Episode 12: General Accientsy is Ill

1532 Words
PAREHONG masaya ang dawala habang patuloy nilang pinagmasdan ang mga klase-klaseng kulay ng mga fireworks. "Katsu… Iterum amare." Walang pag-aalinlangan na pagtatapat ni Regis Filius Cacao. Biglang nanahimik si Regis Filia Katsumi at nakaramdam siya ng sobrang saya sa puso niya. "Te quoque amo," masayang tugon dito at agad yumakap kay regis filius. "Sa araw ding iyon ay naging opisyal ang relasyon nilang dalawa. Hanggang sa nakabalik sila Eternal Sea ng Hiluthas Kingdom Palace. Ang kanilang relasyon ay agad ipinagtapat ni Regis Filius Cacao. At ang sabi niya ay gusto nitong magpakasal sila sa lalong madaling panahon. At ang desisyon niyang iyon ay agad pinahintulutan ni King Kousuke. Halos walang pagsidlan ng tuwa na nararamdaman ni regis filia. Hanggang sa sumapit ang araw ng kanilang kasal ngunit ang nangyari ay naging madugo ang kasal nila." Huling bahagi ng kuwento ni Empaler Aegaeus. "P-paano nagiging madugo ang kasal nila?" curious na tanong ni General Accientsy. "Masyado ng mahaba ang aking kuwento, sa susunod ko na ikuwento sa iyo ang huling bahagi." "Pasensya ka na sa aking kalabisan, Emperor Aegaeus." Hindi sumagot ang emperor at bahagya lang itong ngumingiti habang nanatiling nakatitig sa heneral. Hanggang sa nakarating na sila sa Ottonem Nunneapia Nation. Papasok pa lang sila sa pinto ng kaharian ay sumalubong na si King Arran at ang mga opisyales. "Maligayang pagdating dito sa kaharian namin Emperor Aegaeus." Mainit ang pagsalubong ni King Arran sa bisita niya. Hanggang sa nagtungo sila sa malawak na bulwagan at kasama pa rin si General Accientsy at ang ama niyang si Duke Murdoch. Kakaupo pa lang nila nang pumasok ang mga naggagandahang dancer. Umupo si General Accientsy sa kabilang bahagi at magkaharap sila ni Emperor Aegaeus. Kahit kaakit-akit ang mga dalagang sumayaw sa harapan ng emperor pero wala doon ang tingin nito. Kung 'di nasa kay General Accientsy. Napansin ito ni King Arran at bahagya itong nakangiti. Kahit si General Accientsy ay napansin niya iyon, kinilig ito pero hindi niya ipinahalata. Ikinubli niya ito sa sulok ng puso nito. Paulit-ulit siyang umiinom ng wine upang takpan ang nararamdaman niya nang sandaling iyon. "General Accientsy!" tawag ni King Arran. Dali-dali namang tumayo ang babaeng heneral at nagtungo sa gitna sabay yukod niya sa harapan ng hari. "King Arran!" aniya. "Nakarating sa akin ang pag-atake ng taga-Kriotteoall Realm, at ang nangyari sa iyo." "Patawad, King Arran. Dahil naging pabaya ako nang oras na iyon. Pero pasalamat ako kay Emperor Aegaeus dahil ginagamot niya ako." "Mabuti. Mabuti!" Nakangiti ang hari habang tumango-tango ang ulo nito. Natapos ang ang pagpupulong sa loob ng bulwagan at hiniling ni Emperor Aegaeus na si General Accientsy ang gusto niyang maging pribado niyang guwardiya. Pumayag naman si King Arran. Hanggang sa inihatid na si Emperor Aegaeus sa Smogsnare Mansion at kasama niya si General Dour at General Accientsy at iba pang mga famulus. "Emperor Aegaeus, magpahinga muna kayo, kung may kailangan po kayo ay nandyan ang limang famulus at nasa labas lang ako." "Magpahinga ka muna at umuwi sa inyo dahil nandyan naman si General Dour. Bukas ka na bumalik ng umaga dahil may lakad tayo." "Masusunod, Emperor Aegaeus!" At umalis na si General Accientsy. Pumasok ang emperador sa kuwarto at humiga ito dahil nakaramdam rin ito ng pagod dahil sa mahaba nilang paglalakbay. Samantalang sinalubong naman si General Accinentsy sa ina niya at banaag sa mukha nito ang pag-alala. "Accie…" sambit ng ina niya at sinalubong ito ng yakap. "Sinabi ng Maku mo ang nangyari sa iyo," dagdag pa nito. "Huwag na kayong mag-alala, Mater. Mabuti na ang kalusugan ko." "Bonum. Bonum!" Umupo si General Accientsy sa hapag-kainan nila kaya alam na agad ng Mater niya na gutom ang kaniyang nag-iisang filia. "Ito, hinanda ko ang mga paborito mong pagkain." Sabay latad nito ng iba't ibang klase na putahe. "Salamat, Mater." Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang ina niya. Hanggang sa matapos siyang kumain at nagpaalam na sa ina niya na magpahinga muna. Nang makapasok siya sa kuwarto ay agad na siyang nagbabad sa paliguan niya. At hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa sobrang pagod. "Anong nangyari?!" "Basileus! Basileus! Umatake ang mga shokoy!" "Lumikas na kayo!" "Maku, Ima, tumakas na kayo!" "Dito tayo!" "Lipulin ang lahat at walang itirang buhay!" "Katsumi, tumakas na kayo at ako na ang bahala dito." "Hindi, Cao! Tayong dalawa ang lalaban!" "Katsumi!" "Cao…" "Cao, mahal na mahal kita. Kung totoo man na mayroong susunod na buhay ang gusto ko ay ikaw pa rin ang makilala ko, na sana tayo pa rin ang magmahalan," "Pangako, ikaw lang ang babaeng aking mamahalin. Kahit sa kabilang buhay ay hahanapin kita upang ipagpatuloy ang ating pagmamahalan. Mahal na mahal kita, Katsumi." "Akala n'yo ba ay matatakas n'yo ako?! Isinusumpa ko na susundan ko kayo kahit saan man kayo magpunta at paulit-ulit kong hadlangan ang pagmamahalan ninyong dalawa! Akin ka lang Katsumi! Akin ka lang!" "Amicus, kailangan ko ba talagang matutunan ito?" sabay hawak niya sa mahabang espada. "Etiam, amica. Dahil hindi sa lahat ang oras ay nasa tabi mo ako para kahit papaano ay kaya mong ipagtanggol ang iyong sarili," paliwanag ni Prince Cacao. At nagsimula silang mag-ensayo, nasa likod si Prince Cacao, At hawak-hawak nito ang kamay Filia Katsumi at itinuro niya kung paano igalaw ang mga kamay at paa nila. Na animo'y sumasayaw sila, maya-maya pa ay hinayaan ni Prince Cacao ang amica niya na mag-isa. Habang siya ay nakaupo at masayang pinagmasdan si Prinsesa Katsumi. Nang mapagod ang amica niya ay huminto na ito at tumabi sa kaniya, dali-dali naman niyang kinuha ang sudarium at pinunasan ang pawis sa mukha nito. "Napagod ka ba?" tanong ni emperor, sabay yakap sa amica niya. "Paano ako mapagod? E… kasama ko ang aking amicus." At humalik siya sa labi. "Iterum amare," halos pabulong na sabi ni Prince Cacao. "Te quoque amo," tugon naman ng amica niya at muling humalik sa labi nito. "Donec mors nos ex parte," pahayag ni Prince Cacao, habang mahigpit niyang niyakap ang amica niya. "Hanggang kamatayan," paanas na tugon niya at sabay halukipkip sa dibdib ng amicus nito. Nagising si General Accientsy pagkalipas ng dalawang oras. Kung hindi lumubog ang katawan niya sa tubig ay hindi siya magigising. Dali-dali siyang umahon sapagkat nakaramdam siya ng lamig sa buong katawan niya. At maya-maya pa ay inubo siya, dali-dali siyang nagsuot ng damit at agad humiga sa sa kama. Muli siyang natulog at napanaginipan na naman niya ang madugong kasal. "Accientsy… Accientsy…" Malamig na boses ang paulit-ulit tumawag sa pangalan niya. Lumingon siya sa likurang bahagi at nakita niya ang sirena na nakatalikod sa kanya. "Sino ka?" paanas na tanong niya rito. Dahan-dahang lumingon ang sirena at lumaki ang mga mata niya dahil para siyang humarap sa salamin sapagkat mukha niya ang kaniyang nakikita. "S-sino ka? B-bakit magkamukha tayo?" muling tanong niya. "Ikaw ay ako at ako ay ikaw. Protektahan mo siya alam kong nagkatagpo na kayo. Huwag mong hayaan na maulit muli ang nangyari sa nakaraan." "Sino ang tinutukoy mo?" "Ang lalaking tinitibok ng puso mo." "Ang tinitibok ng puso ko? Sino?" tanong ni Accientsy at nalilito siya sa sinabi ng sirena. "Protektahan mo siya at huwag mong hayaan na maulit ang nangyari sa nakaraan…" paulit-ulit na sabi nito habang papalayo na ang sinera. "—Sandali lang! Sino ang ang tinutukoy mo? Paano ko siya maprotektahan?!" pasigaw niyang tanong para marinig siya. Subalit palayo nang palayo na ang sirena, sinubukan niya itong habulin ngunit nawala na ito. "Accient! Accient!" Sunod-sunod na yugyog ang nagpagising kay General Accientsy. "Maku…" sambit niya sa mahinang boses. "Kumusta ang pakiramdam mo?" pag-alala na tanong ng ama niya. "Anong nangyari?" balik tanong niya at agad binaling ang tingin sa Mater niya na bagong pasok lang, at may bitbit siyang maliit na lagayan ng tubig. "Mataas ang lagnat mo—" putol na paliwanag ng ama niya, dahi nagsalita ang famulus mula sa labas ng kuwarto. "Duke, nandito na ang doktor!" boses mula sa labas ng pinto. "Pumasok kayo!" utos ni Duke Murdoch. Agad kumilos ang doktor at sinuri ang kalagayan ni General Accientsy. At maya-maya pa ay sinabi ng doktor na hindi naman malubha ang karamdaman nito. Bagkus kailangan nitong magpahinga nang ilang araw. "Hindi puwede. May lakad si Emperor Aegaeus ngayon." kontra niya sa doktor. "General Accientsy. Kailangan mong magpahinga dahil baka lumala pa ang pakiramdam mo," pahayag ng doktor. "Ako na ang sasama kay emperor," mahinahon na sabi ng ama niya." At dahil napansin ni General Accientsy na sobrang nag-alala ang mga magulang niya kaya minabuti na lamang niya na sundin ang payo ng doktor. Bigyan ng doktor ang ama niya ng mga herbal na gamot at agad niya itong ibinigay sa mulier niya upang mapakuluan agad. Bumalik sa pagtulog si General Accientsy at lumabas na rin ang mga magulang niya kasama ang doktor. Maagang nagtungo si Duke Murdoch sa Smogsnare Mansion at naabutan niyang nakaupo sa bulwagan si Emperor Aegaeus. "Gandang umaga, emperor!" At yumukod ito. "Tumayo ka!" At nagtataka siya kung bakit wala si General Accientsy. "Nasaan ang filia mo?" pormal nitong tanong. "Ipagpaumanhin mo, Emperor Aegaeus, hindi makakasama si General Accientsy sa lakad mo sapagkat may sakit siya ngayon—" "Anong nangyari sa kaniya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD