HINDI agad nagsasalita si King Arra, at pinag-aralan nitong mabuti ang katangian ni Accientsy.
"King Arran, sana ibigay mo ang aking hiling." Muling pakiusap ng dalagita sa hari.
"Bakit sa akin ka nakiusap at hindi sa iyong ama?" tanong ng hari sa kaniya.
"Dahil ayaw niya akong payagan, at gusto niyang tularan ko ang mga kababaihan sa labas. Pero ayaw ko pang mag-asawa at ang gusto ko ay ang protektahan ka King Arra at ang mga tao," seryosong pahayag ni Accientsy.
"Sige, bibigyan kita ng isang pagkakataon, kung pumasa ka sa eksamen ngayong darating na Saturni ay ako mismo ang kukuha sa iyo bilang aking kawal."
"Paciscor!" Nilagay ang kaliwang kamay nito sa dibdib niya. "Benigne facis! King Arran." Muli siyang lumuhod at yumukod, dahan-dahan siyang tumayo at paatras na lumabas.
Walang sinayang oras si Accientsy. pag-uwi niya ay agad siyang nagsasanay na mag-isa. Kailangan niya itong gawin upang mapatunayan sa hari na kahit babae siya ay karapat-dapat pa rin siyang maglingkod sa kaharian.
Nang umuwi si General Murdoch, bitbit na nito ang imbitasyon para sa paglahok ni Accientsy sa eksamen. Walang kino itong nilapak niya sa lamesa at sabay upo nito sa harapan ng awasa niya.
"Ano ito, Murdoch?" mahinang tanong ng maybahay niya.
"Tingnan mo!" pabagsak nitong tugon at kunot ang noo niya.
"Imbitasyon?" gulat na bulalas ng mulier niya habang binabasa nito ang nakasaad sa imbitasyon. "Paano ito, maritus?" tanong nito kay General Murdoch.
"Wala na tayong magagawa dahil siya mismo ang nakiusap kay King Arran.
Dies-Saturni ay nagsimula ang
eksamen sa unang eliminasyon para sa bagong kawal ng hari. Nag-iisang babae lang si Accientsy, kaya hindi maiiwasan na siya ang sentro ng pangungutya ng mga kalalakihan. Hindi ito binigyang importansya ni Accientsy. Bagkus, determinado siya sa sarili na manalo siya.
Unang eksamen nila ay ang pagpana ng tatlong kalapati na gamit ang isang tira lang. Isang daan silang lahat at ang makakuha ng tatlong kalapati ay pasok na sa pangalawang eliminasyon.
"Kailangan kong magpakita nang gilas dahil nanonood si King Arra at kasama pa niya si Maku," wika niya sa sarili.
Agad siyang naghanda dahil nagsimula ng magbilang ang ampay. Mabilis nakakuha ng tatlong palaso si Accientsy at nilagay niya agad sa hawak nitong pana. Walang sabi-sabi at pinakawalan niya ito sa himpapawid kung saan maraming kalapati na pinakawalan.
"Mahusay! Ang galing!" klase-klase ang sigaw ng mga manonood at isa na roon si King Arran.
"Mukhang may pinagmanahan ang iyong filia, General Murdoch," nakangiting pahayag ni King Arran. "May potensyal si Accientsy at gusto ko ang pagiging totoo prangka niya," dagdag pa nito.
Hindi nagsalita ang ama ni Accientsy at nakikinig lang ito sa bawat sinasabi ng hari. Bahagyang lumingon ang dalagita sa kinaroroonan ng hari at ng ama niya. Inilagay nito ang kanang kamay sa dibdib niya at bahagyang nag-vow.
"Ang galing mo naman, Accientsy!" puri ng kasamahan niyang lalaki.
"Benigne facis!" nakangiti niyang tugon rito.
Sa unang pagsubok ay dalawampu't-lima lang silang nakapasok at si Accientsy ang idineklara na unang nakakuha ng mataas na ranggo.
Maraming pinagdaanan na pagsubok si Accientsy ngunit ang lahat-lahat nang iyon ay nalampasan niya, at siya ang nanalo. Idineklara ni King Arra na si Accientsy ang bago niyang 'Sentinel'. Siya ang laging nasa tabi ni King Arra sa tuwing nasa labas ito at sa loob ng praetorium palatium. Masaya si Accientsy sa trabaho niya, lalo na sa pagprotekta niya sa hari.
Habang tumatagal ay unti-unting tatanggap ng mga magulang nito ang trabaho niya. Ang tanging magagawa na lamang nila ay suportahan ito, wala naman silang tapat ikabahala dahil nasa loob lang ito ng palasyo.
Ngunit isang araw, habang nasa biyahe ang hari ay bigla silang inaatake ng taga-Kriotteotall Realm, tribo ng mga tulisan na pinamumunuan ni Vekoslav. Napatay siya ni Accientsy at naligtas niya ang buhay ni King Arran, dahil doon ay tumaas ang kanyang ranggo at ginawa siyang heneral. Sa kauna-unahang kasaysayan na nagkaroon ng babaeng heneral sa Ottonem Nunneapia Nation.
Nang mamatay si pinunong Vekoslav, ay pumalit sa posisyon niya ang anak nitong si Thanos, na mas mabangis pa sa yumaong ama nito.
"General, nakahanda na ang mga kawal," sambit ng dextra.
"Sige, susunod na kami ni Maku!" tugon niya rito.
Kasalukuyang nasa kuwarto pa ang ama niya kaya tinawag na niya ito. "Maku, nakahanda na ang lahat!" sigaw niya mula sa sala ng kanilang mansyon.
Lumabas naman ito na hawak-hawak ang kamay ng mulier niya.
"Maritus, mag-ingat kayo," bilin niya sa asawa.
"Etiam, Mulier," tugon nito at hinalikan sa noo ang maybahay niya.
"Filia, huwag mong pabayaan si Maku mo." Ito ang laging bilin ng Mater niya sa tuwing pupunta sila sa digmaan.
"Bene, Mater!"
Hanggang sa nakaalis na sila upang salubungin si Empaler Aegaeus mula sa daungan ng Patriarch Realm na sakop ng North Wandering Sea. Sinadya ni Empaler Aegaeus na doon dumaan dahil alam niyang ligtas sila ni General Dour. Bago sila dumaong sa tubig ay isinuot muna niya ang bracelet na kulay verdant. At dala-dala niya ang Paris nito. Suot na rin ni General Dour ang kulay itim niyang bracelet na bigay ito ni Empaler Aegaus.
"Ingatan mo ito, dahil galing pa ito sa ating mga kaninuuan," pahayag ng kaniyang Avus Calder. Ang ama ni Regis Filius Cacao.
"Ano ito, Avus? At bakit paris?" inosente niyang tanong, dahil binatilyo pa siya noon. At tinanggap niya ito.
"Copulabis ang bracelet na na iyan, ibigay mo ang paris sa babaeng magpapatibok ng puso mo. Sa pamamagitan ng bracelet nang iyan, ikaw ay magkakaroon ng mga paa."
"Salamat, Avus!" Nakangiti niyang tugon.
Sakto sa paglabas nila mula sa tubig ay ang pagdating naman ng mga kawal na nagmula sa Ottonem Nunneapia Nation. Huminto ang mga kabayo at lumabas si Duke Murdoch na mula sa karwahe, dali-dali namang tumalon si General Accientsy mula sa kabayo na sinakyan niya upang alalayan ang ama nito.
Tulala ang empaler, nang makita niya ang mukha ng babae, hindi man ito klaro pero kakaiba na ang nararamdaman niya para rito. Agad bumilis ang t***k ng puso niya at nanatili itong nakatingin sa dalaga.
"Emperor Aegaeus..." sabay na sambit ng mag-ama, lumuhod sila at sinundan ng pagyukod.
"Tumayo kayo," mahinahon niyang sabi.
Nang tumingin si General Accientsy sa mukha ng emperor ay bigla siyang nagulat. "Siya------siya ang lalaki sa aking panaginip..." lihim niyang bulalas. Napansin siya ng ama, kaya agad siyang siniko at yumuko naman siya agad.
"Salamat, emperor, Ako pala si Duke Murdoch at siya naman ang aking nag-iisang anak, si General Accientsy." Pakilala ng Makus niya.
"—Kami ang inatasan ni King Arran para sunduin ka at protektahan," seryoso na sabi ni General Accienty.
"Ikinagagalak ko kayong makilala, Duke Murdoch, General Accientsy."
Nanatiling nakatitig si Empaler Aegaeus kay General Accientsy at ganoon rin ang dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang nagkaganoon? Kung tutuusin ay maraming regis filius ang nahuhumaling sa kaniya. Pero bakit sa isang merman tumibok ang puso niya?
"Ehem!" agham ni Duke Murdoch, dahil walang plano ang dalawa na tuldukan ang kanilang titigan.
"General Accientsy, nagkita na ba tayo noon?" hindi nagdadalawang-isip na nagtanong si emperor.
"Hindi ko alam, pero pamilyar ka sa akin," seryoso naman nito tugon at nanatiling nakatitig siya sa mga mata nito.
"Mas mabuti siguro kung umalis na tayo," suhestyon ng duke.
"Empaler Aegaeus, dito!" At itinuro ni Duke Murdoch ang karwahe na sinasakyan niya."
"Gusto kung sa kabayo sumakay," aniya.
"P-pero delikado sa daan, Emperor Aegaeus." Pag-alala ng duke.
"Nandito naman si General Accientsy, siguro naman ay hindi niya ako hahayaan na mapahamak hindi ba, general?" nakangiti nitong tanong at sabay harap niya sa babaeng heneral.
Walang nagawa ang duke at hinayaan nitong sa kabayo sumakay ang emperor. Isa pa, malaki ang tiwala niya sa anak.
"Mag-ingat ka, Empaler Aegaeus," bilin ni General Dour sa kaniya. At kasalukuyang inalalayan niya ito sa pagsakay sa kabayo hanggang sa nakaupo na ito.