NUPTIAS
NANG dumating ang magkasintahan sa Hiluthas Palace, ay nadatnan nila si Prince Fiske, na mula sa West Feral Sea.
"Maku," sambit ni Princess Katsumi sa ama niya.
Agad siyang tinitigan ni Prince Fiske, at tumayo ito para magbigay pugay. "Princess Kat—"
"Maku, may problema ba?"
Hindi natuloy ang sasabihin ni Prince Fiske, dahil biglang nagsalita si Princess Katsumi, sapagkat nag-alala siya sa kaniyang ama. Dahil seryoso ang mukha nito.
"Wala namang problema, Princess Katsumi. Nagpunta lang kami rito para hingin ang kamay mo," si Prince Fiske ang sumagot.
"Hindi ikaw ang tinanong ko!" sarkastiko niyang tugon rito. At napansin agad ng magkasintahan ang pagsalubong ng mga kilay ni Prince Fiske.
"Tama ang sinabi niya, filius," tugon ng hari.
"Patawad, Prince Fiske. Hindi kita gusto at ikakasal na ako kay Prince Cacao."
"Injustus!" biglang bulyaw ni Prince Fiske, at nagulat sila sa malakas nitong boses. "Pareho kaming prinsipe! Kaya dapat patas ang laban!" dagdag pa nito.
"Mas injustus kung magpapakasal ako sa lalaki na hindi ko mahal," kalmado na tugon ni Princess Katsumi.
"Princess Katsumi, natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa iyo noong una tayong magkita?"
"Ang ganda mo, Princess Katsumi. Gusto kita at paglaki natin ay pakakasalan kita," wika ni Prince Fiske.
"Hmp! Magpapakasal lang ako sa lalaking mahal ko!"
"Basta! Papakasalan kita, akin ka lang! Papatayin ko lahat ng mga lalaking magkakagusto sa iyo!" Galit na banta ni Prince Fiske.
Nang maalala iyon ni Princess Katsumi, agad siyang tumingin kay Prince Cacao. Hindi nagsasalita si Prince Cacao dahil hindi naman siya kasali sa usapan. Hindi naman ito natatakot, sadyang edukadong regis filius lang talaga siya. Umalis si Prince Fiske na baon ang galit at ang kabiguan niya.
"Basileus," binabantaan ka ba ni Prince Fiske?" tanong ni Prince Cacao nang tuluyang makaalis ang taga-West Feral Sea.
"Kapag ituloy daw ang nuptias ay magdeklara sila ng proelium. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi ako natatakot sa banta niya. Hindi ko babawiin ang napagkasunduan na nuptias," pahayag ng hari.
Nagpaalam si Prince Cacao na uuwi muna sa kaharian nila at babalik sa mismong araw ng nuptias nila. Hinatid ni Princess Katsumi ang amicus niya sa labas ng malaking pinto ng kanilang kaharian.
"Cao, mag-ingat ka," bilin niya rito.
"Bene facis!" At humalik siya sa noo ng amica niya.
Habang lumalangoy si Prince Cacao, ay nararamdaman niya na tila may sumusunod sa kaniya. Binilisan niya ang paglangoy upang ilihis ang mga ito. Alam na agad niya na ang mga shokoy ang sumusunod. Hindi siya natatakot sa mga ito at inihanda ang sarili niya para sa pakikipaglaban.
At nang makadistansya siya sa mga shokoy ay agad na itong huminto at inabangan niya ang pagsalakay ng mga shokoy. Limang kilometro ang layo ay huminto si Prince Fiske kasama ang sampung alipores.
"Ano ang kailangan mo?" kalmado na tanong ni Prince Cacao.
"Ang buhay mo!" nakangisi nitong tugon, ngunit hindi natinag si Prince Cacao.
"Atake!" utos agad ni Prince Fiske sa mga alipores.
Ibinuka naman ni Prince Cacao ang dalawa niyang palad at lumikha siya ng dalawang malakas na ipo-ipo. Nang nakalapit ang mga ito ay agad niyang hinagis ang sandata nitong ipo-ipo. Ang lahat ay natangay at tumilapon sa malayo, maliban lang kay Prince Fiske, sapagkat mabilis itong nakailag.
"Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Prince Fiske at mabilis na lumayo sa lugar.
"Duwag!" paanas na sabi ni Prince Cacao at bahagya pa itong ngumiti.
SUMAPIT ang araw ng nuptias at excited na si Princess Katsumi. Masaya siya na nakaharap sa malaking salamin habang inayusan siya ng kanyang mga famulus.
"Lalo kang gumanda, Princess Katsumi," nakangiting sabi ng isa niyang famulus.
"Bene facis!" masaya naman nitong tugon.
"Nandito na ang taga-Adrape Khiarzugu Palace!" sigaw ng kawal mula sa labas ng kuwarto ni Princess Katsumi.
Dali-daling naman siyang tumalon simula sa kinaupuan nito, na tila hindi na mahihintay ang oras. "Tayo na!" At sabay hila niya sa dalawang famulus.
"Dahan-dahan lang, Princess Katsumi!" Pag-alala ng famulus niya.
Nang makita ng mga bagong sibol ang paglabas ng Princess Katsumi nila ay agad na silang sumayaw sa gitna ng bulwagan. Sinalubong naman ni Prince Cacao ang kanyang magiging mulier at hinawakan nito ang palad. Lumapit ang dalawang famulus at mayroon itong sinabit na kulay lila na malaking kwintas sa mga leeg nila, palatandaan ito ng pag-iisang dibdib.
Nang matapos sumayaw ang mga bagong sibol ay dahan-dahan na silang naglalakad patungo sa harapan. Kung saan nakaupo ang babaylan na magkakasal sa kanila. Nagsimula na ang seremonya at kasalukuyang nagsasalita ang babaylan nang biglang nagsisigaw ang mga panauhin na nasa labas ng kaharian.
"Anong nangyari?!" gulat na tanong ng kanilang Basileus.
Nagsisigawan na ang mga panauhin na nasa loob ng bulwagan dahil sa sunod-sunod ng mga pagsabog.
"Basileus! Basileus! Umatake ang mga shokoy!" sigaw ng isang kawal.
"Lumikas na kayo!" sigaw ng hari sa buong bisita.
"Maku, Ima, tumakas na kayo!" utos ni Prince Cacao sa mga magulang niya.
"Dito tayo!" pahayag ng ama ni Princess Katsumi sa mga magulang ni Prince Cacao.
"Lipulin ang lahat at walang itirang buhay!" sigaw ni Prince Fiske.
"Katsumi, tumakas na kayo at ako na ang bahala dito."
"Hindi, Cao! Tayong dalawa ang lalaban!"
Inutusan ni Princess Katsumi ang dalawa niyang famulus at pinalikas ang mga bagong sibol. Patuloy ang labanan sa dalawang kaharian. Ang pag-atake ni Prince Fiske, ay hindi alam ng ama niyang hari.
Nagkakulay-dugo ang buong paligid na halos hindi na makikita ang bawat isa. Patuloy na nakikipaglaban si Prince Cacao at Princess Katsumi, gamit ang mahaba nilang tabak. Biglang sumulpot sa likuran ni Prince Cacao si Prince Fiske, at bahagya itong ngumiti at itinaas ang kaniyang mahabang tabak. Nakita ni Princess Katsumi ang pag-atake ni Prince Fiske sa amicus niya kaya mabilis itong lumangoy patungo sa kinaroroonan ni Prince Cacao. Niyakap niya ito at mabilis siyang umikot.
"Katsumi!" bulalas ni Prince Cacao, dahil sa pagkagulat niya.
"Cao…" mahinang sambit ni Princess Katsumi, dahan-dahan niyang itinaas ang palad nito upang mahawakan ang pisngi ng amicus niya.
"Katsumi… Katsumi…" paulit-ulit na sambit ni Prince Fiske at nabitawan niya ang tabak na tumusok sa mga katawan ng magkasintahan.