Sweet Dreams at Qostraver Palace
TULUYANG pumasok sa loob si Empaler Aegaeus, at nadoon rin si Filia Matsya na walang balak na umalis sa tabi ng emperor. Habang si Hotham naman ay nasa labas ng pinto at naghihintay ng tawag mula sa kaniyang pinaglilingkuran. Pag-ikot-ikot si emperor na tila sinusuri ang buong paligid, hanggang sa natanto niya na walang balak na umalis si Regis Filia Matsya.
"Bakit hindi ka pa maulis?" tanong niya sa prinsesang sirena.
"Baka kasi-----may kailangan ka pa, empaler," aniya.
"Wala na at puwede ka ng makaalis," tugon nito na hindi naman tumingin sa dalawang sirena.
"S-sige po, em— " Hindi na natuloy ang sasabihin niya sapagkat tinalikuran na siya.
"Hotham…" sambit niya sa kanyang dextra.
"Bakit po, Empaler Aegaeus?"
"Gusto kong magpahinga at ayaw ko ng istorbo!" At sabay patay niya ng ilaw. Sapagkat napansin niyang nasa bulwagan pa si Regis Filia Matsya.
"Naintindihan ko po, emperor."
At dahil sa pagod ay agad nakatulog si Emperor Aegaeus.
PANAGINIP
"Amicus, kailangan ko ba talagang matutunan ito?" Sabay hawak niya sa mahabang espada.
"Etiam, amica. Dahil hindi sa lahat ang oras ay nasa tabi mo ako para kahit papaano ay kaya mong ipagtanggol ang iyong sarili," paliwanag ni Prince Cacao.
At nagsimula silang mag-ensayo, nasa likod si Prince Cacao, At hawak-hawak nito ang kamay Filia Katsumi at itinuro niya kung paano igalaw ang mga kamay at paa nila. Na animo'y sumasayaw sila, maya-maya pa ay hinayaan ni Prince Cacao ang amica niya na mag-isa. Habang siya ay nakaupo at masayang pinagmasdan si Prinsesa Katsumi.
Nang mapagod ang amica niya ay huminto na ito at tumabi sa kaniya, dali-dali naman niyang kinuha ang sudarium at pinunasan ang pawis sa mukha nito.
"Napagod ka ba?" tanong ni emperor, sabay yakap sa amica niya.
"Paano ako mapagod? E… kasama ko ang aking amicus." At humalik siya sa labi.
"Iterum amare," halos pabulong na sabi ni Prince Cacao.
"Te quoque amo," tugon naman ng amica niya at muling humalik sa labi nito.
"Donec mors nos ex parte," pahayag ni Prince Cacao, habang mahigpit niyang niyakap ang amica niya.
"Hanggang kamatayan," paanas na tugon niya at sabay halukipkip sa dibdib ng amicus nito.
Kinabukasan ay ginising ni Hotham si Empaler Aegaeus, dahil sa isang importanteng mensahe na natanggap nito mula sa Eoburos Kingdom. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatulog ng mahimbing ang emperor. Kung hindi dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto ay baka tanghali na siya nagigising sapagkat nadadala siya sa magandang panaginip niya.
"Saan ba galing ang sulat?" Hindi niya agad tiningnan ito at kasalukuyan pa siyang nakaupo sa higaan.
"Sa Eoburos Kingdom."
Nang marinig niya iyon ay dali-dali na siyang bumangon dahil alam niya na galing ito sa kaniyang Avus Merrick. Tumayo siya at lumabas, kinuha niya ang maliit na sulat at binasa niya ito.
"Ihanda mo ang mga kawal, dahil kailangan na nating umalis!" Sabay tayo niya para magpalit ng damit na pandigma.
"Saan tayo pupunta, empaler?" seryosong tanong ni Hotham.
"Sa Bozigarth Realm. Nasa crisis sila ngayon."
Palabas na sana si Hotham at sakto naman ang pagpasok ni Regis Filia Matsya. Maganda umaga, Empaler Aegaeus!"
"Umm!" tanging tugon nito at abala sa pagbibihis niya.
Ibinaba ni Filia Matsya ang bitbit niyang trey at nilapitan niya ang emperor.
"Tutulungan na kita." Akmang hahawak na ito sa baywang ng emperor.
"Huwag na." Sabay iwas ng binatang emperor. "May kailangan ka ba?" At umupo na ito upang inumin ang tsaa na dala niya.
"Kung pahintulutan mo ako, gusto kitang paglingkuran." malumanay na pahayag ni Regis Filia Matsya.
"Hindi ko kailangan ang serbisyo mo at nandiyan na si Hotham."
"Gawin mo akong mulier, gusto kita Empaler Aegaeus." Walang gatol na pagtatapat ni Regis Regis Filia Matsya.
Bahagyang ngumiti ang binatang emperor na tila may pagbabanta sa titig niya rito. At nang mapansin ito ni Regis Filia Matsya ay dali-dali siyang lumuhod at yumukod.
"Hindi ka ba, nahihiya sa sarili mo?" kalmado na tanong niya rito. "Patatawarin kita sa pagiging pangahas mo dahil nandito ka sa kaharian n'yo," dagdag pa ng emperor.
Hindi nagsalita si Regis Filia Matsya at nanatili itong nayukod. Dahil hindi nagustuhan ni Empaler Aegaeus ang ginawa ng dalagang sirena at tumayo ito at lumabas.
"Empaler Aegaeus…" sambit nito, ngunit hindi nakikinig ang emperor.
"Hotham, nakahanda na ba ang lahat?"
"Etiam, empaler."
"Bonum!" At pumasok siya sa bulwagan ng kaharian upang magpaalam kay Basileus Kousuke.
Nilisan ni Empaler Aegaeus ang East Eternal Sea Kingdom at nagsimulang maglakbay patungong Bozigarth Realm. Bago sila makarating sa naturang realm ay dalawang siyudad at pa ang kanilang dadaanan. At nalaman ito ng taga-Ilioque Realm, mortal na kaaway ng South Acsese Mizrasic Sea-Eoburos Kingdom.
Ang Ilioque Realm ay pangalawa sa kilalang malakas na lahi sa buong karagatan. Dahil sa kakaiba nilang kapangyarihan na isang itim na mahika. Ayon sa haka-haka, sa 'daemonium' nagmula ang kanilang itim na mahika. Sapagkat ito ang sinasamba ni
Basileus Bahari, ang hari ng Ilioque Realm. Subalit ang kanilang itim na mahika ay hindi pa rin sapat upang talunin ang South Acsese Mizrasic Sea-Eoburos Kingdom. Dahil ang kingdom na ito ay binabasbasan at pinili ni 'Omnipotens Deus'. Kaya sila ang pinakamakapangyarihan at mayaman na kingdom sa daigdig ng karagatan.
Ang Ilioque Realm ay malapit sa 'Kilianata Valley' ito ay mundo ng mga immortal. Ang malaking siyudad nito ay ang Ottonem Nunneapia Nation'.
Bago sila nakarating sa Sheojatha City ay inaambangan na sila ng taga-Ilioque Realm at pinamumunuan ito ni Regis Filius Bein. Ang panganay na anak ni Basileus Bahari. wala namang kamalay-malay si Empaler Aegaeus sa plano ng taga-Ilioque Realm. Bago pa man sila nakarating sa pinagpuwestuhan ng mga taga-Ilioque Realm ay napansin na ito ni Hotham. Sumenyas siya sa mga kasundaluhan na huminto muna.
Bahagyang sumilip ang binatang emperador mula sa sinasakyan niyang karwahe. "Bakit Hotham?"
"May kakaiba sa paligid, empaler."
"Sabihan mo ang mga kawal na maging alerto at maghanda."
"Masusunod!"
Agad kumilos si Hotham at sinabihan ang heneral na maghanda, pansamantalang huminto sila habang pinapakiramdaman ang buong paligid.
SAMANTALANG nagalit naman si Regis Filius Bein, dahil hindi niya inaasahan na matutuklasan ni Empaler Aegaeus ang kanilang pang-aambang.
"Maghanda kayo! Kailangan na mananalo tayo sa giyera na ito!" pahayag ni Regis Filius Bein."
Pumuwesto ang mga kawal nito at nakahanda na ang pagpapakawala ng kanilang mga pana.
"Posisyon!" sigaw na utos ni Heneral Dour.
Kumilos ang isang libong kawal at itinaas ang kanilang mga bakal na kalasag. Habang ang nasa likod nila ay nakahanda na rin ang kanilang mga pana. Mautak naman si Empaler Aegaeus at hindi na niya hinihintay na mauna ang mga kalaban. Inutusan niya si Hotham na pakawalan ang dalawang libong palaso.
"Tira…" utos ni Heneral Dour.
Umulan ng dalawang daang libong palaso sa pinupuwestuhan ng mga kalaban. Hindi ito inaasahan ni Regis Filius Bein. At marami sa kawal niya ang nasawi. Habang si Empaler Aegaeus naman ay kalmado na pinanood ang kaganapan at bahagya pa itong ngumiti.
"Atake…" sigaw ni Filius Bein.
"Sugod…" utos naman ni Heneral Dour.
Sumiklab ang madugong giyera at maraming nasawi sa mga kawal ng Ilioque Realm. Nanatili naman sa loob ng karwahe si Empaler Aegaeus. Tanging hinihintay niya na lulutang si Regis Filius Bein. At maya-maya pa ay lumabas na ito at agad ginamit ang itim niyang mahika. Bigla namang sumulpot ang emperor at hinarang niya ang itim na mahika upang protektahan ang mga kawal niya.
Gumanti si Empaler Aegaeus at gumawa siya ng malaking ipo-ipo na may kasamang puting kuryente. Agad niya itong pinapakawalan at marami sa mga kawal ni Regis Filius Bein ang nasawi. Gumanti ito at gumawa rin siya ng itim na ipo-ipo at ganoon rin ang emperor. Hanggang sabay nila itong pinapakawalan.
Dahil sa sobrang lakas na pagsabog sa dalawang ipo-ipo sa ilalim ng karagatan ay lumikha ito ng malaking tsunami at tumama ito sa mundo ng mortal at immortal. At dahil malapit ang Kilianata Valley sa karagatan ay nagdulot ito ng malaking delubyo sa kanilang lugar.
Pero mas apektado ang mundo ng mga tao. Lalo na ang siyudad ng Future Vale, dahil ito ang malapit sa karagatan.