Episode 3: The Bloody War

1075 Words
The Bloody War PUMATAK ang mga luha ni Princess Katsumi, at nagiging puting perlas ang mga ito. Ganoon rin ang mga luha ni Prince Cacao, subalit itim na perlas naman ang sa kaniya. "Cao, mahal na mahal kita. Kung totoo man na mayroong susunod na buhay ang gusto ko ay ikaw pa rin ang makilala ko na sana tayo pa rin ang magmahalan," naghihingalo nitong sabi. "Pangako, ikaw lang ang babaeng aking mamahalin. Kahit sa kabilang buhay ay hahanapin kita upang ipagpatuloy ang ating pagmamahalan. Mahal na mahal kita, Katsumi." Hinawakan ni Prince Cacao ang tabak sa likod ni Princess Katsumi, at sinagad niya ang pagkatusok nito at tumagos rin ito sa likod niya. "Akala n'yo ba ay matatakasan n'yo ako?! Isinusumpa ko na susundan ko kayo kahit saan man kayo magpunta at paulit-ulit kong hadlangan ang pagmamahalan ninyong dalawa! Akin ka lang Katsumi! Akin ka lang!" Puno ng poot at galit ang puso ni Prince Fiske, binunot niya ang tabak mula sa katawan ng magkasintahan at sinaksak niya ang sarili. Bumagsak siya sa tapat ng dalawang bangkay na magkahawak ang kamay. Ang pangyayaring iyon ay nasaksihan ng babaylan. Kahit ang kidlat at ang kulog ng kalangitan at ay nasaksihan niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa bangkay ni Prince Fiske at binunot niya ang tabak. Umatras ang taga-West Feral Sea at dala nila ang katawan ni Prince Fiske at naiwan ang tabak nito na nasa kamay ng babaylan. "Katsumi…" sigaw ng mga magulang niya at dali-daling lumapit sa bangkay. "Cacao" Umiiyak ang mga magulang ni Prince Cacao, habang yakap-yakap ang katawan nito. "Princess Katsumi… Prince Cacao…" sambit ng mga bagong sibol at umiiyak ang mga ito habang nakapalibot sila sa katawan ng magkasintahan. Nagpasya ang dalawang angkan na hindi ihiwalay ang libingan ng magkasintahan. Pumayag ang mga magulang ni Princess Katsumi na ilibing ang dalawa sa North Wandering Sea. Sa kaharian ng pamilya ni Prince Cacao. Inilibing ang dalawa sa Bhelvokh Usober Palace, na tanging silang dalawa lang ang nakalibing doon. Ang palace na iyon ay dapat na maging tirahan nilang dalawa pagkatapos sana ng kasal nila. Pareho ang dalawang kaharian na nagluluksa sa pagkawala ng mga anak nila. Ngunit mas apektado ang ang pamilya ni Princess Katsumi, dahil nag-iisang filius lang siya. At malaking pinsala rin ang nangyari sa kaharian nila. Subalit hindi naman sila tinalikuran ng taga-Adrape Khiarzugu Palace, dahil buong suporta pa rin ang ibinigay nila rito. ISANG LINGGO ang nakalipas mula nang maganap ang madugong giyera sa Hiluthas Palace ng East Eternal Sea Kingdom. Dumating si Basileus Ambudhi ng West Feral Sea. At nagkataon naman na naroon din si Basileus Calder ng North Wandering Sea. Hindi nagpunta ang hari ng West Feral Sea para maghasik ng gulo, kung 'di ay isuko ang mga alipores nito na sangkot sa madugong giyera. Ibigay rin nito ang kalahating yaman ng West Feral Sea, palatandaan na ayaw na nito ang gulo. Hindi tinanggap ni Basileus Kousuke ang yaman na alok nito, alang-alang sa nag-iisa nilang filius. Subalit ang mga alipores na isinuko ni Basileus Ambudhi ay hinatulan ng kamatayan at mismo siya ang humatol sa sarili nitong alipores. Kahit papaano ay nabawasan ang sakit ng kanilang mga kalooban. Tinanggap ng dalawang angkan ang pagpapakumbaba ni Basileus Ambudhi, at naniniwala sila na inosente ito. Gumawa ng kasunduan ang tatlong kaharian na wala ng giyera ang mangyayari. APAT NA RAANG TAON ANG NAKALIPAS SA MUNDO NG KARAGATAN South Acsese Mizrasic Sea- Eoburos Kingdom "Empaler Aegaeus, sigurado ka ba sa desisyon mo na pupunta sa Bhelvokh Usober Palace?" pag-alala na tanong ng kaniyang dextra. "Etiam! Dahil gusto kung malaman kung totoo ang sinasabi nila na reinkarnasyon. At bakit palagi akong nananaginip ng babae, at tinatawag akong Prince Cacao. "Pero----" "Wala nang pero, pero! Halika na—" "Aegaeus!" sambit ng Avus niya. "Napahinto naman ito at sabay lingon sa Lolo nito. "Saan ka pupunta?" "Sa Bhelvokh Usober Palace, Avus." "Ipagpaliban mo muna iyan, dahil kailangan ng tulong ang East Eternal Sea Kingdom." "Bakit, ano ang nangyari doon?" pag-alala na tanong nito. "Nagdeklara ng proelium ang West Feral Sea." Tumahimik si Empaler Aegaeus, at biglang naalala ang sinapit ng mga magulang niya noong atakehin ng West Feral Sea ang kaharian ng Adrape Khiarzugu Palace. Bata pa lang siya nang panahong iyon. Mula noong mamatay ang Basileus ng West Feral Sea, at umupo ang panganay nitong filius na si Prince Finn. Na ngayon ay bagong Basileus ng West, binali niya ang kasunduan ng tatlong kaharian dahil gusto nitong sakupin ang East Sea at North Sea. Tanging ang South Acsese Mizrasic Sea lang ang hindi nila kayang atakihin sapagkat ito ang pinakamalaking kingdom at pinakamaraming kawal. Kompleto rin sila ng mga malalakas na sandatang pandigma. Ang Avus ni Empaler Aegaeus ay panganay na anak ni Basileus Calder na kapatid ni Prince Cacao. At ang ama niya na si Prince Caldwell ay nakapangasawa ng taga-South Sea. Nag-iisang nepos magni si Aegaeus, kaya siya ang hinirang na maging empaler. Nakatakda rin siya na maging bagong Basileus ng South Sea. "Empaler Aegaeus, nakahanda na ang ating mga kawal," balita ni Hotham ang dextra niya. "Bonum! Tayo na." Pinamumunuan ni Empaler Aegaeus, ang malaking digmaan. Hanggang sa makarating sila sa East Eternal Sea Kingdom at kasalukuyan pa ang giyera. Agad silang tumulong at nakaharap niya ang hari ng West. Naglaban silang dalawa ngunit hindi kinaya ni Basileus Finn ang lakas at kapangyarihan ni Empaler Aegaeus. Kaya nagpasya itong umatras sapagkat nakita nito na patatalo sila. Nagsisigawan ang mga kawal ng Eat Eternal Sea, dahil natuwa sila sa pag-atras ng taga-West Feral Sea. "Maraming salamat, Empaler Aegaeus," boses ng isang babae, at lumingon siya rito. Titig na titig sa kaniyang mukha mandirigma na sirena, na tila biglang nahulog ang loob niya sa binata. Ngunit binaliwala siya nito. "Ako pala si Princess Matsya—" putol niyang pagpapakilala dahil biglang tumalikod si Empaler Aegaeus, na halatang hindi ito interesado sa kaniya. Pumasok si Empaler Aegaeus sa bulwagan ng kaharian at napahinto siya nang may biglang bumalik sa alaala niya. Umikot ang tingin niya sa buong paligid at nakita niya ang madugong digmaan noon. "Huwag…" bigla siyang napasigaw nang makita niya ang isang shokoy na taga-West Feral Sea. At sinaksak nito ang isang sirena. "Empaler Aegaeus! Empaler!" sambit ni Hotham sa kaniya, subalit para itong walang narinig. Dahan-dahang siyang lumapit sa babaeng nakatalikod upang tingnan ang mukha nito. Napahinto siya nang makita ang kanyang sariling mukha na nasa harapan ng babaeng sirena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD