bc

Words that Bloom

book_age16+
428
FOLLOW
1.8K
READ
goodgirl
student
drama
sweet
bxg
genius
nerd
campus
first love
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Si Artavius ay isang anak mayaman at presidente ng isang paaralan; matalino at palaging nangunguna sa lahat ng bagay. Dahil din sa taglay na pisikal na katangian, habulin siya ng mga babae. Maaari na siyang matawag na ideal man nino mang mga babae. Everything seems to be perfect.

Pero isang araw, may nakilala siyang nagbuhay ng kakaibang damdamin sa kaniyang puso. Palaging itong hinahanap ng kaniyang mga mata at matitigan ito habang nag-aaral. Ngunit naiinis naman siya kapag ngumingiti na ito.

Matalino rin ito gaya niya at kaya siyang sabayan. Ang mas nakakainis para sa kaniya ay hindi siya nito pinapansin. Kapag nagkakasulubong sila ay palagi lang siya nitong binabalewala na parang ordinaryong tao. Palagi rin nito nakakalimutan ang pangalan niya na siya palaging nagpapainit ng kaniyang ulo.

Hanggang pati ang atensiyon ng kaniyang kapatid ay nakuha na rin nito. Naiinis siya sa babae kaya gusto niya itong balikan, gusto niya itong saktan at bawiin ang para sa kaniya.

Pero sa kabila ng inis na kaniyang nararamdaman, isang damdamin ang sumisibol sa kaniyang puso. Hindi niya napapansin na nakakapasok na ito sa kaniyang puso.

Ano kaya ang gagawin ni Artavius upang makapaghiganti? Higanti nga ba, o ang pagkuha ng pansin nito upang mapansin niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
In life, not everyone has the privilege to get what they want, and one of them was to study. Some need to work hard to get it and some choose to work for a living rather than to study. But people were different, some were hardworking however some were lazy and enough to what they have. Some were content with their small job, while some kept seeking more. Some people will sell themselves to demons just to get by, and there’s also someone who is still giving even though they don’t have anymore. Different people, different personalities, and different perspectives in life. That is where Joyce lives. People around her were different and she belongs to those who worked hard just to achieve her goal. To achieve it, today is her first step and she won’t let this chance slip out of her finger.  “Ang ganda natin ngayon, ah. Saan ang punta, Tisay?” sabi ng lalaking umaga pa lang ay lango na sa alak. “Ang aga naman po niyan, Mang Bert.” Hindi sinagot ni Joyce ang kaniyang pasaring, bagkus ay pinuna niya rin ito. “Pampalakas lang ito, Tisay.” Isang nakasando na puti at may balbas ang sumagot kay Joyce. “Ganoon ba. Sige po, ituloy na lang po ninyo iyan. Sana po makapagbuhat pa po kayo mamaya. Alis na po ako,” paalam ni Joyce sa kanila bago umalis. Sa daan naman ay nakasalubong niya ang kaniyang bestfriend na si Rowena. May pupuntahan din ito base sa kaniyang ayos.  “Saan ang punta mo?” puno ng pagtataka niyang tanong lalo na’t may bagahe pa itong dala.  “Ay, ikaw pala, Bestie. Sorry hindi na ako nakapag sabi na aalis ako ngayon. Kagabi lang kasi tumawag si Ate mula probinsya na kailangan niya ang tulong ko roon. Minamadali na ako kaya hindi na ako nakapag paalam sa iyo.” Nakanguso at nanlalaki ang mata pa ito na akala mo nagmamakaawang aso. Napabuntonghininga na lang si Joyce.  “Ingat ka sa biyahe. Tulungan pa ba kita?” Tukoy nito sa mga bagahe ng kaibigan.  “Hindi na kailangan, nandiyan naman si Kuya para gawin iyon. Mag-ingat ka rin dito. Magkikita tayo ulit at kapag nangyari iyon, dapat Architect Scott ka na.” Natawa na lang si Joyce sa sinabi ng kaibigan.  “Sige na. Kailangan ko pang pumunta sa kanila Ma’am Padua.” Tiningnan niya ulit si Rowena nang may pagmamahal sa mga mata. Si Rowena ay halos kapatid niya na kung ituring ay aalis. Hindi niya ito mapipigilan kaya susuportahan na lang niya. “Mag-ingat ka roon. I love you, Bestie.” Mabilis niyang niyakap si Rowena.  “I love you, too. Sige na. Baka mahuli ka pa. Tatawag ako kay Nanay kung may oras at tawagan mo rin ako," sabi pa ni Rowena.   “Sige. Ikaw rin.”  Naghiwalay ang magkaibigan na medyo mabigat ang loob pero hindi naman nila hawak ang desisyon. Kung magiging emosyonal sila, hindi naman iyon makatutulong.  Sa daan naman ay nakasalubong niya ang mga tsismosa. Tungkol na naman sa pagdakip ng pulis sa isa nilang kapitbahay at sino ang kabit ni sino.  Sanay na si Joyce na ganito palagi ang kaniyang nadaraanan. Iba’t ibang tao pero mga kasangga niya ang mga ito. Parang mga pamilya sila sa squatter area na ito malapit sa ilog.  Ngayon nga ay pupunta siya sa taong tutulong sa kaniya upang maisagawa ang unang hakbang ng kaniyang pangarap, ang kolehiyo. Sa mahihirap, ang kolehiyo ang tanging pag-asa para nagkaroon ng magandang trabaho sa susunod.  Bata pa lang ay pangarap na ni Joyce ang maiahon sa hirap ang kaniyang ina. Hindi naging hadlang ang mga taong nasa paligid niya o kung ano man ang tinitirhan niya. Basta siya ay nagsisikap, iyon ang mahalaga. Mabilis siyang naglakad papunta sa bahay ng taong malaki ang tulong sa kaniya. Siya ay retiradong guro na nagbibigay ng kaunting pera kay Joyce upang pampuhunan nito sa maliit niyang negosyo, ang pagtitinda sa eskwelahan.  Nakakaangat ito sa buhay kaya medyo malayo-malayo rin ang kaniyang nilakad hanggang marating niya ang bahay nito. Kasama nito sa bahay ay ang isang katulong habang ang mga anak nito ay may kaniya-kaniya na ring buhay. Nakilala niya ito dahil minsan ay dito nagtatatrabaho ang kaniyang Mama, sideline sa paglalabada. “Tao po! Tao po!” tawag niya mula sa labas ng gate. Hindi naman nagtagal ay lumabas ang katulong na babae upang pagbuksan siya. Kilala siya nito kaya maluwag siyang nakakalabas-masok sa bahay. “Kumusta na, Tisay?” nakangiti sabi ng katulong. “Okay naman po, Manang Ging. Kayo po?” tanong niya pabalik. “Okay rin.” Ngumiti pa ito at itinuro ang upuang naroon sa sala. “Maya-maya baba na si Ate. Hintayin mo na lang sandali at ako’y babalik muna sa kusina. Baka masunog ang niluluto ko.” “Sige po,” sabi rin ni Joyce na may ngiti sa labi. Umalis nga ang babae na may sa apatnapu na ang edad. Ito ang kasama ng Ginang noon pa man at tiwala na ang buong pamilyang Padua sa kaniya.  “Kanina ka pa ba riyan, Tisay?” tanong ng isang may edad nang ginang pero halata ang pagiging matalino nito sa mukha at talagang kagalang-galang. “Good morning po, Ma’am!” nakangiti niyang bati. “Hindi naman po. Sa katunayan po niyan, kararating ko lang din po.” Tumayo siya upang alalayan ang matanda na palagi niyang ginagawa kapag nandito siya. “Good morning din at salamat. Tara at mag-almusal muna tayo bago tayo umalis. At ayaw kong tinatanggihan,” tuloy-tuloy niyang sabi na kinangiti na lang si Joyce. Aayaw kasi siya kaya palaging ganito ang Ginang. “Sige po,” pagsuko niya. Sabay silang pumunta sa kusina at kumain kasabay ni Ging. Natatawa na lang ang dalawa sa mga kuwento ni Joyce tungkol sa lugar nila. Naging magana ang kanilang pagkain dahil sa pagdating ni Joyce lalo na’t hindi ganoon kasaya noong sila lang. Si Joyce ay may katangian na kayang pagaanin ang ano mang mabigat na dinadala ng tao.  Ilang sandali lang ang kanilang ginugol doon sa bahay bago sila umalis ng Ginang. Dahil sa isang itong guro rati, marami itong kilala at mabilis nakalakap ng impormasyon para makakuha si Joyce ng scholarship upang libre siyang makapag-aral. “Dapat maipasa mo ito, Tisay. Dito libre na tuition fee mo, libre ang libro at uniporme, at may monthly allowance ka pa. Minsan lang ito kaya dapat makuha natin.” Tumango si Joyce na kinakabahan. Maganda nga itong offer ng Anderson University kaya ayaw niya ng pakawalan. Ito ang isa sa mga hagdan upang marating niya ang dulo. Sumakay sila sa jeep at naglakad papasok sa eskwelahan hanggang marating nila ang opisina. Dito ay may pinasagutan na papel kay Joyce bago siya pinapasok sa isang silid kung nasaan ay may iba pang estudyante na nag-aabang para sa exam. Kinakabahan talaga siya kaya nakaramdam siya ng pamimigat ng kaniyang pantog. May nagbabantay naman sa kanila kaya tinaas niya ang kaniyang kamay upang makuha ang pansin nito. “Yes, Miss?” malumanay nitong tanong sa kaniya. “Ma’am, puwede po ba akong magbanyo muna?” bakas ang kaba sa boses nito kaya napangiti ang tagabantay. “Sure. But be back after five minutes. Any moment now, your examiner will be here.” Tumango si Joyce at mabilis na lumabas ng silid. Nakita niya kanina sa daan ang banyo kaya tinahak niya ang pasilyo papunta roon. Alam niyang nasa opisina pa si Ma’am Bernadette at hindi siya nito iiwan kaya hindi siya nabahala. Pero mas nababahala siya na baka maihi siya sa sobrang kaba. “Oops!” Muntikan na siyang mabangga sa isang lalaki noong bigla siyang lumiko mabuti na lang sanay siya sa kanila kaya agad siyang nakatigil. “Don’t run!” may pagkastrikto nitong sabi. “Pasensiya po. Nagmamadali lang.” Hindi man lang tumingin si Joyce kung sino ang nabangga niya at nagpatuloy sa banyo. Tuloy hindi niya nakita kung paano nandilim ang paningin nito at nagkasalubong ang kilay.  Ayaw nito sa pinakita niyang ugali.  Akala ng lalaki ay mayaman ito dahil sa makinis na kutis at kulay ng mata nito. Pero salungat pala dahil matatas ito magtagalog at ang damit ay may kalumaan. Her beauty and scent captivate the man’s attention without any effort… at hindi ito alam ni Joyce.  “Interesting!” he mumbled before he walked away. Habang si Joyce ay hindi na nagtagal sa banyo at bumalik agad sa silid ng kuhanan ng exam. Ngunit mukhang nandito na ang examiner dahil may nagsasalita na sa loob. Nahihiya man ay kumatok na rin siya. Tumigil magsalita ang tao sa loob at naglakad ito palapit sa pinto. Bumungad kay Joyce ay isang lalaking medyo matanda lang sa kaniya ng ilang taon. Hindi rin naalala ni Joyce na ito ang nakabangga niya kanina. “Good morning po, Sir. Isa po ako sa mga examinee, Sir. Nagbanyo lang po ako.” Napaangat ang gilid ng labi ng lalaki nang makilala niya ang babae. Hindi niya alam pero naiinis siya na gusto niya ang hindi pagkuha ng pansin ng babae dahil lang sa kaniyang mukha. Para sa lalaki, kakaiba si Joyce dahil ito lamang ang taong nakaya siyang tingnan sa mata na hindi nahihiya. Ito lang ang babae na parang hindi siya nakikita. Gusto niya ang ganito pero sa kabilang banda ay naiinis din siya kung saan ay sobrang nakakapanibago. “I know. Come in!” “Thank you, Sir!” malawak ang ngiti na sabi ni Joyce bago siya pumasok. Pero ang ngiting iyon ay nagpabilis ng t***k ng lalaki. Nalilito man kung ano ang kaniyang nararamdaman, napatikhim na lang siya upang pagtakpan ito. Sinirado niya ulit ang pinto bago siya humarap ito sa mga examinee. Nakita niyang nakaupo na rin ang babaeng nakaagaw ng kaniyang pansin kaya nagsalita na siya ulit. “As what I am saying, I am Artavius and I will be your examiner today.” Sunod ay pinaliwanag niya ang lahat ng mga kailangang sundin bago binahagi ang test paper kasama ang kanilang mga answer sheet. Tatlong oras lang ang palugit ng examination na mayroong apat na subject. Kaunti man ang oras ito ay dahil gusto nilang masubukan talaga ang talino ng bawat isa. Habang sumasagot ang lahat, patuloy siyang nag-iikot. Minsan, hindi niya mapigilang huwag mapalingon sa babaeng nakakuha ng kaniyang pansin. Hindi niya alam ang pangalan nito pero kahit sino ay mapapalingon. Ngayon lang din napansin ng lalaki na sexy rin pala ang babae kahit subsob ito sa papel at hindi dahil maiksi ang suot nito. Palagi niya ring sinisilip ang mga sagot nito at nakakaramdam siya ng pananabik sa magiging resulta nito. Also, he found out her name. ‘Joyce Scott’ Doon niya nahinuha kung bakit maputi ito at kakaiba ang kulay ng mata. Nakuha niya ito sa ama. Lumipas ng mabilis ang tatlong oras hanggang umalis si Joyce na masaya. Alam niyang nasagutan niya lahat pero hindi pa siya sigurado kung tama ba ang iba roon. Ngunit mas malakas ang paniniwala ni Bernadette na makukuha nito ang scholarship. Joyce deserve it. Habang si Artavius ay hawak ang isang answer sheet na nakangiti. Kakaiba ang ngiti nito na nino man ay hindi nakikita. “Really interesting.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook