BUMANGON ito para uminom ng tubig, ngunit wala pa lang laman ang lagayan niya kaya lumabas siya at nagtungo sa tolda ng Maku niya. Pero bago pa siya makarating sa tolda ng ama niya ay nadadaan pa nito ang tolda ni Empaler Aegaeus. Nang dumaan siya ay napansin agad ng emperor ang anino ng isang tao. Hindi niya matanto kung babae o lalaki ba ito. Dali-dali siyang bumangon at wala pang isang segundo ay nasa harapan na siya ng pagmamay-ari ng anino at nasa leeg na ang isang palad nito.
"Sino ka?!" matapang na tanong ng emperor.
"A-a-ako…" sagot nito at nabitawan ang hawak nitong lagayan ng tubig.
"General!" bulalas ng emperador ng mamukhaan nito ang sinakal niya. "Patawad!" At dali-dali niyang inalis ang palad mula sa leeg ng babaeng heneral.
Hindi agad ito nakasagot sapagkat panay pa ang ubo nito. "O-okay lang!" putol-putol nitong sagot dahil hinahabol pa nito ang hininga niya.
"Ano ang ginawa mo dito sa labas?"
Kumalma na ang boses ng emperor habang nagtatanong ito at pinulot niya ang lagayan ng tubig sabay abot niya sa, babaeng heneral.
"Pupunta sana ako sa tolda ng aking Maku upang humingi ng tubig," mahinahon niyang tugon rito.
Hindi nagsalita si Empaler Aegaeus, bagkus itinuon niya ang dalawang daliri sa lagayan ng tubig. Isang puting liwanag ang lumabas at bumalot ito sa hawak niya na lagayan at maya-maya pa ay naramdaman ni General Accientsy na medyo bumigat ang hawak niya.
"Medyo malamig ang panahon ngayon kaya dapat laging maligamgam ang iyong iniinom," pahayag ng emperor.
Hinubad rin nito ang makapal niyang balabal na gawa sa balat ng topa at isinuot niya ito kay General Accientsy.
"Huwa—"
"Huwag mong tanggihan kailangan mo iyan lalo pa't hindi ka pa lubusang magaling. Hindi ka ba makatulog?"
"Hin—" Hindi na naman natuloy ang isasagot nito dahil tinuon ni emperor ang dalawang daliri niya sa gitna ng noo nito.
"Napanaginipan mo rin sila?" biglang tanong ng emperor.
"Sinong sila?" pagtataka niyang tanong sa emperor. Sapagkat hindi niya alam na nakikita pala nito ang panaginip niya kani-kanilang.
"Ang iyong nakaraan ang tinutukoy ko."
"Patawad, Emperor Aegaeus. Pero hindi ko alam ang sinasabi mo." Seryoso ang mukha ni General Accientsy at hindi pa rin nito maintindihan ang ibig sabihin ng emperor.
"Si Regis Filia Katsumi ang tinutukoy ko."
Napalingon agad ang babaeng heneral nang mabanggit ni emperor ang pangalan ng babaeng laman ng panaginip niya.
"Kilala mo siya? Ano ang alam mo kay Regis Filia Katsumi?" seryoso nitong tanong sa emperor at tila nakalimutan niya kung sino ang kaharap niya ngayon.
"Si Regis Felia Katsumi at ikaw ay iisa," diretso na tugon nito.
"Imposible! P-paano nangyari na kami ay iisa?" Halos hindi siya naniniwala rito.
"Si Regis Filius Cacao at ako ay iisa," malungkot niyang banggit sa heneral.
"Hindi ko maintindihan kung paano iyan nangyari," paanas na turan nito.
"Ipaliwanag ko para maintindihan mo." At nagsimulang magkuwento si Empaler Aegaeus.
"Bata pa lang sina; Regis Filia Katsumi at Regis Filius Cacao ay matalik na silang magkaibigan, pareho silang sireno at sirena. Nagkakilala sila sa isang pagtitipon sa kaharian ng Adrape Khiarzugu Palace ng North Wandering Sea… .
"Ano ba… bitawan n'yo ako! Isusumbong ko kayo sa Maku ko!" galit na sigaw ng batang sirena.
Dahil kinukutya siya ng apat na batang sireno. "Hindi ka nababagay dito sa aming kaharian, umalis ka! Umalis ka!" At pinagtutulungan siyang itulak.
Dahil sa ginawa ng mga ito ay bumagsak siya at sakto naman ang pagdating ng isa pang batang sireno at mayroon itong suot na gintong korona.
"Ano ang ginagawa ninyo sa ating bisita?" kalmado at seryosong tanong nito sa apat niyang mga pinsan.
Hindi naman agad sumagot ang mga ito at akmang tatakbo pa, subalit pinigilan niya ito gamit ang malakas niyang kapangyarihan. Pagkatapos ay tinulungan muna nito ang batang sirena.
"Nasaktan ka ba?" tanong niya rito.
"Hindi naman." At dali-dali niyang tinago ang kamay nito sa likod niya.
"Patingin!" Pilit kinukuha nito ang kamay niya upang tingnan at nakita niyang may sugat ito. Agad nagsalubong ang mga kilay ni Regis Filius Aegaeus. "Humihingi kayo ng tawad!" dagdag nito.
"Patawad. Patawad. Patawad!" paulit-ulit nilang sabi na tila takot sila, dahil nakita nila na galit ang panganay nilang pinsan. Sapagkat natatakot ang mga ito na baka gagawin na naman silang palaka.
"Pinatawad ko na sila kaya pakawalan mo na," mahinhin na wika ni Regis Filia Katsumi.
Sinunod ng batang sireno ang utos niya pinakawalan niya ang mga ito at kanya-kanyang takbo. Nang maiwan ang dalawa ay maingat nitong hinihipan ang sugat sa kamay ng babaeng sirena.
"Masakit pa ba?" tanong nito pagkatapos niyang hipan ang sugat.
"Wala na at salamat, ha..." nakangiting sabi ng batang babae.
"Walang anuman." sabay tali niya sa sugat nito. "Ako pala si Cacao. Ikaw, ano ang pangalan mo?"
"Ako si Katsumi, at taga-Hiluthas Kingdom ng East Eternal Sea."
"Kung ganoon, hindi nila alam na isang regis filia. Siguro kung alam nila ay baka mabait sila sa iyo. Bakit ba kasi gawan ang suot mo?" pagtataka na tanong ni Regis Filius Aegaeus. Dahil ang suot ni Regis Filia Katsumi ay damit na pang aalipin.
"Gusto ko lang, at ayaw kong laging may sumunod na mga famulus sa akin," simpleng tugon niya at bahagyang ngumiti.
Sa bawat ngiti ni Regis Filia Katsumi ay nagpapatibok ito sa batang puso ni Regis Filius Aegaeus.
"Gusto mo bang mamasyal?" tanong ng batang sireno.
"Etiam," wala pakipot nitong tugon.
"Halika, dalhin kita sa magandang pasyalan nito." Hinawakan ni regis filius ang kamay niya nito at lumangoy sila patungo sa sekreto na lugar.
Pumasok silang dalawa sa maliit na kuweba, na isang tao lang ang magkasya. Pinauna ni regis filius si regis filia. At nang makapasok na ito sa loob ay agad ng sumunod si Regis Filius.
"Ang ganda naman dito!" masayang sabi ni Regis Filia Katsumi.
"Ikaw lang ang nakapunta dito," diretso nitong sabi.
"Talaga? Salamat, ha."
"Walang anuman. Pangako, kapag bumalik ka dito ay ipapasyal kita dito."
"Sige."
Sa ilang araw na pamalagi nila Regis Filia Katsumi sa Hiluthas Kingdom. At sa araw-araw nilang pagsasama ni Regis Filius Cacao ay naging matalik silang magkaibigan… .
Huminto sa pagsasalita si Empaler Aegaeus nang mapansin nitong seryosong nakikinig si General Accientsy at bahagya pa itong nakangiti.
"Ano ang sumunod na nangyari?" tanong ng heneral.
"Bukas na natin ituloy ang kuwento, masyado ng malalim ang gabi. Sige na, matulog ka na." Naunang tumayo si Empaler Aegaeus at inalalayan iya ang dalagang heneral.
Pumasok ang emperador sa loob ng tolda ni General Accientsy at inalalayan ito hanggang sa paghiga at kinumutan rin niya bago siya lumabas. Hindi maiwasang mapangiti na mag-isa ang dalagang heneral dahil sa ginawang pag-aalaga ni Empaler Aegaeus.
Kinabukasan ay maagang bumangon si General Accientsy para makapaglakbay sila nang maaga. At paglabas nito mula sa tolda niya ay nabungaran nito ang ama niya at si Empaler Aegaeus na kasalukuyang nag-uusap. Mukhang seryoso ito pero mas minabuti pa rin niya na malapitan ang dalawa.
"Bonum mane!" bati niya sa mga ito.
"Salve etiam!" tugon naman ng emperor. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" dagdag pa nito.
"Mabuti na, Emperor Aegaeus. Ito pala ang balabal maraming salamat."
Habang si Duke Murdoch ay lihim lang na nag-obserba sa dalawa. Natutuwa rin ito dahil kahit papaano ay nakita niyang nagka-interes ang nag-iisa niyang anak sa lalaki. Ang buong akala nito na tatanda itong dalaga.
"Isuot mo iyan medyo malamig pa." Isinuot na naman ni emperor ang makapal na balabal kay General Accientsy.
Hindi naman puwede na tumanggi siya dito dahil baka magalit pa.
"Salamat, Empaler Aegaeus."
Hanggang sa nagpatuloy na sila sa kanilang paglalakbay. Tulad kahapon ay sa kabayo pa rin sumakay ang emperor at nasa tabi pa rin niya ang babaeng heneral.
"Emperor, puwede mo bang ituloy ang kuwento tungkol kay Regis Filia Katsumi at Regis Filius Cacao?" tila pag-alangan niyang sabi.
Hindi agad nagsalita ang emperor at bahagya itong tumititig kay General Accientsy.