DAHIL napansin ni emperor na interesado ang heneral na malaman ang buong kuwento kaya ipinagpatuloy niya ito.
"Mula noon ay hindi na nawala ang komunikasyon nilang dalawa at palagi na silang napapalitan ng sulat. Hanggang sa nagbibinata na sila ay napapadalas ang pagpunta ni Regis Filius Cacao sa East Eternal Sea upang bisitahin si regis filia sa Hiluthas Kingdom… ."
"Cao…" masayang sambit ni regis filia habang patakbo niyang sinalubong ang regis filius.
"Te desidero!" Masiglang pahayag ni Regis Filius Cacao at mahigpit niyang niyakap ang babaeng lihim na nakaukit sa puso nito.
"Quoque ego te requiro!" tugon naman ni regis filia. At mahigpit niyang niyakap ang lalaki na matagal na nitong gusto.
"Kumusta ka, Katsumi?"
"Mabuti lang ako, at lalong masaya dahil nandito ka ngayon."
"Ako rin, sobra kong saya."
"Magtagal ka ba dito?" tanong ni Regis Filia Katsumi.
Titig na titig muna ito sa mukha ni regis filia bago siya sumagot. "Aalis kami bukas, pupunta kami sa Eshudu Realm para sa aking kontribusyon," kalmado nitong tugon.
"Hindi ba delikadong lugar iyon?"
"Oo, pero kailangan kung pumunta doon at susubukan na ibigay sa lugar nila ang kapayapaan."
"Puwede ba akong sumama?"
"Sigurado ka? Ikaw na ang nagsabi na delikado doon."
"Etiam!"
"Sige, pero magpaalam ka muna sa ama mo. Kung papayag siya ay isasama kita, pero kung hindi huwag mo ng pilitin."
"Bene," aniya.
At maya-maya pa lumabas si Basileus Kousuke at masaya ito nang makita siya. "Regis Filius Cacao..." masiglang sambit nito.
"Basileus Kousuke!" tugon nitong sambit at nagbigay galang siya rito.
"Kumusta ang iyong mga magulang?" mabuti naman sila at mayroon silang pinapabigay sa iyo." Sabay tawag niya sa mga famulus.
Lumapit naman ang walong famulus na mayroong bitbit na dalawang malaking kahon.
"Para sa inyo, Basileus Kousuke.
"Pakisabi sa iyong mga magulang, benigne facis," aniya. At sabay tingin nito sa loob ng kahon. Mga ginto ang laman nito.
"Makarating!" tugon nito.
"Maku," sambit ni Regis Filia Katsumi.
"Uhm?" tugon nito.
"Maaari ba akong sumama kay Regis Filius Cacao sa Eshudu Realm?"
"Pupunta ka roon? Hindi ba delikado ngayon?" pag-alala na tanong nito.
"Susubukan kong maging maayos nang sa ganoon, mapagtagumpayan ko ang unang kontribusyon ko sa aming kaharian," pahayag niya rito.
"Huwag kang mag-alala, Regis Filius Cacao, tutulungan kita," sabat ni Regis Filia Katsumi.
"Hindi pa sumagot si Maku mo," aniya rito.
"Maku, payagan mo na ako."
"Bene, bene. Basta mag-ingat ka," turan ng hari.
"Bene, Maku. Benigne facis!" Sabay yakap niya sa ama.
Hanggang sa hinatid na si Regis Filius Cacao sa mansyon kung saan siya magpalipas ng gabi. Kinabukasan ay maaga silang umalis at sakay silang dalawa sa iisang karwahe.
"Kung inaantok ko ay matulog ka muna," pahayag ni regis filius.
"Ayos lang ako, Cao."
"Pagdating natin sa Eshudu Realm ay huwag na huwag kang lumayo sa aking tabi," bilin ni regis filius.
"Uhm!" maikling tugon nito at may kasamang ngiti.
Kahit magkaibigan lang muna ang dalawa ay naging kontento sila, kahit pareho ang dalawa na hindi nagpaparamdam sa tunay nilang damdamin sa isa't isa ay pinili nilang hindi nagpapaligaw sa iba.
"Cao…" sambit nito sa mahinang boses.
"Uhm?"
"Bakit kailangan mong mag-kontribusyon?"
"Dahil ako ang papalapit sa trono ng aking Maku."
"Talaga? Ngayon pa lang binabati na kita."
"Benigne facis! Ikaw pa lang ang unang nakakaalam nito, Katsumi." Nakangiti niyang pag-amin rito.
"Huwag kang mag-alala Cao, sekreto lang natin ito." At ngumiti rin siya.
Dahil malayo-layo pa ang lalakbayin nila ay nakatulog si Regis Filia Katsumi na nakasandal sa balikat nito. Habang siya ay malayang nakangiti at masaya siya dahil nasa piling niya ang babaeng sirena na nagpapatibok ng puso niya. Hanggang sa payapa silang nakarating sa Eshudu Realm.
"Katsu, Katsu." At sabay yugyog nito nang dahan-dahan.
"Uhm…" mahinang ugol niya at dahan-dahang minumulat ang mga mata.
"Nandito na tayo."
Lumapit ang ang mga kawal na nagbabantay sa malaking pinto at hinarap ito ng dextra ni Regis Filius Cacao na si Firth.
"Nandito ang regis filius ng North Wandering Sea," pahayag ni Firth.
Nang makita ng mga kawal ang Accents Jade ay dali-dali nilang binuksan ang malaking pinto. Dumiretso sila sa mansyon kung saan nakatira ang gobernador. Hindi nila alam na darating siya kaya hindi ito sumalubong sa kaniya, sinadyang hindi niya ipinaalam ang pagdating nito dahil ito ang kabilin-bilinan ng hari. Sapagkat kailangan nilang malaman kung totoong korap ba ang bagong gobernador.
Dumiretso sila sa bulwagan ng palasyo at walang katao-tao maliban lang sa dalawang kawal na nagbabantay rito. Dumadagundong ang tatlong sunud-sunod na tunog ng malaking tambol. Nang marinig ito ng mga opisyales ng Eshudu Realm ay nagmamadali ang mga ito sa pagpunta ng bulwagan ng mansyon.
Sunod-sunod na katok naman ang pumukaw sa gobernador na amoy alak pa dahil sobra itong lasing kagabi kasama ang mga kababaihan sa loob ng palasyo niya.
"Sino iyan?!" galit nitong sigaw at nanatiling nakapikit pa ang mga mata.
"Gobernador… dumating ang Regis Filius ng North Wandering Sea!" boses ng kawal sa labas ng kuwarto niya.
"Ano?! Nasaan siya?!" gulat nitong tanong at dali-daling bumangon.
"Nasa bulwagan."
Kinabahan ang gobernador habang nagbibihis ito, dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at nagtungo sa bulwagan. Nang dumating ito ay nandoon na ang lahat na mga opisyales at tanging siya na lang ang hinihintay. Dali-dali siyang lumuhod sa harapan ni Regis Filius Cacao.
"Regis Filius Cacao!"
"Tumayo ka," kalmado nitong utos sa gobernador.
"Salamat, Regis Filius." Agad itong tumayo.
"Nakarating sa aking ama ang nangyari dito sa Eshudu Realm, kaya ako nandito ngayon para imbestigahan ang nangyayari dito. Kailangan ko ang lahat-lahat ng mga librong talaan, hihintayin ko ang mga iyan ngayong araw na ito," seryoso niyang utos sa mga ito.
"Masusunod, Regis Filius Cacao!" tugon nilang lahat.
"Sa ngayon iyan lang muna!"
Tumayo na ang regis filius at lumabas ito upang puntahan si Regis Filia Katsumi na kasalukuyang naghihintay sa loob ng karwahe. Hindi niya ito hinarap sa mga tao dahil ayaw niyang mapahamak ito.
"Katsumi…" sambit ni Regis Filius at dali-dali namang sumilip sa maliit na binata ang dalagang sirena
"Cao!" tugon nito at nakangiting hinihintay na makapasok ito.
"Kumusta ka dito, nababagot ka ba?"
"Hmmm… hindi naman. Kumusta ang pagpupulong ninyo?"
"Maayos naman. Pero mukhang totoo na malaking problema ang hinahanap ang lugar na ito."
"Sa tingin mo maayos pa ba?" pag-aalala niya rito.
"Oo. Pero nararamdaman kong nasa panganib ang buhay natin dito.
"Ano ang gagawin natin?" Nasa mukha nito ang sobrang pag-alala.
"Mag-ingat tayo. Isa pa, nandyan naman ang mga kawal."
Hanggang sa tumuloy na sila sa Eqiros Mansion. Ito ang pinahandan ni Gobernador Pelagios para sa kanila. Tahimik ang mansion at walang katao-tao, pero halang kalilinis lang nito dahil walang kaali-alikabok sa bawat gamit at mga sulok nito.
"Katsumi, magpahinga ka muna at may gagawin lang akong importante."
"Tutulungan na kita, hindi naman ako inaantok at hindi rin ako napapagod," tugon ni Regis Filia Katsumi.
"Bene!" At inalalayan niya ang dalagang sirena para makaupo sa tabi niya.
"Benigne facis!" Nakangiti niyang sabi kay Regis Filius Cacao.
At maya-maya pa ay dumating ang kolektor at dala nito ang lahat-lahat ng mga aklat talaan na hinihingi niya. "Regis Filius Cacao, ito na ang hinihingi mo."
"Dalhin mo dito."
Lumapit ang opisyales na kolektor at ibinaba niya sa lamesa ang lahat niyang hawak. At muli itong bumalik sa kinatatayuan niya habang hinihintay ang iutos ni regis filius.
"Sandali! Parang kulang ito, nasaan ang sa aklat talaan ng sa buwis?"