HALOS hindi nakakapagsalita si Empaler Aegaeus habang nakatitig ito sa kaharap niya. "Sino ka?" kalmado niyang tanong rito.
"Ako ay ikaw—ikaw ay ako," tanging tugon ni Prince Cacao.
"Ako ay ikaw—ikaw ay ako—" naputol niyang sasabihin nang makita niya ang babaeng sirena "Siya ang babae sa aking panaginip," bulong niya sa sarili. "Sanda—" pigil niya sa sirena dahil dahan-dahan itong naglaho.
"Empaler Aegaeus, sino ang kausap mo?" tanong ni Hotham at palinga-linga ito sa paligid.
"Ano ang ibig mong sabihin? Hindi mo sila nakita?"
"Sinong sila, Empaler Aegaeus?"
"Wala, wala." At tumalikod na siya.
"Empaler, dito po tayo," sabi ni Regis Filia Matsya.
"Sige." At sumunod sila papasok sa bulwagan ng kaharian.
"Basileus Kousuke, nandito na si Empaler Aegaeus," sambit ng famulus.
"Nandiyan na ako," tugon ng hari.
Nang lumabas si Basileus Kousuke at nakita niya si Empaler Aegaeus ay natulala ito at titig na titig. "Prince Cacao…" sambit niya rito.
"Ako si Aegaeus, ang emperador ng South Acsese Mizrasic Sea."
"Patawad, Empaler Aegaeus. Maupo kayo."
Uupo na sana si Empaler Aegaeus nang makita niya ang nakaukit na isang dalawang sirena, medyo malabo ito kaya nilapitan niya. "Siya?" bulong niya at tila bigla siyang nakaramdam ng pangungulila nito, na para bang matagal na silang magkakilala.
"Sino siya?" tanong niya kay Basileus Kousuke.
"Siya ang nag-iisa kong anak na babae si Princess Katsumi."
"Nasaan na siya ngayon?"
"Apat na raang taon na ang nakalipas ng mamatay si Katsumi at ang vir niya sa araw mismo ng kasal nila."
"Kung ganoon, sila ang nakita ko sa labas kanina. Iyong lalaki ay kamukha ko at ang sabi niya, 'Ako ay ikaw— ikaw ay ako'."
"Kamukhang-kamukha mo si Prince Cacao."
"Ganoon ba?"
At maya-maya pa ay dumating ang mga opisyales ng kaharian at pinaupo ni Basileus Kousuke si Empaler Aegaeus sa trono niya. At inutusan na magsisimula na ang pagpupulong.
"Nagbalik na siya," wika ng babaylan nang niya si Emperador Aegaeus na nakaupo sa trono.
Nang matapos ang pagpupulong ay nilapitan ay sinalubong ng babaylan si ang empaler. Nang mapansin ni Empaler Aegaeus na siya ang pakay ng matandang opisyales na babae ay nilapitan niya ito.
"Empaler," bati ng babaylan at yumukod ito.
"Tumayo ka." At inalalayan niya ito.
"Salamat, empaler."
"May kailangan ka ba?" mahinahong tanong ni Empaler Aegaeus rito.
"Alam kong hindi mo ako kilala, pero ikaw ay kilala ko sa una mong katauhan."
"Ano ang ibig mong sabihin? Naniniwala ka rin ba sa reinkarnasyon?" tanong ng empaler sa babaylan.
"Oo. Wala ka bang napansin na kakaiba bago ka pumasok dito sa bulwagan ng palasyo?"
Bahagyang tumahimik si Empaler Aegaeus at muling bumalik ang imahinasyon niya kanina. 'Ako ay ikaw—ikaw ay ako'. At tinutukoy mo ba ay ang imahinasyon ko kanina?"
"Hindi imahinasyon ang nakita mo kanina. Iyon ang totoong nangyari sa una mong buhay."
"Ano ang ibig mong sabihin?" nalilito na tanong ni Empaler Aegaeus.
"Gusto mo bang malaman ang totoong nangyari sa una mong buhay?" tanong ng babaylan.
"Oo."
Umupo sila sa at nagsimulang magkuwento ang babaylan tungkol sa unang buhay niya bilang si Princes Cacao.
"Anong nangyari?!"
"Basileus! Basileus! Umatake ang mga shokoy!"
"Lumikas na kayo!"
"Maku, Ima, tumakas na kayo!"
"Dito tayo!"
"Lipulin ang lahat at walang itirang buhay!"
"Katsumi, tumakas na kayo at ako na ang bahala dito."
"Hindi, Cao! Tayong dalawa ang lalaban!"
"Hindi nagpipigil ang prinsesa, dahil ayaw niyang iwan na mag-isa ang kanyang asawa. Inutusan ni Princess Katsumi ang dalawa niyang famulus at pinalikas ang mga bagong sibol. Patuloy ang labanan sa dalawang kaharian. Ang pag-atake ni Prince Fiske ay hindi alam ng ama niyang hari. Nagkakulay-dugo ang buong paligid na halos hindi na makikita ang bawat isa. Patuloy na nakikipaglaban si Prince Cacao at Princess Katsumi, gamit ang mahaba nilang tabak. Ngunit biglang sumulpot sa likuran ni Prince Cacao si Prince Fiske at bahagya itong ngumiti at itinaas ang kaniyang mahabang tabak. Nakita ni Princess Katsumi ang pag-atake ni Prince Fiske sa amicus niya kaya mabilis itong lumangoy patungo sa kinaroroonan ni Prince Cacao. Niyakap niya ito at mabilis siyang umikot.
"Katsumi!"
"Cao…"
"Cao, mahal na mahal kita. Kung totoo man na mayroong susunod na buhay ang gusto ko ay ikaw pa rin ang makilala ko, na sana tayo pa rin ang magmahalan,"
"Pangako, ikaw lang ang babaeng aking mamahalin. Kahit sa kabilang buhay ay hahanapin kita upang ipagpatuloy ang ating pagmamahalan. Mahal na mahal kita, Katsumi."
"At hinawakan ni Prince Cacao ang tabak sa likod ng asawa niya at sinagad niya ang pagkatusok nito at tumagos rin ito sa likod niya. Dahil sa ginawa ng mag-asawa ay nagagalit si Prince Fiske."
"Akala n'yo ba ay matatakas n'yo ako?! Isinusumpa ko na susundan ko kayo kahit saan man kayo magpunta at paulit-ulit kong hadlangan ang pagmamahalan ninyong dalawa! Akin ka lang Katsumi! Akin ka lang!"
"Pagkatapos, ano ang nangyari kay Prince Fiske?" seryosong tanong ng emperor.
"Namatay rin siya."
"Saan ko ba mahahanap si Princess Katsumi?" Biglang naging interesado si Empaler Aegaeus babae.
"Iyan ay hindi ko pa alam, pero nakasisiguro ako na darating ang araw na magkatagpo ang mga landas ninyong dalawa. At muling mabubuo ang inyong pagmamahal sa isa't isa," pahayag ng babaylan.
Naputol ang pag-uusap nila nang lumapit si Filia Matsya sa kanila."Empaler Aegaeus, nakahanda na ang kasiyahan," aniya.
"Bene." simpleng tugon niya at sumunod silang dalawa ni Hotham.
Nang makapasok sila sa banquet ay agad siyang pinaupo sa harap. Habang ang mga dalagang sirena na nagmula sa maharlikang angkan ay nakaupo sa bawat gilid na parehong naghihintay na pansinin o pipiliin ni Empaler Aegeus. Pumalakpak ang tagapamahala ng banquet at pumasok ang sampung mananayaw. Naaliw naman ang binatang emperor habang pinanood niya ang mga naggagandahang mga mananayaw. Kahit ganoon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ay tila mayroong kulang sa puso siya na na parang mayroon itong hinahanap. Lumagok siya ng alak habang malalim ang iniisip niya.
"Empaler Aegaeus," sambit ni Filia Matsya.
Dahil sa sobrang lalim ng iniisip ni Empaler Aegaeus ay hindi niya napansin ang tawag ng dalagang sirena.
"Empaler Aegaeus…" sambit ni Hotham at sabay tapik sa balikat nito.
"Hmm?" maikling tugon.
Hindi nagsalita si Hotham at tumingin lang ito sa harapan niya. Biglang sumeryoso ang mukha ng emperor dahil nakatitig sa kanya si Filia Matsya. Ito ang ayaw niya sa isang babae na sila ang naghahamon o nang-aakit sa lalaki.
"Pagod na ako at gusto ko ng magpahinga," aniya sa kaharap na prinsesa.
Tumayo si Empaler Aegaeus para magpahinga na at hinahatid siya ni Filia Matsya sa magiging kuwarto niya.
Sa Qostraver Palace siya dinala ni Filia Matsya. Ang palace na ito ay ang dating tahanan ni Filia Katsumi.
Pagbungad pa lang ni empaler sa loob ng pinto ay kakaiba na agad ang nararamdaman niya.