Episode 13: Kilianata Valley Realm

1107 Words
NAPATAYO agad si Emperor Aegaeus dahil nag-alala siya kay General Accientsy. "Hindi naman siya malubha, pero kailangan lang niyang magpahinga." "Samahan mo ako, gusto ko siyang makita!" "Masusunod, emperor!" At lumabas na sila. Habang naglalakad sila ay puno sa pag-alala ang isip ni Empaler Aegaeus. At napansin ito ni Duke Murdoch, pero inilihim lang niya ito dahil baka maparusahan ma siya. Hanggang sa nakarating na sila sa Obani Wezilmet Mansion at agad sumalubong ang mulier ni Duke Murdoch. "Maritus—" "Mulier, magbigay galang ka kay Emperor Aegaeus," utos ng duke. Dali-dali namang yumukod ang maybahay ni duke. At inalalayan naman ito ng emperor para makatayo. "Kumusta si General Accientsy?" tanong agad ng emperor. "Mabuti-buti na ang kalagayan niya, emperor." "Puwede ko ba siyang matingnan?" "Dito tayo, Emperor Aegaeus." At unang pumasok sa kuwarto ay si Duke Murdoch. Sumunod naman ang emperor at ang huli ay ang asawa ng duke. Naabutan nila na mahimbing si General Accientsy. Umupo sa gilid ng kama ang emperor at agad hinawakan ang pulso ng dalaga. Nararamdaman niya na mahina ang pintig nito. "Puwede bang lumabas muna kayo? Gamutin ko lang siya." "Masusunod, emperor." At lumabas agad ang mag-asawa. Inalalayan ni emperor si General Accientsy na makaupo ng maayos. At umupo rin siya sa likod nito. Habang ang dalawa niyang kamay ay nakalapat sa likod ni heneral. Dahil doon ay nakita ni emperor ang sanhi ng sakit nito. Ito ay ang madugong panaginip niya sa nakaraang buhay nila. Ilang minutong paggamot ni emperador kay heneral bago ito gumaling at nagkamalay. "Emperor Aegaeus!" bulalas ni General Accientsy, dahil sa pagkabigla nito. At akma siyang tumayo para magbigay pugay subalit pinigilan siya ng emperor. "Hindi na kailangan. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Bago sumagot si General Accientsy ay pinapakiramdaman muna niya ang sarili. "Mabuti na ang pakiramdam ko, Emperor Aegaeus. Maraming salamat," aniya. "Walang anuman. Nakita ko ang mga panaginip mo," seryoso nitong sabi at nakatitig ang emperador sa kaniya. "Totoo ba talaga ang panaginip ko?" paanas na tanong ni General Accientsy, at tumingin siya sa mga mata ng emperor. "Iyan ang kuwento ng babaylan sa akin at ang iyang napanaginipan mo ay katulad rin sa aking mga panaginip," pahayag ng emperor. "Totoo ba talaga ang reincarnation?" tanong ng heneral. "Sa tulad natin na hindi ordinaryong tao ay totoo ang reincarnation," turan ng emperor. Tumahimik ang heneral at muling bumalik sa alaala niya ang mga panaginip. "Posible kayang maging kami ni Emperor Aegaeus?" tanong niya sa sarili. "Mag-ayos ka na at aalis na tayo." At tumayo na ito para lumabas sa kuwarto. "Ow!" tugon nito. Paglabas ng emperor ay nabungaran niya ang mga magulang ni General Accientsy nakatayo ito habang naghihintay na matapos ang siya sa paggamot sa anak nila. "Emperor Aegaeus, kumusta ang filia namin?" pag-aalala na tanong ng ina ng heneral. "Mabuti na ang kondisyon niya, maya-maya kaunti ay lalabas na siya," kalmado na sabi ng emperor at umupo ito. "Benigne facis! Benigne facis!" Paulit-ulit sa turan ng duke. "Benigne facis! Emperor Aegaeus!" sabat naman ni Ananta ang ina ni General Accientsy. "Mulier, bilis magtimpla ka ng tsaa para kay emperor," utos ng duke sa asawa niya. "Masusunod, maritus!" tugon nito at dali-daling nagtungo sa kusina upang gumawa ng tsaa. Nang makabalik siya ay sakto naman ang paglamas ng nag-iisa niyang filia. Umupo ito sa harap ng emperor katabi ng Maku niya. "Emperor, mag-tsaa muna kayo." At maingat siyang nagbuhos ng tsaa sa maliit na tasa. "Salamat!" tudan ng emperor. "Filia, kumusta na ang pakiramdam mo?" paanas niyang tanong at bahagya siyang ngumiti dahil masaya itong makiya ang anak niya na medyo masigla na ang mukha. "Mabuti na ang pakiramdam ko, Mater. At salamat kay Emperor Aegaeus." Dali-daling lumuhod ang heneral at sabay yukod nito. "Benigne facis! Emperor Aegaeus!" Sabay din na yumukod ang mga magulang ng heneral. "Tumayo kayo," utos ng emperador sa kanila. At sabay naman na bangon ang tatlo mula sa pagyukod nila. Ipinagpatuloy nila ang pag-inom ng tsaa. Hanggang sa natapos sila at nagpaalam na aalis na sila. At dahil magaling na si General Accientsy ay hindi na tumutol ang mga magulang niya. At malaki naman ang kumpyansa ng duke dahil ang emperador ang kasama ng kanilang filia, alam niyang protektahan niya ito. Pumunta ang ang dalawa sa kaharian ni King Arran, upang magpapaalam na bisitahin nila ang Kilianata Valley Realm. Hanggang sa makarating sila sa praetorium palatium. Patakbo namang pumasok ang praesidium at nagtungo sa trono ni King Arran. "King Arran, nasa labas ang emperador ng karagatan at kasama si General Accientsy!" pahayag ng praesidium. "Papasukin mo, bilis!" tugon ni King Arran. "Masusunod!" At mabilis itong tumakbo palabas ng bulwagan at sinabi niya sa dalawa na hinihintay sila ng hari. "King Arran!" At agad yumukod si General Accientsy. "Tumayo ka," utos ng hari. At si Emperor Aegaeus ay bahagyang nag-vow na ang kanang-kamay ay nasa dibdib niya. Dahil ito ang tradisyon nila sa kanilang kaharian. Sinabi ni Empaler Aegaeus ang pakay niya. Natuwa naman si King Arran, at inutusan niya si General Accientsy na magdala ng mga pagkain tulad ng mga; tinapay, bigas, kumot, at pilak. Ang bilin ng hari ay bigyan ng limang pirasong pilak ang bawat pamilya. "Masusunod, King Arran!" Ang lahat nang bilin ng hari ay tinandaan ni General Accientsy. Hanggang sa nagpaalam na silang dalawa. At nang sa paglabas nila ay nakasalubong nila si Regis Filius Damarion ang panganay na anak ng hari. Napatingin ito kay General Accientsy. binatilyo at dalagita pa lang noong huling nagkita ang dalawa. Bagkus hindi makalimutan ni Regis Filius Damarion si General Accientsy. Dahil bata pa lang sila ay gusto na niya ito. "Accintsy?" tanong nito sa kaniya. "Magandang araw, Regis Filius Damarion!" Tila hindi na nagugulat o nasorpresa si General Accientsy. At bahagya siyang yumukod rito. "Pamilyar sa akin ang mukha niya," bulong ni Emperor Aegaeus sa sarili niya. "Kumusta ka na Accientsy?" tanong nito. "Maayos naman, Regis Filius Damarion!" Hanggang sa tuluyang nagpaalam ang dalawa. At kahit nakalayo na si General Accientsy ay nakatanaw pa rin si Regis Filius Damarion. Nang makalapit siya kay King Arran ay agad itong nagtanong tungkol kay Accientsy. Ikinuwento ni King Arran ang tungkol kay General Accientsy at mas lalong humanga si Regis Filius Damarion. SAMANTALA paalis na si Empaler Aegaeus at General Accientsy. Dala nila ang mga donasyon at ang sampung libong kawal. Sakay si Empaler Aegaeus sa karwahe at si heneral naman ay nakasakay sa kabayo at nasa kabila naman si General Dour. Bantay sarado nila ang emperor sapagkat delikado ang pagpunta nila sa Kilianata Valley Realm. Kahit nasa loob ng karwahe ang emperor, ngunit alerto pa rin ang isip niya at nakatoon ang atensyon niya kay General Accientsy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD