NANATILING nasa ibabaw ng bundok ang dalawa at pinanood ang mga kalaban na hindi alam ang gagawin nila.
"Ano ang masasabi mo sa ginawa ko?" tanong ng emperor.
"Wala akong masabi, emperor," tugon nito at bahagya siyang nakangiti habang kasalukuyan pang pinagmasdan ang mga kalaban sa ibaba.
At maya-maya pa ay umatras ang ibang nakaligtas mula sa kapangyarihan ni Emperor Aegaeus.
"Tayo na!" At hinawakan nito ang kamay ng heneral at gamit ang kapangyarihan ng emperor ay agad silang nakabalik sa kanilang tolda.
"Salamat, Emperor Aegaeus," aniya.
"Walang anuman. Magpahinga ka muna," utos niya rito.
"Hindi pa naman ako napapagod," pahayag ng heneral.
"Kung ganoon... halika sa loob ng aking tolda at may ibabagawa ako sa iyo." At pumasok siya sa tolda niya at sumunod naman ang heneral.
"Igawa mo ako ng tsaa," utos ng emperor rito.
"Masusunod, Emperor Aegaeus." Dali-dali naman siyang kumuha ng mainit na tubig at maingat siyang gumawa sa maliit na takure.
Habang gumagawa ng tsaa si General Accientsy at lihim itong pinagmasdan ng emperor at nakangiti ito habang nagkuwaring may binanasa ito. At maya-maya pa ay biglang nararamdaman ng emperor na merong kaaway na nakalapit sa lugar na pinagpahingaan nila.
Napahinto si General Accientsy sa ginagawa niya nang biglang nakarinig siya nang ingay sa labas.
"Emperor Aegaeus, may mga kalaban sa labas—" Akmang tatayo na sana ito.
"Tapusin mo muna ang aking tsaa," kalmado nitong utos na parang walang nangyari sa labas.
"O— Okay, emperor." Parang nahihiya siya sa kaniyang reaksyon.
Medyo naramdaman naman hiya ang heneral dahil sa pagiging agresibo niya ng nang sandaling iyon. Sapagkat nakalimutan nitong isang emperor ang pinagsisilbihan niya ngayon.
"Emperor Aegaeus, ito na ang tsaa mo—"
Putol nitong sasabihin dahil matapos niyang ibaba ang tsaa sa lamesa ay bigla siyang hinila papalapit sa kinaupuan ng emperor. At pinaupo ito sa tabi nito gamit ang kapangyarihan niya. Biglang tinusok ng emperor ang magkabila niyang balikat upang hindi siya makagalaw.
"E-Emperor Aegaeus, a-ano ang ginagawa mo?" kinabahan nitong tanong.
Hindi agad sumagot ang emperor, bagkus iniinom muna nito ang tsaa na gawa niya. "Dito ka lang, ayaw kong mapahamak ka kang muli nang dahil sa akin. Hayaan mong ako ang maprotektahan kita."
Kasabay noon, ay ang paggamit nito sa kapangyarihan niya at lumikha ito ng isang tila higanteng bulamok. At nakakulong dito si General Accientsy.
"Emperor, pakawalan mo ako dito!"
"Hintayin mo ang pagbalik ko," kalmado nitong bilin, at naglaho ito na parang kidlat.
Nang mawala ang emperor sa harapan niya at pilit nitong alisin ang kapangyarihan na nagkulong sa kaniya. Subalit sadyang malakas ang pangyarihan ni Emperor Aegaeus, at hindi ito basta-bastang nawawasak.
Sa labas ng tolda ay, nakikipaglaban ang emperor sa mga umaatake sa kanila. Napansin nito na tila mga assassin ang umaatake sa kanila. Habang nakikipaglaban siya ay lihim rin siyang nag-obserba, maya-maya pa ay napansin niya ang Ottonem Nunneapia Nation Token, nakasabit ito sa gilid ng isang kalaban. Agad naghinala si Emperor Aegaeus na mayroong traydor sa loob ng kaharian.
Sa tanto niya ay hindi siya ang target ng mga assassin. Kung hindi ang mga yaman na dala niya. Dahil doon ang punta ng ibang kalaban. Nagtungo doon ang emperor at gamit ang malakas niyang kapangyarihan at nilagyan niya ito ng kalasag upang hindi mapasok ng mga kawatan.
Patuloy siyang nakikipaglaban gamit ang espada na nagmula sa kaniyang kaliwang kamay. Bawat hampas niya nito ay sinigurado niya na mamamatay ang mga kalaban. Nang matanto niya na safety na ang mga donasyon para sa Kilianata Valley Realm ay binalikan na nito si General Accientsy.
Samantalang nakapasok naman ang ibang assassin sa loob ng tolda ng emperor at walang nagagawa ang heneral na babae. Dahil hindi siya makakilos at pinanood niya ang mga assassin na nakapasok. Habang pilit winawasak ang kalasag. Natutala si General Accientsy, sapagkat nakita niya na ang mga assassin ay galing rin sa kanilang Nation.
Malakas ang hinala niya na mga tauhan ito ni Regis Filius Damarion. At maya-maya pa ay pumasok si Emperor Aegaeus at agad niyang pinagtataga ang mga assassin. Kumunot ang noo ni General Accientsy, habang pinagmamasdan niyang nakikipaglaban ang emperor.
"Retreat! Retreat!" sigaw ng leader ng mga assassin, subalit marami ang nasawi sa mga ito at bigo sila sa kanilang binabalak.
Nang matanto ng emperor na wala na ang mga kalaban ay saka pa lang inalis nito ang kalasag. Hindi pinansin ni General Accientsy ang emperor, matapos siyang pakawalan ay lumabas itong walang paalam.
Napangiti ang emperor habang pinagmasdan niya si General Accientsy na palabas ng tolda. Lumabas siya upang sundan ang dalaga.
"Ehem!" Aghan ng emperor mula sa likuran ng heneral. Ngunit hindi siya pinapansin nito.
"General, may napansin ka ba sa mga assassin na umatake sa atin?" mahinang tanong ng emperor. Dahil alam niyang galit ang heneral.
"Napansin mo pala?" tugon nito.
"Etiam," simpleng turan nito.
"Baka mga tauhan iyon ni Regis Filius Damarion," malungkot nitong tugon.
"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka na tanong ng emperor.
"Siya lang naman ang naiiba sa tatlong magkapatid, at siya lang ang may balak na pumalit sa amang hari niya."
"Ganoon ba?"
Hindi muling nagsalita ang heneral na babae at naglakad-lakad ito upang tingnan kung may natitira pang buhay.
"Sandali!" tawag ni General Accientsy sa isang kawal at huminto naman ito. "Kumusta ang mga donasyon natin?" tanong niya sa kawal.
"Safety ang mga donasyon, General Accientsy. At sa tulong iyon ni Emperor."
"Sige, salamat."
At umalis na ang kawal. Humarap naman si General Accientsy sa emperor at dali-dali itong yumukod. "Maraming salamat, emperor!"
"Tumayo ka." At inalalayan siya nito para makatayo. "Hindi ko lubos maisip na magagawa ito ni Regis Filius Damarion. Pero sigurado ka ba siya ang mastermind?"
"Oo, siguradong-sigurado ako." Inipon nila ang mga bangkay at kinuha ang mga Nation Token mula sa katawan ng mga bangkay.
At agad nagpadala ng sikretong liham si General Accientsy kay King Arran. Ibinalita niya rito ang pag-atake ng mga assassin na galing rin sa Ottonem Nunneapia Nation.
Sa gabing iyon ay hindi na nakatulog si General Accientsy, dahil nag-alala siya na baka babalik ang mga kalaban. At maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng tolda niya at nabigla siya sa pagpasok ng emperor.
"Emperor Aegaeus, may iutos ka ba ka?" tanong niya at dali-dali itong tumayo.
"Wala naman, pero alam ko kasi na gising ka pa kaya pinuntahan kita para bantayan. Sige na, magpahinga ka muna at nandito lang ako"
"Okay lang po ako, emperor."
"Sige na, huwag mong kalimutan na babae ka pa rin at kailangan mo ang pahinga. Sige na humiga ka na at dito lang ako."
"Salamat, emperor." Tumayo siya at nagtungo sa higaan at humiga siya.
Tumalikod siya upang hindi mapansin ang mukha ng emperor sapagkat nahihiya siya. Sa bawat effort na ginagawa ng empero kay General Accientsy ay unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. At ang bawat ginagawa ng emperor ay kaniya itong hinahangaan.
Ramdam ng emperor na hindi makatulog si General Accientsy, kaya ginamit nito ang kapangyarihan niya at lumikha siya ng mabangong usok na pangpakalma ng isip.
At maya-maya pa ay nakatulog na ito. Masarap ang ngiti ng emperor habang malaya niyang pinagmasdan ang heneral na mahimbing ang tulog.
Hindi naman namalayan ng emperor at nakaramdam ito ng antok. Kaya hinayaan rin niya na makatulog siya sa upuan para makapagpahinga nang kaunti.