Ikaw?" balik tanong nito. "Wala na rin." Hanggang sa nagpasya na sila na umuwi na sa Pinas upang makabalik na sa trabaho nila. Tinawagan ni Kumander Allhe ang ina niya para ipaalam na uuwi na sila sa susunod na araw. "Bakit mapaaga ang pag-uwi ninyo, Allhe?" tanong ni Dra. Sheanne. "Na-miss ko na kayo," pagbibiro niya sa ina. Pero agad rin niya itong binawi na wala na silang ibang papasyal at gusto na nilang bumalik sa trabho nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD