Episode 8: General Accientsy is Comatose and Emperor Aegaeus Save Her

1609 Words
HANGGANG sa nilisan nila ang daungan ng karagatan at nagsimulang maglakbay pabalik sa palasyo. Halos magkasabay sa paglalakad ang kabayong sinakyan ni Empaler Aegaeus at General Accientsy. "General, ilang taon ka na?" seryosong tanong ni emperor. "Limang daang taong gulang na empaler," biglang sagot ni General Dour. Agad napatingin ang emperor sa kaniya at seryoso ang mukha nito. "Hindi ikaw ang tinatanong ko!" halos pabulong nitong sabi. Subalit narinig iyon ni General Accientsy at bahagya itong ngumiti. "Patawad, Empaler Aegaeus. Akala ko kasi ako ang tinanong mo." Natawa si General Dour "Ikaw ang tinanong ko, General Accientsy," aniya rito. "Apat na raang taong gulang na ako, Emperor Aegaeus," simpleng tugon ng dalawang immortal. "May amicus ka na ba?" "Wala pa," wika nito na, hindi man lang tumingin sa emperor. Habang nasa kahabaan na sila sa paglalakbay nang mapansin ni emperor ang kakaiba sa paligid. Pero hindi niya ito binigyan ng pansin dahil gusto niyang subukan ang kakayahan ni General Accientsy. Napansin rin ito ng babaeng heneral ngunit naging kalmado siya upang hindi pag-panic ang emperor. At maya-maya pay ay umatake na ang maraming kalaban. May nga nagpakawala ng mg palaso at ang puntirya nito ay hindi ang emperor kung 'di si General Accientsy. "Bakit siya ang puntirya nila?" Nagiging palaisipan ito kay Empaler Aegaeus. Dahil nakapokus ang emperor kay General Accientsy, kaya hindi nito napansin ang paparating na palaso sa likod niya. Nang makita ito ng babaeng heneral ay agad itong tumalon upang iligtas ang emperor, niyakap niya ito at sabay talon upang iwasan ang paparating dalawang palaso. Ngunit bago pa man sila bumagsak sa lupa ay tinamaan na sa likod si General Accientsy. "General!" bulalas ng emperor dahil bumagsak sa dibdib niya ang dalaga at nawalan ito ng malay. "General. General!" paulit-ulit niyang yugyog sa balikat ngunit wala pa rin itong tugon. Dahan-dahan niyang binuhat ang mukha nito at nakita niya na duguan ang bibig. "General… General…" malakas niyang sambit at saka pa lang niya napansin na may dalawang palaso na nakabaon sa likod nito. "—Duke!" tawag niya sa ama ni General Accientsy. "Accien…" sigaw ng Maku nito at patakbo nitong nilapitan ang anak. "Protektahan mo ang iyong filia!" pahayag ng emperor at kinuha niya ang espada ng babaeng heneral. at tumayo siya upang harapin ang mga kalaban. "Mag-ingat ka, emperor!" Bilin ni Duke Murdoch, habang kandong nito ang walang malay na anak. Sobrang nag-alala ang duke para sa kaligtasan ng emperor, ngunit hindi rin niya puwedeng iwanan ang anak. Dahil baka tuluyan itong mapatay ng mga kalaban. Nang lumingon siya sa kinaroroonan ng emperor ay nakita niya kung paano ito makipaglaban. Nang lumabas pa ang maraming kalaban ay napipilitan na siyang gamitin ang kapangyarihan niya. Itinaas niya ang dalawang kamay at gumawa siya ng dalawang malaking ipo-ipo mula sa karagatan ang nilikha niya. Mabilis pumaitaas ang dalawang higanteng ipo-ipo at nagtungo sa kinaroroonan nila. "Lamunin n'yo ang lahat ng mga kalaban," bulong nitong utos sa dalawang ipo-ipo. Nang makita ni Pinunong Thanos ang dalawang paparating na higanteng ipo-ipo, "—Atras —Atras..." paulit-ulit niyang sigaw. Kanya-kanyang takbo ang mga kalaban na mula sa Kriotteotall Realm, nang makita nila ang paparating na mga higanteng ipo-ipo. Nang matanto ni Empaler Aegaeus na tuluyang umatras ang mga tulisan ay dali-dali niyang binalikan si General Accientsy. "Kumusta siya?!" pag-alala niyang tanong sa duke. "Komatos pa rin siya," tugon naman ng duke, na banaag sa mukha nito at labis-labis ang pag-alala sa nag-iisa niyang filia. Tinanggal na ni Duke Murdoch ang dalawang palaso sa likod ni General Accientsy at nalagyan na rin niya ito ng powder na gamilot. Ngunit hindi pa rin ito nagising. "Duke, utusan mo ang mga kawal na lumayo na tayo dito!" utos ni Empaler Aegaeus. Binuhat niya ang babaeng heneral at isinakay sa karwahe at sumunod naman ang duke rito. "A-ano ang gagawin mo?" gulat na tanong ni Duke Murdoch, sapagkat hinubad niya ang damit na pandigma ni General Accientsy. "Nasa peligro ang buhay niya, kailangan kong dugtungan ang buhay ng anak mo!" dahil sa tugon ng emperor ay hindi na muling nagsalita ang duke at pinanood na lamang niya ito. Nakaupo si General Accientsy at ganoon rin ang emperorb sa likod niya. Habang ginamot siya ay biglang lumabas sa panaginip niya ang nakaraan nilang buhay. -PANAGINIP- "Amicus, kailangan ko ba talagang matutunan ito?" sabay hawak niya sa mahabang espada. "Etiam, amica. Dahil hindi sa lahat ang oras ay nasa tabi mo ako para kahit papaano ay kaya mong ipagtanggol ang iyong sarili," paliwanag ni Prince Cacao. At nagsimula silang mag-ensayo, nasa likod si Prince Cacao, At hawak-hawak nito ang kamay Filia Katsumi at itinuro niya kung paano igalaw ang mga kamay at paa nila. Na animo'y sumasayaw sila, maya-maya pa ay hinayaan ni Prince Cacao ang amica niya na mag-isa. Habang siya ay nakaupo at masayang pinagmasdan si Prinsesa Katsumi. Nang mapagod ang amica niya ay huminto na ito at tumabi sa kaniya, dali-dali naman niyang kinuha ang sudarium at pinunasan ang pawis sa mukha nito. "Napagod ka ba?" tanong ni emperor, sabay yakap sa amica niya. "Paano ako mapagod? E… kasama ko ang aking amicus." At humalik siya sa labi. "Iterum amare," halos pabulong na sabi ni Prince Cacao. "Te quoque amo," tugon naman ng amica niya at muling humalik sa labi nito. "Donec mors nos ex parte," pahayag ni Prince Cacao, habang mahigpit niyang niyakap ang amica niya. "Hanggang kamatayan," paanas na tugon niya at sabay halukipkip sa dibdib ng amicus nito. UMUUNGOL si General Accientsy, matapos siyang gamutin. "A-anong nangyari? Maku…" sambit nito sa ama. "Mabuti at gising ka na, filia." At dali-dali niyang hinawakan ang pulso upang suriin kung maayos na ba ang kalagayan nito. Napatingin siya kay Emperor Aegaeus, "Maku, anong nangyari sa kanya?" Pag-alala niya rito, dahil nakapikit ang ito na tila ginagamot ang sarili. "Nagpapahinga lang niya, dahil maraming enerhiya ang nawala sa kanya nang gamutin kaniya." "Ano?! Ano ba nangyari, Maku? Ang tanging natatandaan ko lang kasi, nakita ko ang dalawang palaso na papunta kay emperor kaya tinulak ko siya. Kasunod noon ay wala na akong naaalala." "Komatos ka sa loob ng tatlong oras." "Tatlong oras?!" bulalas niya dahil sa pagkabigla. "Anong nangyari sa digmaan?" dagdag nitong tanong. "Si emperor ang humarap sa kanila at gumamit siya ng malakas na kapangyarihan kaya umatras ang taga-Kriotteotall Realm." Dahil medyo malayo pa ang Ottonem Nunneapia Palace ay nagpasya si Duke Murdoch na magpalipas muna sila ng gabi sa ligtas na lugar. Dahil nag-alala siya sa kalagayan ng anak niya at sa emperador. Bumaba siya at inutusan ang mga kawal na magpalipas muna sila ng gabi. Agad kumilos ang mga kawal at gumawa ng mga tolda. Habang naiwan ang dalawa sa loob ng carpentum ay titig na titig si General Accientsy sa emperor, malaya niya itong tinitigan sa pag-akala na tulog ito. Ang hindi niya alam na gising ang diwa ni Empaler Aegaeus. Parang gayuma ang mukha nito dahil naaakit ang babaeng heneral at naiingganyo itong haplusin ang matangos na ilong ng emperor. "Ano ang ginagawa mo?!" biglang salita ni Empaler Aegaeus at hinawakan ang kamay ni General Accientsy. Hindi naman agad nakasagot ang dalagang heneral at lumaki ang mga mata nito sa pagkabigla. Dahan-dahang lumapit ang mukha ng emperor sa mukha nito, napalunok siya at hindi niya maiiwasan iyon. Sapagkat sobrang lapit ang mga mukha nilang dalawa at langhap na langhap nito ang mainit na hininga ng emperador. Ang buong akala ni General Accientsy ay hahalikan siya nito. Bagkus, dumiretso ang labi nito sa parte ng tainga niya at sabay sabi na, "Pareho ba tayong nararamdaman sa isa't isa?" bulong nito sa tainga niya. Dahan-dahan naman na niluwagan ni Empaler Aegaeus ang paghawak nito sa kamay ni General Accientsy, hanggang sa tuluyan niya itong binitawan. Dali-daling bumaba ang babaeng heneral upang huminga nang malalim. "Dahan-dahan hindi ka pa lubusang magaling, malamyong boses ng emperor, na bahagyang sumilip sa bintana. SUMAPIT ang tulugan. At dahil mahina pa ang katawan ni General Accientsy ay agad siyang nakatulog, hindi niya inaasahan na muli siyang mananaginip… . "Cao, bakit hindi ka pumasok sa loob?" "Tinitingnan ko lang ang mga bagong sibol." "Princess Katsumi… ." "Ano ang ginagawa ninyo dito sa hardin?" "Nagsasanay po kami ng sayaw para sa kasal ninyo ni Prince Cacaom" "Pagbutihan ninyo para may premyo kayo na galing sa akin." "Opo!" "Katsumi, gusto mo bang mamasyal tayo?" "Saan naman?" "Sa mundo ng mga tao," "Sigurado ka? Pero----paano?" "Ito, bigay ni Ima, regalo niya para sa ating nuptias." "Wow! Ang ganda naman nito!" "Cao, magpaalam muna tayo kay Maku. Para hindi sila mag-alala sa atin."  "Nandito na tayo." "Wow! Ang ganda pala dito sa ibabaw ng karagatan." "Nagustuhan mo ba?" "Oo. Salamat sa pagdala mo sa akin dito." "Tara, doon tayo." "Wow! May mga paa na tayo." "Wow! Ganito ba talaga ang mga suot ng mga tao?" "Oo. Nagustuhan mo ba?" "Oo, sobra." "Tayo na." "Cao, mahal na mahal kita. Kung totoo man na mayroong susunod na buhay ang gusto ko ay ikaw pa rin ang makilala ko na sana tayo pa rin ang magmahalan." "Pangako, ikaw lang ang babaeng aking mamahalin. Kahit sa kabilang buhay ay hahanapin kita upang ipagpatuloy ang ating pagmamahalan. Mahal na mahal kita, Katsumi." "Akala n'yo ba ay matatakas n'yo ako?! Isinusumpa ko na susundan ko kayo kahit saan man kayo magpunta at paulit-ulit kong hadlangan ang pagmamahalan ninyong dalawa! Akin ka lang Katsumi! Akin ka lang!" NAPABALIKWAS nang bangon si General Accientsy na naghahabol sa paghinga, napahawak ito sa pisngi at pawis na pawis siya. "Princess Katsumi ay ako, Prince Cacao ay si Empaler Aegaeus, at si Prince Fiske ay si Regis Filius Damarion… Anong nangyari sa panaginip ko?" litong-litong tanong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD