HINDI agad sumagot ang kolektor bagkus umupo siya upang muling tingnan kung talaga bang wala doon.
"Sino ang ang buwis kolektor?" tanong ng regis filius.
"Si Bardo," nakayuko na tugon ng kolektor.
"Firth… Firth…" tawag ng regis filius sa dextra niya.
"Regis Filius Cacao!"
"Puntahan mo Bardo ang kolektor ng buwis at sabihin mong dalhin ang ang aklat talaan, ngayon din!"
"Masusunod!" At paatras siyang lumabas.
"Makakaalis ka na," utos niya sa lalaking famulus.
"Salamat, Regis Filius Cacao.
Nang silang dalawa na lang ang naiwan sa loob ay nagsimula nilang tinitingnan ang mga aklat talaan at iniisa-isa nila ito. At maya-maya pa ay hinihingal na bumalik si Firth.
"Regis Filius Cacao… Regis Filius Cacao!"
"Firth, ano ang nangyari?" pag-alala nitong tanong sa dextra niya.
"Si Kolektor Bardo! Wala na sa mansyon niya tumatakas na siya!"
"Utusan mo si General! At harangan ang lahat nang labasan, magbigay ka ng dalawang kilong ginto kung sino man ang makapagturo kung nasaan ang kolektor ng buwis. Dahil n'yo sa aking harapan buhay man o patay!" galit na utos nito.
"Masusunod, Regis Filius Cacao!" At dali-dali ng umalis ang dextra niya.
"Cao, huwag kang mag-alala dahil magiging maayos rin ang lahat. Alam kong kaya mo itong lutasin." Pampalakas loob ni Regis Filia Katsumi.
"Benigne facis, Katsu—" putol nitong tugon dahil sa naririnig niyang sigawan.
"—Cao!" Napayakap si Regis Filia Katsumi braso niya.
"Protektahan si Regis Filius Cacao…" sigaw ng mga kawal na nasa labas.
Nagulat ang dalawa dahil sa gulong nagaganap sa labas, maya-maya pa ay pumasok ang mga kawal at pinoprotektahan sila.
"Ano ang nangyayari?" tanong niya sa mga kawal.
"Regis Filius Cacao! Naghihimagsik ang mga kawal ng gobernador!"
"Kung ganoon, walang itirang buhay sa kanila! Huwag ninyong hayaan na may makatakas sa kanila!"
"Masusunod, Regis Filius!"
Inilabas ni Regis Filius Cacao ang espada mula sa kanang kamay niya. "Dito ka lang sa aking likod," pahayag nito kay Regis Filia Katsumi at hinawakan niya ang palad nito.
"Uhm!" simpleng sagot naman niya.
Patuloy ang labanan sa labas ng mansyon hanggang sa nakapasok ang mga traydor na mga kawal. Nakikipaglaban na rin si Regis Filius Cacao habang hawak ang isang kamay ni Regis Filia Katsumi. Nasa panganib ang buhay nilang dalawa dahil wala ang general at ang dextra niya.
"Kailangan na may gagawin ako para makatulong kay Cacao," bulong na sabi ni Regis Filia Katsumi. Tinanggal niya ang kamay ni regis filius at itinaas niya ang dalawa niyang kamay at at itinutok niya ito sa mga kalabang kawal.
"Katsumi, mag-ingat ka!" paalala ni regis filius sa kaniya.
"Ikaw rin!"
Patuloy silang nakikipaglaban at ginamit na rin ni Regis Filius Cacao ang kapangyarihan niya upang protektahan ang mga kawal nito at halos paubos na ang mga kaaway nang dumating si Firth at kasama si general at ang mga kawal.
"Firth! Ako na ang bahala dito protektahan mo si Regis Filius Cacao."
"Sige, general!" At tumakbo na si Firth patungo sa loob ng mansion at naabutan nitong nakikipaglaban si Regis Filius Cacao at Regis Filia Katshumi
"Regis Filius, Regis Filia, patawad natagalan kami." Paghingi ng despensa ni Firth.
"Nahanap niyo ba si Bardo?"
"Etiam, Regis Filius Cacao."
"Bonum!"
Hanggang sa naubos ang mga traydor na kawal at nanalo sila sa laban.
"General Kaiholo!" tawag ni regis filius.
"Regis Filius Cacao!" Patakbo na lumapit si general.
"Hanapin niyo si Gobernador Pelagios! At iharap n'yo sa akin dapat nilang pagbayaran ang ginawa nila!"
"Masusunod, regis filius!" Agad kumilos ang heneral at umalis ito kasama ang limang daan kawal.
Habang ang kurap na kolektor ng buwis ay kasalukuyang nakatali sa harap ng mansion na walang malay at kasama ang mga kawal nitong mga traydor.
"Cao, ayos ka lang ba?" pag-alala na tanong ni regis filia.
"Oo, ikaw ayos ka lang?" balik tanong niya rito at sabay suri niya sa katawan nito.
"Etiam."
"Pasensya ka na, kamuntikan ka pang mapahamak nang dahil sa akin." Malungkot ang mukha niya habang sinasabi ito.
"Wala akong pinagsisihan, Cao," madamdamin niyang tugon rito.
At maya-maya pa ay nagbalik si General Kaiholo ar bitbit nito si Gobernador Pelagios na sugatan ang paa niya.
"Regis Filius Cacao, ito na ang proditor na gobernador!"
"Dalhin ang mga taksil sa bulwagan para sa paglilitis!" galit na utos nito.
"Masusunod, Regis Filius Cacao!"
Naunang nagtungo si regis filia at regis filius sa bulwagan habang nakasunod naman ang mga proditor na hawak ng mga kawal. Nang nasa pinto na sila ay kaniya-kaniya silang tumabi para bigyan ng daan ang regis filius.
"Proditor! Proditor! Proditor!" sunod-sunod na sigaw ng mga opisyales na kontra sa pamumuno ng gobernador nila.
Hanggang sa nagdesisyon ang mga opisyales na hatulan ng kamatayan ang lahat ng mga traydor. Sinang-ayunan naman ito ni Regis Filius Cacao.
Habang pinaparada ang mga traydor ay marami naman ang nambabato sa mga ito.
"Traydor… Patayin! Traydor… Patayin!" paulit-ulit na sigaw ng mga ordinaryong mamamayan na apektado ng krisis sa kanilang realm.
Hanggang sa makarating ang parada sa platea at dinala ang mga traydor sa itaas ng entablado. At inisa-isa ang mga ito na pinugutan ng ulo. Tila nabunutan ng tinik ang ordinaryong mamamayan dahil natapos na ang kalbaryo ng kanilang paghihirap.
Nangako si Regis Filius na magbigay siya ng tig-limang pirasong ginto bawat ordinaryong mamamayan. Natuwa naman ang mga ito pangako sa kania.
Pagkalipas ng isang buwan ay muling bumalik sa katahimikan ang Eshudu Realm at malaya na rin ang mga ordinaryong mamamayan. Bago na rin ang gobernador nila at ito ay inihalal ng buong opisyales si Gobernador Havelock ngayon ang kanilang bagong pinuno.
Isang malaking selebrasyon ang ginanap sa buong siyudad ng Eshudu Realm, bilang pasasalamat nila kay Regis Filius Cacao at kay Regis Filia Katsumi.
Huling gabi na nila sa Eshudu Realm, kaya binigyan sila ng malaking pagdaraos.
"Katsumi, halika!" hinawakan ni Regis Filius ang kamay niya at dinala sa labas ng hardin.
"Anong meron dito, Cao?" pagtataka niyang tanong rito.
"Hintay lang tayo saglit," aniya.
"Wow! Ang ganda—" Masaya si Regis Filia Katsumi nang makita niya ang isang libong fireworks na klase-klaseng pumutok sa kalawakan.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo, Cao. Salamat!" nakangiti nitong sabim