Episode 14: Generals Accientay and Emperor Aegaeus Going to Kilianata Valley Realm

1114 Words
ALERTO ang mga kawal habang tumawid sila sa mahabang tulay na balabas ng malaking siyudad ng Ottonem Nunneapia. Sapagkat alam nilang delikado ang labas ng siyudad at maraming tulisan ang naglipana. Nakapikit si Emperor Aegaeus, at pinapakiramdaman niya ang buong paligid. At si General Accientsy naman ay palingon-lingon sa karwahe upang tingnan ang emperor. Muling bumalik sa alaala ni Emperor Aegaeus ang panganay na anak ng hari. At binalikan niya ang mga panaginip nito. "Akala n'yo ba ay matatakasan n'yo ako?! Isinusumpa ko na susundan ko kayo kahit saan man kayo magpunta at paulit-ulit kong hadlangan ang pagmamahalan ninyong dalawa! Akin ka lang Katsumi! Akin ka lang!" "Siya?!" At dahil sa pagkagulat ay biglang naimulat ng emperor ang mga mata niya. "General Accientsy…" tawag niya rito at lumingon naman ang heneral. "Bakit, Emperor, Aegaeus?" "Halika muna dito!" Pinahawak ni General Accientsy ang kabayo niya sa kawal niya at pumasok siya sa loob ng karwahe. "Bakit, emperor?" "Nakita mo ba si Regis Filius Damarion?" "Hindi ko matandaan." At bahagyang inalala niya ang mga nakaraang panaginip nito. Hinawakan ni Emperor Aegaeus ang mga palad niya at dahan-dahang pumasok sa imahinasyon ni General Accientsy ang mga nangyayari. "Wala namang problema, Princess Katsumi. Nagpunta lang kami rito para hingin ang kamay mo," si Prince Fiske ang sumagot. "Patawad, Prince Fiske. Hindi kita gusto at ikakasal na ako kay Prince Cacao." "Injustus!" biglang bulyaw ni Prince Fiske, at nagulat sila sa malakas nitong boses. "Pareho kaming prinsipe! Kaya dapat patas ang laban!" dagdag pa nito. "Mas injustus kung magpapakasal ako sa lalaki na hindi ko mahal," kalmado na tugon ni Princess Katsumi. "Princess Katsumi, natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa iyo noong una tayong magkita?" "Ang ganda mo, Princess Katsumi. Gusto kita at paglaki natin ay pakakasalan kita," wika ni Prince Fiske. "Hmp! Magpapakasal lang ako sa lalaking mahal ko!" "Basta! Papakasalan kita, akin ka lang! Papatayin ko lahat ng mga lalaking magkakagusto sa iyo!" Galit na banta ni Prince Fiske. "Lipulin ang lahat at walang itirang buhay!" sigaw ni Prince Fiske. "Katsumi, tumakas na kayo at ako na ang bahala dito." "Hindi, Cao! Tayong dalawa ang lalaban!" Biglang sumulpot sa likuran ni Prince Cacao si Prince Fiske, at bahagya itong ngumiti at itinaas ang kaniyang mahabang tabak. Nakita ni Princess Katsumi ang pag-atake ni Prince Fiske sa amicus niya kaya mabilis itong lumangoy patungo sa kinaroroonan ni Prince Cacao. Niyakap niya ito at mabilis siyang umikot. "Katsumi… Katsumi…" paulit-ulit na sambit ni Prince Fiske at nabitawan niya ang tabak na tumusok sa mga katawan ng magkasintahan. "Cao, mahal na mahal kita. Kung totoo man na mayroong susunod na buhay ang gusto ko ay ikaw pa rin ang makilala ko na sana tayo pa rin ang magmahalan," naghihingalo nitong sabi. "Pangako, ikaw lang ang babaeng aking mamahalin. Kahit sa kabilang buhay ay hahanapin kita upang ipagpatuloy ang ating pagmamahalan. Mahal na mahal kita, Katsumi." Hinawakan ni Prince Cacao ang tabak sa likod ni Princess Katsumi, at sinagad niya ang pagkatusok nito at tumagos rin ito sa likod niya. "Akala n'yo ba ay matatakas n'yo ako?! Isinusumpa ko na susundan ko kayo kahit saan man kayo magpunta at paulit-ulit kong hadlangan ang pagmamahalan ninyong dalawa! Akin ka lang Katsumi! Akin ka lang!" NAHILA ni si General Accientsy ang mga kamay niya matapos makita ang nangyari sa kanilang tatlo. Bakit nandoon si Regis Filius Damarion?" pagtataka na tanong nito. "Hindi siya si Regis Filius Fiske sa nakaraang buhay, kaya mag-ingat ka sa kanya." Paalala ni Emperor Aegaeus. "Bene!" Medyo kinabahan ang heneral na babae dahil sa sinabi nito. Hindi maintindihan nito kung bakit nabibilang pa sa sa ganoong sitwasyon. "Emperor, maari bang mauulit ang nangyari sa nakaraang buhay natin?" curious na tanong nito. "Hindi ko pa alam," maikling tugon nito at seryoso ang mukha habang tinitigan niya si General Accidentsy. Hanggang sa nagpalatuloy sila sa kanilang paglalakbay at naabutan sila ng kabi, kaya nagpasya silang magpalipas muna ng gabi sa turang lugar. Inutusan ni General Accientsy na magtayo sila ng tolda. Nagtulong-tulong ang mga kawal sa paggawa. "Siguraduhin ninyong nasa ligtas na lugar ang mga donasyon!" utos ni heneral. "Masusunod, heneral! tugon nila at agad silang kumilos. Habang ginagawa ang tolda nila ay silang dalawa naman ay pansamantalang nag-ikot-ikot sa paligid. "Bakit ang tahimik mo, General Accientsy?" tanong ng emperor, dahil napansin niya na walang kibo ito na tila ang lalim ng iniisip nito. "Iniisip ko lang kung totoo ba talaga ang na na-rebirth lang tayo." Seryoso ang mukha nito at nakatingin siya sa kawalan. "Sa totoo, noong una ay hindi ako naniniwala. Pero kalaunan ay parang naniniwala na ako lalo na noong nakita ko ang ang pinangyarihan at nang makausap ko ang babaylan ng Hiluthas Kingdom Palace ng East Eternal Sea." "Ganoon ba? Sana isang araw ay mapuntahan ko ang sinabi mong lugar," pahayag ng heneral. "Gusto mo ba? Puwede naman kitang isama doon," tanong nito. "Kung pahintulutan," aniya. "Sige, pagkatapos ng misyon na ito ay isasama kita sa aking mundo." "Salamat—" Naputol ang sasabihin ni General Accientsy nang nararamdaman niyang may mga ingay na nagmula sa malayo. Nilapat niya ang kamay sa lupa at pinakiramdaman kung anong tunog na iyon. "Emperor! May kalaban na paparating!" wika ni General Accientsy. "Alam ko! kalmadong tugon ng emperor. Hindi tumungon ang heneral at biglang napatingin sa mukha niya. "Bakit?" seryosong tanong ng emperor. "Wala!" At sabay yuko. "Anong gusto mong gawin natin sa kanila?" tanong ng emperor. "Ikaw, emperor?" "Halika." Hinawakan ni Emperor Aegaeus ang kamay niya at lumipat sila patungo sa kinaroroonan ng mga paparating upang harangan nila ang mga ito. "Anong gagawin natin dito?" tanong ng heneral. "Uunahan natin sila," kalmado nitong tugon. "Bene!" Sabay bunot niya sa kaniyang espada. "Anong gagawin mo?" seryosong tanong ng emperor. "Naghanda, emperor." "Ibalik mo iyan, ako na ang bahala!" At itinaas niya ang dalawang kamay. Dahan-dahan naman niyang ibinalik sa tagiliran ang espada at seryosong pinagmasdan ang ginawa ng emperor. Biglang kumulog at kumidlat ang langit at dalawang malahiganting ipo-ipo ang ang pumaibaba mula sa kalangitan at may kasama itong puting awra na parang kuryente. Namangha si Gerenal Accientsy dahil sa kamangha-manghang ginawa ng emperor. Doon niya napagtanto kung gaano kalakas ang kapangyarihan nito. Bumaksak ang dalawang ipo-ipo patungo sa kinaroroonan ng mga kalaban. Lihim na namangha ang heneral sa ginaniwa ni emperor. Mula sa kinatayuan nila ay itinutok ng emperor ang kamay niya sa lupa at maya-maya pa ay naging yelo ang tubig na humarang sa kalda. "Tayo na." Muli niyang hinawakan ang kamay ni General Accientsy at lumipad sila patungo sa ibabaw ng bundok. Malaya nilang pinanood ang libo-libong kalaban na nagkakagulo at kanya-kanya ang takbo upang iligtas ang mga sarili nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD