Chapter 6

2628 Words
Pagkahapon ay hinayaan muna sila at bukas na lang daw mag-uumpisa ang klase. Ang unang araw ay binigay sa mga first year college para kunin ang uniporme ng hindi pa nakakakuha at ang ID ay pinamimigay na rin. Agad na pumila ang dalawa sa kuhanan ng ID para mamaya ay makapag-ikot sila. Gusto kasi ni Amelia na malibot ang buong unibersidad habang si Joyce ay sasama lang sa kaniya. Ang gusto talagang malaman ni Joyce ay ang lokasyon ng silid-aklatan. Maliban sa pagguguhit, gusto niya rin ang pagbabasa kapag wala siyang ginagawa o tapos na ang kaniyang gawain. Kaya gusto niyang malaman kung saan siya puwedeng pumunta kung sakali para makapanghiram doon. “Pagkatapos nating kumuha ng ID, kumain na muna tayo sa canteen. May nakita akong pizza roon at mukhang masarap. Gusto kong subukan.” Napangiti si Joyce dahil ang foodie ng kaibigan. “Sige. Sasamahan kita mamaya.” Ngumiti lalo si Amelia sa sagot ng kaibigan. “Miss, ikaw na!” sigaw ng estudyante na nasa likuran ni Joyce. Napangiwi si Amelia dahil hindi man lang siya nakatingin sa kaniyang unahan. “Sorry!” Nag-peace sign pa ito bago tumakbo papasok ng silid na kuhanan ng kailangan nila. Sumunod na rin si Joyce dahil siya lang din naman ang sunod. Hindi na nagkomento ang sa likod nila at sumunod na rin papasok. Mayroong dalawang mesa para magbigay ng ID at nakasulat sa itaas nito ang iba’t ibang college department. Ang kailangan mo lang ay lumapit kung saan ang department mo tapos makukuha mo na doon ang ID. Mayroon namang isang mesa para sa nagbibigay ng uniporme. May mga assistant lang ito kaya mabilis ang bigayan sa kanila. Kumuha muna si Amelia ng uniporme niya kaya tumuloy naman si Joyce sa pagkuha ng ID niya. Agad naman itong binigay pero nang makita na iskolar siya, naghabilin ito. “According to your lead teacher for scholarship, you will be having a meeting at four o’clock in the afternoon. She will meet you in the faculty room number three along with the other scholars.” Ang tinutukoy niya silid ay silid talaga para sa kanilang mga iskolar. Nakapunta na roon si Joyce kaya alam niya iyon. “Okay po, Miss. Salamat po!” nakangiting sabi ni Joyce na medyo yumuko pa. “You are welcome. You may go now.” Umalis naman si Joyce at hinintay sa labas si Amelia. Medyo mataas na ang haring araw kaya mainit pero hindi naman direktang natatamaan si Joyce dahil may masisilungan naman. Napatingin-tingin siya sa paligid pero wala talaga siyang makilala. Hindi na lang niya pinansin at tiningnan ang ID na binigay sa kaniya. Para itong atm kaysa sa ordinaryong ID katulad noong nasa high school siya. Ayon sa nabasa niyang tungkol sa ID nila, may bar code ito. Kapag papasok ay ito na rin ang gagamitin bilang attendance. Kahit sa mga programa, kailangan nito para masigurado na nandoon ang estudyante. “Joyce, balik muna tayo ng dorm. Ang hirap naman maglakad na bitbit ito.” Itinaas pa nito ang supot na may lamang uniporme. Nandito ang pang-araw-araw, pang-PE, saka nandito na rin ang department uniform. Medyo marami nga at para kay Amelia na hindi sanay, pakiramdam niya ay ang dami niya ng dala. “Sige.” Naglakad na dilang dalawa pabalik sa dorm nang may nadaanan silang nagtitinda ng pizza. May mga booth din kasi rito maliban sa canteen. “Bumili ka na lang kaya rito, tapos doon mo na lang kainin sa silid natin. Medyo mainit na rin kaya sa hapon na lang tayo mag-ikot-ikot.” Napaisip naman si Amelia sa suhestiyon ng kaibigan. Kita ni Joyce na nahihirapan itong magbitbit kaya kinuha niya ito at siya na mismo ang nagdala. Masaya namang tumakbo si Amelia sa bilihan no’ng wala na siyang dala. Sa huli, napailing na lang si Joyce sa kaibigan. Hinayaan ni Joyce si Amelia na bumili. Naghintay lang sila sandali bago dumating ang order ng kaibigan. Pagkatapos ay bumalik na agad sila sa kanilang dorm. Maaga pa para sa pananghalian kaya ayos na kumain muna sila. Nang makarating sila sa dorm, nilapag ni Amelia ang dala sa mesa at kumuha ng plato. Si Joyce naman ay ipinasok ang mga damit ng kaibigan sa closet nito, inayos niya na rin para hindi magusot. Ang mga damit ay nalabhan na at ready to use na talaga kaya nilagay niya na lang agad. “Joyce, kain muna tayo!” tawag ni Amelia sa kaibigang kakalabas lang ng kaniyang silid. Nasa ibabaw ng mesa ang pizza at pitsel na may lamang juice. Ginawa ito kanina ni Joyce bago umalis at nilagay sa refrigerator para malamig kung iinumin. “Mauna ka na. Magsasalang lang ako ng sinaing.” Naubos kasi kanina ang sinaing niya kaya magsasaing siya ulit. “Okay,” simpleng sagot ni Amelia na kumain na agad. Maaga pa naman kaya kumuha na rin si Joyce ng karne para mapalambot ito. Adobong baboy lang ang lulutuin niya para hindi na marami pang sangkap na kailangan. Nagsaing na rin siya bago lumapit sa mesa para makakain. Habang kumakain, naalala ni Joyce ang sabi ng guro kanina. Kaya kaniya itong ibinahagi kay Amelia. “Mamaya pala, may meeting ako ng four kaya maglibot tayo hangang three lang. Ayos lang ba iyon?” “Okay. Isang oras siguro ay ayos na iyon,” sabi ni Amelia. Hindi na siya nagtanong kung tungkol saan ito dahil alam niyang magiging abala ang kaibigan lalo na’t iskolar ito. Ngumiti na lang si Joyce at kumain na rin. Ilang subo lang ang kinain niya bago nagluto. Ito namang Amelia ay panay ang sunod kay Joyce para raw matutong magluto. Walang magawa si Joyce kundi hayaan ito at saka mas mainam nang matuto ito. Pagkatapos nilang nagluto ay nag-ayos lang sila sandali ng kanilang dorm. Maya ay kumain na rin. Wala silang imik na dalawa, lalo na si Amelia na sarap na sarap sa niluto ni Joyce. Palagi itong niluluto sa kanila pero iba pa rin ang luto ng kaibigan. May kakaiba ito na talagang nagpapasarap. Nang matapos silang kumain, si Amelia na ang naghugas ng pinggan. Gusto niyang matuto ng gawin bahay kaya tinuturuan siya ni Joyce. Nakamasid ang huli sa ginagawa ng kaibigan. Nagsasalita kung napapansin niyang mali ang ginagawa nito at napapatango kung ayos naman. Nagpahinga lang din sila sandali bago nila naisipang lumabas at mamasyal. Medyo may kainitan pa pero nabawasan dahil sa malalaking puno sa daan. “Bili muna tayo ng maiinom bago maglibot,” sabi ni Amelia. “Sige. Shake na lang siguro,” suhestiyon naman ni Joyce. “Sige.” Pumunta muna sila sa malapit na booth na siyang nagtitinda ng share. May iba’t ibang flavor kaya mahirap pumili. “Strawberry po sa akin,” sabi ni Amelia sa tindera bago ito humarap kay Joyce. “Ano sa iyo?” “Buko na lang.” Ngumiti pa si Joyce habang sinasabi ito. Sa paningin niya, masarap naman ang iba pero medyo naghahanap siya ngayon ng buko. Kaya ito ang pinili niya kaysa sa iba. Naghintay lang sila sandali at nagbayad bago nila nakuha ang order nila. Habang umiinom, nag-umpisa na ring maglakad ang dalawa. Tinitingnan ang bawat gusali ng eskwelahan. Mula sa mga silid hanggang sa mga gym at science lab. “Saan pala rito ang library?” tanong ni Joyce nang hindi niya makita ang library kahit kanina pa sila naglalakad. “Library ba? Malapit lang iyon sa dorm pero hindi tayo dumaan doon kanina kaya hindi natin nakita. Sa pagkakaalam ko, kaya malapit iyon sa dorm ay para hindi mahirapan ang mag-aaral sa gabi sa library. Bukas iyon hanggang alas-dyes ng gabi para mabauwi ang mga estudyante bago ang curfew sa alas-onse,” mahabang paliwanag ni Amelia. Nakinig naman itong si Joyce at tumango nang makuha niya. Gusto nga niyang magtagal sa library pero mas gusto niyang manghiram lang dito at sa bahay magbasa. Gusto niya kasi kapag nagbabasa siya, walang masyadong tao. Hindi naman siya introvert pero gusto niya ng katahimikan kapag focus siya sa libro. “Samahan mo ako minsan sa library para malaman ko ang daan.” Kapag lugar, kahit maliit na eskinita pa iyan, maaalala niya agad basta nakita na niya pero kapag tao ay agad niyang nakakalimutan. “Okay. Wala namang problema sa akin dahil nagawa ko na ang pinasang gagawin namin. Ikaw?” Baling ni Amelia kay Joyce. “Nagawa mo na ba ang pinapagawa sa iyo?” Nakakunot ang noo na humarap si Joyce sa kaibigan at nagtanong, “Mayroon ba? Hindi ko nabubuksan ang cellphone ko, e. Sira na ata ang battery.” Nahihiyang napakamot si Joyce sa kaniyang braso. “Hmm, kung may gagawin ka nga ay hindi mo pa nakikita kung ganoon. Gawin mo na lang, pagkatapos ng meeting mo ay buksan mo ang account mo sa laptop ko. Mas madali sa laptop, e. Kung kailangan magpa-print, may printer din ako. Sabihan mo lang ako,” nakangiting sabi ni Amelia. Nakahinga naman si Joyce nang maluwag dahil ngayon ay may kaibigan siyang matatakbuhan kapag siya ay nangangailangan. “Sige. Maraming salamat!” “Wala iyon! Tara na at umuwi! Baka ma-late ka pa mamaya sa meeting mo.” Umuwi nga silang dalawa na ngumangata na naman ng banana cue na kanilang nadaanan kanina. Sobrang sarap na sarap si Amelia sa simpling pagkain na ito kaya natatawa naman si Joyce sa kadaldalan ng kaibigan. Ni hindi nga nila napapansin na halos madaanan nila ay napapatingin dahil mayroon silang sariling mundo. Pagkahatid ni Joyce sa kaibigan, kumuha lang siya ng ballpen at maliit na notebook bago pumunta sa meeting. Natatandaan niya pa naman ang daan kaya agad siyang nakarating. May iilan na ang nandoon pero may ginagawa ang mga ito. Pinaupo lang siya nila sa bakanteng upuan na nandoon habang naghihintay siya. Hindi naman nagtagal at dumating ang ilan pa. Doon ay isinagawa ang meeting, mula sa patakaran hanggang sa iba pang bagay. Maya ay tungkol na sa gagawin nila ang naging usapan. Sa buong durasyon ng meeting, nakikinig lang si Joyce at hindi sumasabat. May nakausap din naman siyang iilan pero hindi ganoon kalalim. Kinukopya niya rin ang importanteng paksa sa meeting nila. Isa-isang tinawag ang pangalan ng mga iskolar at kung saan sila maa-assign. Ilan ay base na rin sa kakayahan at karanasan na isinulat noong nag-submit sila ng application. Ang iba ay sa club nilagay habang ang iba ay magiging student assistant ng teacher. Hanggang napunta na kay Joyce. “Joyce Scott, you will be assigned to the School Publishing with Miss Debbie as the teacher in charge. Just report to her and she will assign you your work.” May sunod pa itong sinabi pero sa ibang estudyante na. Tinandaan ito ni Joyce at aalamin niya na lang kay Amelia mamaya kung saan ang room ng School Publishing. “Ang mga guro ninyo ay maaaring magbigay ng opinyon nila kung itutuloy pa ba ang scholarship ninyo sa susunod na taon o hindi na. Kaya sumunod sa guro, nagkakaintindihan ba tayo?” Sumagot naman sila ng sabay-sabay ng opo. Doon ay nagtapos ang kanilang meeting. Noon pa man ay gusto na ni Joyce ang magsulat-sulat ng kung anuman, kaya masaya siya na doon siya napunta. Kung magiging bahagi siya nito, maaaring maging dagdag sa credential niya ito. Nang makauwi siya, kumatok muna siya bago niya pinuksan ang pinto gamit ang sariling susi. Pagbukas niya, agad niyang nakita ang dalawang taong nag-uusap. Si Amelia ang isa pero ang lalaki ay hindi niya kilala pero binati niya pa rin ito. “Magandang gabi po!” Gabi na noong natapos ang meeting nila kaya nag-alala si Joyce sa kaibigan. “Kumain ka na ba?” tanong niya rito. Tinanggal muna ni Joyce ang sapin sa paa na ginamit niya sa labas bago isinuot ang tsinelas nila para sa loob ng dorm nila. “Hindi pa,” sabi nito na nakangisi pa bago nagpatuloy, “hinihintay ka na nga roon ng pinalambot ko na karne ng baboy, e.” “Ganoon ba. Sige ako na ang magpapatuloy.” Ngumiti pa si Joyce na pumasok muna sa silid para ilapag ang gamit. Paglabas niya ay tinawag siya ng kaibigan kaya tumigil sila. “Kuya ko nga pala. Tawagin mo lang siyang Kuya Art dahil mas matanda siya sa iyo ng ‘di hamak.” May kakaibang kislap ang mata nito pero hindi na iyon pinansin ng dalawa. “Dito rin pala siya maghahapunan,” dugtong pa niya. “Okay. Maghahanda lang ako. Madali lang ito.” Pumasok na agad si Joyce sa kusina para maghanda. Napansin niyang may sinaing na pala si Amelia kaya napangiti na siya. Nilalaga na rin nito ang karne at mukhang tama naman ang ginawa ng dalaga. Ang ginawa na lang ni Joyce ay ihanda ang mga gulay. May katigasan pa ang karne kaya nilaga niya pa ito ng ilang minuto. Hiniwa niya ang mga gulay at naghanda na rin siya ng inumin para mamaya. May nakahanda ng matamis na pagkain sa refrigerator at kukunin na lang ito mamaya. Habang abala si Joyce sa kusina, nag-usap naman ang dalawang tao sa sala. Hangga’t maaari ay mahina lang ito at baka marinig pa ni Joyce. “Ngayon? Panatag ka na ba?” “Not yet,” sagot ni Artavius na tinitingnan ang kalat sa mesa. Halos ito ay mga libro ng architecture. “Sloppy!” he whispered. “She’s not!” sigaw na bulong ni Amelia sa kapatid. “Kung nakikita mo, malinis ang buong dorm namin dahil sa kaniya. Ito lang talaga ang nakakalat dahil nakakalimutan niya kung saan na siya banda kung ginagalaw ang gamit niya. Kaya huwag mong gagalawin!” Parang inahing manok ito na pinoprotektahan ang pugad niya. “Tsk!” sagot lang ni Art at tumingin sa paligid. Tama nga naman si Amelia dahil malinis at hindi nakakalat ang mga gamit dito. Kahit nga ang mga sapatos ay may lagayan talaga na siguradong hindi sa kaniya ng kapatid niya. Gawa ito sa karton na mukhang ni-recycle lang. Magandang tingnan dahil may disenyo ito. Hindi na nagsalita si Art at pinakinggan na lang ang kapatid na panay ang kwento. Mula sa kung paano siya natutong maglinis, maglaba, magluto, at bumili sa palengke. Dahil itong lahat kay Joyce. For the first time, pakiramdam ni Art ay may umagaw na sa pwesto niya bilang pinakapaboritong tao ng kapatid. Nakaramdam siya ng pangangasim sa isiping iyon. “Luto na! Kain na tayo!” sigaw mula sa kusina ang nagpatigil sa bunganga ni Amelia. “Kaininan na!” Agad niyang hinila ang kuya at pinaupo sa upuan katapat ang pinggan. “Kumain ka, Kuya para matikman mo ang luto namin ni Joyce.” “Ahem!” Tikhim ni Joyce ang nagpatigil sa masigasig na Amelia. “Oo nga pala. Pray muna.” Nakangiwi itong umayos ng upo habang ang gilid ng labi ni Art ay medyo napataas. Naupo sina Amelia at Joyce, at nanalangin sila na pinapangunahan ni Amelia. Para lang itong bumulong bago sinabi ang amen. Halatang nagugutom na nga kaya napailing na lang si Joyce habang nakatingin lang si Art sa kapatid. Tinikman ni Art ang niluto nilang nilagang baboy at masarap naman sa panlasa niya. Ngunit ayaw niyang sabihin ito sa kapatid lalo na sa bago nitong kaibigan. Hindi niya alam pero naiinis siya sa dalaga. “How is it?” Bakas ang excitement sa mukha ni Amelia. ”Just fine.” Napabusangot ito bigla sa sagot ng kapatid. “Hmp!” Irap ni Amelia rito bago nagpatuloy na kumain. Si Joyce ay natawa lang sa usapan ng magkapatid. Hindi niya tuloy napansin na may isang nakatingin sa kaniya ng palihim. Naiinis na naman ito dahil muli na namang nakalimutan ng dalaga ang pangalan niya. Pakiramdam niya, hindi siya ganoon ka-appeal para makuha ang pansin ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD