Pagkaalis ni Art, doon lang nagkaoras ang dalaga na tingnan ang kaniyang dapat gawin para sa klase kinabukasan. Hindi naman ito mabigat kaya sa tulong ni Amelia ay nai-print niya agad ang assignment.
Picture lang naman ito ng gusto niyang disenyo ng isang ugali at kung bakit niya ito pinili. Mabilis makamemorya si Joyce kaya madali lang sa kaniya ang paggawa nito. Nagbasa lang siya ng ilang article tungkol sa lugar na kaniyang napili, at kung ano ang nasa loob nito. Binasa niya rin kung paano at saan ito nagsimula. She focused on the design and the people who designed it.
Maaga silang natulog at maaga ring nagising kinabukasan. Katulad ng laging nangyayari, si Joyce ang nauunang magising at nagluluto ng almusal, habang si Amelia naman ang huli mag-ayos.
“Hanggang anong oras ang klase mo?” tanong ni Joyce sa kaibigan.
“Mula seven hanggang four pero vacant ako ng ten to eleven, tapos two to two thirty. Ikaw ba?” balik tanong nito sa kaibigan.
“Seven thirty to five sa akin, habang ang vacant ko ay nine thirty to ten tapos one to two. Ayon dito, every Tuesday and Thursday iyon. Mas maaga kapag MWF ang klase ko. Mag-uumpisa ito ng six hanggang four ang klase ko.” Napabusangot si Joyce sa schedule nila ni Amelia na magkatabi.
“Mukhang magkaiba ang schedule natin. Hindi tayo magsasabay ng pagkain.” Kahit si Amelia ay nakaramdam din ng lungkot.
“Siguro, mas mainam na magluto na ako sa umaga para kain na lang pagdating. Medyo mahal na kasi kung sa canteen,” mungkahi ni Joyce bago sumubo.
“Mas gusto ko iyan. Nasubukan ko na ang pagkain sa canteen at ang masasabi ko lang, mas masarap ang luto mo.” Sinubukan nga niya ito noong kumuha siya ng entrance exam, at hindi talaga siya nasarapan.
“Kung umaga pala, baka gahulin pala tayo. Sa gabi ko na lang lulutuin tapos pa-refrigerator na lang natin. Kapag kakain ay initin na lang.”
“Sang-ayon ako. Pero mamaya ay canteen na muna.” Sumang-ayon naman si Joyce sa sinabi ni Amelia.
Mabilis na kumain si Amelia dahil mas malapit na ang oras ng klase niya. Nagpresenta na si Joyce na maghuhugas ng pinggan para makaalis agad ang kaibigan.
Pagkatapos ni Joyce mag-ayos at masigurado ang kaniyang mga dala, umalis na rin siya at pumunta sa building kung nasaan ang una niyang klase. Mabuti na lang at naglibot sila kahapon ang buong campus kaya alam niya na kung saan ang mga klase niya.
Pagpasok niya sa silid ay mayroon ng iilan na nandoon. Pero ang iilan na ito ay agad napalingon sa kaniya nang pumasok siya. Napa-isip tuloy si Joyce kung may dumi ba siya sa mukha o dugyot pa rin ba siya tingnan kahit bago ang mga gamit niya, mula paa hanggang ulo.
Bandang gitna ang napili niyang upuan. Dito, hindi ganoon katahimik at hindi rin gaano kaingay. Katamtaman lang kung baga. At baka sa huli, aayosin din naman sila.
Sunod-sunod na dumating ang iba pa tapos may naupo na rin sa tabi ni Joyce. Nakangiti itong bumaling kay Joyce kaya bumaling na rin ang isa. Napasinghap agad ito nang magkatitigan sila.
“Totoo ba iyang mga mata mo? Or are you wearing a contact lense?” Amaze itong nakatingin sa kulay gray na mata ni Joyce.
“Totoo ito,” natatawang sabi ni Joyce sa katabi.
“Wow! Ngayon lang ako nakakita ng ganiyang kulay ng mata sa malapitan.” Nangingislap talaga ang mata nito sa paghanga sa kulay ng mata ng dalaga. “By the way, Pia nga pala.”
“Joyce,” sagot nya rin at nagpatuloy, “ang ganda rin ng mata mo, Pia.” Kulay light brown kasi ito na maganda ring tingnan. Natural na sa eskwelahang ito ang magkaroon ng estudyante na may iba’t ibang kulay ng mata dahil karamihan ay kalahating banyaga ang mga ito.
“Salamat!” Nahihiya itong naglagay ng ligaw niyang buhok sa kaliwang tainga.
Hindi na sila nakapag-usap pa nang matagal dahil dumating agad ang kanilang guro. Medyo may edad na ito pero halata pa rin ang tikas at kagwapuhan nito noong kabataan niya pa.
“Good morning, class!” Bati siya pabalik ng mga estudyante. “I am Albert Gordon, and I will be your adviser and teacher on Architectural Design One.” Pakilala niya sa mga estudyante. Agad may natanong sa kaniya na halata namang nagpapa-cute lang.
“Ano po ang itatawag namin sa iyo, Sir?” May pakisap-kisap pa ito ng mata na nalalaman.
“Sir or Sir Albert na lang,” sagot niya naman bago tumingin sa lahat. “I won’t do a roll call because I memorized all of your names already. So, I will proceed to the assignment I assigned to everyone. Let’s hear from Miss Alcantara.”
Agad na tumayo ang nasa tabi ni Joyce. Doon niya lang nalamang Alcantara pala ang apelyido nito. Isa sa kilalang angkan ito sa lugar nila dahil nasa pulitika ang pamilya nito.
Nagsalita ito sa harap at maayos naman niya itong naitawid kahit kinakabahan siya. Halata kasi dahil nanginginig ang kamay niya na pinipilit niyang tinatago. Tumango lang ang guro pagkatapos niya tapos sunod-sunod na ang nagpresenta sa harap.
Ang explanation nila ay dapat hanggang limang minuto lang. Mabilis lang iyon at tama lang para matapos silang lahat bago maubos ang oras ng klase. Bahala ka kung nakapagsalita ka o hindi, basta limang minuto lang ang ibibigay sa iyo tapos pauupuin ka na agad.
Nang si Joyce na ang pumunta sa harap, halos lahat ay napapatingin sa kaniya. Habang nakatayo kasi siya ay buo talaga ang loob nito. Nakangiti ito at halatang hindi kinakahaban. Akalain mo tuloy ay nagtitinda ito at nag-aalok sa mga mamimili dahil hakot niya lahat ng atensiyon nila.
“I chose a house from Japan. The designs they use were both traditional and modern that really emphasize the development of the society but still the culture was there…” Marami pa siyang sinabi tungkol dito tulad ng kung paano ginawa, sino ang gumawa, at anong materyales ang ginamit nila. Lahat ay hanggang-hangga sa talino pinapakita si Joyce. Buo ang loob nito na iprinisinta ang napili at maniniwala ka talaga sa sinasabi niya. Nagamit niya ang buong limang minuto ng may katuturan, hanggang tinapos niya ito sa isang salita. “It may look simple, but it feels like home.”
Lahat ay nagpalakpakan dahil sa paghanga sa kaniya. Siya iyong tinatawag na beauty and brain kung baga. Buong paghanga na tiningnan siya ng mga kaklase.
“That was good, Miss Scott.” Tumayo ang guro sa gitna na mukhang may naalala pero hindi na niya sinabi. “Next,” sabi niya na lang at nagpatuloy sa klase.
Ilang minuto pa at natapos silang lahat. Hindi na kailangang ipasa ito dahil graded na sila pagkatapos nilang magprisinta. Ayaw kasi ni Albert na may magulo sa mesa niya kaya kadalasan ay record na agad ginagawa niya.
“Okay. Malapit na ang nest period ninyo kaya hindi na kaya ang magklase pa. Kaya naman, pag-aralan ninyo ang chapter one. Naibigan na ang libro ninyo kaya walang dahilan para hindi ninyo masasagot ang tanong ko bukas.” Timing din dahil oras na nga ng sunod na klase.
Nag-ayos agad ang mga estudyante para sa susunod nilang klase. Halos magkakatulad silang lahat kaya sabay-sabay rin silang maglakad.
“Ang galing mo kanina!” bukas ni Pia ng usapan habang naglalakad sila.
“Magaling ka rin naman,” sabi naman ni Joyce.
“Okay lang. Pero ikaw, saan mo nakukuha ang confidence mo?” Nakaramdam si Pia ng kaunting panibugho dahil siya talaga ay mahiyain.
“Nasanay lang siguro ako magsalita sa harap ng mga tao," sabi ni Joyce na nilingon pa ang bagong kakilala. Hindi niya na pinaliwanag kung paano, basta maraming tao.
Hindi nagtagal ang kanilang paglalakad at nakarating sa susunod nilang klase. Iba naman ang ginawa nila rito at naging abala na rin si Joyce.
Sa canteen na nga siya kumain pagdating ng vacant niya. Noong uwiian na, hindi agad siya umuwi at nagtanong muna kung saan ang office ng School Publishing. Doon kasi ang punta niya para alamin kung ano ang kaniyang gagawin.
Nang makarating siya, doon niya lang napansin na halos magkatabi lang pala ang opisina sa library. Pero sa hindi kalayuan ay may isang building na mukhang printing house. Sinadya ata sa medyo malayo upang iwas ingay sa mga taong nagbabasa at nagtatrabaho.
Kumatok muna siya sa pinto bago pumasok noong may sumagot sa loob. Isang guro lang ang nandoon at mukhang may ginagawa rin ito.
“Good afternoon, Miss!” bati niya sa batang guro pagkapasok niya.
“Good afternoon!" Bati rin nito palabalik at tiningnan siya. “Ikaw ba si Joyce Scott?”
“Opo!” buong galak na sabi ni Joyce.
“Mabuti at nandito ka na. Pakitulungan naman akong ayosin ang magazine at newspaper na iyan. Pag-aralan mo na rin para alam mo kung paano at ano ang gagawin.” Lumingon ito ulit kay Joyce bago nagpatuloy, “Pero ayon sa nabasa kong tungkol sa iyo, naging editor ka noong high school ka. May alam ka na sa gawaing ito, pero iyon nga lang ay magkaiba pa rin ang high school kaysa sa college. Kaya kung maaari ay pag-aralan mo na. Baka maging isa ka sa writers dito kapag walang magsusulat.”
Walang pagyayabang at pag-uutos sa boses nito. Sadyang sinasalaysay niya lang ang kailangang gawin ni Joyce, na naiintindihan naman noong huli.
“Sige po, Miss.”
Naging abala si Joyce sa pinagawa sa kaniya ng guro. Ilang sandali pa ay may pumasok ng iba’t ibang estudyante. Karamihan sa kanila ay nakasalamin at mukhang mga bookworm. Palagay tuloy ni Joyce nahanap niya ang mundo niya.
“Joyce here will be the additional one.” Umakbay sa kaniya ang guro bago nagpatuloy, “Dahil kulang tayo sa writer sa ating magazine, I will assign Joyce to join you.”
“Ano po ang gagawin ko?” tanong ni Joyce dahil hindi siya sigurado sa gagawin.
“Just write a poem, short story, or a joke. Sa iyo rin mapupunta ang pag-edit ng mga gawa ng mga estudyante rito. Syempre, kasama na roon ang pagpili mo sa marami sulat na iniiwan sa box diyan sa gilid.” Puno na nga ang box kaya napangiwi si Joyce. Malaking trabaho nga ito dahil sa dami.
Walang imik na sumang-ayon na lang si Joyce. Kaya iyon ang sunod niyang inatupag.
Monthly ang schedule sa pagbabalabas nila ng newspaper at magazine, kaya dapat matapos niya ito tatlong araw bago ang release date, o katapusan. Ang dalawang araw ay for printing habang ang huling araw ay distribution na.
Naging abala roon si Joyce hanggang ang guro na mismo ang nagpauwi sa kanila dahil alas-sais na ng hapon. Madilim na at sobrang gabi na mamaya kung hindi sila uuwi. Hindi naman nila kailangang mag-overtime dahil hindi naman sila sinasahuran.
Umuwi agad si Joyce at sa pagpasok niya, dalawang tao na naman ang kaniyang naabutan. Napakunot tuloy ang kaniyang noo sa pagtataka.
“Dito pala ulit maghahapunan si, Kuya,” sabi ni Amelia na nag peace sign pa.
“Na naman?” tanong niya na lang sa kaniyang isipan.