Episode 6: Immortal World - Nunneapia Nation - Ottonem Kingdom

1502 Words
UMATRAS si Regis Filius Bein, dahil paubos na ang kawal niya. "Huwag na!" pigil ng emperor kay Hotham. Sapagkat hahabulin pa sana niya ito. "Mas may importante pa tayong lakad," dagdag nito. Hanggang sa makarating sila sa siyudad ng Sheojatha City. Nasa labas pa lang sila ng malaking pinto ng siyudad ay mainit ng sumalubong sa kanila ni Governor Gedda at ang maybahay niyang si Regis Filia Llyr. At kasama rin ang nag-iisa nilang anak na si Regis Filia Gazmin. "Maligayang pagdating sa aming siyudad, Empaler Aegaeus!" Mainit na pagtanggap ng pamilya ng governor. "Maligayang pagdating Empaler Aegaeus!" Masayang sigaw ng mga ordinaryong residente ng naturang siyudad. "Tumayo kayong lahat!" utos ng emperador. "Salamat, Empaler Aegaeus!" "Empaler Aegaeus, ang asawa ko si Llyr. At ang nag-iisa naming anak si Gazmin." "Kumusta ang siyudad ninyo?" seryoso na tanong niya na hindi man lang tumingin ni Regis Filia Gazmin. "Mabuti naman ang lahat dito at mapayapa," tugon ng governor. Hanggang sa pumasok na sila sa loob ng siyudad at nakita nga ng emperador ang kaayusan nito. "Dahil sa maayos at payapa ang inyong siyudad ay bibigyan kita ng regalo." "Maraming salamat, Empaler Aegaeus!" pahayag ni Governor Gedda. Hinatid nila ang emperador sa mansion na para lamang sa importanteng bisita. "Magpahinga muna kayo, Empaler Aegaeus." pahayag ng governor. "Salamat!" Naiwan siya sa loob kama na kasama si Hotham. At inutusan niya ito na bigyan ng dalawang kahong ginto ang governor bilang regalo. "Masusunod," tugon nito at umalis agad. At maya-maya pa ay bumalik si Regis Filia Gazmin at kasama ang ang limang famulus na may bitbit na mga pagkain. "Emperor Aegaeus, kumain ka muna," alok niya rito, at hindi siya tumitingin. Nakayuko ito habang nakaharap. Bahagyang napangiti ang binatang emperor dahil napansin niya na kagalang-galang si Regis Filia Gazmin. "Salamat," pormal na sabi ni Empaler Aegaeus. "Ako po ang inatasan ng aking ama upang upang paglingkuran kayo. Kung may kailangan po kayo ipatawag n'yo lang ako, Empaler Aegaeus," malumanay nitong pahayag. "Benigne facis!" turan ng emperor. "Te gratissimum!" At lumabas na si Regis Filia Gazmin at sumunod ang limang famulus. "Hotham…" tawag nito sa dextra niya. "Bakit po, empaler?" "Tawagin mo si General Dour, at sabayan ninyo akong kumain." "Sige po!" At dali-dali siyang lumabas para tawagin si General Dour. Wala pang limang minuto ay nakabalik na si Hotham at at sumunod sa naman ang heneral. "Maupo kayo." Sabay turo ng emperor sa harapan niya. Habang kumakain sila ay nag-uusap ang tatlo. "Empaler Aegaeus, may narinig akong bali-balita sa labas na nagkaroon ng malaking delubyo sa Kilianata Valley Realm at sa siyudad ng Future Vale," kuwento ni General Dour. "Anong klaseng delubyo?" tanong niya habang patuloy ang pagsubo. "Pareho ang sanhi nito, sunod-sunod na malakas na tsunami ang tumama sa dalawang mundo." "Hindi kaya naapektuhan sila sa naganap na digmaan kahapon?" pahayag ni Hotham. Hindi agad sumagot ang emperor at muli niyang binalikan ang nangyaring digmaan kahapin. "Posibleng ganoon nga," pagsang-ayon niya. "Ano ang plano mo, Empaler Aegaeus?" tanong ng dextra niya. "Bukas pupunta tayo sa Kilianata Valley. Magpapadala ako ng mensahe para sa kanilang kaharian." "Paano ang Bozigarth Realm?" tanong ni Hotham. "May naisip na akong paraan," Aniya. "Anong paraan iyan, empaler?" "Kausapin ko si Governor Gedda, na ipapadala ko doon si Regis Filia Gazmin at samahan mo siya Hotham. At susunod na lang ako doon." "P-paano ka?" pag-alala na tanong ni Hotham. "Huwag kang mag-alala dahil isasama ko si General Dour," tugon nito. Nang matapos nilang kumain ay inutusan niya si Hotham na sabihan si Regis Filia Gazmin na gusto niyang makausap si Governor Gedda. Agad naman na dumating ang governor at pinaupo niya ang mag-ama sa harapan niya. Walang paligoy-ligoy ang emperor at agad sinabi ang pakay niya. Hindi naman tumanggi ang mag-ama. "Karangalan ko na paglingkuran ka, Emperor Aegaeus." Agad lumuhod at yumukod si Regis Filia Gazmin. "Bonum!" aniya, at tumayo ang emperor at inalalayan niyang makatayo ang regis filia. "Dalhin mo ito." At inabot niya ang Eoburos Kingdom Ancient Jade." "Benigne facis sa pagtitiwala mo sa akin, Emperor Aegaeus. Sisikapin kong hindi ka bibiguin." "Benigne facis, Emperor Aegaeus!" pahayag naman ni Governor Gedda. Kinabukasan ay nauna ng umalis si Empaler Aegaeus, at kamasa niya si General Dour. Immortal World - Nunneapia Nation - Ottonem Kingdom Pinatawag ni King Arran ang mag-ama na si Duke Murdoch at General Accientsy. Nagmadali namang nagtungo ang mag-ama sa domum regis o royal palace. Hanggang sa nakapasok sila sa praetorium palatium o bulwagan ng palasyo. "King Arran…" sabay na sambit ng mag-ama, lumuhod at yumukod sila sa harapang ng hari. "Duke Murdoch, General Accientsy. Pinatawag ko kayo dahil gusto ko na kayo ang magsusundo kay Emperador Aegaeus. Siya ang emperador ng South Acsese Mizrasic Sea. Pumarito siya upang tumulong sa paglutas ng delubyo sa Kilianata Valley. Inaasam ko na ligtas siyang makarating dito sa ating kaharian," mahabang paliwanag nito. "Huwag kayong mag-alala, King Arran. Gagawin namin ang lahat upang maprotektahan si Emperor Aegaeus." "Malaki ang tiwala ko sa inyong mag-ama, kaya kayo ang pinagkatiwalaan ko sa bagay na ito." "Makakaasa kayo, King Arran," tugon ng mag-ama. Si King Arran ay mabuting hari, kaya iginagalang siya ng mga mamamayan, kaya nga lang ay matanda na siya. Ang dalawa niyang anak na lalaki ay kanya-kanyang pakitang gilas na maging karapat-dapat na maging hari kapag pumanaw na ang ama nila. Ngunit ang bunso nitong anak na lalaki ay naiiba sa dalawa niyang nakakatandang kapatid. Si Duke Murdoch at General Accientsy ay tapat na naglilingkod sa kanilang hari, kaya paborito sila ni King Arran. Kaya naman ay maraming naiinggit sa kanila, lalo na ang mga korapsyon na mga opisyales na ang kani-kanilang katapatan ay nahahati sa dalawang anak ng hari. Si Regis Filius Damarion ay ang panganay na anak ni Haring Arran. Ito ay nag-iisang anak sa una niyang asawa. At si Regis Filius Dewain ang pangalawang anak ngunit kasing edad lang ito ni Damarion dahil anak siya sa pangalawang asawa at halos magkasunod lang silang ipinagbubuntis. Ang kanilang mga ina ay hindi nagkakasundo at laging nag-aaway kaya ito ang nagisnan nila. Namatay ang ina ni Regis Filius Damarion at ang itinuturong salarin ay ang ina ni Regis Filius Dewain. Kalaunan ay lumantad ang testigo sa pagkamatay ng ina niya at ang itinuro ay ang ina ni Regis Filius Dewain. Nagalit si King Arran at pinarusahan ng kamatayan ang pangalawang asawa niya. Si Regis Filius Dillan naman ay anak sa pangatlong asawa subalit nasa labinlimang taong gulang pa siya kaya wala pa sa isip nito ang maghabol sa trono ng ama nila. At lalo na't ayaw ng ina niya na mapasok ang nag-iisa niyang anak sa politika. Sapagkat ang gusto nito ay mamuhay ng payapa at masaya si Regis Filius Dillan. Ang ina niya ay kapatid ng ina ni General Accientsy. Kaya mas pinili nilang mag-ama na protektahan si Regis Filius Dillan at ang ina nito. Dahil minsan ng pinagtangkaan ang buhay nilang mag-ina. "Filia, mag-ingat ka sa lakad natin ngayon dahil alam mo naman na tuso si Regis Filius Damarion," bilin ng Maku niya at kasalukuyan silang naglalakad pauwi sa kanilang bahay. "Huwag kang mag-alala, Maku, mag-ingat ako at ganoon ka rin." Nag-iisang anak si General Accientsy, bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging tulad ng ama niya na isang magiting at matapang na kawal. Bago naging duke ang ama niya ay isa itong heneral noon. Ayaw sana ni Duke Murdoch na maging sundalo ang nag-iisa niyang anak pero matigas ang ulo nito. Nang makita ni King Arran na may potensyal na maging sundalo si General Accientsy ay binigyan agad nito ng imbitasyon si Duke Murdoch para ipasali sa eksamen ang dalaga, at pumasa naman ito. "Maku, payagan mo na akong maging sundalo…" pagmamakaawa ni Accientsy sa ama niya. "Hindi nga puwede, alam mo naman na nag-iisa kitang anak." "Ano ngayon kung nag-iisa akong anak? Masama ba na maging katulad mo?" "Filia, bakit hindi mo na lang tularan ang mga kababaihan sa paligid," sabat ng Mater niya. "Ayaw ko pang mag-asawa! Kung ayaw ninyong pumayag ay pupunta ako sa royal palace, kay King Arran ako magpapaalam." Ang akala ng mga magulang niya ay nagbibiro lang siya ngunit tinutotoo niya ito. Kasalukuyang mayroong pagpupulong praetorium palatium nang biglang pumasok si Accientsy. "King Arran, gusto kong maging sundalo para maprotektahan ko kayo, sana pahintulutan ninyo ako," walang gatol niyang sabi sa hari. "Isa kang pangahas— Mga bantay ilabas ninyo ang babaeng ito at parusahan!" Galit na pahayag ng isang opisyales. "Ano ang kasalanan ko, para parusahan mo? Nandito ako para magpaalam kay King Arran! At siya lang ang may karapatan na magsalita sa akin at magparusa at hindi ikaw!" matapang niyang turan sa opisyal. "Accientsy…" dali-daling lumapit si General Murdoch, upang pigilan ang nag-iisa niyang anak na tatlong daan na taong gulang pa lang. "Maku…" sabi niya sa na pilit inalis ang kamay nito. "General Murdoch, anak mo ba siya?" tanong ni King Arran at bahagya itong ngumiti. Dali-daling lumuhod at yumukod ang ama ni Accientsy. "Patawarin mo ako sa kapangahasan ng aking nag-iisang anak, King Arran."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD